19: Calm Before the Storm

1378 Words
"PAPI, good morning!" "Agh! Ang bigat!" kunwari ay reklamo ni Blue nang daganan siya ni Page nang umagang 'yon. Of course, magkatabi silang natulog na kagabi. Hindi niya gugustuhin pa na malayo 'to sa kaniya kahit isang saglit lang. Nilapat nito ang mga siko sa dibdib niya at malamlam ang mga mata na pinagmasdan siya. Napangiti siya, pabiro niyang hinaplos ang pisngi ng puwit nito. Pagkuwa'y pareho silang natawa nang mag-form ang bibig nito ng letter 'O', well, gano'n talaga, may sumundot ba naman dito sa gawing puson nito e. "Dagan kasi ng dagan, tsk!" biro niya pa rito. She giggled. "Ang cute mo manglandi, Papi, sa totoo lang." "Hmn." "G'wapo pala. Ang g'wapo mong maglandi. Ang landi rin niyang mga mata mo," anito, pinag-untog ang mga ilong nila. Nayakap na lang niya 'to nang mahigpit at pinanggigilan. "Papi naman e! Ginising kita kasi gutom na 'ko." "O, e, 'di tara na, bangon na, tapos sunduin natin si Baby Sky." Nang akmang babangon siya ay pinigilan naman siya nito. At binigyan siya ng mabining halik sa tip ng ilong niya. "Para 'yan sa high chair na binili mo for Baby Sky, Papi." "Hmn..." Ang 'papi' na tawag sa kaniya nito sa pabirong paraan noon ay nakasanayan na rin ng mga tainga niya na naririnig mula rito. He finds it cute, anyway. Ngumiti 'to saka magaan siyang binigyan ng halik sa labi. "Papi, this kiss is for the crib." Pagak siyang natawa. "Hey, hindi mo naman kailangan na magpasalamat dahil sa mga 'yon. Para 'yon kay Baby Sky." Hindi 'to nakinig, this time ay sa leeg siya hinalikan. "Para sa electric rocking chair." Humagikgik 'to nang mapapitlag siya. Malakas ang kiliti niya ro'n, natuklasan nito 'yon kagabi lang. "Akala ko ba gutom ka na, miss?" Masuyo siya nitong tinitigan, saka 'to ngumiti ulit. Ang mapupungay nitong mga pilik-mata ay masarap pagmasdan sa malapitan. Ah, maganda talaga si Page... "Thank you for that night, Papi." Kumunot ang noo niya. Kung aamin 'to ngayon sa kaniya ay wala namang problema 'yon sa kaniya. Hindi rin naman big deal sa kaniya ang paglilihim nitong ito ang nanay ni Baby Sky, dahil nauunawaan naman niyang ginawa lang nito 'yon para makatuloy sa bahay niya. "That night? Hmn, kailan 'yan? Noong natakot ka sa kulog at kidlat?" biro niya rito, na hindi naman nito kinatawa. "I'm the one who might be thankful for that night, you know, noong hinipan mo ang batok ko, na-realize kong masaya pala na may lumalandi sa 'kin." Tawang-tawa na naman 'to dahil sa sinabi niya. "Hindi 'yon panglalandi 'no!" "Ah, hindi ba... e, ano ang tawag mo ro'n?" "Pagpapapansin!" Humalakhak siya. May unique na humor talaga ang babaeng mahal niya. "Anyway, that night, and no'ng gabing nabuo natin si Baby Sky, of course..." He smiled widely. Mali ang taong nagsabing hindi kinikilig ang mga lalaki. Dahil sigurado siya, pangiti-ngiti lang siya ngayon pero kilig na kilig na siya. And it all because of Page, na walang balak nang umalis yata sa ibabaw niya. No, hindi siya nagrereklamo, kung puwede nga lang na manatili sila sa gano'ng puwesto, why not? Kaya lang ay gutom na raw 'to. "Kumain ka na muna, miss, mamaya na 'yan." Pabiro niya 'tong kinagat sa leeg nito. Bumungisngis 'to, na lumakas pa nang isinama niya 'to pabangon. Ayaw umalis, e, 'di buhatin na lang niya. "Seryoso ngaaa, wait lang," hayun na naman ang paglalambing nito habang karga niya. Hinawi nito ang buhok niya at tinitigan siya. "Alam ko naman nang ikaw ang mommy ni Baby Sky," aniya rito. Tinulungan na niya sa hindi masabi-sabi na sasabihin kanina pa. "That and I'm happy na finally ay na-overcome mo na ang fear mo para kay Baby Sky." "And because of you too." "Weh? Talaga bang kasali ako?" "Oo naman. Naisip ko kasi na sayang ang katawan mo kung hindi ko man lang mahahawakan, panay titig na lang ako buhat nang dumating ka rito." Tumawa 'to. 'Yong tawa na sexy sa pandinig. "Seriously, salamat sa 'yo, I guess, more credits pa nga dapat ay sa 'yo, thank you for coming into my life, Page. Kung hindi mo 'ko ginahasa no'n sa Ilocos, wala sana tayong Baby Sky, wala sana kayo ngayon sa buhay ko. Hindi ko sana na-overcome ang fear ko." 'Yon ang nasa saloobin niya patungkol sa fear niya na ngayon lang niya pinagtuunan nang pansin na magamot. Kundi dahil kay Baby Sky at Page, mananatili siya sa takot na 'yon na halos kumain na sa kalahati ng buhay niya. To think na nagsimula lang naman 'yon sa isang kamuntikan na panggagahasa sa kaniya ng isa sa mga bodyguards ng lolo niya. Nakuwento niya na 'yon dito kagabi, nag-aalangan pa rin kasi 'to na hawakan siya at baka mawalan siya ng malay o mangati na naman. Natatawang kinagat nito nang magaan ang labi niya. "Willing ka naman na magpagahasa e." "Sa 'yo? Oo naman. Ano ba, babalik na ba tayo sa k'warto o kakain ka na muna?" Pabirong hinampas siya nito sa dibdib. "Kumain na muna tayo. Kailangan natin na magpalakas 'no!" "Good." "Pero pa- kiss muna ng isa pa, para sa long-stemmed rose!" Natawa na lang siya sa pagitan ng malalim na halik na hindi nito napigilan na igawad sa kaniya. Sa lahat naman ng gutom, si Page ang tila ginawa na siyang pagkain... NAGING maayos ang lahat sa pagitan nila ni Blue nang mga sumunod na araw. Wala na ngang mahihiling pa si Page kundi, sana naman ay makilala ng daddy niya si Blue at ang anak nila. Speaking of, wala na naman ngayon si Baby Sky, sinundo na naman ni Celeste, lately ay nakakatuwaan talaga ni Don Vladimir ang anak nila, napapadalas na pinapakuha. Noong nakaraan nga ay nagagalit na ang tatay, hindi na raw halos nakikita ang anak, mas madalas pa raw na nasa mansion. Nabobola lang niya talaga. Ang don naman ay gustong sa mansion na sila tumira, wala namang say ang apo nitong si Blue ro'n. Hindi naman din siya nakikisawsaw. "Love, mauna na 'ko, always locked the door, okay," ani Blue. Pagkatapos ay hinalikan siya sa tuktok ng kaniyang ulo. "Noted. Bye, Papi! Ingat ka ah." "Huwag ka nang umalis ng bahay." "Promise, hindi." "Good." Siguro ay hindi 'to nakatiis, hinalikan din siya sa labi. Iniiwasan kasi nito na halikan siya sa labi kasi raw ay parang ayaw na nitong pumasok sa trabaho 'pag sinimulan na siyang halikan. "I love you, Love," masuyong anas nito sa kaniya. "Thanks," pilya niya namang tugon. "Anong thanks!" Tatawa-tawa siya nang pabiro siyang paluin sa puwit nito. Noong nakaraan kasi ay nagtampo 'to sa kaniya nang hindi niya masagot ng I love you too, kaya naging running joke na sa kanila 'yon. "I love you too, Papi." "I love you more," hirit pa nito, humirit din ng isa pang halik bago tuluyang sumampa sa kotse. Nang maihatid niya ng kaway 'to ay inabala niya ang kaniyang sarili sa pagdidilig muna ng mga halaman sa tapat ng bahay. Nagtanim-tanim kasi siya ro'n pang-alis ng boredom. Supportive naman ang jowa niya, kaya pinush niya lang. Pati sa usapin na pag-apply niya sa kumpanya ng Henson ay suportado siya nito, sa totoo lang. Wala pa sila nito sa usapin na kasal at ayaw niya naman na pangunahan 'to. Basta siya, masaya siya sa kung ano ang mayroon sa kanila nito ngayon. 'Yong mga 'yon ay hindi niya hiniling pero ipinagkaloob sa kaniya ng Diyos. She should be just thankful. Habang nagdidilig ay nagha-hum pa siya, mayamaya lamang ay isang maliit na bato na tumama sa braso niya ang nakapukaw ng pansin niya. Nang lingunin niya kung saan galing, nalingunan niya si Yanie. "Y-Yanie..." Sumesenyas 'to na bilisan niya. Nakasarado ang gate kaya siya nito pinukol. Dahil may siwang naman ang gate ng bahay ni Blue, nakita niya 'to at ang kotse nito na pabalagbag na naka-park sa harap ng gate nila. "Ba't ba-" Hindi na niya natuloy ang dapat na sasabihin sa kaibigan, walang salita na siyang hinila nito papasok sa kotse. "T-Teka, Yanie-" Dahil kaibigan niya 'to, inatasan siya siguro ng subconscious mind niya na sumama na lang at magpatangay. Na kaniya ring pinagsisihan sa huli dahil nang makapasok sila nito sa loob ng kotse, naroon ang huling taong hihilingin niya na makita... Si Hanz Marciano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD