4

1029 Words
ANA POV "Hello miss! Mukhang mag isa ka yata ngayon ha?" Kahit halatang kinikilig ako, hindi pwedeng matukso dahil mayroon na akong asawa. "Sorry taken na ako, sa iba ka na lang makipag usap," sambit ko sabay inom. "Ah ganun ba? Actually pwesto ko kasi ito eh. At tsaka maraming tao sa bar, mahirap kung wala kang katabi." "Teka lang, sino ka ba?" tanong ko. "Richard nga pala," nakangiting sabi niya sabay abot ng kamay niya sa akin. "Nice to meet you." Tinanggihan ko ang kamay niya at tinaasan ko siya ng kilay, "Sorry, hindi ko sasabihin ang pangalan ko sayo. Sige na, lilipat na lang ako ng ibang pwesto kung dito ka pala madalas umupo." Aalis na sana ako ng biglang dumating ulit si Karen kaya napaupo akong muli. "Sorry friend, may inasikaso lang ako," sambit niya, napatingin siya kay Richard na para bang kilala niya ito. "Okay lang," sambit ko. "Siya nga pala Ana, si Richard nga pala, loyal customer namin siya rito at dito siya madalas pumwesto. Mabait naman 'yan at tsaka madalas mang libre." "Karen, sorry pero loyal talaga ako sa asawa ko-" "Ha? Bakit, kakausapin mo lang naman si Richard ha? Matinong lalaki naman siya at tsaka aware ka naman na work mode ako ngayon kaya madalas akong nag aasikaso ng customer," pagtatanggol pa niya. "Orderan mo nga kami ng dalawang bote ng tequilla," sambit ni Richard, ang mga lalaki talaga mahilig magpa impress. "Diba sabi ko sayo malakas manlibre 'yang si Richard, itatlo ko na para naman mayroon din akong iinumin." "Walang problema Karen, samahan mo na rin nang pulutan." Tumayo si Karen at naiwan kaming dalawa ni Richard. Gwapo siya pero mukhang hindi pa rin siya mapagkakatiwalaan. At never niya akong madadaan sa ngiti niya kahit na may dimples pa siya! Si Brent lang ang mahal ko at nandito ako para mag release ng stress, hindi para makipag landian sa kung sino sinong mga lalaki. "Paano pala kayo nagkakilala ni Karen?" bigla niyang tanong ng nakangiti. "Malamang dito ako nag trabaho dati bilang waiter kaya kilala ko si Karen. Siya lang naman ang matalik kong kaibigan dito sa bar at marami na kaming napagsamahan kaya masasabi kong totoo ko siyang kaibigan." "Talaga? Bakit ka nag resign?" "Bakit ka naman nag resign?" "Kasi nga nag asawa ako. Dito ko rin siya nakilala sa bar at sinabi niya sa akin na hindi na ako magtatrabaho sa bar kasi ibabahay na niya ako. Kaya ayun, nag resign ako at naging housewife na lang. And for your information, isang taon na kaming kasal ng asawa ko." Dumating si Karen at nadatnan niya akong umiinom ng beer. "Hoy ano 'yan Ana? Akala ko ba hindi ko umiinom? Nakatabi ka lang sa gwapo tapos bigla ka na namang lumandi." "Ano ka?" napatingin ako kay Richard na nakangiti lang sa akin. "Marami lang talaga akong problema na iniisip kaya napainom ako." "Nako! Paano ka mabubuntis niyan kung umiinom ka!" Napataas ako ng kilay sa sinabi ni Karen, "Hoy! Secret lang natin 'yung dalawa ha?" Napatakip siya ng bibig. "Ay sorry na..." "Really? One year na kayong kasal pero wala pa rin kayong anak? Nag try na ba kayong magpatingin sa doctor?" pag uusisa ni Richard. "Pwede ba, mind your own business? Kasi ngayon lang naman tayo nagkakilalang dalawa. Wag feeling close!" pag susungit ko sa kanya. Sa kabila ng mga sinabi ko, nanatiling nakangiti si Richard. Ganitong ganito rin ang sitwasyon namin ni Brent noon. Sinupladuhan ko siya pero nanatili lamang siyang nakangiti. Pero aminado ako, kung sa hitsura ang pagbabasehan, mas gwapo si Richard kaysa sa asawa ko. "Grabe ka naman Ana, paano kung hindi na bumalik rito si Richard? Mawawalan pa kami ng customer." "Sorry, heto naman kasi si Richard, malakas maka chismoso ang dating. Kalalaking tao eh." "Okay lang naman. Mali ko rin naman siguro kung sa tingin mo ay nakiki chismis ako. Nagulat lang din ako na one year na kayo pero wala pa rin kayong baby. Ang maipapayo ko lang, sana magpa check up kayong dalawa-" "Matagal na kaming nagpatingin sa doctor ng asawa ko. At ang sabi sa amin ng doctor, normal naman daw kaming parehas," pagputol ko sa kanya. "Nako Richard, ang sabi kasi ng asawa niyang si Ana, kapag hindi pa raw siya nabuntis, hihiwalayan na siya ng asawa niya." "Please Karen... sikreto lang sana natin itong dalawa." "Ay sorry," muli na namang dumagsa ang mga tao at umalis siya. Naiwan na naman kaming dalawa ni Richard sa isang awkard na sitwasyon. Nag inom lang ako ng nag inom, hindi ko na siya pinansin pa. -------------------------- -------------------------- RICHARD POV Kahit na sobrang supladahan pa ako ni Ana, nanatili pa rin akong nakangiti. Hindi ko alintana ang pag susungit niya kasi ramdam ko na mayroon siyang pinag dadaanan. Sa totoo lang, magandang babae naman siya pero mas nag iinit ang mga mata ko sa bag niya. Kung dating waitress si Ana rito at nakilala lang niya sa bar ang asawa niya, ibig lang sabihin nito ay mapera ang asawa niya. Halata naman ito dahil sa branded na bag niya at necklace. Kapag may pagkakataon talaga ako, gusto ko siyang maiskoran ngayong gabi. Hinayaan ko lang siyang uminom ng uminom. Pag sapit ng 11 pm, lalong naging maingay sa loob ng bar. Halos magsayawan na lahat ng tao. Napatingin sa akin si Ana dahil kaming dalawa na lamang ang nakaupo. Lahat ng tao ay nagsasayawan na sa disco ball. "Gusto mo bang sumayaw?" tanong ko sa kanya. "Pass, kung gusto mong sumayaw, wala ang pakialam," pag susungit niya sa akin. Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Lasing na lasing na si Ana at parang hindi na nga nito kayang umuwi. Bumalik bigla si Karen at umupo sa tabi ni Ana. "Hoy gaga ka! Di mo ba naisip na uuwi ka pa?" "Magta taxi na lang ako," sagot ni Ana. "Ihatid mo na ako sa sakayan." "Nako, hindi pa tapos ang duty ko teh! Baka pwedeng dumito ko muna." "Hindi pwede! Baka mahuli ako ng mama ni Brent at isumbong ako. Sigurado akong makakarating pa ito sa asawa ko." "Ako, pwede ko siyang ihatid sa bahay niya," pagputol ko sa usapan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD