2

1026 Words
ANA POV 6 pm ng gabi, narinig ko ang sasakyan ni Brent sa labas. Sobrang unique lang talaga sa tenga ko ang tunog ng sasakyan niya. Mabuti na lamang at tapos na akong mag handa ng intimate dinner para sa aming dalawa. Dali dali akong nag punta sa gate at sinalubong ako ni Brent. Mayroon siyang dalang dalawang paper bag. Naka suot siya ng corporate attire, naamoy ko kaagad ang pabango niya pero bakas ko ang pagod sa kanyang ngiti. "Hon, welcome back," sambit ko ng makalapit ako sa kanya. Ipinalupot ko ang mga kamay ko sa leeg niya at binigyan ko siya ng isang maaliwalas na ngiti. Binigyan naman niya ako ng isang matamis na halik. "Sobra kitang namiss, hon," sambit niya. Hindi nawala ang ngiti ko sa labi. "I missed you to as well, isang linggo ka ring nawala sa piling ko. Kahit na madalas tayong nagvi video call, iba pa rin talaga yung makita natin ang isa't isa sa personal." "Sige, mukhang pagod na pagod ka na," kinuha ko ang panyo sa bulsa. "May surprise ako sayo, since hindi tayo makakapag celebrate ng one year anniversary nating dalawa, mas maganda siguro kung i a advance na lang natin ngayong gabi." Pinirangan ko na ang mga mata ni Brent at inalalayan ko siya hanggang sa makapasok kami sa loob. Ako na mismo ang nag tanggal ng piring niya sa mata. Iniikot niya ang kanyang tingin, sa una ay kinabahan ako pero sa bandang huli, napangiti siya sa kanyang mga nakita. "Wow! Ang dami na pala nating mga pictures sa mga bakasyon natin. Meron ka pang mga pa balloons at romantic candle. Salamat sa pag e effort mo. Sigurado akong napagod ka." "Ano ka ba? Wala 'yun!" nakangiting sabi ko, "Maliit na bagay lang ito kumpara sa mga nagawa mo sa akin." Hinila ko ang upuan at pinaupo ko. Naupo ako sa harapan niya. "Siya nga pala, wala dito si Mama Cynthia, umalis siya kasi may lakad daw sila ng mga amiga niya. Bukas daw siya uuwi." "Yes, alam ko naman ang tungkol doon. Siguro nahihiya lang din siya sa ating dalawa kasi excited na siyang magkaroon ng apo. Nagkausap kasi kaming dalawa kanina-" "Siya nga pala, mayroon ka raw sasabihing importante sa akin," pag putol ko sa kanya. Sa totoo lang, sigurado akong masasakit na salita lamang ang sinabi ng mama niya tungkol sa akin kaya gusto ko na lang umiwas. Hinawakan bigla ni Brent ang kamay ko. Nawala ang ngiti sa kanyang mukha kaya bigla akong kinabahan. "Listen to me Ana, matagal na tayong kasal pero kahit anong gawin natin, hindi talaga tayo makabuo-" "Eh di subukan ulit natin," pag hihikayat ko sa kanya, hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, "Di ba naniniwala naman tayong dalawa sa perfect timing? Nagpa check up naman tayo pero wala namang problema di ba? Ang mahalaga naman dito, matibay ang pagmamahalan nating dalawa." Gumuhit ang pagiging seryoso ng kanyang mukha. "I will give this last chance para sa relasyon nating dalawa. Kapag hindi ka pa rin nabuntis hanggang sa araw ng binyag ng kumpare ko, I am so sorry pero baka hindi talaga tayo para sa isa't isa." Nang marinig ko ang huli niyang sinabi, halos pumatak kaagad ang luha sa mga mata ko. Hindi ko kayang mawalay sa piling ni Brent. Mahal na mahal ko siya dahil siya lang ang nagparamdam sa akin na mahalaga akong tao. "Hon, ipagtapat mo nga sa akin, sinusulsulan ka ba ng mama mo para gawin ito?" Binitawan niya ang kamay ko at sumandal siya sa upuan, at tiningnan ako ng masama. "Sa tingin mo ba ganu'n kasama ang mama ko? Oo, alam naman nating dalawa na against siya sa relationship natin pero tinanggap ka pa rin niya kasi ipinaglaban kita. Pero siguro tao lang din ako na napapagod at tumatanda. Please, sobra na akong na pe pressure Ana. Kailangan ko nang magkaroon ng sarili kong baby para hindi naman ako nale left behind. Don't worry, marami pa naman tayong chance para gumawa ng baby. Pero hanggang two weeks na lang ang kaya kong ibigay," namumugtong na ang luha sa mga mata niya subalit halatang pinipigilan niyang umiyak. "Mahal naman kita, pero hindi iyon sapat para maging matatag ang relasyon natin. Sorry, alam ko naman na wala ka nang ibang babalikan, but for almost twelve months, napagtanto ko na baka nga hindi tayo para sa isa't isa." Parang wala na akong ganang ituloy ang dinner date naming dalawa. Sa relasyon na ito, totoo nga ang kasabihan na huling bibitaw ang babae. Subalit naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan ni Brent, baka talagang gusto na niya na maging isang tatay. Binuksan niya ang nakatakip at bumungad sa harapan niya ang paborito niyang sinigang. Nawala ang lungkot sa mukha niya. "Mukhang masarap yata itong niluto mo ha? Sakto gutom na gutom talaga ako kasi lunch pa ako kumain." Habang kumakain siya, nakatingin lang ako sa kanya, balewala na sa akin ang pag puri niya sa pagkaing inihain ko. "Oh? Bakit ayaw mong galawin ang pagkain mo?" tanong niya sabay bukas sa wine. "Busog pa kasi ako eh," pag sisinungaling ko sa kanya sabay ngiting tipid. "Ah ganun ba?" sambit niya, tiningnan niya ang katawan ko, "parang nadagdagan ka na yata ng timbang ha? Baka isa yan sa factor kung bakit ka hindi mabuntis." "Ha?" kunot noong sabi ko sa gulat, "may babae nga na kahit kasing taba ni Barney nabubuntis pa rin. Ano pa kaya akong katamtaman lang ang katawan." "Magtapat ka nga sa akin Ana, please sabihin mo sa akin kung maayos ka bang tinatrato ng mama ko?" "Oo naman," mabilis kong pag sisinungaling. "Sa katunayan nga, close kaming dalawa ng mama mo." Kahit gustuhin ko mang sabihin ang pagma maltrato sa akin ng mama niya, natitiyak ko naman na magiging isang malaking gulo kung magsasalita ako. Ngayon na nag aalangan ang relasyon naming dalawa ni Brent, hindi ako papayag na madagdagan pa ang problema naming dalawa. "Sige... natutuwa naman ako kung ganu'n, siya nga pala, may pasalubong ako sayo." Nakangiti niyang ibinigay sa akin ang paper bag. Binuksan ko ito at napangiti ako ng makita ko ang regalo niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD