10: Hidden Talent

1532 Words
NAGING smooth ang dinner nila with the Hensons at nagpapasalamat si Page kay Baby Sky dahil do'n. Dahil dito ay hindi nangyari ang kinakatakot niyang pagtatanong ni Don Vladimir ng mga tungkol sa kaniya. Pero s'yempre ay hindi niya maituturing na kampante na siya na gano'n ang nangyari dahil mapera ang don. 'Pag naisipan nito na alamin ang mga tungkol sa kaniya ay isang pitik lang nito ay maaari na nitong malaman 'yon. But at least, s'werte pa rin na maituturing na ang atensyon ng mga Henson buong gabi ay nakuha ni Baby Sky. Si Baby Sky na ang sarap pa rin ng tulog kahit halos mag-a-alas singko na ng hapon. "Hay, anak, napagod ka yata kakabungisngis kagabi at tulog ka pa until now," pagkausap niya rito habang ito ay mahimbing na natutulog pa nga sa baby stroller. Nakakatuwa na binilhan talaga si Baby Sky ni Don Vladimir ng electric rocking chair na maraming toys na nakasabit dahil kinatuwaan 'yon talaga ng baby last night. Ang mas nakakatuwa pa, nasa tabi 'yon ng don sa hapag na tila pinaalam nito kagabi sa lahat na kabahagi na ng pamilya nito si Baby Sky. "Nakuha mo sila sa cuteness mo, baby boy!" Pagkausap niya ulit kay Baby Sky. Hinaplos niya ang buhok nito na may kakapalan din talaga na minana nito kay Blue. "Sana lang makuha mo rin sa cuteness mo ang daddy mo." Napangiti siya sa kabila ng kontradiksyon ng sinabi niya. Habang lumalaki kasi si Baby Sky ay nagiging prominente ang mga features nito na namana sa ama. Tila pinagbiyak na bunga ang mga 'to at wala ngang halos nakuha 'to sa ina. "Sa haba ng buwan na inilagi mo sa t'yan, ang unfair na ang lahat sa 'yo ay nakuha mo kay Blue Dodge Henson, hmp! Pasalamat ka talaga at cute kang baby ka!" Marahan niyang pinisil ang pisngi ni Baby Sky, tulog pa rin 'to, napagod ngang yata talaga at nagbabawi ng lakas ngayon. Hay, mabuti pa ay maghanda na siya ng maaari nilang maging hapunan ngayong gabi at parating from office si Blue pamaya-maya lang, for sure. Oo, pagkagising nila kaninang umaga ni Baby Sky ay wala na ang tatay nito ro'n. Pumasok na 'to sa opisina. Oo rin, gano'ng kadali 'tong nakapasok sa trabaho pagkatapos ng dinner date nila with Henson, last night. Gigil din sa trabaho si Blue e, katulad ng mga nababasa niya sa mga business page patungkol dito. Workaholic nga. Sabagay ay wala namang CEO yata na hindi workaholic. Sabagay rin, ang mahalaga naman ay nag-iwan 'to ng mensahe na idinikit nito sa ref na may nakasulat na kumain daw siya at huwag magpapagutom. Napangiti na lang siya bigla nang maglaro sa diwa niya ang sweetness nito na akalain ba naman niyang nag-e-exist pala. "Hmn, ano ba ang mailuluto ko rito?" Kunwa'y nag-iisip na bulong niya sa sarili habang nakatingala siya sa cupboard na parang akala mo naman ay mahusay siyang magluto. Gusto niyang ngumiwi nang mapuna niyang ang komplikado ng mga naroon sa cupboard. Natanong niya tuloy bigla sa isip niya kung marunong bang magluto si Blue at mukhang oo nga kung ang pagbabasehan ay ang mga kasalukuyan na nakikita niya. Mga panglahok ang mga 'yon sa mga para sa kaniya ay complicated nang Filipino dish, aba! MATALAS ang sense of smell ni Blue sa mga pagkain dahil may hidden talent siya sa pagluluto. Yep, hidden. 'Yon ay dahil halos buong existence naman niya ay mas inilaan niya na sa apat na sulok ng kaniyang opisina. Kung magluto siya ay sa harap lang ng mga pinsan at sa tuwing mag-isa siya at nasumpungan niya lamang. Wala lang. Nagising na lang siya isang umaga na sinubukan ang pagluluto at nakagulatan niyang may talento pala siya ro'n. Sabi nga ni Red sa kaniya ay hindi na siya dapat na magtaka at kusinera ang yumao nilang abuela. Bagay na totoo rin naman. "What's that smell...?" tanong niya sa sarili, habang pumapanaog na kasi siya ay mas tumitindi ang amoy na 'yon sa dulo ng kaniyang ilong. Hindi na mahirap hulaan na kumakain si Page sa mga oras na 'yon. But... "What are you eating?" nagtatakang tanong niya kaagad dito. Tama nga siya, kumakain nga 'to. Kaagad niyang nilapitan 'to. The woman smiled, enjoying her food, chewing like a child. "Karne, nakita ko sa fridge mo. C'mon, get a plate, saluhan mo 'ko. Kaya lang ay walang rice. Hindi ako marunong magsaing. I'm sorry, fast learner naman ako so, turuan mo na lang ako para bukas ay makapagsaing na 'ko." Nilapitan niya 'to. Tinignan niya ang kinakain nito at sa panggilalas niya ay tama nga ang naaamoy niya kanina! "Page, t—that's not cooked!" "Huh? H—Huy—" awat nito sa braso niyang tangay na ang plato nito na may meat. Hindi siya nagpaawat dito, mabilis niyang itinapon sa trash bin 'yon. "Hala, bakit mo tinapon? Hindi pa 'ko halos nakakain and I'm starving." Parang iiyak nang sambit nito. Nanatili sa trash bin ang mga mata. "Hindi magandang kainin ang gano'n. I don't know, I mean, 'yon ba ang gusto mo talaga sa isang meat? Hilaw pa?" "H—Hindi naman..." "Then good. End of this conversation," iritang aniya rito. Sinimulan na niyang irolyo ang sleeves ng suot niyang polo long sleeves, naghugas siya ng mga kamay sa lababo. "Ang laki pa ng meat na sinayang mo." Nasulyapan niyang nakakrus ang mga braso at nakanguso 'to nang matapos siyang maghugas ng mga kamay. "There's a higher chance na ma-infect ka sa hilaw na meat. Most of the time, sa mga ganyan at sa mga inihaw nga nagsisimula ang matinding health problems." "Sure, sige na, matutulog na nga lang ako," sagot nito. Sinubukan na rin na bulabugin nito ang baby na tahimik na natutulog sa baby stroller. "No, put Baby Sky, down," utos niya. Taas ang kilay na nilingon siya nito. "Bakit ba? E, sa matutulog na nga lang ako, kami ni Baby Sky." Hindi niya pinansin ang nagsisimulang topak nito. Gano'n ang mga babae raw. Sabi ni Grey, sa tipo ng ugali na mayroon siya ay sigurado raw 'to na mapapadalas na topakin si Page sa kaniya gayong magkasama sila nito sa iisang bahay. Kaya hayun, alam niyang tinotopak na nga 'to kahit na wala naman talagang masama sa ginawa niya. "I'll prepare dinner, for you, for us. Surely, better than that hilaw na karne." "ANG sarap! Grabe, ang sarap mo palang magluto!" "Thanks," Blue simply replied. Kung pagmamasdan niya naman ay genuine ang sarap na sinsambit nito sa kinain nilang dinner. To think na simpleng sarciado lang naman ang niluto niya. Naalala niya kasi kanina na may dalawang malaking tilapia pa siya sa freezer na sakto para sa kanila ni Page. "Nabusog ako, sobra!" Uminom muna siya ng tubig bago 'to sagutin. "So, 'yong foods no'ng nakaraan ay si Haya pala ang nagluluto?" Napatda ang kausap niya. Tila nag-isip bigla ng isasagot sa tanong. "Hmn, 'yong mga prito, oo, siya nga. B—Bakit mo naitanong?" Shrugging his shoulders he replied, "So, mostly pala sa ibang kinain natin no'n ay order niya?" Marahan na tumango 'to. "'Yong... iba." "Ah, so, hindi ka talaga marunong magluto kaya pinagtiisan mo ang undercooked meat kanina." Hindi 'yon tanong, sinaad niya 'yon sa siguradong tono. "O—Oo e, gano'n na nga..." Nang tingalian niya 'to ay nakangiwi na. Tumango-tango lang siya. Saka siya tumayo na at tinangay ang platong ginamit niya papunta sa lababo. "Uy, ako na, ako na riyan!" "Ikaw na? Saan?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya rito nang sundan siya nito sa lababo. Of course, naghugas na ulit siya ng kamay at kakatapos lang niyang kumain. Si Page ay gano'n na rin ang ginawa nang tabihan siya sa sink. "Ako na ang maghuhugas niyan," tugon nito. "Ah." "Anong ah? Ako na nga, tabi na!" Pagpapausog pa nito sa kaniya paalis sa sink. Umusog naman siya't pinagbigyan na lamang 'to. Nagpunas na lang siya ng basa niyang kamay sa bashan na nakasabit sa fridge, nasa tabi 'yon talaga ng sink para sa purpose niyon na punasan nga after washing hands on the sink. Nagtali muna 'to ng may kahabaan na buhok pagkatapos din na magpunas ng mga kamay sa basahan. Naroon lang naman siya at pinagmasdan 'to. Sumandal pa siya sa fridge at hinihintay niya talaga ang susunod nitong gagawin. Sa puwesto niyang 'yon ay malinaw niyang nasipat na ang scrub suit na inatas niyang damit para rito habang nasa bahay niya 'to ay hindi rin naitago ang magandang hubog ng katawan nito... Tumikhim siya, saka tumitig sa mukha ng maganda niyang tagahugas— oo, ang ganda nga ng tagahugas niya kaya mas maigi pa na magkulong na siya sa taas. "O, aakyat ka na?" "Yeah." "Kape, baka gusto mo?" "Maybe later." "Okay." "Ah, Page?" "Yes?" "Bilang ko nga pala ang mga gamit d'yan, pakiayos na lang ang paghuhugas," bilin niya rito bago niya 'to talikuran na. Ewan ba niya, kung saan galing ang pakiramdam na isa sa mga araw na 'to ay sa mall ang punta niya na naman para bumili ng mga panibagong gamit niya sa kusina. "Hoy, grabe ka sa 'kin ah, parang sinabi mo na rin na mababasag ko 'to!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD