ANALYN POV Bago kami umuwi ni Karen, tumambay muna kami sa isang fast food chain. At dahil na rin sa sinamahan ako ng kaibigan kong si Karen, nilibre ko na siya ng lunch. "Congratulations ulit at salamat sa libre mo. Nakaka takam ang pagkain dito sa restaurant. Nakakasawa na rin kasi ang pagkain sa bar." "Thanks, hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na buntis na ako. Sobrang tagal namin hinintay ito ni Brent and finally dumating na rin." "Deserve mo yan kasi naging mabait kang manugang. Matiisin ako at wala kang ibang ginawa kung di magsumikap para sa inyong dalawa ni Brent." Sa kalagitnaan ng pag uusap naming dalawa, bigla na lamang nag ring ang cellphone ko sa table. "s**t tumatawag si Brent," gulat na sabi ko. Napatingin ako kay Karen. "Sige na sagutin mo na 'yan at baka e