2: Striking Blue Eyes

1517 Words
"WELL, it is your fault naman to begin with, paano ay in-ignore mo ang calls ko. Dasurv mo 'yan!" Humagikgik pa si Haya matapos maglitanya, sinabayan 'yon ng halakhak ng isa pa nilang pinsan na si Grey. "Malay ko ba naman na may magandang balita palang kaakibat ang pangungulit mo kanina?" Napaingos lang ang pinsan niya sa kaniya. "Ewan ko ba naman sa'yo, masyado mo kasing nilulunod ang sarili mo sa apat na sulok ng k'warto mo, ni wala ka na ngang social life. Umiinom ka pang mag-isa, 'yon tuloy, napahamak ka!" Pumapalatak pang saad ni Haya sa kaniya. Naiinis na nilagok na lang niya ang tangan niyang bote ng alak. Naroon sila ngayon na magpipinsan sa isa sa mga sikat na bar sa Metro. Ano pa ba ang masayang gawin pagkatapos mainis? E, 'di ang lunurin ang sarili sa alak! "Hayaan mo na, you know, you can always look at the bright side, men," Red said. Tinapik nito nang marahan ang balikat niya. "Ang nakakainis lang, paano naisip ni Grandpops na bading ka, ano?" Baliw talaga si Haya minsan. Itinatanong pa nito talaga 'yon gayong malinaw naman na nilang napanood ang news na pinakalat ng kung sinong manunulat sa business page online. Sa video na 'yon na kumalat online, makikita kung paano niyang hinawi palayo ang isang babaeng sexy na lumapit sa kaniya sa isang bar. But of course, siya na CEO ng isang multi-billion company, astig kung isalarawan sa larangan ng negosyo, hindi talaga maiiwasan na maidikit siya sa maling akusasyon na 'yon lalo pa at ni hindi siya nagkaroon ng girlfriend na isinapubliko. Ah, no, never siyang nagkaroon ng girlfriend pala talaga sa 25 years niyang existence sa mundo at 'yon ang inaabangan ng lahat sa kaniya mula't simula nang makilala ang husay niya sa mundo ng negosyo. 'Yon din ang sinimulan ng false rumor na 'yon, na ikinagalit ng kanilang abuelo dahil well, wala namang mabigat na rason kung hindi ang ego nito na tinamaan sa issue. Hundred percent, he's not gay. Alam niya 'yon sa sarili niya. Napabuntonghininga na lang siya sa mga naglaro sa isip niya. "Let's not talk about it anymore, tapos na 'yon. Nangyari na," aniya na lang sa mga pinsan. Haya sighed. "Bakit kasi hindi mo na lang sabihin kay Grandpops, Blue?" "He can't do it!" Protesta kaagad ni Grey, "Naririnig mo ba ang sarili mo, Haya?" "At bakit hin— oh, my God, I'm sorry, Blue. I almost forgot about it!" Napailing na lamang siya. Hindi siya dapat kaawaan ng kahit sino. Pang-unawa lang naman ang hinihiling niya. Pang-unawa na tanging mga pinsan lang niya ang nakapagbigay sa kaniya kaya ang mga ito lang ang nakakaalam ng tunay na rason kung bakit ni isang girlfriend ay hindi siya nagkaro'n. "Maiba ako, so, ano na ang plano mo?" Muli lang siyang umiling. "I really don't know yet, Red." 'Yon ang totoo. Kung may isang bagay sa mundo kung saan siya mahusay, 'yon ay ang pagpapatakbo ng negosyo. Kaya nakakatampo lang na dahil sa false rumor na 'yon, ang pinagpaguran niyang kompanya ay gano'n na lamang kabilis na maglalaho sa kaniya. Kahit sabihin pa na pansamantala. At alam niyang alam ng mga pinsan niyang depressing sa kaniya ang pangyayaring 'yon. After all, siya si Blue Dodge Henson, ang tanyag at young CEO ng Henson Corp, na kung ituring ng lahat ng negosyante sa sirko nila ay tinik sa lalamunan ng mga 'to dahil sa husay niya. "Well, at least, now, makakapag-chill ka na, 'yon naman ang matagal ko nang hiling for you." Nasisiyahang sabi ni Haya. Nang magngitian din sina Red at Grey, napailing na lamang siya ulit. Masyado niyang mahal ang kompanya niya at trabaho niya, alam ng mga 'to 'yon. Kaya alam din niyang nauunawaan ng mga 'to ang bigat sa kaniya ng desisyon ni Don Vladimir Henson. Idagdag pa na saan siya kukuha ng anak? And worst, ng asawa? Fvck. Akala niya talaga ay wala nang mas problematic sa mga trabahong nakasanayan na niya sa pagdaan ng taon, nagkamali pala siya. Of course, maaari niyang ikonsidera ang pag-hired ng isang babae na maaari niyang i-present sa mundo as his girlfriend, puwede rin naman na babaeng magdadala ng kaniyang binhi pero hindi niya gusto ang idea na 'yon. Hindi siya gano'n maglaro. Sa bawat ginagawa niya sa buhay ay binubuhos niya ang lahat kaya rin masama ang loob niya ngayon sa pagpapatalsik sa kaniya ng lolo niya nang dahil lang sa maling akusasyon na 'yon. "Dude, look at that big ol' booty," biglang anas ni Grey sa kanila ni Red nang tumayo si Haya at nagpaalam sa kanila na magbabanyo. Napailing siya. Sa kanilang tatlo ay si Grey talaga ang maloko pagdating sa babae. Tahimik na sinundan na lang din niya ng tingin ang kung sinong tinutukoy nito. Isang sexy ngang babae. 'Yon ay kahit nakatalikod pa 'to sa view nila. The lady was wering a bodycon silk dress na umaabot lang ang haba sa gitna ng hita nito. Those legs, gano'n ang legs na papangarapin ng isang lalaki na yumapos sa kaniya nang mahigpit... Those buttocks, alright, marahas na lang siyang napalunok lalo na ng ma-imagine niyang haplos niya ang mga 'yon at sinusukat niya ang mga pisngi niyon kung kasya sa kaniyang palad... "LET me go!" Saway ni Page sa isang lalaki na basta na lang siya hinawakan sa braso at hinila. Isiniksik niya ang sarili niya sa mga taong nagsasayaw sa bar na 'yon dahil naroon ngayon ang pakay niya sa Metro Manila. Ibinagay niya lang ang sarili niya sa lugar upang makapasok siya, ngunit ang mundo ay hindi kailan man naging mabuti sa isang babae. Yes, nilalahat niya na. Dahil pupusta siyang hindi porque maganda ang isang babae o sexy ay sila na lang ang nakakaranas ng ganitong kabastusan mula sa opposite s*x. She really can't imagine kung ilang babae na kaparis niya ang nakakaranas ng pambabastos sa araw-araw, sa tuwing lalabas lang ng bahay at naglalakad, sa tuwing sasakay sa pampublikong sasakyan. Kung sana nga lang, lahat ng babae ay katulad niya dahil sa mga oras na 'to ay alam niyang hindi siya mangingiming sipain sa pundilyo ang lalaking basta na lang humawak sa pulsuhan niya, e, dumaraan lang naman siya! "I said, let me go, you scumbag!" "Aba, matapang pala 'tong si sexy!" anang lalaki na may hawak sa kaniya sa dalawa nitong kasama na naroon din at pasimpleng nanghihipo ng mga kababaihan na sigurado siyang mga lasing na at wala na sa tamang huwisyo. Nagpumiglas siya pero mas hinigpitan lang nito ang pagkakahawak sa pulsuhan niya. She gritted her teeth. Isa pang piglas at 'pag hindi pa siya binitiwan nito ay sasamain talaga 'to sa kaniya. Napasulyap siya sa suot niyang Jimmy Choo shoes na patulis ang hugis ng toe cap. Nanghihinayang siyang isipin na sasayad ang mamahalin niyang sapatos sa pundilyo ng p*****t na lalaking kaharap pero aaminin niyang na-e-excite naman siya sa magiging itsura nito 'pag tumama ang mismong toe cap ng suot niyang sapatos sa target niyang private part nito... "Miss, aayain ka lang naman naming sumayaw, besides, kaya nga tayo narito sa bar... ay para magsayaw..." Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, mas nagtagal pa ang paningin nito sa boobs niya, kundi ba naman bastos 'tong talaga! Naiinis na pinaglapat niya ang kaniyang labi. Ang palad niya sa mismong pulsuhan niyang hawak nito ay pinaikot niya rin sa pulsuhan nito— 'yon ang gagamitin niya kasing pangbuwelo sa kaniyang gagawin. At sa isang segundo lang, ni hindi nahinuha nito ang balak niya, napanganga na lang 'to sa gulat nang tuhurin niya 'to sa pundilyo! Deserve! Hindi na rin niya 'to binigyan ng pagkakataon na makapagsalita o umaray, dahil nang tuluyan na siyang mabitawan nito ay ubod lakas niya 'tong sinipa gamit ang patulis na toe cap ng suot niyang sapatos. Sa ginawa niyang 'yon ay nagkagulo sa bar. Nahawi ang mga tao na nasa gitna at nagsihinto sa pagsasayaw. Ang lalaking p`rvert ay namimilipit sa sakit at pinipilit siyang panlisikan ng mga mata, kahit hindi nito 'yon maimulat na sa sakit na nararamdaman sa mga sandaling 'yon. Nginisian niya muna 'to bago niya 'to talikuran. "Deserve mo 'yang b'wisit ka! Adios!" Ngunit hindi pa man siya nakakalayo sa lalaking kaniyang sinipa at tinuhod, nagkaingay na naman ang mga tao sa likuran niya, rason upang mabalik ang atensyon niya sa p`rvert na lalaking kaniyang sinaktan. Gano'n na lang ang pagbilog ng mga mata niya sa kabiglaan, nang lumingon kasi siya ay ang pagsadsad sa sahig na ng lalaking p`rvert ang nabungaran niya. Sumadsad 'to sa sahig dahil obviously ay binalibag 'to ng matipunong lalaki na nakatalikod sa kaniyang view! Matipuno, mataas na lalaking g'wapo kahit pa nga ba hindi pa 'to humaharap sa kaniya ay nasisiguro niya na... "You should be more careful next time, miss. Hindi mo alam na hahawakan na niya ang buttocks mo." Napasinghap siya. Ahm, hindi dahil sa sinabi ng lalaking kanina lang ay pinagpapala ng mga mata niya habang nakatalikod, napasinghap siya sa gulat dahil ang lalaking tumulong sa kaniya... ay may makalaglag panty na asul na mga mata!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD