13: Quits

1528 Words
MAY kung anong mainit na bagay ang humaplos sa puso ni Page nang isa-isahin niya ang mga pinadalang litrato sa kaniya ni Haya. Nakalimutan daw kasi nitong ipakita 'yon sa kaniya. Minadali na kasi 'to ni Grey sa pag-alis. Pag-alis naman ng dalawa ay naiwan na sila ni Baby Sky sa living room ng bahay ni Blue, hindi na kasi 'to bumaba hanggang sa gumabi na't matulog na sila ni Baby Sky. Ayaw man niyang isipin pero hindi mawala sa isip at pakiramdam niya na parang nagalit 'to kaya gano'n. Nagalit ba 'to nang piliin niyang iwan si Baby Sky kay Haya? Pero nagalit din naman 'to dahil sa coffee mug na nabasag niya ah, ang gulo naman nito. Sa kabila naman niyon ay natutuwa siyang malaman na kinarga na at kinausap nito si Baby Sky. Bagay na nais niyang mangyari. Ang mapalapit 'to sa anak. Sana lang ay magtuloy-tuloy na 'yon. Siya ang unang tao na matutuwa 'pag nagkataon. Speaking of Baby Sky, wala 'to ngayon do'n. Literal na siya na namang mag-isa ang nasa bahay ni Blue dahil pinasundo ni Don Vladimir sa manugang na si Celeste ang apo. Kahit huwag na raw muna siyang sumama para makapag-bonding 'to at si Baby Sky. Sunduin na lang daw nila 'to later night or bukas ng gabi. She doubt kung masusundo nila ngayong gabi si Baby Sky, why, e, ang lakas ng topak ni Blue! Paggising nila ng anak nito kanina ay wala na nga 'to ro'n sa bahay. Parang iniwasan siya nito na ewan. Malungkot na lang niyang pinagmasdan ang binili niyang coffee mugs. Wala nga siyang nabili ng mug na katulad ng nabasag niya pero sayang at hindi niya man lang naipakita rito ang bagong bili niyang mugs. Family mugs pa naman 'yon. For him, for her at pang kay Baby Sky. Na-cute-an lang siya nang makita niya sa mall. Inakala niyang maku-cute-an din si Blue, akala lang pala niya. Tsss, maliligo na nga lang siya. Kaysa mag-abot na naman sila nito sa dining. Mas maigi pa yata na huwag na silang magpang-abot lalo at wala ro'n si Baby Sky ngayon. Tutal din naman ay may pagkain na ro'n na dinala ni Celeste para sa kanila, maaari na nila 'yong hapunan. NAKAKAPANIBAGONG katahimikan ang sumalubong kay Blue nang umuwi siya ng hapon na 'yon. Sabagay ay alam naman niyang wala ngayon do'n si Baby Sky, pinasundo raw ng lolo niya kay Auntie Celeste kanina, ayon sa messages na natanggap niya from them earlier. Hindi lang niya sigurado kung naroon si Page. Hindi niya alam kung umalis na naman ba 'to, ayaw na lang din niyang masyadong pakaisipin, maiinis lang siya na naman 'pag nagkataon. Hindi niya rin alam kung bakit siya nainis sa kaalaman na sumama 'to kay Grey. Sabi nga ni Red, wala namang kaso sa pagsama nito sa pinsan nila. Kung inaalala niya ay ang safety ni Page, hindi naman 'to pababayaan ni Grey. Pero basta, hindi rin niya alam. Wala siyang paliwanag na maapuhap sa sarili kung bakit siya sumabog. Unless, tama nga yata si Red— nagseselos siya yata. Tumikhim siya upang mawala ang biglang bara na naramdaman sa naglaro sa isipan niya. Tahimik pa rin sa loob ng bahay hanggang sa makarating na siya sa hapag at nakita niya ro'n ang nakatakip na pagkain na siguradong galing sa mga bisita nila kanina, at ang coffee mugs... Kinuha niya 'yon. Hindi man inaasahan ay natuwa siya sa disenyo niyon na may nakasulat pa na mom, dad and baby. A family mugs. Puwede na sa taho na pinapakain naman sa babies ang mug na para kay Baby Sky. Cute. Naulinigan niyang lumalagasgas ang tubig mula sa banyo. Mukhang naliligo ang housemate niya. Awtomatikong pinagmadali siya ng utak niya na umakyat kaya lang ay tumunog ang phone niya. Si Grey ang caller. Tinaasan niya ng isa niyang kilay ang screen ng cellphone niya bago niya 'yon sagutin. PARANG gustong bumalik sa banyo ni Page nang paglabas niya mula ro'n ay makita niyang naroon na si Blue. Nakatalikod 'to mula sa view niya. Nakaroba lang siya. Hindi naman niya nakakalimutan ang rule nito sa bahay na bawal ang revealing na damit though, hindi man revealing ang bathrobe na suot niya, at least naman ay decent sana siya kung haharap dito. Bakit naman kasi ang aga nitong umuwi? 4 PM pa lang no'ng i-check niya ang oras kanina ah. Madali naman siyang naligo at malamig ngayon dahil maulan kanina pang umaga. Pero kasi, bakit do'n pa siya naligo sa banyo sa kitchen gayong may banyo naman sa guest room na inookupa nila ni Baby Sky! Nalintikan na! Susungitan na naman siya nito 'pag nakita siya. Hindi pa naman sila nagkakausap pa buhat nang magsungit 'to nang iwan niya si Baby Sky kay Haya. Pero nakatalikod naman 'to. At mukhang busy sa kausap sa cellphone... Lihim siyang napangiti nang maalala niyang ngayon ang huling araw ng two weeks na sinabi rito ni Doc Akilles na effectivity ng gamot na binigay nito rito. May pilya siyang naisip pagkaalala niya niyon... BLUE frozed. Dama niyang nagtayuan ang lahat ng pinong mga balahibo niya sa batok nang may humipan do'n. Malamig ang hangin, amoy mouthwash... Nalingunan niyang nakangisi at naka-peace sign sa kaniya si Page. Tinignan niya 'to mula ulo hanggang paa, may nakapulupot na towel sa buhok nito dahil kagagaling lang sa paliligo. Nakasuot lang ng roba ang yaya ni Baby Sky pero pumuputok 'yon sa gawing dibdib dahil er, may kalakihan naman kasi ang bahaging 'yon ng katawan nito. Wala sa loob na napalunok siya bago nagtama ang mga mata nilang dalawa. "Gawin mo, inuutos ko 'yan sa 'yo, ako pa rin naman ang CEO mo, Grey," aniya sa kausap habang nananatiling nakatitig siya kay Page. Hindi nakaligtas sa paningin niya nang manlaki ang mga mata ng huli sa binanggit niyang pangalan. He gritted his teeth. "Oo, aasahan ko 'yan bukas na bukas din. End of conversation," 'yon lang at pinatayan na niya ng phone ang pinsan. "S—Si Grey ba 'yon?" tanong kaagad ni Page sa kaniya. "Uh—huh," he answered casually. "Ah, dapat pala kinausap ko." Tiim bagang niyang tinitigan 'to. "Dapat ay inagaw mo ang phone sa 'kin para nakausap mo." "Ay oo nga 'no! Bakit ba hindi ko 'yon naisip agad! Naalala ko kasi na naiwan ko ang binili kong isang plastic ng pinamili ko sa kaniya e, mga crackers pa naman 'yon." "Unhealthy food." Tinalikuran niya 'to, magkakape na muna siya bago siya mainis na naman dito. Sabay nilang nilingon ang pinto nang tumunog 'yon, indikasyon na may tao. "May inaasahan ka bang bisita ng ganitong oras?" takang tanong sa kaniya ni Page. "Ah, baka 'yong tagakuha ng maruming damit 'yan. Si Aling Pacita— hey, get decent, ako na ang magbubukas ng pinto." Kaagad niyang awat dito. "Okay, ayusin ko na lang ang maruming damit natin." Tinanguan niya na lang 'to, naroon naman na ang basket niya ng maruming damit, naibaba na niya. Every Friday naman ay gawain niya 'yon, kinukuha kasi ni Aling Pacita 'yon at nilalabhan sa laundry shop na pag-aari nito. Kaso lang, nang buksan niya ang pinto ay hindi naman si Aling Pacita ang napagbuksan niya. Isa 'yong babae na halos kaedad lang niya. Nagpakilala 'tong isa sa mga staff ni Aling Pacita sa laundry shop. Ito raw ang pinapunta ng huli ro'n dahil nga maulan. May malawak 'tong ngiti, maliit ang mukha, maliit na babae, nakasuot ng loose hoodie jacket at maiksing short na litaw na yata ang kuyukot, malalaman niya lang 'yon kung susundan niya ang legs nito ng tingin— na wala nga sa loob na ginawa niya... Para lang mabigla siya nang may tela na tumabon sa kaniyang mukha! Huli na para mailagan niya 'yon, napapikit na lang siya at naiurong paatras ang kaniyang mukha— marumi ang tela at matigas! "O, pants mo! Mukhang may laman pa ang bulsa niyan, double check mo muna!" Si Page ang nabungaran niya nang hawiin niya ang tela na pants pala kaya matigas, nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya. She rolled her eyeballs after. Er, ano ba ang dapat niyang i-react? Bakit may pakiramdam siyang parang mag-asawa sila nito na nagkakairingan sa mga oras na 'yon? Ah, mas mainam pang i-check na lang niya ang bulsa ng pants, pero wala namang laman ang mga bulsa niyon. Nagtatakang inabot niya na lang 'yon ulit dito. Baka kung siya pa ang magbigay sa staff ni Aling Pacita na nagpakilalang Beverly ay another pants pa ang itabon nito sa mukha niya. "Okay na po ba? Ma'm, Sir?" untag sa kanila ni Beverly. Uy, maganda pala 'tong si Beverly, tsinita pa. "O—" "Oo, okay na, maaari ka nang umalis, kusa namang magla-locked ang pinto namin," si Page ang nagtuloy ng dapat ay sasabihin niya. Walang nagawa na napakamot na lang siya sa sariling batok. Well, hindi naman siya tanga, medyo gets naman niya ang pinagsisintir ni Page. Si Page na nang makaalis si Beverly ay pairap siyang tinalikuran. Siguro ay magbibihis na 'to, dumiretso na sa k'warto nito e. "Bilisan mo, sabay na tayong kumain!" "Tse! Kunwari ka lang na may allergy sa sexy!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD