18: No Story Without Backstory

1606 Words
SA nanginginig na mga kamay ay kinuha ni Page ang susi ng kotse para makababa na siya ro'n kaagad. Naroon na siya sa hotel inn na kinuha ni Yanie para pag-stay-an niya ngayong gabi. Ang kotse na pag-aari ng dad niya ay maaaring ma- trace nito kaya ilalayo 'yon ni Yanie ngayon din. Sa hotel inn na 'yon siya mag-i-stay ng magdamag at bukas ang lakad nila ng kaibigan pa- Manila. From there, lalabas siya ng bansa. Bahala na after that. Pero bago niya isipin ang mga plans niya abroad nang mag-isa, dapat na muna niyang ayusin ang pakiramdam na lumulukob na sa sistema niya ngayon. Nyeta lang, kung bakit may gano'ng klaseng pill G, demonyo lang ang makakagawa niyon at susuporta. "Nasa'n ka na?" untag ni Yanie sa earphone na nakasuksok pa rin sa tainga niya. "Parking lot na." "Good, salubungin na kita." Ilang saglit pa ay nagkita na sila ng kaibigan. Inabot niya kaagad dito ang susi ng kotse. Kailangan nilang madaliin ang kilos at baka ma-trace sila ng governor, maliit lang ang lugar nila. Kung may dapat siyang ipagpasalamat, 'yon ay ang palagian niyang pagka-MIA sa mga events ng mga magulang sa negosyo kaya hindi alam ng mga tao na anak siya ng mga 'to, mahihirapan pa rin si Governor Hanz Marciano na matukoy kung nasaang parte siya ng Ilocos naroon. "Bilis, init na init ako," sabi niya kaagad kay Yanie. Pero hinawakan siya sa balikat ng kaibigan at iniharap, tinitigan siya. "Room 501, left side." "Copy." "Listen, may tao ro'n na natutulog ngayon, Page." Napaamang siya. "Ano?!" Bakit may tao? Kung kailan gano'n nang kinakain na siya ng epekto ng gamot na inihalo ni Hanz sa inumin niya! Pinunasan ni Yanie ang buti ng pawis na namumuo na sa noo niya. "Na-stranded siya e, mataas na ang baha sa labas. Kahit siya ay hindi naman gugustuhin na ma-stranded sa ganitong lugar. Tang'na, nilalagnat pa nga ang pobre, kawawa naman. Pinainom ko lang din ng alak para makatulog—" "Ba't hindi mo sinabi sa akin agad!" reklamo niya sa kaibigan. "E, kung sinabi ko, papahanap ka pa ng ibang hotel inn, wala na tayong oras, Page. Kailangan na nating kumilos. Governor ang kalaban natin dito." "Hayst, so stranger 'yon?" Ngumisi si Yanie. "Oo e, pero g'wapo naman. Sakto, mate-testing mo 'yang pinainom sa 'yo ni Marciano." She rolled her eyeballs. Napabuga siya ng hangin dahil sa tumitinding init na nadarama. Hindi na niya nakuhang sagutin ang kaibigan, basta na lang niya hinugot sa palad nito ang susi ng k'warto na tutulugan niya ro'n. Kailangan niya nang maligo o magbabad sa shower or whatever. Pagpasok niya sa room 501, napapikit siya sa frustration. s**t, may isa ngang lalaki ro'n na nakahiga. Dalawa naman ang kama pero ang isipin na may lalaki sa k'warto sa gano'ng sitwasyon niya ay nakakapanghina naman talaga ng katatagan sa tawag ng laman... KUMURAP-KURAP si Blue. Napailing siya matapos niyang malinaw na balikan sa balintataw niya ang pangyayari sa kaniya nang gabing 'yon. Dahil sa nilalaman ng hawak niyang papel ngayon ay nalinawan na siya sa buong pangyayari no'ng partikular na gabing 'yon sa Ilocos. Paggising niya ay wala na ang babae na basta na lang sumampa sa kama niya no'n. Kung pakakaisipin niya, oo nga at na-trigger ni Page noon ang phobia niya pero deep inside him that time, alam niya, tamang tao ang kasiping niya kahit hindi pa niya 'yon nakikilala ng lubos. Soulmate. 'Yon na yata ang tinatawag nila sa dalawang tao na hindi man magkakilala ay magkaugnay naman na ang mga kaluluwa. Dama niyang gano'n siya noon kay Page, habang sinasamba nila no'n ang katawan ng isa't-isa. Pero teka, bakit almost 7 PM na ay wala pa si Page? Vibrate ng cellphone niya ang pumukaw sa naglakbay niyang diwa, si Red ang caller. "So, nabasa mo na ba?" bungad ni Red nang agad niyang sagutin ang tawag nito. "Yes." Paroot-parito siya habang nasa tainga ang aparatong hawak. "Tumutugma ang lahat sa nangyari ng gabing 'yon," pagkumpirma niya, tukoy ang report na nakalap nito mula sa inupahan nitong investigator. Red chuckled. "Tutugma talaga 'yan, si Yanie mismo ang investigator na nakuha ko e." "Hindi niya nakuha, nagprisinta sa kaniya," ani Grey sa background. Nagulat siya sa narinig. Pero hindi 'yon ang mahalaga sa kaniya ngayon. "Then good. Talk to her immediately, ipaayos mo ang dapat na ipaayos sa kaniya, Red. And, Grey, sumagot na ba sa 'yo si Page?" Dahil wala pa 'to hanggang sa nga oras na 'yon. Nag-aalala na siya. He's not a worried ass person pero hindi matatawaran ang kaba at pag-aalala niya kay Page ngayon lalo na sa nalaman niya. Obsession can be dangerous. Lahat ng sobra, actually, can be harm anyone. Kaya hindi siya masisisi ngayon na ganito ang nararamdaman niya para sa nanay ng anak niya. "Hindi e," sagot ni Grey. "Damn! Saan na siya nagpunta, bakit wala pa siya? Hindi ko rin matawagan ang number niya," naiinis niyang tugon. "Pero sumagot naman si Yanie, magkasama pala sila." Dinig niya ang tawanan ng dalawa niyang pinsan pagkatapos sabihin 'yon ni Grey. "Huwag niyo 'kong mabiro ngayon. I'm worried as hell, right now, kung kaharap ko lang kayo ngayon ay napagsabay ko na kayong nasakal!" gigil niyang sambit sa mga pinsan. "Chill, kasama si Page ni Yanie, na-stuck din sila sa traffic, like us," Red said. "Ito bang Yanie na 'to na kaibigan ni Page ay straight? Baka naman tomboy 'yon? Paki-send nga sa 'kin ngayon ang bio—" natigilan siya, kasabay ng malakas na tawanan nina Red at Grey. "Dude, mana ka pala kay Grandpops, ngayon lang namin nalaman," ani Grey, tatawa-tawa. "We can't believe it, you immediately stereotype and judge someone na hindi mo pa nga nami-meet, bumase ka lang sa job," si Red. Naihilamos niya ang palad sa sarili niyang mukha. "Okay, okay, sorry," simpleng tugon na lang niya sa mga pinsan. Nagtawanan na naman ang mga 'to. "Why don't we make things simpler here, Blue, napakaseloso mong gago ka pero hanggang ngayon ay may pagkatanga ka pa rin," kantyaw sa kaniya ni Grey. "Ano ba ang sinasabi mo? Kung sa'n-sa'n na naman napunta ang usapan—" "Mahal mo na si Page 'no?" Malakas na tawanan na naman ang nasa background. "Mahal mo na kaya ganyan ka-worried ngayon. Kaya tinatanong mo kung sino ang kasama niya, kung talaga bang kaibigan niya 'yon or what, well, ganyan talaga, nakakeso ang pag-ibig," ani pa ni Grey sa tono na nambubuska. He scoffed, kahit hindi 'yon nakikita ng mga pinsan. "At ano naman ang alam mo sa love, Lexus Grey? Kung may poste na dinamitan ng pambabae, ikaw ang nangungunang susunggab!" ganting pangangant'yaw niya naman. Red and Grey laughed out loud again! "Men, no story without backstory, remember that." Aba naman! Hiniritan pa siya ni Lexus Grey ng makahalugan na salita, sinabayan pa nito 'yon ng pagpatay ng phone! Nakanganga na lang na sinipat niya ang cellphone niya na talaga lang binaba na ni Grey! "Siraulo..." "Sino?" Nang mag-angat siya ng tingin ay naroon na ang hinahanap niya. Naroon na si Page! Dumating na 'to! "Page!" Sa tuwa niya, kaagad niya 'tong sinugod ng yakap. "Ack, ang higpit! Teka nga, Blue!" agad din na reklamo nito sa yakap niya. Well, hindi naman niya sinasadya na mahigpitan 'yon. "Luluwagan ko na," aniya rito, ginawa naman niya ang sinabi. "Huh?" "Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinihintay. Kanina pa 'ko nababaliw sa kakaisip kung nasa'n ka..." "Ha?" "Page, sa susunod sana, huwag kang aalis nang walang pasabi." Sinamyo niya ang buhok nito bago niya harapin na ang sigurado siyang nagtataka na nitong mga mata. "A—Ano ba, hindi ka pa ba kumakain, Blue Henson?" Namilog ang mga mata nito, "Teka, huwag mong sabihin na may lagnat ka—" naputol ang sinasabi nito nang hulihin niya at dampian ng halik ang palad nitong idadampi sana sa noo niya. Namilog ulit ang mga mata nito sa gulat. "H—Hoy! Ano ba..." "Hindi ako marunong mag-assess ng nararamdaman ko, Page. Basta ang alam ko lang, sobra akong nag-worry sa 'yo ngayon. Natakot din ako na baka hindi ka na umuwi. At kahit sa pandinig ko ay ang creepy pakinggan niyon." Nakagat nito ang ibabang labi para pigilan ang kumakawala nang ngiti nito. Napakamot siya sa sariling batok. "Huwag mo naman akong tawanan, Pahina," nahihiyang aniya. But she giggled all the way up! "Page, ano ba," nahihiyang saway niya rito, pero dama niya ang pagkakasalubong ng mga kilay niya. Medyo inis na rin kasi siya, kay Page na pinagsabihan na niya pero tumawa pa rin talaga, at mas lalong sa nararamdaman niya na hindi niya alam kung paanong sasabihin... Nasa gano'ng takbo ang utak niya nang lundagin siya ni Page, kinagulat man niya 'yon at maagap naman niya 'tong nasalo. "Kinikilig ako kaya ako natawa." "Wow, ibang klase ka namang kiligin, miss, may pagkarga pa." Taas ang kilay na birong pagsusungit niya rito. Kailangan niyang magkunwaring masungit dahil mas gumanda 'to sa paningin niya ngayon na magkalapit nang sobra ang kanilang mga mukha. "Cute mo, Blue Dodge." Idinikit nito ang noo sa noo niya. Napalunok siya. "A—Ano ang gagawin mo...?" Bumungisngis 'to. "Nangangati ka na ba?" "H—Ha?" "Tiisin mo na muna kung sakali..." Narinig niya pa ang sinabing 'yon ni Page bago nito hinalikan ang nakaawang niyang labi. First kiss niya 'to. Wala nga siyang alam siguro sa mga babae pero masyado namang ginalingan ni Page dahil nang mga oras na 'yon ay willing ito na turuan siya nang higit pa sa malampasan ang takot niya... Nang higit pa sa pagmamahal na nararamdaman niya ngayon para rito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD