7: Preparing

1493 Words
HININTAY lang nila ang paglabas ng resulta ng DNA ni Baby Sky from their family doctor at wala nang inaksaya na oras si Blue, kaagad niyang pinaghanda si Page para kinabukasan din ay makabalik na siya sa kaniyang trabaho. Well, hindi rin naman nagtagal ang resulta niyon. 'Pag pera na ang pinakilos, wala talagang nagtatagal. 'Yon ang kalakaran ng mundo na hindi na yata mababago. Habang hinihintay nila ang result ay nag-stay ang pinsan niyang si Haya sa bahay niya para i-entertain si Page. Siya naman ay manaka-naka lang na bumababa, sa oras lang ng pagkain talaga. Tama naman ang mga pinsan niya. Mas okay para sa kaniya na makabalik sa trabaho. Isipin na lang niya na blessings ang pagdating nina Page at Baby Sky sa buhay niya kung kailan kailangan niya nga ang mga 'to kaya hayaan na niya 'to sa bahay niya. Besides, anak niya naman talaga si Baby Sky. 'Yon nga lang, hindi niya pa alam sa ngayon kung paano maging ama rito. Maybe soon. Aware naman siya na may mga bagay o sitwasyon na nangangailangan ng sapat na panahon. Nasa ganoon siyang isipin nang tumunog ang kaniyang cellphone. Si Haya ang nag-text. Buy mo 'ko ng milk tea, alam mo naman na kung anong flavor. Take care!—H. Nag-request pa talaga 'to ng pasalubong. Napailing siya. Ang pinsan niyang si Haya kasi ang naiwan na bantay ni Baby Sky ngayon. "Anong tingin mo?" pukaw sa kaniya ni Page. Nag-angat siya ng tingin dito habang sinusuot niya sa bulsa niya ulit ang kaniyang phone. "Ano? Maganda ba?" Inulit nito ang tanong, tukoy ang kasalakuyang suot na white jumpsuit. "Too formal. Hindi naman binyag ang pupuntahan natin, Pahina." "Haist, pangatlo ko na 'tong isinukat!" "O? May problema ba kung apatin, limahin?" "Nyahaha, funny." "I'm not even joking." balewalang binalingan niya ang isa sa mga magazine na naroon. "Magpalit ka, too formal 'yan." Narinig niya 'tong umungol sa inis. "'Yong kanina, too long, tapos too short ang shorts, then, bakit turtle neck, ngayon naman, too formal! I'm wondering, ano naman kaya ang sasabihin mo sa isa ko pang isusuot, Blue?" "Isuot mo na muna, paano mo malalaman ang sasabihin ko kung hindi ka pa nga nagpapalit," sarkastikong turan niya rito nang hindi niya 'to nililingon. Nagkunwari na siyang busy sa hawak niyang magazine. "Argh! Fine!" Nagrereklamo pa, susunod din pala, aniya sa isipan. "Dress ang kunin mo," pahabol niyang salita rito nang talikuran na siya nito. Dinig niya pa na bubulong-bulong at nagdadabog 'to habang iniisa-isa ang mga damit na naka-hanger do'n pero hindi niya pa rin 'to pinansin. Sabi nga nila, 'pag daw ang isang babae ay pinansin mo habang ito ay nasa kalagitnaan ng pagtotopak, ikaw rin ang matatalo sa inyong dalawa. Ilang minuto rin ang lumipas nang lumabas 'to ulit mula sa dressing room. "Ito, bagay? Bagay na bagay sa 'kin 'no, Papi?!" Masayang bulalas nito. Napataas ang kilay niya sa biglaan na pagbabago ng mood nito. Nag-angat siya ng tingin, and then, he was stunned. To think na paitaas niya pa 'tong sinipat mula sa hawak niyang sports magazine na hindi rin naman niya nabasa dahil sa nilaro ng isip niya kanina lang. Bagay ba rito ang suot? Of course, ibibigay niya ang pagsang-ayon do'n dahil buhat naman nang makilala niya 'to ay kapuna-puna naman na ang lahat ng damit na sinusuot nito ay bagay rito. Ultimo nga ang uniform nito na isinusuot sa loob ng bahay niya na binili nito at ni Haya nga e, bagay na bagay rito. "Huy, Papi, sabi ko, ito, okay na ba? Sabi mo kasi dress." And yes, she's wearing an off shoulder beige dress na hakab naman masyado yata sa bandang dibdib, balakang at puwitan nito at dahil hakab nga at halos kakulay ng tan na balat nito ang dress ay animo 'to nakahubad na tuloy! Gah, wala pa namang two weeks nang maturukan siya ni Doc Akilles ng gamot para sa hives niya ah, e, ba't parang gusto niya nang mangati na naman ngayon sa nakikita niyang itsura ni Page! Marahas niyang nailapag ang hawak niyang magazine sa kaniyang kinauupuan, saka siya tumayo. "Palitan mo 'yan, masyado na namang daring!" agad niyang turan dito, marahas at mabilis niya 'tong hinawakan sa mga balikat nito at mahina niyang itinulak papasok ulit sa dressing room. She pouted. Hindi 'yon nakaligtas sa paningin niya dahil tumingala siya para hawiin ang kurtina ng dressing room pasara sana. "Stop pouting, hindi ka na bata," masungit niyang sita rito. Pero hindi naman siya pinakinggan nito. "Can I have this dress ba kahit hindi ito ang isusuot ko mamaya sa mansion niyo, Papi?" Pa-cute nitong tanong, nag-puppy eyes pa! Iningusan niya 'to. "Ang expensive mo namang yaya yata." She just rolled her eyeballs at him. "Bakit? Bawal ba? Nagbibihis at nag-aayos kaming mga babae para sa sarili namin 'no. Kaya 'wag mo 'kong pagmasdan na parang gusto ko 'to at 'yon ay dahil sa 'yo." He smirked. "May sinabi ba 'ko?" "Sige na kasi, bilhin na natin 'to, Papi," muling pakiusap nito, this time ay gamit ang normal na tono. "Oo na, sige na, baka ikamatay mo pa 'pag hindi mo 'yan nabili." Her eyes grew big in an instant. "Why, thank you, Papi!" "Hep!" agad niyang awat sa akmang pagyakap nito sa kaniya. "Bibilhin ko 'yan sa isang kondisyon— again, bawal 'yan sa bahay ko." Maigi na ang sigurado, damn it. "Hmp! Sungeeet!" "Marami pang dresses. We have plenty of time, hindi mo kailangan na magmadali sa pagpili," pahabol niyang sabi na lang rito bago niya tuluyan na maisara ang kurtina. Ngingisi-ngisi siyang bumalik sa kaninang inupuan niya. Crossing his legs, hindi niya maiwasan na mapangiti nang maalala niya ang pag-iinarte kanina ni Page. Ayon dito ay matalik nitong kaibigan ang nanay ni Baby Sky. So, apparently, hindi ito talaga yaya sa totoong kahulugan ng salitang 'yon kaya given na talaga rito ang kaartehan. Malamang, isa rin 'tong socialite gaya ng nanay ni Baby Sky na heredera nga. Wala naman siyang pakialam sa mga 'to kaya bahala sila. Hindi siya interesado rin kung nagsasabi ba 'to ng totoo o ano. Sa buhay, as long as malaki ang pakinabang niya sa isang bagay o tao, sige lang, hangga't may pakinabang pa. Hindi siya magiging tanyag na CEO kung wala siyang gano'n na mindset. Kaya balewala sa kaniya talaga ang bilhin ang dress na 'yon para kay Page dahil simple lang, makikinabang siya rito. May pakinabang siya rito. Tsk, kaya 'to kasundo ni Haya, pareho sila ng kaartehan sa katawan. "WOW, ang cute naman ng onesie na 'to, Page!" mangha na bulalas ni Haya nang makita nito ang hinanda niyang isusuot ni Baby Sky. "Oo, nadaanan ko kanina sa mall. Pinabili ko kay Papi 'yan," kinikilig din na tugon niya rito. Nakakakilig kasi hanggang ngayon na isipin na binilhan ni Blue ng damit si Baby Sky. "Hmn, ano ulit? Papi?" Natawa siya. "Ay, hindi ka pa ba na- informed? Kami na, char!" "Haha! Loka, hinding-hindi mag-jo-jowa 'yang si Blue." "Oo nga, maalala ko, hindi naman siya mukhang bading. Bakit wala siyang naging jowa ever?" "Hindi talaga bading 'yon. Napagkamalan lang ni Grandpops dahil sa video niya na kumalat." "Video?" "Oo, nakuhanan kasi siya na tinabig niya ang isang babae sa bar." "Huhulaan ko, sexy 'yong babae 'no?" Fishing info 'yarn? "Tumpak!" "Pero mas sexy ako panigurado. Kung ako ang lumapit kay Papi, paniguradong hindi niya 'ko tatabigin." Nagkatawanan silang dalawa sa sarili niyang biro. "Loka ka talaga! Ay siya, tara na nga at pihadong hinihintay na tayo ni Blue. Ayaw pa naman no'n nang nale-late," ani Haya, saka kinarga na nito si Baby Sky, "Let's go na Baby Sky, mauna na tayo kay Mama Page." "Masyado naman siyang maraming ayaw," bulong na lang niya sa sarili nang iwan na siya ro'n ni Haya at mauna na 'tong lumabas ng k'warto. Inookupa nila nito kasi ang isa sa mga k'warto sa bahay ni Blue na ang mabubungaran pagbukas ng pinto ay sala na. 'Yon daw ang nagsisilbing guest room do'n at ang katabi pa na dalawang k'warto sa hilera niyon. Ewan ba niya kung bakit naroon si Haya upang samahan siya. Pero sabi nito ay pansamantala lang naman daw, 'pag nakabalik na sa trabaho si Blue ay sila na lamang ng huli ang maiiwan do'n. Si Blue na talagang inokupa na ang itaas ng bahay ay pinagbawalan siyang umakyat do'n. Oo, kasama sa walang kuwentang house rules nito na bawal siyang umakyat do'n dahil waka naman daw siyang business sa itaas. K'warto pala nito talaga ang naroon— bedroom s***h mini office. Itinatali na niya ang medyo kulot niyang buhok sa sarili niyang paraan na twist and turns, nang tumunog ang phone niya na nakalapag sa kama kung sa'n siya nakaupo. Si Haya pala, bilisan na raw niya bago pa raw mag-amok si Blue dahil sa sobrang kabagalan niya. Mainipin daw kasi 'to. Mainipin, e, hindi naman 'to nainip sa pagdating niya sa buhay nito ah. Charaught!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD