8: The Fake Ring

1535 Words
HINDI akalain ni Page na habang papalapit sila sa mansion ng mga Henson kung saan nila katatagpuin si Don Vladimir Henson ay gano'n na lang ang pagtindi ng kaba na namumuo sa kalooban niya. Kung tutuusin ay wala naman siyang dapat ikabahala sa magaganap mamaya. Anak naman talaga ni Blue si Baby Sky. Although, siguro nga, dahil sa kailangan niyang magpanggap na magiging asawa na nito kaya siya kabado ngayon. Normal lang yata 'yon dahil hindi naman sila ikinasal sa harap ng don at ng pamilya Henson kahit pa nga ba sabihin na peke lang ang lahat na mamamagitan sa kanila ni Blue. "Parang hindi ka at ease, Page, kinakabahan ka ba?" Tanong sa kaniya ni Haya. Ito ang katabi niya sa backseat ng kotse na minamaneho naman ni Blue. "Ha? Ah, m—medyo." Medyo hindi nga 'to nagkakamali sa nabanggit. Pagak na natawa si Haya. "Kumalma ka, ano ka ba! Mabait naman si Grandpops kahit na nga ba 'pag nakita mo siya mamaya ay pang-kontrabida sa movie ang itsura niya." Humahagikgik nitong sabi pa sa kaniya. She just let out a breathe. Tama 'to, dapat siyang kumalma habang may oras pa. Habang may kalayuan pa sila sa tatahakin nilang subdivision na located sa pusod ng Metro Manila. Tama rin 'to sa sinabi na mukha ngang kontrabida sa isang programa sa telebisyon ang lolo ng mga 'to. Madalas niyang nakikita noon si Don Vladimir sa mga business magazine. Hindi na nakakapagtaka 'yon at sikat ang negosyanteng tulad nito. Hindi nakakapagtaka rin "Don't worry, you will be fine," wika ni Blue, sa salamin ng kotse nito siya sinulyapan at kinausap. Nagulat tuloy siya. Ewan ba niya, para sa kaniya ay biglang ang lambing ng gesture na 'yon nito. Patunay ang naramdaman niyang kung ano na humaplos sa kaniyang puso nang salubungin niya ang asul na mga mata nito sa salamin ng kotse. "Hindi naman nangangain ng makulit na morena si Grandpops," dagdag pa nito. Namilog ang mga mata niya, hindi yata at joke 'yon? Nakikipagbiruan 'to sa kaniya? Seryoso ba? "Ha?" "Ang sabi niya, morena ka raw," gatong ni Haya, nasa tono ang pambubuska. "Ako? Morena?" At makulit daw... Tama naman ang mga narinig niya 'no? Okay, alam niyang kahit sa sarili niyang pandinig ay nakakatanga pakinggan ang tinugon niya pero masisisi ba siya kung magulat siya sa pinakawalan na salita ni Blue? Alam niyang morena siya at may kakulitan nga pero hindi siya aware na kaya palang magpakawala ng joke ni Blue habang seryoso ang tinig at facial expression nito... Shit, 'dami mong sinasabi, Page, ang sabihin mo, kaya palang tumibok ng puso mo sa abnormal na paraan nang dahil lang sa titig niya kanina! Bakit kasi parang may lambing ang pagbibiro at joke, Papi? "Anyway, kailangan kong purihin ang dress mo, bagay na bagay sa 'yo 'yan, Page," ani Haya. Nginitian niya lang 'to. "Salamat, si Blue ang pumili nito." Tumawa na naman si Haya. "No wonder, kaya naman pala conservative ng slight ang peg mo ngayon, dear!" May pagka-conservative nga ang istilo ng dress na suot niya ngayon at kinagulat nga rin niya na bumagay sa kaniya 'yon. It was not a typical casual dress actually. Kulay beige rin 'yon na ang style ay polo shirt dress. Butterfly style ang short sleeves, aabot naman ang haba niyon sa lagpas na sa gitna ng hita niya. Tinernuhan lang niya ng ibang belt na kulay gold na siyang katernong kulay ng purse at stilleto na napili niyang gamitin upang mas gumandang tignan 'yon sa kurba ng katawan niya. "Malapit na tayo," anunsyo ni Blue. At hayun nga, nang sipatin niya ang tinatahak na nilang daan ay natanaw na niya ang malawak na mansion ng mga Henson. Tila 'yon estilo ng mga bahay sa Baguio. Nakakamangha na 'yon sa mga magazine pero iba pa rin talaga 'pag sa personal mo na makita. "Mauuna na kami ni Baby Sky," saad ni Haya nang makaayos na sa pag-park ang kotse na lulan nila, "ang bait talaga ng baby namin na 'to o, ni hindi umiyak sa byahe." Paglalaro pa nito sa karga nito kanina pa na si Baby Sky, saka agad na 'tong bumaba mula sa kotse nang binuksan na ang pinto niyon na nasa gawi nito ng isa sa mga obviously ay bodyguards ng mga Henson. Buti pa si Baby Sky, kalmado lang. Parang alam na welcome 'to sa bahay na 'yon. Tila alam sa sarili na isa talaga 'tong Henson kaya wala 'tong dapat ikabahala. Mapapa- sana all ka na lang, Page. Nasa gano'ng isipin siya nang sumunod na siya kay Haya pababa ng kotse kaya nagulat na naman siya sa biglaang pagsasalita ni Blue, "Careful." Pagsasalita at paghawak nito sa kaniya siko! "Magugulatin ka pala," sambit nito nang makahuma na siya sa gulat. Sapo ang sariling dibdib, tinugon niya 'to. "A—Akala ko kasi 'yong bodyguard..." "Ano na lang ang sasabihin nila kung hindi tayo magsasabay na papasok sa loob?" Oo nga naman! "Ah." "Why, halatang tense ka." "Uhm..." Sino naman ang hindi matetensyon, gayong kinuha nito nang walang paalam ang palad niya at inangkla nito 'yon sa braso nito! "Sorry, ganito dapat kasi kung maglakad ang magiging mag-asawa, Page." "Ah... oo, okay lang," simpleng tugon na lang niya rito. "Kung nagtataka ka kung bakit kita nahahawakan ngayon na wala akong nararamdaman na kung ano, 'yon ay dahil sa gamot na tinurok sa 'kin ni Doc Akilles." "Naalala ko nga." Totoo 'yon, naalala niya nga ang tinurok na gamot dito ng duktor na dumating sa bahay nito no'ng mawalan na lang bigla 'to ng malay. Naalala niya rin na nakasulat sa agreement na pinirmahan niya ang tungkol sa allergy nito sa tuwing madidikitan ng babae. Weird nga, noon lang siya nakakilala ng tulad nito na may gano'ng kondisyon. She did a research about his unusual condition pero maraming resulta na lumabas sa pagsasaliksik niya at hindi niya alam kung alin do'n ang mga nangyari rito upang magkaro'n 'to ng gano'ng klaseng allergy. Blue has an allergy with touched. Ayaw niya sanang isipin na grabe 'yon pero grabe rin ang nangyari dito no'ng unang pagkikita nila. Tanda niya pa kung paano siyang nagulat no'n sa nakita niyang pamamantal nito at pamumula bago 'to mawalan ng malay. Kaya as much as possible ay pinipilit na niya na huwag hawakan 'to, kahit ang kalabitin man lang. Ayaw naman niyang mawalan na naman 'to ng malay nang dahil sa kaniya. "Blue, o—okay lang ba talaga ang gagawin natin na 'to?" Blue frozed. Eye to eye rin siyang pinagmasdan nito. "Nandito naman ako, hindi mo kailangan kabahan." "Hmn, maipapangako mo ba na hindi mo 'ko iiwan ngayong gabi?" "Hindi." Napanguso siya. "Naman e!" Blue chuckled. "Hindi naman kasi 'yan possible, you know, paano na lang kung kailangan kong mag-restroom?" Napanganga siya, hayun na naman 'to sa walang busina na humor nito! "O, kalmado ka na ba?" "Ano?" "Siguro naman ay kalmado ka na gayong napanganga ka na sa 'kin." Muli siyang napanganga sa sinabi nito! But this time, hinampas na niya 'to sa dibdib dahil... er, kailangan na itaas nating mga babae ang bandila natin. Hindi puwedeng parating marupok, bebs! "Sira ulo ka rin talaga ha!" Mahinang natawa 'to sa hampas niya. "Gusto ko lang naman na mag-relax ka bago ka humarap sa kanila, Page." Relax? Paano 'yon? Paano magre-relax ang pintig ng kaniyang puso na basta na lamang mas dumagundong nang harapin siya nito at tila kumikislap lalo ang mga asul nitong mga mata dahil napapalibutan na sila ng kumikinang na chandelier na mansion ng mga 'to... "I want you to relax, first, dahil hindi perpekto ang pamilya ko, Page." "U—Uhm, wala namang perpektong pamilya..." "I know, pero mas matindi ang mga Henson, I'm warning you now." "M—Mas tinatakot mo lang ako." "Nope, sinasabi ko lang sa 'yo." Nalukot ang mukha nito, "Nakakahiya kasi sila 'pag nagsimula silang magtalo. Wala silang pakialam sa tuwing gano'n na sila. Ni hindi ko nga kinaya ang nangyari noong nakaraan na pinapunta ni Red ang girlfriend niya rito—" Hindi na natuloy nito ang sinasabi nang ilapat niya ang isa niyang daliri sa labi nito. "Stop, that's okay, Blue, naiintindihan ko." Dahil kung alam lang sana nito na higit pang hindi okay ang sarili niyang pamilya... "Thank you for understanding." Nakangiting turan nito sa kaniya. Siya naman ang mahinang natawa upang maparating niya rito na medyo hindi na siya kabado. In fact ay marahan niya na rin 'tong hinila sa braso nito na nanatiling nakaangkla sa braso niya. "So, let's go?" "Teka," awat sa kaniya nito, "may ibibigay ako sa 'yo." "What..." Puwede pala 'yon, 'yong kiligin ka kahit hindi ka tumitili... 'Yon na kasi mismo ang nararamdaman niya nang makita niyang singsing pala ang ibibigay nito sa kaniya. "Kailangan natin ng singsing for formality." Oo nga naman. Pero kailangan din ba na ito pa mismo ang maglagay niyon sa daliri niya? At bakit hindi naman niya makapa ang pagtutol? Para pa ngang feel na feel niya ang paghawak nito sa palad niya, mas lalo na ang paglagay nito sa daliri niya ng singsing na 'yon. Kahit pa nga ba sabihin nito na for formality lang 'yon. Kahit pa nga ba peke lang 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD