15: Facing the Fears

1420 Words
SUOT ni Page ang sunglasses niyang Gucci Bee at Gucci niyang hat na halos tumabon na pareho sa kalahati ng kaniyang maliit na mukha, tuloy-tuloy siyang pumasok sa isang pamosong coffee shop ng mall na 'yon kung saan sila nagkasundo ni Yanie na magkita. Malayo pa lamang ay namataan na niya ang kakatagpuin. Agad niya 'tong nilapitan. As usual, boring clothes na naman ang suot nito. White shirt, maong skinny jeans, white sneakers na minsan ay black, depende sa mood yata nito. Mood na sinasabi pa nitong depende kahit para sa kaniya ay hindi naman talaga nagbabago 'yon. "Akala ko ay hindi ka na makararating," bungad ni Yanie sa kaniya nang lapitan na niya 'to. "Hindi kita puwedeng hindi siputin," simple niyang tugon. "Mabuti naman. Dahil delikado na, Page. Alam na ni Hanz Marciano kung nasaan ka. Hindi ako nagbibiro," anito sa takot na tono. She gritted her teeth. "Hindi ko maintindihan sa taong 'yon kung ano ang gusto niya pa ba naman sa 'kin." "Greed, power, 'yon lang ang mahalaga sa taong tulad niya, Page. At ikaw, isa ka sa tinuturing niyang possession niya." Nalukot ang ilong niya. "Nek-nek niya," tugon niya sa kaniyang matalik na kaibigan s***h kanang-kamay na si Yanie. She chuckled. "Sira ang ulo mo talaga." She just rolled her eyes. Tinapunan niya ng tingin ang iced coffee na inorder nito para sa kaniya. "Thank you for this, Yanie," kiming pasasalamat niya rito. "Loka, may bayad 'yan." She rolled her eyeballs again. "Oo nga pala, ang libre ni Yanie Lachica ay for future preference!" sarcastically, she said. "'Yown! 'Tanda pa naman pala!" Natawa siya. Na-miss niya rin naman kausap at kasama 'to, to be honest. Ito ay kababata niya, kasama nang tumanda, kasangga, kakampi— nang lihim. Dalawang taon lang ang agwat ng edad nila nito. Inilihim nila ang kanilang pagkakaibigan dahil sa strikto niyang mga magulang na ayaw siyang nakikipaglaro sa mga tulad nito. "Paano niya nalaman?" tanong niya rito sa pagitan ng pagpunas niya ng table napkin sa labi niya. "May private investigator na naligaw ro'n e, alam mo naman ang mga tao sa lugar na 'yon. Maliit na bayan lang ang Santa Fe, mga tsismoso at tsismosa halos ang mga nakatira." Natigilan siya. "I—Investigator?" Tumango si Yanie. "Mukhang pinapa-imbestigahan ka na ni Blue Henson, o ng isang Henson." "Syet." "Syet talaga. Mapupurnada ang mga plano mo 'pag nagkataon." "Hindi pa puwede, Yans..." hinging saklolo niya rito. "At least, half month pa? Kailangan ko pa ng sapat na panahon para mailapit si Baby Sky kay Blue." "Haist, ano ba naman kasi 'yang lalaking nakabuntis sa 'yo, masyadong maraming issue sa buhay, parang ikaw!" pagrereklamo nito. "Nakakagulat nga ang mga binalita mo sa 'kin, kaninang nasa byahe ako papunta sa 'yo ko lang nabasa." Pumalatak si Yanie. "Tumpak! Na-shocked din ako sa balitang 'yon. Imagine, ang saya pa nating dalawa nang malaman na bongga pala ang nakabuntis sa 'yo, isang CEO ng malaking kompanya, g'wapo, blue eyes, naka-jackpot tayo, tapos ay may gano'ng issue pala sa past." "Nakakagulat at nakakalungkot. Nang makasama ko na kasi siya, ang phobia niya ay hindi biro talaga." "Parang takot mo, kay Marciano." Natameme siya saglit. Naalala kasi niya ang namuong takot sa kaniya nang malakas na kumulog at kumidlat last night. Akala niya talaga ay hindi na siya magigising kahit hindi pa naman siya tulog niyon. Buti na lamang at nakaakyat siya sa puwesto ni Blue. Buti na lang, hindi siya sinipa nito paalis sa tabi nito, niyakap pa nga siya nito... She widely smiled by that thoughts. "At least, hindi siya totoong bakla, Yanie." "Haha! Putsa! Oo nga pala, may utang kang tsismis sa 'kin tungkol d'yan." "Saka na, wala akong mahabang oras ngayon. Hindi kasi malaman kung ano ang oras ng uwi niya kaya dapat ay 3 PM nakauwi na 'ko." "Ha? E, almost 2:30 PM na. Grabe naman." "Kailangan e, again, gano'n pa rin naman ang plano ko, paglapitin ang mag-ama, saka ako tatalon sa Plan B, 'pag okay na sila," seryoso niyang sambit dito. Tumango-tango 'to. "Sabagay, ayos 'yan, kinatagpo lang naman kita para ma-warning-an, wala naman akong balak na maging sagabal sa mga plano mo. Basta, nandito lang ako at handang tumulong." "I know. And I thank you, Yans, for that." "Huuu, huwag ka nang magdrama, 'uy, hindi bagay sa 'ting dalawa 'yan. Alalahanin mo, masyado na tayong maraming kalokohan na nagawa nang magkasama at karamihan do'n ay mga nalusutan naman natin." Nakangisi nitong turan sa kaniya. Nailing na napangiti na lang siya. "Loka. Baliw kang tunay," birong sagot niya na lang dito. "NATUTUWA ako na na-consider mo na sa wakas ang medical depth consulting about your condition, Mr. Henson," ani Doc Akilles sa kaniya. Nalingunan ni Blue ang batang doktor. Nginitian niya 'to. Talagang sinadya pa siya nito at nilapitan sa parking lot ng clinic kung saan siya galing at kung sa'n isa rin 'to sa mga duktor na may clinic do'n. "Ah, Doc Aki, kayo pala," ganting bati niya rito, "salamat sa pag-recommend sa 'kin sa seniors at colleague mo." Inabot ng duktor ang pakikipagkamay na inalok niya. "No worries, sa totoo lang, nang kulitin ako ng pinsan mong si Hayanara about your condition, si Dr. Anastacio na talaga ang naisip kong makakatulong sa 'yo. Hindi ba at sisiw lang sa kaniya ang condition mo?" "Yeah, yeah, I'm impressed. Hindi ko na nga masyadong na-encounter kanina ang mga dating feelings na nati-trigger sa 'kin ng fear ko. Dr. Anastacio said, ako rin daw kasi ang tumutulong sa sarili ko kaya gano'n." "Oo naman. Malaking bagay sa isang taong may fears, phobias, na siya rin mismo ang makatuklas sa paggaling niya. Nasa isip lang naman natin ang mga takot na 'yan. Magagawa natin na malagpasan kung gugustuhin natin." Napangiti siya. Totoo 'yon. Dama niya. Nang makausap niya sa ikalawang session pa lamang nila si Dr. Anastacio, nakitaan na siya nito ng malaking improvement. Nabanggit niya ang lahat dito nang walang hesitations kaya natutuwa 'tong binalita sa kaniya na malaki ang naitulong sa kaniya ng kagustuhan niyang magkaroon ng close contact sa kaniyang anak. Ang hindi nga raw pagpapakita ng senyales ng hives niya nang matulog siyang yakap si Page ay good sign na. "Totoo pala na kailangan lang talaga ay harapin ang mga takot, pagkatapos na sobra 'yong katakutan." Natawa niyang saad sa duktor. "Totoo rin pala na kailangan ko ring intindihin ang mga pasyenteng nagpapanggap lang na may sakit katulad ng pinsan mo, kundi dahil sa kaniya ay hindi ko malalaman ang tungkol sa 'yo." Nagkatawanan sila sa biro ng duktor. "Gano'n talaga 'yang si Haya, Doc Aki, and I'm warning you, hindi ka titigilan niyan hangga't hindi ka napapasagot," pabiro niyang banta rito na tinawanan lang nito, bago siya nagpalam na rito na mauuna nang umuwi. Masaya siyang uuwi ngayon. Bukod kasi sa unti-unti na niyang nahaharap ang takot niya, nalaman niya pa na may pag-asa pa siyang maging intimate sa anak niya. Maibibigay na rin niya rito sa wakas ang kalinga at pagmamahal na kinatakutan niyang ipakita rito sa mga nakalipas na araw magmula nang dumating 'to sa buhay niya. And of course, sino ba ang hindi sasaya sa nalaman niyang si Page ang nanay ng anak nila. Kahit pa sumang-ayon siya kay Red at Grey na hindi muna nila ipapaalam dito na alam na nila, hindi niyon mababago ang katotohanan na ito na nga, wala ng iba, ang nanay ng kaniyang anak. Big deal 'yon sa kaniya dahil nang araw na 'yon din habang ina-assess nila sa phsychotherapy niya ang lahat-lahat ng tungkol sa kaniya ay nakumpirma niya rin na unti-unti na ngang nahuhulog siya kay Page. Napangiti na lang siya at napailing sa itinakbo ng isipan. Saka niya naalala na may nadaanan nga pala siyang flower shop kaninang pagpunta niya sa clinic nina Dr. Anastacio at Doc Aki. Noon lang niya 'yon napuna talaga. Tama ang doktor niya, 'pag nalampasan na ang mga takot, mas mapupuna na ng isang tao ang magagandang bagay sa paligid. Mas matimbang na kasi at kapuna-puna sa isang individual ang magagandang pangyayari kaysa sa pangit na nagdulot sa atin ng matinding takot. Tama rin 'to nang sinabi nito sa kaniyang nakakaganda, hindi lang ng mood ang pag-ibig, nakakaganda rin 'to ng pananaw. Nakakapagpositibo. Tama ang Eraserheads, in this world that everybody hates a happy ending story, it's wonder love can make the world go round... Iyon na kasi mismo ang nararamdaman niya ngayon. Nararanasan niya nang ang mundo niya ay nagsimula nang umikot, dahil 'yon kay Page at kay Baby Sky.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD