6: Trust the Process

1495 Words
MULAGAT si Page sa sinabing 'yon ni Blue. Hindi niya mapaniwalaan 'yon at jusko naman, tropical country ang Pilipinas! Isa pa ay lahat ng damit na bitbit niya, walang manggas at mga short shorts lang since wala naman siyang plano na maglabas-labas ng bahay nito 'no! "Ano?! Seryoso ba 'yan?" Hindi niya naiwasan na maibulalas. Kay Blue siya nakatingin at nagtatanong kung seryoso ba 'to sa sinabi nito kanina ngunit si Red ang siyang sumagot sa kaniya, "Yes, he's serious about it." "Ipapaliwanag ba natin sa kaniya?" Pagsingit ni Grey sa usapan. Sinulyapan nito ang mga pinasan at tila sa sulyap na 'yon ay nanghihingi 'to ng sagot na agaran sa sariling tanong. Patanong ang naging tugon do'n ni Haya, "Maybe yes, I guess? Para naman maunawaan ni Page, hey, Blue?" Bumuntonghininga ang lalaking tinatanong ng mga 'to. Ewan niya ba pero parang naging problemado 'to bigla sa mga paningin niya. Idagdag pa na napahilamos 'to ng mukha gamit ang sariling mga palad. "Teka, teka nga ha, ano ba kasi 'yon?" Tanong niya ulit sa mga 'to sa tono na curious na siya. "Hayst, bakit ka kasi bigla na lang na narito!" Parang bata na reklamo at ingos sa kaniya ni Blue. "Men, I agree with Haya, you should tell to her. Kahit small details lang," suhestyon naman ni Red dito. Tumayo si Blue, hindi nakaligtas sa kaniya nang makahulugang tumitig 'to sa pinsan na si Red. Saka walang salita 'to na umakyat ng hagdan na tumutumbok sa may kataasan na mezzanine ng bahay. May kataasan dahil hindi naman tanaw ang kabuuan niyon sa puwesto niya. Sa tingin niya ay naroon na rin sa mezzanine ang attic ng hindi kalakihan na bahay. "Saan pupunta 'yon?" "Just wait for him, Page. Ganyan talaga 'yang si Blue, masanay ka na," reply sa kaniya ni Haya. Hinayon na lang ng mga mata niya ang tatlong lalaki na nagsiakyat na nga hanggang sa mawala ang mga 'to sa paningin niya. "NAKUKUNSUMI ako, isipin ko pa lang na makakasama ko siya sa iisang bahay," hindi lumilingon na turan ni Blue sa dalawang pinsan na lalaki nang makaakyat na siya sa mezzanine ng bahay niya. Dumiretso siya sa gawing attic niyon dahil naroon ang study table niya. "Dapat mo raw na itago sina Page at Baby Sky dahil 'yong heredera raw na nanay ng baby ay nagtatago rin." Kunot-noo niyang nilingon si Red. "Sino nga ba ang tinataguan daw no'n? Saka bakit nagtatago?" Si Grey ang tumugon sa kaniya. "Sa governor ng Ilocos Norte raw." Mas lalo yatang kumunot ang noo niya sa narinig. "Ano ang koneksyon niya kay Gov Hanz? Bakit siya nagtatago rito?" "Pilit na ipinapakasal daw kasi 'yong nabuntis mo nga kay Gov Hanz Marciano. Lumabas na raw ng bansa 'yong heredera na hindi naman pinangalanan ni Page. Mukhang wala na 'tong pakialam sa naging anak sa 'yo kaya iniwan na nga sa pangangalaga ni Page," pagpapatuloy ni Red. "Cool nga ni Page e, isipin niyo na lang kung paano niya pagmalasakitan ang baby." "Grey, there's such a word called loyalty," saad niya sa pinsan. 'Yon ang nakikita niyang natatanging rason kaya ipinipilit ni Page ang sarili nito na maging yaya ng baby kahit na binanggit na nila rito na maaari na 'tong umalis. "Dude, maaari naman nating kausapin si Page na magpanggap na siyang nanay ng baby para iharap natin siya kay Grandpops, nang makabalik ka na sa trabaho." "Red, hindi 'yan gano'n kadali. Baka lumala ang allergy ko sa kaniya." "E, kaya nga papakiusapan natin siya na magpanggap para makabalik ka sa trabaho. That way, male-lessen ang mga oras na makikita at makakasama mo si Page." "Mismo!" Sang-ayon kaagad ni Grey. Natigilan siya. Kung susumahin ay may point nga si Red. Pero... "E, paano kung matunugan ni Granpops na kinontrata ko lang siya? Kaagad ba ay makakakuha ako ng asawa?" "'Taong 'to o, sa trabaho kay husay pero sa personal na buhay may pagkatanga!" Umay na sambit ni Grey sa kaniya, hindi na lang niya 'to pinansin at mas si Red naman ang hinihingan niya parati ng opinyon at sagot sa mga tanong niya. "May hawak na papeles si Page na nagsasabing anak mo si Baby Sky, Blue. 'Yon ay maaari nating ipakita kay Grandpops, plus pf course, pandagdag pa ang gagawin na DNA test result from our family doctor, kung hindi pa ba maniwala si Grandpops ay ewan ko na lang." Hmn... "'Yon ang mahalaga ngayon, ang makabalik ka sa trabaho dahil walang balak umalis ang yaya mo rito. Alam kong ikaw ang tipo ng tao na walang pakialam sa sinasabi ng iba, but hey, kung sa 'kin 'yon inakusa, kukuha ako kaagad ng babae— lima pa, mabura lang ang cheap na akusang bakla ako." "Grey's right. Think about it. Trust the process, Blue." He let out a breathe. Tahimik na pinagmasdan niya ang tatlong papel na iniluwa ng printer niya bago niya ibinalik ang tingin niya sa dalawa. "Alright, kakausapin ko siya tungkol sa kondisyon ni Granpops," Nag-fist bump sina Red at Grey sa sinabi niya, "pero kailangan niya munang pirmahan ang rules ko na 'to rito sa bahay." Tukoy niya sa tatlong papel na iniluwa ng printer niya, pinitik-pitik pa niya 'yon sa ere. "May I see?" Kaagad naman na ipinasa niya kay Red ang papel. Nakiusyoso naman si Grey kaagad. "Tawagan mo si Atty. Harizon para sa mga papel na 'yan. Ayaw kong gawing joke 'to," huling salita niya da mga pinsan bago siya tumalikod na upang bumaba ulit. Magtutuos pa sila ni Page about his house rules. "HERE, you can read it first bago mo pirmahan, suit yourself," ani Blue kay Page nang makababa na 'tong muli. Inilapag nito sa coffee table na nasa harapan nila ni Haya ang isang bond paper. Kinuha niya 'yon. Tumaas ang kilay niya nang mapasadahan ang nilalaman niyon. Wow lang, mukhang kaya 'to pumanhik sa attic ng bahay nito ay dahil ginawa nga ang kasunduan na 'yon na kaniyang nababasa na ngayon. Pina-print nito. At base sa nakikita niyang mga papel na hawak nito, tatlong kopya 'yon. "Tatlong kopya 'yan, by the way," saad nito, tila nahulaan ang naglaro sa isip niya kanina. "For you, for me, and this is the original copy. Ipapa-notaryo ko 'to bukas para maging official ang agreement natin," wika nito, tila nahulaan ang mga naglaro sa isip niya kanina lang. "Kung may tanong ka sa agreement niyo at sa house rules, fire away, Page, habang narito pa kami at nang kami na ang magpaliwanag sa 'yo." Nginitian lang niya si Red. Nauunawaan niya naman. Nauunawaan niya na ang mga 'to ang magpapaliwanag sa kaniya ng tungkol sa nilalaman ng papel na hawak niya dahil hayun na ang pinsan nitong si Blue, naupo na ulit malayo sa p'westo niya sa sofa. Salubong pa rin ang mga makakapal na kilay nito na hindi na yata umayos buhat nang dumating sila ni Baby Sky sa bahay nito. Nakagat niya ang lower lip niya nang seryoso ngang bumungad sa kaniya ang una sa house rules ni Blue: Bawal magsuot ng revealing na damit. The house is fully air conditioned, anyway. "So, seryoso pala talaga na bawal?" Tinanguan siya ni Red bilang sagot. "Bakit bawal kasi?" "Lalaki ako at babae ka, normal na bawal 'yan. Isa pa, hindi ba at kamo ay yaya ka ni Baby Sky? So, wala ka bang uniform noon sa amo mo?" "W—Wala e," tipid na tugon niya. Hindi na siya nakaimik pa sa katwiran nito at may point naman din 'to. Mahirap nga naman na mapag-isipan sila ng masama sa sarili nitong bahay lalo at may baby pa sila na kasama. "Then, kami na ang bahala sa susuotin mo. Wear scrub suit for proper hygiene and identification na rin," wika ni Blue sa kaniya. "O sige, sige na nga!" sang-ayon na lamang niya rito, "Yong color baby pink or mostly light ang bilhin mo ah, ayaw ko ng dark colors." "'Yan na nga rin talaga ang sasabihin ko sana!" bulalas naman ni Haya, "Ang init kasi sa Pilipinas kahit may AC 'no, so, dapat lang na light colors ang suot ni Page kahit scrub suit pa 'yan. Wait, siguro ay mas mabuting ako na ang bibili dahil mas may alam naman ako kaysa sa inyo boys, about sa sinusuot naming mga girls." Naghagikgikan sila ni Haya nang makahalugan na nagtinginan lang sina Red, Grey at Blue sa isa't-isa. Nagulat yata ang tatlo sa asta nila ni Haya para na silang matagal nang magkakilala nito. "Anyway, may mahalaga sa dulo ng agreement, pakibasa na lang," pukaw ni Blue sa kaniya. Sinunod naman niya ang sinabi nito. At doon nga ay nabasa niya ang mahalagang tinutukoy nito... Bigla ang pagbilog ng mga mata niya sa kaniyang nabasa! "You will hired me as your pretend wife?" Hindi makapaniwalang tanong niya kay Blue. Tinanguan siya nito. "Yes, name your price, Page. Besides, kailangan lang naman kita 'pag pinakilala lang kita sa lolo namin. At sa tuwing hahanapin ka niya, of course."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD