ANALYN POV "Alam ko na natutuwa ka sa mga nangyayari ngayong araw." "Ha? Tungkol po ito saan?" "Wag ka nang mag maang maangan pa! Tuwang tuwa ka siguro dahil sa kamping kampi ang asawa mo sayo kanina at todo todo pa ang pagtatanggol niya sayo." "Ma... hindi ko naman po inudyukan si Brent na gawin yun." "Well... kung ako sayo, hindi ako magse celebrate ng maaga dahil lang sa lilipat tayo ng Batangas at madalas mo nang makakasama si Brent. Muchacha ka parin sa paningin ko at kahit kailang ay hindi na yan magbabago pa." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Masyado siyang mapangmaliit sa akin. Kung hindi ko lang talaga mahal ang asawa ko, hinding hindi ako magta tyaga na pakisamahan ang mama niya. "Excuse me po, iihi lang ako," sambit ko sa kanya. Hindi na niya ako kinibo