ANALYN POV "Bakit? May problema ba?" tanong ko. "Wala naman. Pero di ba sinabi ko sayo na binyag ng anak ni Marco at asawa niya? Don't tell me nakalimutan mo?" "Ay sorry, sige wag kang mag alala attend naman tayong dalawa. At least hindi ka na mapapahiya sa mga kaibigan mo kasi nagkatotoo ang sinabi mo sa mga kaibigan mo. Hindi ka na mapapahiya." "Oo nga eh. Ang akala ko kasi talaga maghihiwalay na tayong dalawa. Pero ang totoo kasi noon, si mama lang nag nag pupumilit sa akin na hiwalayan ka. Iniisip niya kasi na baka tumanda ako at wala nang ibang mamamahala ng negosyo ko. Puro yun na lang ang bukambibig niya sa akin sa tuwing tatawag siya." Kung tutuusin, hindi na ako nagulat sa narinig ko mula sa bibig ni Brent. Simula't sapul naman, naging alipin na talaga siya ng mama niya kahit