4: Papi

1444 Words
"O, ANG saya-saya ng Baby Sky namin! Nakita na kasi ang papi niya!" "W—What? Anong papi?" "Papi! Papa, parehas na rin 'yon, ano ka ba!" "Hindi pa 'ko pumapayag na tawagin niya 'ko o i-address na tatay, papa o kahit dad pa." "Ah, hindi pa pala malinaw sa'yo 'yang hawak mong mga papel na nagpapatunay na ikaw ang tatay ni Baby Sky, saka, hello? Iilan lang ba kayo sa Pilipinas na mayroong blue na mga mata, aber?" Alam niyang may point ang babae sa sinasabi nito. Na iilan nga lang talaga ang may asul na mga mata sa Pilipinas at ang mga duktor na rin ang nakapagsabi noon sa tuwing nagpapa-monitor check up siya ng every other month na ang mga asul niyang mga mata ay maaaring maipasa sa magiging anak niya. Hundred percent daw na maaari kahit pa itim naman ang mga mata ng ina nito kung sakali. Actually, itim din naman ang mata niya. Nagiging asul lang 'yon sa paningin ng lahat sa tuwing nasisinagan ng araw o ng ilaw. Katulad na lang sa mga mata ng baby kanina, medyo mainit na kasi sa labas at tumitirik na ang araw dahil alas otso pasado na halos ng umaga. "Kahit pa! As long as hindi ako ang mismong nagpa-test for us, hindi mo puwedeng turuan ang baby na tawagin akong dad o papa," sambit niya. Napaingos ang babaeng kausap niya. "Hmp! Okay na nga lang at nang manahimik ka na!" "Hep, saan ka sa tingin mo pupunta?" Kaagad niyang awat sa balikat ng babae nang umakma 'tong papasok sa loob ng bahay niya. "Saan pa, e, 'di sa loob, nag-pupu si Baby Sky kaya need ko na siyang ilapag para malinisan." Nag... ano raw? Wala na rin naman na siyang nagawa, tuloy-tuloy na ngang pumasok sa loob ng bahay si Page. Inilapag ang baby sa sofa. "Nag- pupu kasi siya kaya nga kinarga ko. Ganito siya e, nagigising 'pag nag-pu-poop," litanya nito kahit hindi niya tinatanong. Napailing na lamag siya. Kunot ang noo at halos magkasalubong ang mga kilay na lang niyang minasdan 'to at ang baby. Naalala niya ang phone na nilapag niya sa coffee table kanina. Kinuha niya 'yon ulit upang subukan na tawagan ang isa sa kaniyang pinsan. Kaso ay sadyang minamalas siya at walang sumasagot sa kahit sino sa mga 'to. He dialled their numbers again. Hindi niya titigilan ang mga 'to hangga't hindi mga sumasagot. Kailangan niya ng paliwanag sa nangyayari ngayon sa bahay at buhay niyang in-invade na obviously ng nagpakilala sa kaniyang Page. "Papi, pakitakip ang ilong, lalaki kasi 'tong anak mo kaya medyo mashontot ang poop nito." Kunot-noo niyang nilingon si Page na ilang dipa lang ang layo muna sa kinatatayuan niya. Hindi niya masyadong naunawaan ang sinasabi nito pero narinig niya ang 'Papi' na kakasabi niya lang na huwag nitong gamitin na pang-address sa kaniya, katigas ng ulo! "Page—" hindi man siya tapos sa pagsasalita upang tawagin sana 'to ay napatda na siya sa amoy na namayani sa kabahayan— ang baho! "Bakit? Maliligo ka na ba, Papi?" Dahil sa hindi kaaya-ayang amoy, binitiwan niya saglit ang hawak niyang cellphone, napatakip na kasi siya ng palad niya sa kaniyang ilong at namaluktot na tila maduduwal. Bago siya tumakbo sa banyo upang makaduwal na, nasulyapan niya pa ang baabeng kausap na parang balewala lang dito ang naaamoy at hindi niya 'yon mapaniwalaan! "Naku, mahina ang sikmura ni Papi Blue, hayun, nasuka! Kaya halika na, Baby Sky, mag- diaper ka na ulit!" "Grabe! Bakit ganyan ang amoy niyan? Daig pa niyan ang kumakain na," reklamo niya nang matapos maduwal. "Hindi ka lang sanay siguro na makaamoy ng gano'n. Pero s'yempre, mula ngayon ay masasanay ka na. Dahil nandito na ang baby na 'to!" Muling binalik nito ang baby sa stroller. "For now, dito muna siya. Ganyan lang naman 'yang si Baby Sky, pagkatapos mag-pupu, matutulog 'yan ulit habang dumedede. Nailalapag naman siya, actually, hindi nga siya alagain. Mabait na baby 'to. Bigyan mo lang ng dede e." Gano'n nga ang ginawa nito, binigyan ng feeding bottle na may laman na formula milk ang baby, pagkalapag nito ro'n sa baby stroller ulit. "Page—" okay, hindi naman niya naituloy ang dapat na sasabihin niya, nang muli niya kasing lingunin si Page ay nakadukwang 'to sa baby stroller na tila may inaayos do'n. Nakatalikod 'to mula sa view niya kaya kitang-kita niya ang mapuputi nitong legs at kuyukot nang yukuin nito ang kung ano sa baby stroller! "Wait lang Papi, ayusin ko lang 'to." Napalunok siya. Saka napahawak siya sa sarili niyang leeg nang parang nangati siya banda ro'n dahil sa nakita niyang kuyukot at legs... "S—Sabi ko sa'yo, huwag mo 'kong i-address nang ganyan," tila nahihirapan niyang sabi. In fact, napatingala na siya at napapikit na lang kaysa masulyapan niya ulit ang kausap na nakatuwad pa rin— na nakikita niya mula sa peripheral vision niya. "Ha? Sinabi mo ba? Pero ang akala ko si Baby Sky lang muna ang bawal kang tawagin ng Papi? Hey, okay ka lang?" Nang muling magmulat siya ng mga mata, naroon na ang kausap sa kaniyang harap. At dahil mas matangkad siya rito, bahagya 'tong nakatingala sa kaniya, at ewan ba naman niya kung bakit ba naman kung ano pa ang nais niyang iwasan, 'yon pa ang unang pinuna ng paningin niya— ang malalim lang naman na cleavage nito! Geez, cup C pa yata siya! "Oh, fvck!" aniya, sinabayan niya 'yon ng pagpikit at pagsapo sa sariling noo dahil sa biglang pagkahilo na naramdaman. "Papi, anong fvck? Ikaw ha, ang pilyo mo pala!" Dinig niya ang pinong hagikgik nito. "Huy, Papi? Okay ka lang ba?" "Tabi, m—magba... banyo ako..." "Dapat pa nga siguro. Namumula kasi ang katawan mo at—" "Back off!" bulyaw niya rito nang maramdaman niyamg hahaplusin siya nito sa kung saang parte ng kaniyang katawan na naka-exposed sa mga mata nito sa mga sandaling 'yon. Well, nakatapis nga lang kasi siya ng towel sa lower body niya nang kumatok 'to kaya hindi siya puwedeng basta hawakan lang nito. Wala siyang damit, mas walang damit, mas mararamdaman niya ang init ng haplos nito. Argh! Ano ba ang pinagsasabi niya, parang tunog p**n na 'yon ah! "Ay, ang sungit mo naman, Papi!" tugon ni Page sa tonong tila balewala naman dito ang kaninang pagbulyaw niya. "S—Sorry," hinging paumanhin niya. Kahit naman hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend ay alam niya naman kung paanong mag-alaga ng babae. Alam niya na hindi dapat sinisigawan ang mga babae. "That's okay lang naman. O, tubig, kinuha kita, naglalaho kasi ang kulay ng labi mo." Kaya pala 'to biglang naglaho sa paningin niya saglit. Kinuha na lang niya ang inaalok nitong tubig saka siya mahinang nagpasalamat dito. "I'll take a shower," paalam niya na rin dito. Naglakad na siya papunta sa banyo kahit parang nananadya ang kirot ng kaniyang ulo sa sakit niyon ngayon kaya sapo niya pa rin 'yon tuloy maging ang kaniyang leeg na tuluyan na ngang nangati kaya kinamot na niya. Hives na nga! Kaagad na 'yong nagkaroon ng hives kaya nangati. Allergy niya 'yon talaga. Dahil mas sa pagkakamot na na-focus ang atensyon niya at makati naman kasing talaga na 'yon 'pag nasimulan, hindi na niya alintana nang mahulog sa lower body niya ang towel na nakatapis do'n. Hindi niya na 'yon sana nga papansinin, kung hindi nga lang tumili si Page, na nakita pala ang pagdausdos ng towel sa paanan niya! "Ayyy! Papi! Nahulog!" anito sa patiling paraan. Dadamputin at yuyukuin na sana niya ang towel nang maunahan siya ni Page! Naunahan siya nito na damputin 'yon, naunahan na rin siya nito na maibuhol ulit ang towel sa bewang niya— nahawakan siya nito! At para siyang nalango na sa hilo dahil ni hindi naisip yata ng babae na ang ginawang pagbuhol ng towel sa bewang niya nito ay makakasama para sa kaniya. Mabilis kasi na pumuwesto 'to sa harap niya para ibuhol ang towel do'n pagkatapos nitong damputin 'yon mula sa paanan niya at iyapos 'yon sa bewang niya kanina! "H—Hey—" hindi malaman na saway niya rito. Nakangisi siyang hinarap nito at mahinang tinapik ang kaniyang pisngi! "Ayos lang, Papi, sanay naman na ako sa pagtigas ng mga 'yan 'pag nasa malapit ako." His blue eyes widened in shocked nang lubos niya maunawaan ang sinabi nito! And oh hell, mas lalo pang namilog ang mga asul niyang mga mata nang tila ba sadyang sanggiin ng knuckles nito ang tinutukoy kanina na tumitigas! "Er, I... I can't... breathe..." 'yon na ang huli niyang natatandaan na nasambit niya, bago siya tuluyang mawalan ng malay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD