5: The Yaya

1512 Words
"ARE you okay, now, Blue?" Iminulat niya ang kaniyang mga mata. Namulatan niya ang mga pinsan niyang sina Red at Grey na nakaantabay sa kaniya at tila hinihintay na magising siya. Pupungas-pungas siyang bumangon. "A—Anong nangyari?" Kaagad niyang tanong sa mga pinsan nang tuluyan na siyang makaupo. "Nagka-hives ka at mukhang malala 'yon ngayon." Tatawa-tawang tugon ni Grey sa tanong niya. Siniko 'to ni Red sa dibdib. "Siraulo ka talaga, ginagawa mo pang biro!" Napamulagat siya nang maalala niya ang nangyari! "'Yong... babae!" Nang ilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid ay naroon na siya sa loob ng kaniyang kuwarto. "Yep, 'yong babae ngang sexy na nasa bar kagabi, mismo!" "Binuhat ka namin ni Grey paakyat dito sa k'warto mo. Dinatnan ka naming nakabulagta sa ibaba, buti na lang papunta na rin talaga kami rito sa'yo dahil nakailang missed calls ka na," ani Red na tila nahulaan ang naglarong tanong sa isipan niya sa mga oras na 'yon. Sinipat niya ang kaniyang sarili, nakabihis na rin naman siya ngayon. "Binihisan ka na rin namin. Dude, ang bigat mo, tsss!" reklamo ni Grey. He gritted his teeth. "Kasalanan nga kasi ng babaeng 'yon. Page raw ang pangalan niya." "'Ganda nga ng pangalan e— Pahina— buklatin mo raw siya haha!" Awtomatikong lumipad ang masamang tingin niya kay Grey. Siraulo talaga 'to kung magbiro madalas. "Hep! Teka, hindi ako ang kalaban dito," ani Grey sa nagbibirong tono. Itinaas pa nito ang dalawang braso na tila sumusuko. "Ang maigi pa, tayo na at bumaba. Mukhang napasarap na ang sexy mong bisita ro'n na kakuwentuhan si Haya." Tumayo na siya. Naghilamos lang siya ulit sa banyo na naroon din sa loob ng kaniyang k'warto. Talagang papanaog naman siya at ni hindi niya pa nakakausap si Page. "Tinurukan ka na nga pala ni Dr. Akilles Mendez ng anti-allergy habang tulog ka kanina kaya wala ka ng hives ngayon. Tatagal din daw ng one to two weeks ang effect niyon," imporma ni Red sa kaniya, na tinanguan niya na lang. "Pinapunta namin siya kanina rito nang malaman kong nagka- hives ka kanina habang wala kang malay. Buti na lang malapit lang ang isa niyang clinic dito sa bahay mo. Anyway, sabi niya ay delikado raw 'yan kaya hindi ka raw dapat nagpapawala ng antihistamine." "Mayroon naman, e, kaso, biglaan ang nangyari kanina." At gusto na lang niyang mapangiwi nang maalala niya ang nangyari kanina. Dahil sa mga nakita niyang skin ni Page, nagka-hives siya na hindi na tolerable ang kati. Nanikip ang dibdib niya at nawalan siya ng malay lalo na nang hawakan na siya nito. Haist, naalala niyang binawalan naman niya 'to na hawakan siya, sa tarantang paraan nga lang. 'Yon yata ang mali niya, hindi tuloy sineryoso ni Page ang demand niya rito na iwasan siya. Pero sino ba naman kasi ang hindi matataranta gayong alam na nga niya na mangyayari ang pagkawalan niya ng malay! "Hayaan na, tapos na, nangyari na 'yan. Sa susunod ay agapan mo na lang hangga't maaari," malumanay na ani Red. "I can't stand to be with her! Mamamatay ako, alam niyo 'yan!" bulalas niya nang may maalala, "Sinasabi niyang anak ko ang baby na bitbit niya. I guess, ito ang pangyayari na ni hindi ko napaghandaan sa buong buhay ko. Help me," he said in his helpless tone. Oo, aaminin niyang ngayon ay hindi niya dama ang power na mayroon siya sa sarili niyang kompanya dahil tunay na ikakamatay niya kung magtatagal sa bahay niya si Page! Huminto si Grey sa paglalakad at sumandal sa hamba ng pinto. Nagkrus ng mga braso at saka siya hinarap. "May documents siya, evidence na anak mo nga ang baby." Si Red naman ang huminto at mariin siyang pinagmasdan. "Yes. We should buy it for now, saka na lang tayo gumawa ng further test sa inyo ng baby as our own moves. Pero ang ibig sabihin lang niyon ay mananatili ang baby rito sa'yo talaga." "Okay lang ang baby, 'yong si... Page ay pauwiin niyo na!" "Hindi pa pala namin nasasabi sa'yo, yaya raw siya ng baby." "Wait," pag-awat ni Red sa nagsisimulang violent reaction niya sa narinig mula kay Grey. "Dude, ang dapat nating alamin sa ngayon muna ay kung paano mabawasan 'yang hives mo sa tuwing nariyan lang siya sa malapit." "What? Why on earth na ako pa ang dapat mag-adjust sa sarili kong bahay?!" medyo inis nang sambit niya sa mga pinsan. "Dahil hindi mo naman siguro nanaisin na sa tuwing makikita mo ang yaya ng baby ay mawawalan ka ng malay," sarkastikong turan ni Grey sa kaniya. "He's right. Dahil hindi talaga aalis ang yaya rito, may sinumpaan siyang tungkulin sa nanay ng baby." "What? Seryoso ba siya? Paano kung hindi ko siya pasahurin?" "Sa tingin mo ba ay hindi namin na- deal sa kaniya 'yan? Nagawa na namin ang mga dapat dahil sa kondisyon mo sa mga babaeng tulad niya. Maingat namin siyang kinumbinsi pero matigas siya. She even said na technically, hindi ikaw ang boss niya, ang nanay 'yon ng baby kaya 'yon daw ang magpapasahod sa kaniya. Okay lang sa kaniya kung wala kang ipasahod. In-insist niya pa ang sarili niya na gagawin ang mga gawaing bahay dito sa bahay mo." "Grey is right, in-insist niya talaga 'yon kanina. And you know why? Dahil daw 'yon sa kailangan mo silang itago ng baby." Mulagat siya sa narinig. "Itago? For what? Kanino?" Red looked at him intently. "'Yong project sa Ilocos Norte last year, 'tanda mo, Blue" "Noong kunin ng governor ng Ilocos Norte ang Don's Boys para sa mag-sponsor sa mga nasalanta ng bagyo ro'n? S'yempre naman! Ilang kape rin ang naipamahagi ro'n. Nag-donate rin tayo galing sa pera natin dahil utos ni Don Vladimir, bakit ba?" Imbes na siya ang sumagot ay si Grey ang tumugon kay Red. Marahas siyang napalunok. Hinding-hindi niya makakalimutan ang proyekto nilang 'yon. May nangyari kasi ro'n na nagpa-triggered sa kalbaryong nararanasan niya ngayon... "O—Of course, hindi ko makakalimutan 'yon." "Good. 'Yon din kasi ang panahon na nabuo mo si Baby Sky. Nag-calculate ako, almost 3 months na ang bata ngayon." "So? Anong meron, Red? Blue?" Red let out a breathe. "Ano ang nangyari sa Ilocos Norte, Blue? At bakit pinili mong huwag sabihin sa amin 'yon?" "ANG cute talaga ng pamangkin ko!" "Cute rin kasi ang parents hihi," nakiki-ride kay Haya Henson na aniya na lang. Sa totoo lang, masarap namang kausap ang socialite na nag-iisang babae sa magpipinsan na Henson at sa iilang oras na nagkausap sila ay masasabi ni Page na makakasundo niya talaga 'to dahil pareho sila ng mga hilig. "Baby 'to ni Blue, in denial lang 'yon! Oh, cute! Look at those striking blue eyes of yours, Baby Sky!" Nasisiyahan na ani Haya, nilalaro ang ngayon ay karga na si Baby Sky. "Pinangalanan siyang Sky kasi tila ulap ang mga mata niya sa tuwing nasisinagan ng ilaw o liwanag," proud na paliwanag niya. "Alam mo ba na timing ang pagdating niyo sa buhay ni Blue ngayon?" Alam ko. Planado nga ang pagdating ko e dahil sa issue na kinasangkutan niya lately. "Ha? Talaga?" "Yes! Dahil kailangan niya ngayon ng asawa at anak!" "I'm wondering kung gaano na kahabang istorya ng buhay ko ang naikuwento mo sa kaniya, Haya." Napamulagat siya sa baritonong boses na 'yon ni Blue. Ngunit saglit lang naman at nakabawi rin siya. Mabuti at gising na rin 'to mula sa pagkawala ng malay kanina na nagpakaba sa kaniya. "Gising ka na pala," hindi niya napigilan na masambit. "Ganyan naman 'yan, gigising din 'pag okay na," ani Haya. "Hoy, excuse me, parang sinabi mo na rin kay Page na tsismosa ako, 'no!" Blue sneered. "Ay, hindi pa ba?" anito sa pinsang babae. Naupo ito sa isa sa mga upuan na nasa dining area ng bahay matapos kumuha nito ng tubig sa fridge. Simple lang ang ayos ng bahay nito, napuna na niya 'yon kanina. Kahit ang elegante naman ng interior. Parang kinopya ang estilo ng loob sa mga napapanood niyang K-drama, pagpasok mo sa loob ng bahay ay hagdan pababa muna ang bubungad, then sala, dining area at kitchen. Kaya kung may tao ro'n ay magkakausap-usap pa rin talaga dahil pang-isahan lang ang bahay kahit medyo may kalakihan 'yon sa normal na bahay na pang-isahang tao lang. "Hoy! De fungi ka, sinasabi ko lang kay Page na na-timing ang dating niya sa pangangailangan mo!" Nakaingos na turan ni Haya. "Timing saan?" ani Blue, iningusan din niya si Haya habang umiinom 'to ng tubig sa baso. "In denial king ka talaga, naku!" "Guys, ang mabuti pa ay pag-usapan natin 'to nang maayos. Page, dahil sabi mo nga ay ikaw ang yaya ng baby at hindi ka p'wedeng mawalay sa baby ay maaari bang unawain mo ang mga arrangements na gagawin natin sa inyong dalawa ni Blue?" "Of course. Alam ko rin naman na nabibigla pa si Sir Blue ngayon sa mga rebelasyon," nakakaunawang sabi niya na lang. "I want to set rules also." That caught Page' attention. "Ano naman?" "First, bawal sa bahay ko ang magsuot ng revealing na damit."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD