ANALYN POV Kinabukasan, nag tungo na kaming dalawa ni Brent sa bahay ng kaibigan nsa christening ng anak nila Marco at asawa niya. Simple lamang ang suot kong damit, ayaw ko naman kasing mag cause ako ng atensyon. Habang nag mamaneho si Brent, bigla nitong hinawakan ang kamay ko. "Ang saya saya ko Analyn... Halos abot langit ang ngiti ko dahil magkakaroon na tayong dalawa ng anak. Finally, magiging buo na ang pamilya nating dalawa." Nginitian ko siya, masaya akk na makitang masaya din ang partner ko,. "Maraming salamat din sayo Brent. Ang buong akala ko talaga, maghihiwalay na tayong dalawa dahil hindi kita mabigyan ng anak noon." "Ano kaba? Wala naman talaga akong plano na iwan ka. Sinabi ko lang yun dala ng depression. And now, kalimutan na natin lahat ng nangyari sa nakaraan."