11: Puzzled

1578 Words
MALAPAD na napangiti si Page nang umagang 'yon. Mukhang napaaga ang gising nila ni Baby Sky ngayon at halata naman na naroon pa si Blue at hindi pa pumapasok. Actually ay hindi niya talaga alam kung anong oras 'to pumapasok sa araw-araw kaya natutuwa talaga siya na inabutan 'to ro'n ngayong umaga. Kailangan e. Kung gusto niyang mangyari ang nais niyang mapalapit 'to kay Baby Sky, kailangan na mapagkita ang mag-ama na parehong gising kahit saglit lang sa loob ng isang araw. "Dito ka lang ulit, Baby Sky ah, stay put ka lang d'yan, gagawa ako ng food mo at food ni daddy mo." The baby giggled, animo naunawaan ang sinabi niya. Natatawang pinanggigilan lang niya muna 'to ng halik bago niya iwan sa baby stroller para harapin niya ang paggawa ng food para rito at sandwich naman para sa kanila ni Blue, for their breakfast. Plano niyang gumawa kasi ng egg mayo sandwich kaya inagahan talaga niya ang gising. Wala man siyang maambag sa pagluluto, kahit paano naman ay marunong siyang gumawa ng sandwich, and of course, coffee. Nang mailagay na niya sa toaster ang bread, hinahanap na niya ang mug ni Blue. Natigilan siya. Saka napapikit, napangiwi at napakamot sa sariling kilay gamit ang kaniyang hinliliit. "Hayst, nabasag nga pala ang mug niya kagabi," anas niya sa sarili. Oo, nabasag niya ang baso na pinagkakapehan ni Blue. Kaya nga nang hindi 'to bumaba na kagabi para magkape ay nakahinga siya ng maluwag. Pero hindi nga pala exempted ang umagang 'yon. Kaya ng isang tao na hindi magkape sa gabi unless ginagawa nito 'yong pampaantok pero hindi sa umaga. Isa rin kasi siya sa mga taong hindi nakakapag-function nang maayos 'pag hindi nakakapagkape. Hindi bale na, marami pa namang baso— "Good morning," bati ni Blue sa kaniya na nagpahinto ng thoughts niya— gising na 'to! "'Morning, ahm, gusto mo ba na ipagtimpla kita ng kape?" Testing the water muna bago sabihin ang main event... Nakaligo at nakabihis na 'to. Handa nang umalis. Kaya siguro napadaan sa dining ay para nga magkape lang muna bago pumasok. "Ang aga niyo yatang nagising ngayon," tugon nito, binalewala ang tanong niya. Pumuwesto na kasi rin 'to sa coffee maker at sinimulan nang igawa ang sarili ng kape. "Ah, yes. Maaga kasing natulog si Baby Sky kaya maaga rin siyang nagising, so, pati ako s'yempre ay nagising na," malumanay niyang sagot. "Hmn..." She bit her lower lip, hinahanap na kasi nito ang mug nito... "Coffee mug ba ang hinahanap mo? Eto, naglabas na 'ko," hindi nakatiis na aniya rito, inangat niya sa ere ang dalawang coffee mug na hinanda niya para sa kanila. He glanced at her. "Did you see my coffee mug? 'Yong blue siya na may initials ko," wika nito, binalewala lang ang mga baso na pinakita niya rito. "O—Oo," nagkamot ulit siya ng kilay, "e, Papi, nabasag kasi kagabi no'ng hinugasan ko—" "What?!" Napapikit siya sa gulat. Medyo mataas ang boses nito at sino bang hindi magugulat, naman! "N—Nabasag nga—" "Fvck! Paanong nabasag, hindi ko naman 'yon ginamit last night!" "Ako ang gumamit. Nang hugasan ko nga—" "Damn!" Napapikit siya ulit sa pagtaas ng boses nito, "Nagbilin pa 'ko sa 'yo na baka mag-ingat ka sa paghuhugas. Sana kung magbabasag ka lang, hindi mo na sana pinilit na hugasan ang mga gamit ko rito!" 'Yon lang at inis na nagmartsa na 'to patalikod sa kaniya. Sighing, sinundan na lamang niya ng tingin ang likod nito. Teary eyed, nilapitan niya si Baby Sky na naglalaro ng mga naka-hang na toys nito sa baby stroller. "I'm sorry, Baby Sky, hindi ka na naman napansin ng dad mo today. Hayaan mo, marami pa namang ibang araw." Kung may pakonsuwelo siya sa mga nangyari sa araw na 'yon, 'yon ay ang pagbungisngis sa kaniya ni Baby Sky. Pagak siyang natawa, buti pa ang baby, hindi man pinansin ng daddy nito ay hindi naman nasigawan. "Naninigaw ang daddy mo. Nakakainis, but of course, he's not bad, baby. Baka may senti value lang sa kaniya ang coffee mug na 'yon kaya gano'n na lang siya kung magalit nang malaman niyang nabasag 'yon..." "HINDI siya marunong magluto at magsaing. Kahit sa paghuhugas ng pinggan ay hindi ako nagkamali, nakabasag nga siya ng tatlong baso at isang pinggan kagabi. Imagine kung araw-araw ay gano'n ang gagawin niya, bukas makalawa ay baka sa paper plate na kami kumain!" Mahahalata ang inis sa pagkukuwento ni Blue sa mga pinsan niya nang magtanong ang mga 'to kung bakit mukhang bad trip siya na pumasok that morning. Ayaw man niya sanang magkuwento pero hindi niya na kinakaya ang inis na nararamdaman. Nang hanapin niya kasi kanina ang coffee mug niya, alam na niya kaagad kung ano ang mga kulang sa mga pinggan at baso. Alam na niya pero umasa pa rin naman siya na hindi nasali sa nabasag ang coffee mug niya na siyang ginagamit na niyang pangkape no'ng college days niya. Hindi naman niya kasi ginamit 'yon last night para mapunta sa hugasin! Again, college days niya pa lang ay gamit na niya 'yon pangkape. Napuna na niyang hindi marunong sa gawaing bahay si Page kaya nga hindi na siya nagkape para maiwasan na masama ang mug niya sa maaaring mabasag nito but turns out, kahit anong iwas niya, ginamit pala nito at binasag din! Masisisi ba siya kung umakyat ang dugo sa ulo niya nang malaman niya na wala na, basag na ang mug na ilang taon na niyang ginagamit?! He heard Red heaved a sigh. "Gusto mo bang malaman kung bakit hindi siya marunong ng house chores?" Pagak na natawa si Grey. "Oh, c'mon, sa itsura pa lang niya ay alam ko nang hindi siya isang tipikal na yaya, huwag niyong sabihin na hindi niyo 'yon nahalata?" Natigilan siya. Kung susumahin at bibigyang pansin nga ang pisikal pa lamang ni Page, mahahalata na 'yon, Grey is right. Kaya lang ay hinayaan lang ng subconscious mind niyang paniwalaan ang mga sinabi nito lalo at nabanggit naman nito na hindi talaga 'to yaya in the truest meaning of it. Isa pa, wala siyang pakialam nga sa mga sinasabi nito maging sa nanay ni Baby Sky, hindi siya ang tipo ng tao na pag-aaksayahan ng oras at panahon ang gano'ng bagay. Kung anak niya ang baby, so be it. Kung si Page ang yaya, so be it. Gano'n siya kadaling kausap. "Ang concern mo lang naman kasi sa inyong dalawa ni Page nang bigla na lang siyang dumating sa buhay mo ay ang condition mo habang nariyan siya. Naging priority mo 'yon, na nagawan naman na ni Doc Aki ng paraan." "So, what is your point with that, Red?" Paingos niyang tanong sa pinsan. Wala siyang nakikitang masama na i-priority niya ang hives niya, ang mga tulad ni Page na tukso sa isang lalaki ang physical attributes ay nakakapanghina sa tulad niya. "My point is, naging prior mo 'yon which is given naman at ayaw naman natin na mahimatay ka parati 'pag nariyan siya't aksidente ka niyang mahawakan, pero nawalan ka na ng pakialam sa ibang aspeto na dapat ay hindi binabalewala, in the first place." "Yes!" sang-ayon ni Grey, "Tulad na lang nang kung sino ba ang tunay na nanay ni Baby Sky." Red looked at him while he's playing the marble pen holder na nasa harap ng office table niya. Napatitig din siya rito, tila iisa ang nilalaman ng isip nila— hindi nila kinalimutan ang binanggit ni Grey, talaga lang hindi niya gusto pang malaman, at si Red lang ang nakakaalam niyon. "If I'm not mistaken, naka- Jimmy Choo shoes 'yong si Pahina no'ng gabi na 'yon sa bar," pagpapatuloy ni Grey. Tinignan nila 'to. "O, don't look at me like that," natatawang ani Grey sa mga pinsan, "Page is one of a hell hottie lady pero kung gugustuhin mo naman siya ay madali na lang para sa 'kin na kalimutan ang ganda niya, Blue." "Gago!" He scoffed. Pinukol naman 'to ni Red ng fountain pen, na tatawa-tawang sinalo naman nito. "Men, kidding aside, malakas ang kutob ko na may itinatago pa si Page, more than sa mga naikuwento niya sa 'tin. So, better be ready for it, 'yon ay kung nanaisin mong alamin ang tungkol do'n," saad ni Grey sa kaniya. Nagkatitigan ulit sila ni Red. The latter shrugged his shoulders. Ilang sandali pa ay tahimik nang nag-usap ang mga mata nilang dalawa. Na tanging sila lang dalawa ang nakakaalam sa kung ano ang nakapaloob sa pag-uusap nila na walang salita. "Another thing, bago ko makalimutan, kilala kita, Blue Dodge Henson, sigurado ako na medyo nasigawan mo ang pobreng hottie yaya mo." Mga kilay niya lang ang tumugon kay Grey. "Hindi mo naman siguro gugustuhin na malaman niyang may binabalak kang alamin ang lahat about her behind her back, right?" Pinaglipat nito ang tingin sa kanila ni Red, "Of course, para magawa niyo 'yon nang walang sabit, natural lang na mag-sorry ka muna sa kaniya." "Why would I do that?" Paingos niyang turan. "Well, kung hindi pa nagsi-sink in sa 'yo, then listen, kailangan na present siya sa buong durasyon ng pag-alam mo ng mga tungkol sa kaniya. Because, again, as of now, you don't know anything about her. By that, hindi mo pa alam kung ano ang kapasidad niya kung sakaling taguan ka niya, and worst, isama niya si Baby Sky sa pagtatago niya sa 'yo. Remind ko lang, ikaw ang tatay ng baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD