bc

One Night Child {COMPLETED | FREE}

book_age16+
4.0K
FOLLOW
12.2K
READ
pregnant
arrogant
bxg
humorous
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

"Walang question mark. Dahil hindi ko na kailangan ng sagot. Noong dumating ka sa buhay ko, alam ko na kasi ang sagot sa tanong na 'yan."

* * *

Nagising na lang si Blue na dinatnan ang isang baby stroller sa pinto ng kaniyang bahay. Baby stroller with a baby sleeping soundly on it, yeah. Wala naman sanang problema ro'n, wala sana- 'yon ay kung hindi nakasaad sa docs na kasama ng baby at stroller nito na siya ang ama ng bata!

Dumagdag pa sa problema niya ang sexy na yaya ng baby na nagpakilala sa kaniyang si Page. Hindi raw nito puwedeng iwan na lang basta sa kaniya ang baby dahil anak daw ni Blue ang baby na 'yon sa isang babaeng heredera na siyang amo nito.

Hindi pa nga siya tapos sa baby, heto at may bonus pang yaya na kasama at kung mamalasin nga naman si Blue Henson ay sexy pa!

No puwede! Mahina ang resistensya niya sa mga sexy!

©March 2022 | Luna Margaret

***

[STORY WRITTEN IN TAGLISH]

Reading order:

