3: The Baby

1553 Words
SUMISIGID ang kirot sa kaniyang ulo nang magising siya. Hangover. Iyon nga lang ang pinakamalala na hangover na naranasan ni Blue sa buong buhay niya dahil sinagad niya ang pag-inom ng alak kagabi dahil sa pagpapawalang bisa ng lolo nila sa kaniyang posisyon sa kompanyang halos tila naging asawa na niya. Pansamantala. Ah, sabi nga pala ng mga pinsan niya sa kaniya ay dapat niyang isaksak sa kukote niyang pansamantala lang 'yon. Na 'yon ay mapapadali kung may ma-present na siyang anak at asawa kay Don Vladimir Henson. Sapo ang sariling ulo ay bumangon na siya at hinainan ang sarili ng mainit na sabaw na makakapagbaba ng hangover niya. Pansamantala rin ay sa sarili niyang naipundar na bahay siya maninirahan dahil pinaalis din siya ng don sa mansion nito. Buti na lang pala ay nakabili siya ng bahay sa Metro. Buti na rin talaga ay may savings siya na hindi maaaring saklawan ng abuelo. Ang tanong na lang ay kung kakayanin ba niya ang pamumuhay na walang trabaho e gayong ngayon nga lang ay kusang gumising ang katawan niya sa nakasanayan na oras ng pagpasok sa kaniyang trabaho. Matapos niyang mag-init ng sabaw ay napagpasyahan niyang magbanyo na muna. Ngunit hindi pa man siya nakakaupo sa trono ay tumunog na ang doorbell ng bahay niya, indikasyon na may tao sa labas. At dahil wala naman siyang ibang kasama ro'n ay s'yempre pa, siya ang magbubukas ng pinto para sa bisita na kay aga naman yata. Walang tigil sa pag-doorbell ang nasa pinto kaya napakunot-noo na siya sa inis. Wala naman siyang inaasahan na bisita, sino kaya 'yon? Nag-mouthwash lang siya at hilamos muna, nagtapis din lang siya ng tuwalya sa lower body niya dahil well, natutulog siya na tanging boxer shorts lang ang suot. Hindi pa man siya humaharap sa tao ng gano'n ang itsura niya ay wala siyang magagawa ngayon dahil nagmamadali ang nasa pinto, mas lalo lang nitong pinasasakit ang ulo niya sa tunog niyon. "Wait for a sec!" aniya sa nakapinid na pinto, in-on naman niya ang speaker na naka-install sa magkabilang panig ng pinto upang magkarinigan sila ng kung sinong nagdo-doorbell. Sinilip na rin niya sa peephole kung sino ang bisita niya. Baka napaaga lang kasi rin ang kinontrata niyang tagalaba ng mga damit niya habang nananatili siyang mag-isa ro'n. Huh? A Baby stroller? Ikinurap niya ang kaniyang mga mata. At upang mas makasiguro siya sa nakikita, kinusot niya pa at hinilot ang pagitan niyon. Pero pagsilip niya ulit sa peephole ay 'yon pa rin naman ang naroon— a baby stroller! What the— Dahil sa nasilip ay nagmadali siyang buksan ang nakapinid na pinto. Isa ngang baby stroller ang naroon! A blue baby stroller na nasisiguro niyang sa mga leading malls lang nabibili. And of course, sa baby stroller na 'yon ay may baby. A baby, na tahimik na natutulog at sinisipsip ang sariling thumb finger! Hangover lang ang mayroon siya at wala naman sa pag-aaral ang nakapagsabing nakakapagpawala ng katinuan 'yon kaya matino pa siya ngayon at alam niya pa ang mga itatanong niya sa sarili... Bakit nasa pinto niya ang baby? Sa pagkakatanda niya ay medyo may kalayuan ang mga bahay na naroon sa subdivision na 'yon, imposible naman na may nagkamaling tao na iwanan ang baby na 'to sa pinto niya. At ang mahalagang katanungan— kaninong anak 'to? He never wish for a baby, kahit pa ba kailangan niya 'yon ngayon. My goodness! Hindi siya ang klase ng tao na nadidiktahan na lang basta ng kung sino kaya wala sa mga suhestyon ng mga pinsan niya ang binalak niyang sundin, maging ang dinidikta ng isipan niya kagabi kaya... ano 'to? Ba't may baby rito? Nahigit niya ang hininga. Nailagay niya ang daliri niya sa kaniyang chin, napapaisip siya. Nang maalala niyang baka isa 'to sa mga plano ng pinsan niya ay kaagad niyang tinungo ang loob ng bahay niya ulit at kinuha ro'n ang cellphone niya. Tatawagan niya ang mga pinsan. Kailangan niyang malinawan sa mga pangyayari. Kailangan ng mga 'tong magpaliwanag sa kaniya dahil wala naman siyang naaalala na pumayag siya sa suhestyon ng mga 'tong mag-hired siya ng asawa at anakan 'yon! Si Haya! Ito na muna ang uunahin niyang tawagan dahil ito lang ang makulit kagabi na nagsusuhestyon sa kaniya about hiring a fake wife. "C'mon, pick up the phone," naiinip at medyo inis niyang anas sa sarili habang hinihintay niya ang pagsagot ni Haya sa tawag niya. "Hello, Blue? Why? Sorry, I need to hang up, nagmamadali ako ngayon at—" "Hold on! Listen, may baby sa tapat ng bahay ko ngayon at gusto kong malaman kung sino sa inyo ang nagdala rito nito." "Ha? Ano? Baby? Baby ba? Wait, chop—choppy—" B'wisit! Choppy ngang tunay dahil naglaho na kaagad sa kabilang linya ang brat niyang pinsan. He let out a sharp breath. Nakapameywang na binalikan na lang niya ang baby na nasa tapat ng kaniyang pinto. Hindi naman niya tsinek ang paligid, baka may nag-pa-prank lang sa kaniya or what so ever, basta, kailangan niyang malaman kung ano ang rason ng pag-iiwan ng baby sa pinto niya. Nang muling bumungad sa kaniya ang baby na nasa stroller, ewan ba niya, ngayon kasi na mukhang na-absorb na ng utak niyang baby nga 'yon at nasa tapat nga ng pinto niya 'yon ay tila may kung anong bagay ang humaplos sa kaniyang puso habang minamasdan niya ang baby na walang muwang sa paligid. Ni hindi nito alam na iniwan ito ro'n ng kung sino. Sa pagkaalala niya niyon ay nagpalinga-linga siya. "Sino ang nag-iwan sa'yo rito...?" And there, naroon naman pala ang culprit at hindi lang nagsasalita! "H—Hi," anito sa kaniya, kumaway pa! Nanliit ang mga mata niya sa inis. "Who the hell are you?" asik niya rito. Napalunok ang babae, saka ngumiti. "I'm Page Romualdez, Sir Blue." "Okay— wait, what? Paano mo 'kong nakilala?" Imbes na sagutin siya ng babaeng nagpakilalang Page, dumukwang 'to sa baby stroller. At do'n ay kinuhang brown envelope, nakaipit sa bandang ulo ng baby 'yon. "Ito. Narito ang docs na nagsasaad na ikaw si Blue Henson, na tatay ni Baby Sky." Marahas niyang inagaw sa babae ang docs na sinasabi nito. Kunot-noo at halos magkasalubong na ang mga kilay niyang pinasadahan ang papel na 'yon. It was a DNA test result saying, siya nga, si Blue Henson, ang tatay ng bata na may pangalan na Sky! "'Yan lang ang docs na mapapakita ko sa'yo, Sir Blue, as you can see, tatlo ang DNA test result na 'yan. Yes, results 'yan ng DNA mula sa iba't-ibang clinic at prominent hospital dito sa Pilipinas na guaranteed accurate, ginagamit sa Tulfo at KMJS pa nga 'yan, kung plano niyong gawing apat upang mas makasiguro kayo, wala namang problema. 'Yon din ang bilin sa'kin ng mommy ng cute na baby na 'to," while the lady saying that, kinarga na nito ang baby na nagsimula nang umingit. "This is a scam!" bulalas niya. Tinaasan siya ng kilay ng babae. "Uulitin ko, kung plano mong gawing apat, lima, o sampu pa ang pagpapa-DNA, walang problema, Sir Blue. As per your question kung paano kitang nakilala, hayan, nariyan kasi ang pangalan mo sa results. Again, 'yan lang ang docs na mapapakita ko sa'yo, wala kasi sa akin ang birth certificate ni Baby Sky." "Ano ba ang sinasabi mo? This is... incredibly insane!" "Hmp! Sige lang, pinagdaraanan talaga ang denial stage. Hindi ba, baby?" pagkausap pa nito sa kargang baby. His eyes dart towards her, pagkatapos ay sa baby, pagkatapos ay naiinis niyang nahilamos ang sariling palad sa kaniyang mukha. Nagpalakad-lakad siya, hanggang sa may maalala... "Wait, so, sinasabi mo sa'kin na hindi ikaw ang mommy niya?" "Of course not!" Nakaingos na turan sa kaniya ng babae. "Sa sexy kong 'to, mukha na ba 'kong nanganak sa'yo?" Alright, ng babae na ngayon lang niya napunang... sexy nga... Those legs, tila 'yon nangangako ng forever. Litaw ang legs ng babae dahil naka-short shorts lang 'to. Actually, ngayon na pinasadahan niya 'to ng tingin from toe to head, napuna niya rin na litaw ang pusod nito sa suot na crop top shirt— sexy talaga! "U—Uhm..." "So? Nagustuhan mo ba ang nakikita mo, Sir Blue?" Awtomatiko ang paglaki ng mga mata niya, because God help him, hindi lang sexy ang babaeng kaharap, maganda pa 'to! At kilala niya 'to! "Ikaw?! Ikaw 'yong babae sa bar kagabi, ikaw 'yon! Hindi ako maaaring magkamali!" "Hindi ko naman ide-deny," anang babae. "At hoy! Ikaw nga ang pinunta ko sa bar na 'yon, loko ka! Sa bar na 'yon nalaman ko na nando'n ang blue-eyed na tatay nitong si Baby Sky, kaya pinuntahan kita ro'n at hinanap. Kaso lang ay nagkaro'n ng gulo. So, eto, naisip kong i-surprise ka na lang ngayong umaga." "Surprise?" Mapakla siyang natawa. "Yep. Surprise, isa ka ng tatay!" Tila nakakaloko pang ani nito sa kaniya, she's also using a tone na parang tuwang-tuwa 'to. "Really..." "Oo, really at talagang-talaga! O, eto," Iniumang nito sa kaniya ang karga nitong baby, "tignan mo, pareho kayo ng mga mata ni Baby Sky, so cuteee!" Nang tapunan niya ng tingin ang baby, nakadilat na nga 'yon. And God help him again, dahil tila siya nakatitig sa sarili niyang mga mata nang magkasalubong ang mga mata nila ng baby!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD