14: Fears

1445 Words
PABILING-BILING siya sa higaan. Hindi maunawaan ni Blue sa sarili niya kung bakit hindi maalis sa isipan niya ang nangyari sa pagitan nila ni Page kanina. Hindi siya mapakali sa kakaisip mula sa pilyang paghipan nito sa batok niya hanggang sa paghampas nito ng pants sa mukha niya at pagganti nito ng salita na joke lang yata raw na may allergy sa sexy. He chuckled. Sinong hindi matatawa rito, wala naman siyang sinabi na may allergy siya sa sexy. Sabi niya, mahina ang resistensya niya sa sexy, which is means, huwag siyang hawakan nito nang biglaan. Magkaka-hives siya at hindi 'yon birong klase ng phobia. Oo nga at kakaiba, pero hindi joke 'yon. He's struggling to that freakin' illness until now, considering na adult na siya. He seriously can't imagine, paano na lang kung walang gamot sa hives na nararanasan niya sa tuwing mahahawakan siya sa intimate na paraan ng isang tao? He really should be thankful na mayroon. Inaalok na rin siya ni Doc Akilles na magpa-depth consult. Hindi niya nga akalain na darating siya sa punto na ikokonsidera na 'yon ngayon. Kino-consider niya pa lang naman, hindi pa final. 'Yon ay ay dahil sa anak niyang si Baby Sky. Gusto naman din niyang mayakap 'to at mahagkan nang walang iniintindi na fear. Yes, fear. 'Yon ang tamang salita sa klase ng illness na mayroon siya. It all started with... fear... Napapikit siya nang masilaw siya sa kidlat dulot ng masungit na panahon sa labas. Pero ang pagkasilaw niyang 'yon ay saglit lang dahil narinig niyang tumili si... Page? Eksaktong makabangon siya sa pagkakahiga ay hayun na nga 'to, tumatakbo na patungo sa kutson niya. 'Yon lang naman ang tinutulugan niya sa mezzanine dahil ayaw na ayaw niya sa kama at nahuhulog lang siya. Malikot kasi siyang matulog. "B—Blue, p—puwede bang dito muna ako matulog ngayong ga—gabi..." Kumunot ang noo niya, nanginginig kasi ang tinig nito. Nang makasampa 'to sa kutson ay kaagad nitong hinaltak ang comforter niya, ikinumot 'yon sa sarili hanggang sa mukha nito saka 'to nanginginig na nagsumiksik sa gawing bewang niya. Sa tulong ng kakarampot na ilaw mula sa galit na kidlat sa labas at sa dim light ng lampshade niya, malinaw niyang nakita na tila natatakot 'to sa ilalim ng tinalukbong nitong kumot sa sarili. "P—Page?" "Please! Kahit ngayong gabi lang!" pakiusap nito. Nang isang nagngangalit na naman na kidlat na may kasamang kulog ang nag-ingay, tumili na naman 'to. Clearly, she's trembling in fear right now... Inangat niya ang palad niya, ayaw niya sana 'tong hawakan dahil siguradong 'pag ginawa niya 'yon ay magdidikit ang mga balat nila. Tanda niyang ito ang huling araw na binigay ni Doc Akilles sa kaniya na effectivity ng gamot na ibinigay nito. Kung hahawakan niya si Page ngayon, paano kung bigla na naman siyang magka-hives? "Dito muna ako, please. T—Takot ako sa kulog at kidlat," ani Page sa nanginginig na boses. "Kumi—kidlat noon, kumukulog, bumabagyo! N—Nang gabing hinabol niya ako... at... at... kamuntikan nang ma... maabutan..." Blue cursed under his breath— to hell with that fvcking hives! To hell with that freaking fear, damn it! Kaagad niyang hinila ang tinalukbong nitong kumot sa sarili, kaagad din niya 'tong niyakap upang aluin. Bahala na pero hindi siya taong bato. Hindi niya kaya na may babaeng umiiyak lalo na at kaharap niya lang 'yon. "Hush, Page, I'm here, you'll be fine... with me." NAPALABI si Page nang magising siyang wala na si Blue. Hindi na niya 'to dinatnan. Tinakbo pa naman niya ang pagpanaog upang maabutan sana 'to pero failed. Napuna niya ang sticky note na nasa ibabaw ng nakatakip na kung ano sa ibabaw ng mesa. Eat a healthy food, missy. Wala ka nang kukunin kay Grey, pinatapon ko na. It's not good for your health, by the way. Uy, ang sweet naman ng CEO ng Henson Corp. She's wondering kung aware ba 'to sa ka-sweet-an nitong taglay at ngayon nga ay may pa-foods pa 'to sa kaniya na siguradong ito ang nagluto. Hmn, anong oras kaya nagising 'to? Mukhang napaaga at nakapagluto pa bago pumasok. Napangiti siya nang maalala niyang nakatulog silang magkayakap nito last night. Hinayaan siya nito kagabi. Pinayagan siyang umakyat, pinayagan siyang matulog sa tabi nito... Nasapo niya ang sariling dibdib nang bigla na lang na magtaas-baba 'yon at dumagundong. Shocks, hindi siya teenager upang umakto nang gano'n. Hindi na rin siya teenager para hindi niya malaman kung ano nang lagay ng feelings niya sa mga sandaling 'yon. Hindi 'yon mapalagay. Aasa pa ba siya na mapalagay 'yon, gayong napakalawak na ng ngiti niya sa labi habang sumusubo with gusto? Naputol ang mga naglalaro sa isipan niya nang tumunog ang phone niya na nakalapag sa mesa. Someone texted her. At ang someone na 'yon ay isang taong hindi niya inaasahan na gano'n kabilis siyang ite-text at sasabihang magkita sila. Hindi nito 'yon sasabihin kung wala 'yong ibig sabihin. Hinding-hindi ito magte-text sa kaniya kung hindi 'yon tungkol sa importanteng bagay. Ang kaninang masarap na pagkain ay naglasa tuloy walang asin sa bibig niya dahil sa natanggap niyang mensahe. Well, buti na rin lang at hindi pa nila nasundo ni Blue si Baby Sky. At least, makakalakad siya ngayon nang mag-isa. Mas mapapabilis siya. "FINANCIAL statements from Pampanga and Bulacan branch, 'yan na, bossing," sarkastikong turan ni Grey sa kaniya. Inilapag nito sa office table niya ang mga papel na pinakalap niya rito, as soon as possible. "Whoa! Nagawa mo talaga, legit?!" Mangha at tatawa-tawa na sambit ni Red. Blue raised his eyebrow. "Good." "Very good," pagtatama ni Grey sa sinabi niya, humihirit pa. "Okay then, very good," he said sarcastically. Umingos 'to. "Grabe! Labas sa ilong! Hayst." Tumawa si Red. "Alright, ang CCEO na ng company ang magsasabi, you did a very great job, Lexus Grey Henson!" "Ulol!" ani Grey, pabirong inambahan ng batok ang pinsan na si Red, na tatawa-tawa pa rin. "Good job, indeed," papuri niya, legit na, habang pinagmamasdan niya ang report na binigay nito. Napangisi si Grey. "Salamat, bossing, CEO, amo." Nag-salute 'to sa kaniya, "Hayaan niyo po, hindi na mauulit na isasakay ko ang babaeng pinipintig ng puso niyo sa kotse ko. Kahit pa ba sa susunod na mangyari 'yon ay manganganak na siya— ulit." Napaamang siya. "What...?" mahina niyang tanong. Grey shrugged his shoulders. Saka nito tinapunan ng tingin si Red, na may dinudukot na rin palang papel sa folder na hawak nito. "Si Page ang nanay ni Baby Sky, Blue," Red declared. Sa tonong tiyak 'to. "W—What? B—But, how...?" Hindi mapuknat na pagtataka niya. Anak niya si Baby Sky, maraming beses na nilang nasigurado 'yon. Kung si Page pala ang nanay nito, meaning... "Hindi pa kumpleto ang report na 'to, actually." Red said, habang inilatag na rin nito ang mga papel na tangan, "I mean, ang na-confirmed pa lang ng investigator ay ang bio ni Page Sanrio Romualdez-Yuzon." "Yuzon!" gulat na bulalas niya. "Uh—huh, isang Yuzon pala siya, I told you!" sambit ni Grey. "Anyway, thanks to Grey, nang makasama niya si Page noong nakaraan papunta sa supermarket ay nakak'wentuhan niya 'to, kundi kasi dahil do'n ay mukhang matatagalan tayo na may malaman patungkol kay Page. Wala talagang lead, nakipagsapalaran lang kami ni Grey sa nakuha niyang basic info from Page." "Natanong ko kasi siya kung saan pinanganak si Baby Sky, you know, nahi-hint ko na kasi na siya ang nanay ng baby. Curious akong malaman kung bakit niya dine-deny, and from there, tama nga siya sa sinabi niyang ospital. Nang gabing 'yon mismo ay nakuha ko ang info na siya ang nanganak sa baby na may pangalan na Blue Sky. Hindi pa nga rehistrado ang bata sa kahit saang munisipyo, mukhang hinihintay pa ang tatay na makapirma sa birt certificate nito and that is you," Grey added. "Nang gabi din na 'yon? Then why, bakit hindi mo sinabi sa 'kin kaagad?" "Hell! Pinagselosan mo 'ko, 'oy, remember?" Tumawa na naman si Red. Ito naman ang masaya ngayon, puna niya. "Okay, let's back here," pag-angat ni Red sa ere ng bond paper na galing sa folder. "Ito pa lang ang alam natin, na siya na nga mismo ang mommy ni Baby Sky, bukod sa ikaw ang tatay ng bata." Tinignan siya nito. "Now, the infos you provided to the investigator is under observation pa, though, may balita sila sa 'kin na any minute by now ay may ibabalita sila about it." "O...kay..." 'yon lang ang naitugon niya. Dahil naglaro na sa isip niya ang nakaraan kung saan niya naaalalang may nakaniig siyang babae at nagbunga nga ang isang gabing 'yon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD