9: The Henson Family

1553 Words
NAGKATITIGAN sila ni Blue nang datnan nila ang mga taong naroon sa living room ng mansion na nagkakatuwaan— natutuwa kay Baby Sky, to be exact. "Naku, ang tagal na nang last na may baby na naligaw rito. Napaka-cute naman ni Baby Sky, 'katuwa!" bulalas ng babaeng itim at ang straight na straight na above the shoulder ang lenght na buhok. Simple lang 'to sa paningin niya at napaka-firm kumilos. Well, nasabi 'yon ni Page sa isip niya dahil dalawa ang may edad nang mga babae ang nakapalibot kay Haya at kay Baby Sky, at ang isa sa dalawa niyang nabanggit ay sobrang sophisticated to the point na pino-flaunt na talaga nito ang yaman sa gano'ng bihis at ayos. "Look at those adorable blue eyes! Papa, pumanaog ka na at nang ma-meet mo na ang apo mo!" anang kababangit lang niya na babae sa kung sinong tinitingala sa malawak na hagdan na nasa entrada ng living room na 'yon. Wala namang tao ro'n nang tingalain niya. "That black-haired woman is Auntie Zenith, Red's mom, and the other one is Auntie Celeste, Haya's mom," untag ni Blue sa kaniya. Tinanguan lang niya 'to. Inakay na siya nito palapit sa dalawang babae na nabanggit. "Hi! Blue Dodge! Nakakatuwa na makita ka ulit dito sa mansion," kaagad na sabi rito ng ipinakilala sa kaniyang Auntie Zen nito kanina. "Same here, Auntie Zen," ani Blue naman dito. Niyakap nito 'yon at hinalikan sa pisngi, gano'n din ang ginawa nito kay Celeste. Ginaya rin naman 'yon bilang pagbati rin sa mga 'to nang maipakilala na siya ni Blue sa dalawa. "I'm glad to meet you, napaka-cute ng anak niyo," papuri ni Celeste pagkuwan. "Salamat po," tipid na nahihiya niyang tugon na lang. "I'm wondering kung kailan ako mabibigyan ng ganyan ka- cute na apo ni Hayanara, ewan ko ba sa batang 'to, mahilig naman sa baby ay ayaw mag-boyfriend naman." "Mom, nakakahiya kay Page ang mga sinasabi mo na 'yan," pakikisakay naman ni Haya sa ina. Hindi naman nagtagal ay pinatawag na sila ni Don Vladimir sa isa sa mga katulong ng mga 'to. "Ninenerbyos ka pa ba?" Mahinang tanong ni Blue sa kaniya. "Medyo na lang," pag-amin naman niya. "Don't be. Sa tingin ko naman ay ikaw ang klase ng babae na gugustuhin niya para sa kaniyang apo." Ano raaaw?! Dahil aabot lang siya sa balikat nito ay tiningala niya 'to upang magkasalubong ang kanilang mga mata. "A—Ano ang pinagsasasabi mo, Blue?" Ah, mukhang wrong move ang ginawa niya dahil no'n lang niya napagtanto na ang prominent pala ng asul na mga mata nito sa gano'ng view... He chuckled. "Kahit nakakatawa 'yon sa pandinig mo ay seryoso ako sa sinabi kong ikaw ang klase ng babae na gugustuhin ni Grandpops." Jusmeo, why he's talking about that na para bang sa pandinig niya ay totohanan na ang namamagitan sa kanila nito? Kanina lang ay kinilig na siya na para sa kaniya ay normal na reaction lang ng isang babae na binibigyan ng singsing ng isang lalaki, pero ano 'tong may pasabi pa 'to na magugustuhan siya ng lolo nito na animo normal na pagpapakilala ang magaganap sa pagitan niya at ng lolo nito! Kaya nga mas dapat mong kalmahan lang, Page, kung ayaw mong tuluyan na mahulog sa lalaking katabi mo ngayon. Ganyan pa naman ang mga tipo mo. Marupok ka sa ganyan kagandang mga mata, paalala niya na lang sa sarili. Pagkuwan ay tumikhim siya. Dapat na niyang ilihis ang topic kung ayaw niyang patuloy siyang gulatin ng mga salita nito sa kaniya. "Kukunin ko lang si Baby Sky kay Haya, excuse me—" "Hindi na kailangan." Inawat nito ang akmang paghila niya sa pala niyang nakaangkla sa braso nito. Hinayon niya ang pinatunguhan ng mga mata nito at do'n at tuluyan niyang naunawaan kung bakit siya nito pinigilan. May electric rocking chair pala ro'n na para kay Baby Sky! Her eyes grew big. Na-excite siya kasi para kay Baby Sky. Ang kaninang pag-awat sa kaniya ni Blue ay hindi rin naman nasunod at tumakbo na siya palapit kay Haya, Euna, Red at Grey, na inaayos ang pagkakalapat ni Baby Sky sa electric rocking chair. "Gustong-gusto niya rito, Page," masayang turan ni Haya sa paglapit niya. "Alam na alam nga niya na may bago siyang wheels, o' right!" bulalas naman ni Grey. Nang sipatin niya si Baby Sky, aba, dilat na dilat ang asul na mga mata nito, tumatawa habang iniikot ang tingin sa mga nakapaligid dito, halatang kilala na ni Baby Sky ang mga t'yuhin at ang Tita Haya nito. "Ang cute naman ng baby! Aigooo, kinukuha ang toy!" mangha naman na wika ng girlfriend ni Red na si Euna. Hindi pa man sila naipapakilala sa isa't-isa personally ay alam na agad niya na ito 'yon lalo at hinapit na 'to ng kasintahan na si Red at parang pareho silang nangarap ng sarili nilang baby habang nilalaro nila si Baby Sky. "Ang happy naman ng baby ko, tulo laway na sa sobrang happiness!" Nagkatawanan sila sa sinabing 'yon ni Blue sa anak, nang makalapit na rin 'to sa electric rocking chair. Agad naman na pinunasan niya ang laway nga ni Baby Sky na kandatulo na sa kasiyahan nito. Tuwang-tuwa rin kasi talaga 'to sa paglalaro ni Grey. Idagdag pa na nakisali sina Celeste at Zen sa kaguluhan nila kay Baby Sky, tila alam ng huli ang mga nangyayari kaya gano'n 'to kaaktibo ngayon. "Napakaingay naman talaga 'pag mayroong baby," pukaw sa kanilang lahat ni Don Vladimir Henson. Lahat sila ay nagsiayos ng tayo mula sa pagkakayukyok kay Baby Sky, ang iba ay umayos na ng upo sa hapag sa pagdating nito na kasama ang dalawang anak na lalaki. Well, bukod sa kaniya at kay Blue. But of course, kailangan niyang maisaayos muna si Baby Sky, ang rocking chair nito, to be exact, sa tabi ng uupuan nila ng tatay nito sa mahabang mesa na 'yon. E, kasi naman, nasa tabi ang electric rocking chair ng upuan na kung hindi siya nagkakamali ay trono ng don sa hapag! "Good evening, Grandpops," bati ni Blue sa lolo nito, nagmano 'to, gano'n din ang ginawa rito nina Red at Grey. "Magandang gabi, Don Vlad," si Euna, na matapos magmano sa don ay humalik sa... noo ng matanda? "Ni hindi ka nakikinig talaga," pabirong pagalit naman ni Don Vladimir kay Euna. Pabiro rin nitong hinampas dito ang tangan na walking cane. Bumungisngis lang si Euna bago talikuran ang matandang don. Nakita niya pa na mahina nitong itinulak si Haya palapit sa lolo ng huli. "Grandpops! Napakag'wapo mo tonight!" Si Haya, na halatang magiliw sa matandang don at gano'n din dito ang huli. Patunay ang halata rin na may lambing na ibinigay nitong yakap sa nag-iisang apo na babae. "Bolera ka talaga, Hayanara." Natatawang wika naman nito sa apo. "No! Of course, I am not! Grandpops, talagang gumag'wapo raw ang isang taong na bumibili ng gamit para sa baby. Lalo at ang baby na 'yon ay hindi mo pa naman nakikita. Excited much eh?" panunukso ni Haya sa lolo nito. Malakas na natawa ang don. At sa tingin niya ay si Haya lang talaga ang nakakapagbiro ng gano'n dito sa mga apo dahil nang masdan niya sina Grey, Red at Blue, mga seryoso naman 'tong nakamasid lang din sa lolo nila at pinsan na babae. Ah, dapat niyang idagdag na maging Celeste ay gano'n din kagiliw sa matandang don. Ito pa mismo ang nag-alok sa huli na maupo na, nang maiurong ni Red ang upuan na para sa don. Anyway, kailangan lang naman niyang masdan ang mga 'to, out of respect, kaya nang matapos na ang mga 'to sa paghuhuntahan ay bahagya na ulit siyang yumuko para kapain ang mga gulong electric chair. Baka kasi naka-locked lang 'yon do'n kaya ayaw maurong kahit anong pilit niya. "Ahm, si Page, Grandpops, my fiancé," pakilala sa kaniya ni Blue sa lolo nito. Nakalimutan niya na hindi pa pala sila na-introduce ni Don Vladimir sa isa't-isa, kundi ba naman! "Ah, yeah, hello po! Page Sanrio Romualdez po," agad niyang pakilala sa don. Kinuha rin niya ang palad nito at nagmano siya't humalik sa pisngi nito pagkatapos. "Maupo ka, Page, feel at home," magiliw na ani naman ng don sa kaniya. Nginitian niya 'to. "Salamat, salamat po, Don Vladimir." Pinag-urong siya ni Blue ng upuan at inakay na sa magiging puwesto nilang dalawa sa mahabang hapag pero hindi siya tuminag. Bagkus ay sinenyas niya rito na magpalit sila ng upuan, na siya ang uupo sa tabi ng don imbes na ito sana. "Why?" nagtatakang tanong sa kaniya nito tuloy. Ayaw man niyang yumuko na ulit ay napilitan siya upang isenyas dito na ayaw maurong ng electric rocking chair— alangan na iwan niya ro'n si Baby Sky, s'yempre siya ang dapat na katabi ng baby. "What are you doing?" "Uhm, Don Vlad, h—hindi po kasi mausog 'tong rocking chair, hehe," napilitan na lang niyang aminin sa don ang dilemma niya nang mga sandaling 'yon. Sa kaniyang panggigilalas, humalakhak ang don bigla! Mas lumakas pa ang halakhak nito nang sabayan 'yon ng hagikgik ni Baby Sky! Er... "Hindi mo 'yan maiuurong, Pahina, pinadikit 'yan ni Grandpops d'yan para kay Baby Sky," si Grey ang sumagot sa katanungan na namuo sa isipan niya ng mga oras na 'yon. So, kaya naman pala...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD