12: His Outburst

1660 Words
"HINDI ka ba talaga makakasama sa 'kin pauwi, kahit saglit lang sana?" Isang beses pa ay natanong 'yon ni Blue kay Red habang inaayos na niya ang mga gamit niya at naghahanda na siyang lisanin ang office niya. Red laughed. Tinapik siya nito sa kaniyang balikat. "Dude, pasensya na, nag-aya kasi si Euna na mag-dinner kami sa kanila ngayon. Saka, ano ka ba, kaya mo 'yan," cheer pa nito sa kaniya. But he knew, he didn't need that. Ang kailangan sana niya ay ang presensya nito sa pag-uwi niya't pagharap kay Page. Hay, ewan niya ba, ngayon lang siya nagkagano'n sa isang babae. Bago sa kaniya ang feeling kaya siguro. Ni hindi pa nga siya nagkaro'n ng girlfriend o niligawan man lang. Kaya rin gusto sana niyang naroon si Red para may back up siya. Pero wala, may lakad daw 'to. Si Grey naman ay bigla na lang nawala. Hindi nila mahagilap. Ito pa naman ang nag-suggest na dapat ay mag-sorry siya kay Page. Hindi naman na nila dapat pagtakhan kung ano ang pinagkakaabalahan nito, bukod sa sarili nitong negosyo ay sigurado silang babae 'yon. Grey is a self-proclaimed fvckboy. "Samahan na lang muna kitang hintayin si Martina," wika ni Red, tukoy ang sekretarya niya. Pagkabanggit naman nito sa pangalan niyon ay humahangos na iniluwa ng pinto ang sekretarya niya. "Sir Blue, Sir Red, buti na lang ay inabutan ko kayo," sabi nito sa kanila, taas baba ang didbib sa hingal. "Tumakbo ka ba?" "M—Medyo po, para abutan ko sana ang pag-uwi niyo, Sir Blue." Marahan na natawa si Red. "You got an efficient secretary here, Blue." "Sir Red naman..." Nahihiyang turan naman ni Martina sa CCEO ng Henson Corp. "By the way, thanks, Martina," aniya sa kaniyang secretary. Dinukot niya ang isa sa mga card sa wallet niya at inabot 'yon dito, "here, use this, mag-grocery ka or whatever you want to buy. Ibalik mo na lang sa 'kin 'pag tapos ka na." "Sir, naku, 'wag na po, nag-merienda naman na 'ko kanina—" "Take it. Hindi mo naman siguro gugustuhin na mainis pa 'ko rito." Red smiled. "Kunin mo na, galante ang CEO. At excited na rin. Nasaan na ang mga pinakuha niya sa 'yo?" Napangiti na lang din si Martina. "Nasa kotse na po niyo, gaya po ng utos niyo ay idiniretso ko na po ro'n." "Thanks a lot," muling sabi niya sa sec niya bago niya 'to talikuran. HINDI nakinita ni Blue na darating ang araw na 'to sa buhay niya. 'Yong bibili siya mula sa hard earned money niya ng gamit pang- baby. Inutusan niya kanina ang secretary niya na pick-up-in sa mall ang inorder niya online na electric rocking chair, baby crib at high chair na rin para kay Baby Sky. Napuna niya kasi na sa baby stroller inilalapag 'to ni Page sa tuwing gagalaw 'to sa bahay niya paglabas ng k'wartong tulugan na ipinaokupa niya para sa dalawa. Nang mag-suggest si Grey kanina, 'yon ang tanging naisip niyang way of saying sorry kay Page dahil sa pagtaas ng boses niya rito kaninang umaga. Hindi man siya maalam sa mga babae, alam naman niya sa sarili niyang hindi tama ang inasal niya rito. Kaya niya naman kasing bumili kahit ang masasabing pinakamahal pang coffee mug. Samantalang ang pagtaas ng boses ay hindi na niya mababawi. Sana ay matuwa 'to sa bitbit niya para kay Baby Sky. Tama rin naman si Grey, kung nais niyang masagot ang mga tanong na naglalaro sa isipan niya patungkol kay Page, isa lang ang solusyon— paimbestigahan nila 'to. At habang ginagawa nila 'yon ay hindi dapat makatunog ang yaya dahil may tendency na umalis 'to. Oo nga naman, anak niya si Baby Sky, hindi naman niya sigurong gugustuhin na tangayin nito ang bata. Anak niya ang baby kahit hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya ang katotohanan na 'yon. Kahit tinitimbang niya pa kung kailan niya matatanggap at tinatantya niya pa kung ano ang mga susunod niyang gagawin bilang ama rito. Nasa gano'ng isipin siya kahit hirap na hirap siyang bitbitin ang tatlong gamit na pinamili. Pinagsabay-sabay na niya 'yon na buhatin dahil... ewan niya rin. Basta. Nang gumana ang sensor sa pinto ng bahay niya ay pinaa lang niya 'yon upang bumukas nang tuluyan at makapasok siya. Sa hagdan pa lamang ay nauulinigan na niya ang boses ng isang babae na masayang nilalaro si Baby Sky. Hmn, mukha namang good mood siya... Pero napatda siya sa huling baitang ng hagdan dahil naamoy niya kaagad ang pamilyar na pabangong 'yon na kilala niya kung kanino... "Haya..." "Uy, 'yan na pala si dad mo! Look, Baby Sky, ang dami niyang dala for you!" Dahil sa excitement ng tono ni Haya, inililis lang niya ang manggas ng long sleeves niya bagon niya sinimulan na i-assemble ang mga pinamili. Inuna na niyang ayusin ang electric rocking chair since tanda niya pa na tuwang-tuwa si Baby Sky ro'n no'ng magpunta sila sa mansion ng Henson. "Wow! You got yourself an electric rocking chair again, Baby Sky!" "Hindi ito katulad nang binili ni Granpops pero binili ko 'to so, huwag na kayong magreklamo na mag-t'yahin, okay," aniya kay Baby Sky at Haya. The latter just laughed at it. "Sira ka talaga, Blue Dodge! Of course, ma-appreciate 'yan ni Baby Sky, ikaw ang dad niya 'no ka ba!" "Hmn, totoo ba, young man?" 'Yon ang unang beses na hinarap niya ang anak niya. 'Yon din ang unang beses na kinuha niya 'to at kinarga. "Aw, happy ang baby, kilala na ang dad niya!" Natutuwang sabi ni Haya. Tipid din na napangiti siya. Karga niya kasi si Baby Sky sa paraan na magkaharap ang mga asul nilang mga mata. May warmth na humaplos sa puso niya nang dahil sa titig na 'yon ng anak niya sa kaniya na para bang akala mo ay sinasabi nito sa kaniyang, buti naman ay kinarga mo ngayon, Dad. "How are you, young man?" anas niya sa anak. Niyapos niya 'to pagkatapos at dinampian ng munting halik sa bumbunan. Kung hindi dahil sa tunog ng click ng camera ay hindi niya pa maaalala na kinuha niya nga pala ang anak mula kay Haya upang mailapag niya sa electric rocking chair. Haya's taking them a picture on her phone. "Geez, ang cute niyong dalawa!" Napailing na lang siya sa pinsan. Inilapag na niya rin si Baby Sky sa rocking chair, na parang hinihintay naman nito 'yon. The baby giggled the moment na lumapat ang puwit nito ro'n. "Mukhang magko-collect ka ng car paglaki mo ah," nasisiyahan na aniya sa anak. "Alam na alam na niya talagang sasakyan ang uupuan niya. I can't wait na talaga na mag-6 months old ka, Baby Sky!" "Why?" "Ano ka ba, 'pag 6 months na siya ay mas marami na siyang magagawa. Mas makakapag-bonding na kami," tugon ni Haya. Pinagkibit na lang niya 'yon ng mga balikat kahit pa hindi na nito 'yon nakita dahil yumuko na ito ulit at nilaro si Baby Sky na parang prinsipe nang nakaupo sa rocking chair nito. "Where's Page?" Kusa 'yong nanulas sa bibig niya, huli na para maawat pa niya. Haya glanced at him. "Hindi ba nagpasabi sa 'yo?" Kumunot ang mga noo niya. "Na?" "Na umalis siya." "Ha? Saan daw pupunta?" Imposible naman na mag-grocery 'to, marami siyang stocks do'n. "She's with Grey." "Si Grey?" Pagak na natawa si Haya. Tumayo rin 'to at nameywang sa harap niya. "Parang tanga naman 'tong kausap!" "Ha?" Tatawa-tawa, muling nagsalita si Haya, "Nagpunta nga kanina si Grey rito. Then tinawagan ako ni Page at pinakiusapan na tignan ko si Baby Sky, sakto naman na on the way ako here at may dala akong fruits for your baby. 'Yon, dinatnan ko sina Grey at Page rito na magkausap. Nag-aya si Page na mag-supermarket, may bibilhin daw. Nabasag daw niya kasi 'yong coffee mug mo, papalitan niya yata since nagtanong siya sa 'min ni Grey kung saan mo 'yon nabili. Sabi ko nga wala siyang mabibili na no'n. I said, matagal nang baso mo 'yon, hindi naman nakinig." Humugot siya ng hangin. "At kahit alam ni Grey na wala na silang mabibili na gano'n ay sinamahan niya pa rin si Page?" "Oo, si Page naman ang makulit na magpasama kasi." "He didn't even think twice, alam niyang may tinataguan si Page!" Kusa rin na nanulas 'yon sa bibig niya, kung pangit man pakinggan 'yon, si Haya lang naman ang nakarinig. He fished out his phone from his pocket immediately. Tapped it and dialled his cousin's number. "Pick up the phone, c'mon!" Naiinis niya bulong sa hawak na gadget. Pero wala, ayaw sagutin 'yon ni Grey. "Hello! We're home!" Napatingala siya sa gawi ng hagdan nang maringgan niya ang boses ni Page. Ito nga. Nasa likod nito ang pinsan niyang malapad na nakangiti, tumaas-baba ang kilay sa kaniya bilang pagbati. "Wow! Saan galing 'yan, Baby Sky?" bulalas ni Page nang makita ang mga pinamili niya. "Men, may wheels ka na naman, naks!" gano'n din si Grey sa baby. Page looked up at him. Ang kaninang ngiti nito ay tumabingi nang makasalubong ang mga mata niya. "Dude, namili ka pala ah," untag sa kaniya ni Grey. Tinanguan lang niya 'to. Tahimik lang siyang nakiramdam. Iniiwasan niyang ibuka ang bibig niya at baka may masabi siyang hindi maganda dahil bigla na lang ang pagsama ng pakiramdam niya sa hindi niya malaman na rason. Nang muling magtama ang mga mata nila ni Page ay tumayo 'to at bahagyang nilapitan siya. "Hindi ko mahanap ang katulad ng mug mo pero may binili naman ako—" "Wala naman akong sinabi na palitan mo 'yon." Napaamang 'to. "Alam ni Grey na hindi ka na makakabili niyon and yet, pinayagan mo pa rin siyang samahan ka sa kung saan at iniwan mo si Baby Sky kay Haya. For a self-proclaimed yaya of Sky, napakapabaya mo naman yata." Natameme 'to. Bago pa 'to makapagsalita ay walang salita na tinalikuran na niya 'to, umakyat na siya at nagkulong do'n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD