ANALYN POV Kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Kapag sinabi ni Richard ang lahat kay Brentz siguradong tapos na ako. Nakipag kamay si Richard may Brent. "Siya nga pala, ako ang kapatid ni Marco pare. Salamat sa pagpunta mo rito." Nginitian siya ni Brent, "Brent nga pala. Kasama ko ang asawa kong si Analyn. Buntis din siya." Iniabot ni Richard ang kamay niya sa akin, "Nice to meet you!" Makikipag handshaken sana ako sa kamay niya para walang isipin na masama si Brent pero ito na mismo ang humawi ng kamay ni Richard. Napatingin ako sa asawa ko at nahalata ko na nagseselos ito. "Pasensya na pare. Madali kasing kapitan ng mikrobyo ang asawa ko. Maselan pa naman ang pag bubuntis niya." Nanatiling nakatingin sa akin si Richard. "Ah ganun ba? Sige congratul