ANA POV
"Gold necklace 'yan, as you see, regalo ko 'yan para sa one year anniversary natin. Sana magustuhan mo," nakangiting sabi niya.
Maganda ang necklace na binigay niya sa akin at mukhang mamahalin pa ito.
"Thank you so much Brent, pramis iingatan ko ito. At tsaka, yung gift ko pala sayo-"
"Ang best gift na maibibigay mo sa akin ay yung magkaroon tayong dalawa ng baby. Yun lang ang hiling ko sayo sa first anniversary nating dalawa."
Tumayo siya at sinuot niya ang necklace sa leeg ko. Pagkatapos nito ay hinawakan niya ang kamay ko. Ang mga tingin niya, alam ko na ang mga susunod na mangyayari. Pumasok kaming dalawa sa kwarto at isinandal niya ako sa pader, dito ay hinalikan niya akong muli sa aking labi.
Sobrang passionate ang halikan naming dalawa. Ganito naman kami palagi kapag nami miss namin ang isa't isa. Palalim ng palalim ang halikan naming dalawa hanggang sa huminto siya.
"Tara shower muna tayo, medyo naiinitan na kasi ako eh."
Sumama ako sa kanya. Sabay kaming nag hubad at nagtungo sa shower. Habang bumubuhos ang malamig na tubig sa aming dalawa, hindi ko mapigilan ang sarili kong malungkot. Kahit pala kasal na ang mag partner, posible pala talagang malagay sa alanganin ang relasyon nila.
Hindi sapat na mahal niyo lang ang isa't isa! Kapag nagsawa na ang isa at sumuko, mahirap nang buuin ang relasyon.
"Okay ka lang ba Ana? Bakit parang ang lungkot ng mga mata mo?"
"Okay lang ako, siguro medyo puyat lang din kaya ganito ang mga mata ko."
"Don't worry, sasabihan ko si Mama na mag hired na ng kasambahay natin para naman hindi na ikaw ang uutusan niyang mag breakfast. After this night, kailangan mga magagaang trabaho lang ang gagawin mo para makabuo na tayong dalawa."
"Di ba sinabi ko na naman sayo na hindi naman ako pinahihirapan ng mama mo-"
"Regardless, kailangan mo pa ring magpahinga ng mas madalas. Please Ana, para ito sa future nating dalawa. Kung gusto mo na magtagal tayo, kailangan na nating makabuo para maging kumpleto na talaga ang pamilya natin."
Muli niya akong hinalikan habang naliligo kaming dalawa. Nag init kaagad ang asawa ko kaya sa cr pa lamang ay mayroon nang naganap na ipinag patuloy naming dalawa sa kama. Dahil sa pagod na pagod ako, nauna akong nakatulog sa bisig ng asawa ko.
Subalit pag gising ko, wala na siya. Napatingin ako sa table at nakita ko ang isang note na nakapatong sa isang red rose.
"Hon, sorry kung hindi na kita ginising pa. Ayaw kasi kitang maabal sa tulog mo. Pinag lutuan na rin kita ng makakain. Please update me kung may nabuo na ba tayo. Ipagdadasal ko na sana talaga mayroon na tayong mabuo. And siya nga pala, sinabi sa akin ni Mama na bukas pa siya makakauwi kasi mayroon langd aw emergency. Mag pa deliver ka na lang ng pagkain kung nagugutom ka, nag iwan naman ako ng pera jan. I love you."
Natagpuan ko ang sarili ko na nakangiti sa sweet na message sa akin ni Brent. Subalit, napalitan ito kaagad ng lungkot dahil naalala ko ang sinabi niya sa akin kagabi.
Dahil sa wala ang mama ni Brent at gusto kong mag release ng stress, tinawagan ko si Karen, ang kaibigan ko sa bar para naman hindi lang iilang mukha ang nakikita ko. It has been one year simula noong umalis ako sa bar. So far, nakaka miss ding mag walwal kasama niya.
Tinawagan ko kaagad si Karen at kaagad naman siyang sumagot.
"Hello kamusta ka na? Bakit ngayon ka lang napatawag sa akin?"
"Pwede ba akong mag punta jan?" bungad na tanong ko.
"Ha? Eh di ba hindi ka nga pinapayagan ng asawa mo na magpunta ulit sa bar? Baka magalit na naman 'yun eh."
"Hindi... wag kang mag alala, wala naman siya ngayon at mama niya. Gusto ko lang talagang mag release ng stress at tsaka na mi miss ko lang ang bar."
"Oh sige, punta ka rito ng 4 pm ng mapag usapan nating dalawa ang problema mo. Mukhang malungkot na talaga sa tono pa lang ng pananalita mo."
4 pm ng hapon, nagkita kaming dalawa ni Karen sa bar. Bibigyan sana niya ako ng alak pero tumanggi ako.
"Mukhang nagbagong buhay ka na talaga ha? Parang hindi na kita ma reach."
"Karen, sorry pero may malaking problema lang ako."
"Ano?"
"Eh kasi nga di ba, one year na kaming kasal ni Brent. Hanggang ngayon kasi, hindi ako nabubuntis. Kagabi nang dumating siya, pinagtapat niya sa akin na iiwan niya ako kapag hindi pa rin ako mabubuntis."
"What? Bakit naman ganun siya? Nako mare, baka lang nagpapalusot ang asawa mo kasi nambababae 'yan. Baka may iba na siya tapos balak ka na niyang iwan. Kaya ayaw ko talagang magpakasal sa boyfriend ko kasi wala namang kasiguraduhan na kami talaga para sa isa't isa."
"Paano ba masasabi na forever? Kapag kasal na? Hindi! Kapag 75 na kayong parehas pero kayo pa rin. Passing grade yan hindi lang sa school kung di sa totoong buhay. Tsaka trabaho ang inaatupag ni Brent sa Batangas, never siyang mag iisip na lokohin ako."
"Sigurado ka ba? Kasi lalaki pa rin ang asawa mo at ang mga lalaki, may kakatihan talagang taglay. Lalo na't gwapo si Brent na hawig ni Wendell Ramos, baka may umaahas na sa kanya."
"Sure ako-"
"Teka, baka may mga katrabaho siyang babae doon?" pagputol niya sa akin.
"Wala! Puro sila mga lalaki sa office, never naman niyang maiisipang gawin 'yan. Pero kasi ang mama niya, masyado kasing pakialamera. Sure ako na sinusulsulan niya ang anak niya para hiwalayan ako."
"Yan kasi ang hirap sa mga biyenan, nanghihimasok na lang palagi sa mag asawa. Tapos halatang mama's boy pa ang lalaking nakuha mo. Bakit kasi kailangan pa yang makitira sa inyo."
"Eh wala na naman siyang ibang kamag anak eh. Paano lahat kaaway din niya, literal na masama ang ugali. Galit na galit nga ako kasi hindi naman maayos ang pagtrato niya sa akin kapag wala si Brent. Panay ang utos niya, akala mo kasambahay ako."
"Galit na galit ka na! Bakit hindi mo isumbong yang monster mom niya para naman madala!?"
"Hind na! Masyado nang stress ang asawa ko sa trabaho niya-"
Biglang tinawag si Karen ng isa niyang kasamahan. Nag paalam ito sa akin at iniwan ako kasama ang alak na binigay niya. Na attempt akong mag inom, isang tungga lang naman kasi na miss ko ang alak. Makalipas ang ilang minuto, may umupong isang lalaki sa tabi ko.
Napalingon ako sa kanya at nakita ko na isa itong gwapong lalaki. Matangos ang ilong, maputi, at mayroong dimples. Nang ngumiti siya, nagsilabasan ang kanyang magagandang ngipin.