1. CCEO's Secret

2. One Night Child

3. The Billionaire's Brat Playmate

4. Shadow of Grey

chap-preview
Free preview
1: The CEO of Henson Corp.
Trigger warning: -Premarital s€x -Annoying characters -Bad language What to expect: -Hulsam -Sweet -Cliché -Fast read romcom -Happy ending * * * * * KANINANG umaga pa pagkagising niya ay walang tigil na sa pagtunog ang personal phone niya. At ngayon na in-off niya ang tunog niyon ay walang tigil naman ngayon 'yon sa pag-vibrate sa kaniyang bulsa. Tsk, what a huge pest brat. Yep, binabalewala 'yon ni Blue dahil alam niyang ang may guts lang na tawagan siya nang walang humpay ay ang brat niyang pinsan na si Haya. Kung ano man ang nais nitong sabihin sa kaniya, ang gagawin lang nito ay pumasok ng maaga sa opisina at kausapin siya mismo sa kompanya na ang director ay ang lolo nila. "Good morning, Sir, CEO." "'Morning, Boss, CEO." "Hello, Sir Blue, good morning!" Sa lahat ng mga pagbating 'yon ay wala ni isang pinansin ang CEO, tuloy-tuloy lang ito sa paglakad papasok sa malawak na kompanyang pag-aari nito. But of course, nasa likod naman niya ang kaniyang pinsan na CCEO naman sa company nila kaya heto na ang bahala na magbalik ng pagbati sa mga employees. Masyadong aksayado sa oras ang gano'ng gawin. Pagbati at pagpansin sa mga empleyado sa inaraw-araw, sa minu-minuto sa tuwing may makakasalubong sa loob ng company, kaya hindi na niya pinag-aaksayahan ng oras na pansinin ang mga 'to. Sanay naman na rin ang mga empleyado. Sanay na ang mga 'to sa galaw ng CEO. In fact, sa tuwing darating siya sa sarili niyang kompanya ay nahahawi ang mga 'to upang bigyan siya ng daan. "Have you read Haya's message?" ani Red sa kaniya nang makahinto na sila sa tapat ng pinto ng private elevator na ilang segundo lang ay bumukas na rin naman at pumasok na silang dalawa ro'n. "Anong mensahe?" "Wala siyang dinetalye e. But she said it is important and sabihin ko raw sa 'yo na pansinin mo, as soon as possible." "Ano na naman kaya ang problema niyan ni Haya? Masyado na naman siyang maligalig ngayon," aniya, tukoy niya ang nag-iisa nilang pinsan na babae na si Haya Chevvy. Natawa na lang sa sinabi niya si Red saka 'to nagkibit ng mga balikat. "Hayan mo siya. Last time na ginawa niya ang ganyan ay nagpasundo lang siya sa BGC dahil napaaway siya, tsk, ang brat na 'yan talaga," pahabol na salita niya rito habang palabas na sila nito ng elevator dahil huminto na 'yon at bumukas sa floor kung saan naroon ang kani-kanilang office nito. He heard his cousin chuckled, halos sabay rin lang din sila nitong nakahawak at akmang pipihit sa doorknob ng magkatabi nilang office, nang humahangos na iluwa ng elevator na pinagmulan nila ang subject nila— si Haya. "How dare you, Blue! Ini-ignore mo ang tawag ko, paano kung nasa bingit ako ng kamatayan, ni hindi ka pala maaasahan!" kaagad na bulyaw sa kaniya ng pinsang babae. Ang pagdating nito ang nagpatigil sa kanila sa pagpasok sa kani-kanilang office. Napataas ang kilay niya. "Kaya lang, here you are now, safe and sound— oh, may I add, napakaingay mo pa nga," sarkastikong turan niya rito. "'Pag nagkikita talaga kayong dalawa ay nagbabangayan kayo," ani Red sa dalawa. "Correction, 'yang si Haya lang ang mahilig sa ingay," sagot niya, sinabayan niya na lang 'yon ng pagtalikod. "Bangay raw at hindi ingay!" as usual, sinundan siya ng pinsan niyang pinaglihi yata sa p'wet ng manok kaya gano'n kaingay 'to. "Que bangaw pa 'yan, I don't care," pabalewala niyang saad. Hinubad niya na ang coat niya nang makapasok siyang tuluyan sa kaniyang office, inililis niya ang sleeves ng polo niya hanggang siko at umaktong magsisimula na siyang magtrabaho kahit naroon sa harap niya ang pinsan niyang brat na wala yatang plano na tigilan siya. In fact, naupo pa nga 'to at nag- crossed legs sa lazy boy na naroon sa kaniyang harap. "You— will you please spare me with your sarcasm, mahalaga 'tong sasabihin ko, listen—" "Kasing halaga ba 'yan ng company natin? Because as you can see, Ms. Haya, trabaho ang ginagawa dapat sa opisina," aniya sa pinsan, ni hindi niya 'to tinapunan ng tingin, pinagpatuloy lang niya ang kunwa'y pagpirma niya sa mga papeles na nasa kaniyang mesa. "Blue Dodge—" Ang pagkatok ng secretary ng CEO ang nagpahinto sa dapat ay sasabihin ng pinsan niya. Sabay pa nilang nilingon ang nakapinid na pinto. Iniluwa niyon ang kaniyang secretary. "Excuse me for a while, Ms. Haya. Sir, your coffee." "Thanks," simpleng reply niya sa secretary niya, inilapag nito sa mesa niya ang kapeng itinimpla nito para sa kaniya. Nang makatalikod na ang kaniyang sekretarya ay tila nakakaloko niya pang inalok ang tasa ng kape sa pinsan, na inikutan lang siya ng eyeballs. Ngunit hindi pa man niya nahihigop ang kaniyang kape ay ginulat na siya, maging si Haya ng isang taong ni minsan ay hindi pumunta sa opisina niya nang gano'n ang ginawang pagbukas ng pinto ng opisina niya— padabog 'yon at walang warning knock. Si Don Vladimir Henson. Kasunod si Red at ang dalawang bodyguards nito na palagian nitong kasama. "Grandpops—" "Ano 'to?!" asik ni Don Vladimir sa kaniya, hinagis sa mesa niya ang hawak nitong Ipad. "Grandpops, 'chill will you?" awat ni Red sa lolo nila. "Chill? You want me to chill?!" Pero tila sa sinabing 'yon ng CCEO ay mas sumiklab pa ang galit ng matandang don. Galit ang kanilang abuelo. Sa hindi niya pa malaman na rason. Napatayo siya mula sa swivel chair na kaniyang kinauupuan upang harapin ang don. Napasinghap ng malakas si Haya nang kuwelyuhan siya ng lolo nila. Kaagad naman din nitong niyakap ang don upang awatin, gayon din ang ginawa ng CCEO. Ngunit hindi natinag ang don. "Grandpops, oh, please, stop it!" Histerikal nang awat ni Haya sa lolo nila. Napatiim bagang siya. Pilit niyang sinalubong ang galit na mga mata ng kanilang lolo. "Grandpops... why?" Wala talaga siyang idea, dahil ni hindi niya pa nga nasulyapan ang nais nitong makita niya na nasa Ipad dahil kinuwelyuhan na siya nito, damn it! "Bakla ka ba, Blue Dodge Henson ha? Tell me!" "Grandpops..." "Grandpops, please, tama na!" awat ni Haya. Oh, he must be thankful at naroon ang nag-iisang apo na babae ni Don Vladimir dahil hayun at pinilit ng huli ang sarili na kumalma dahil sa pag-awat ng pinsan niyang brat. Kung may isang tao ang nakakapagpakalma sa kanilang abuelo ay ang pinsan niyang babae 'yon, mula noong maliliit pa lamang sila, and obviously ay hanggang ngayon. "You son of a bullshit! Look! Masdan mo kung ga'no ka kakalat!" And there, saka pa lamang niya naunawaan ang pinagmulan ng galit ng lolo nila nang yukuin at kunin niya ang Ipad na hinagis nito kanina sa mesa niya. "Grandpops, I can explain—" "Explain? Really? Hah! How can you explain that mess to me?! Sa pagsasabi ng totoong s****l preference mo, ha?!" "Of course, t—this is not true, Grandpops!" "Siguraduhin mo lang!" "Aayusin ko po ang lahat ng 'to, today. Don't worry." "Naayos ko na 'yan, Blue Dodge. Ano ang akala mo sa'kin? Kulang sa kakayahan? Nauna ko pa nga na malaman 'yan kaysa sa'yong lintik ka! Naayos ko na bago pa kumalat ang kalat na 'yan!" Napayuko na lang siya. Kuyom niya ang magkabila niyang kamao. Putsa lang, walang katotohanan ang mga balitang 'yon. Hindi siya bakla. Normal na magalit talaga ang abuelo nila sa balitang 'yon dahil nakaladkad ang apelyido nito. Ayaw nito sa lahat na nadudungisan ang kanilang pangalan. And maybe, dahil kilala 'tong babaero sa mundo ng negosyo, gayundin ang mga lalaking anak nito, isang malakas na sipa sa ego nito ang balitang 'yon. "I'm sorry, Granpops." 'yon lang naman ang puwede niyang sabihin dito e, paghingi ng sorry kahit wala naman siyang nagawang mali. Damn those reporters! Damn those stupid people na wala nang ginawa kung hindi ang isulat siya sa article ng mga 'to! Na kesyo ganito, ganyan na siya naman ay hindi niya pinapansin. Damn him too for being too arrogant too. Kung hindi dahil sa ugali niyang may pagkahambog ay hindi sila hahantong sa sitwasyong 'to, for sure. "You better be!" Dinuro pa siya ng abuelo nila. Tumalikod 'to, ngunit bago pa tuluyan na makalabas 'to ng pinto ay nilingon siya. "Pack your things and leave!" Malakas na singhap na naman ni Haya ang narinig niyang namayani sa office niya. Well, siguro ay mapapasinghap din siya sa gulat sa narinig mula sa don kung nagkataon na babae rin siya. "But, Granpops, siya ang CEO!" "Haya, may CCEO tayo na maaaring humalili sa CEO habang wala 'to," mariing saad ng don. Mas humigpit lang ang pagkakakuyom ng kaniyang mga kamao sa inis. Lihim din na nagkiskisan ang kaniyang mga ngipin. "Grandpops naman..." nasa tinig ni Red ang pagtutol kaagad. "That is absurd." "No. Ako pa rin ang direktor ng company, ako pa rin ang lolo niyo kaya ako ang masusunod sa atin dito." The don glanced at him. "Simulan mo nang lisanin ang opisina mo at huwag kang babalik dito o sa pamamahay ko nang wala kang bitbit na asawa o anak na makakapagpatunay sa kasarian mo bilang isang tunay lalaki, Blue Dodge Henson." "H—Homophobic po pala kayo..." sinadya niyang awatin ang muling pagtalikod ng lolo nila. The don scoffed. "You know that I'm not. I am no against gay or to anyone, to be exact. Pero ibang usapan kung apo ko na ang involved." Yeah, right, sarcastic na aniya na lang sa isipan niya nang tuluyan na siyang layasan ng don.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
118.5K
bc

His Obsession

read
80.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
73.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
166.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
23.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook