17: That Night

1567 Words
{Flashback} BIRTHDAY ng daddy ni Page. Ang selebrasyon ay gaganapin sa isa sa mga malaking hotel sa Ilocos na pag-aari raw ng pamilya ng mommy niya. Isa sa mga minana nito raw 'yon sa mga yumaong magulang. Dinig lang 'yon ni Page because honestly, wala naman siyang pakialam sa mga ari-arian ng mga magulang. Oo, sa allowance niya at ang lustayin lang 'yon na siyang sobra-sobra kung ibigay ng mga 'to lang ang pinapakialaman niya. Huling beses pa ay minasdan niya ang sarili sa harap ng salamin. Light make up lang ang kolorete niya sa mukha dahil ayaw naman niyang makapukaw siya ng atensyon mamaya sa pagtakas niya. Oo, ngayong gabi mismo na ang pagtakas na plinano nila ni Yanie. Perfect ang gabing 'to sa plano nila dahil ngayong gabi din siya 'ibebenta' ng mommy at daddy niya sa gobernador. Napaismid siya. Maisip niya pa lang ang itsura ng gobernador ng lugar nila, maduduwal na siya. Oh, don't get her wrong, magandang lalaki naman ang gobernador, matalino, kaya nga 'to naluklok sa kung nasaan 'to ngayon, pero ang sumisira sa mga attributes nito na sana ay pasok na as an ideal man ng isang babae ay ang pag-uugali nito. Hindi tama na maging ang isang tao ay gawin nitong possession na maaari nitong makamit in an instant. Hindi tama na ipilit mo ang sarili mo sa isang tao kahit pa ikaw ang presidente ng Pilipinas, simple as that. Saka, ang creepy naman yata ng governor, ayon kasi kay Yanie ay siya ang rason kaya 'to pumasok sa politika, mas madali nga naman siyang mapapasakamay nito kung sakali dahil sino ba naman ang babangga sa isang governor? Hindi naman sa pagmamalaki, alam niyang maganda siya kaysa sa karaniwan na mga babaeng kaedad niya pero hindi tama na ariin siya nito sa gano'ng paraan at hindi normal na magkagusto ka sa isang batang babae na nag-bloom na sa nakakalokang feelings. Nyay! Anyway, hindi niya naiwasan ang pagtaas ng kilay sa garbo ng lugar na pinuntahan. Kung nalulugi na ang mga negosyo ng isang negosyante, required pa rin ba na mag-celebrate nang gano'n kabongga? "Good evening, ma'm." agad na bati sa kaniya ng mga tao sa bungad ng hotel. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa mga 'to. Nagpakilala siya at nakipaghuntahan siya saglit, gaya ng plano nila ni Yanie. Dapat niyang makuha ang loob ng mga bantay sa pintuan and such, para wala siyang maging problema sakali sa pagtakas. Nagawa na niya ang parte niya sa mga bodyguards ng mommy at daddy niya, besides, hindi naman aalis ang mga apat na bodyguards ng mga 'to sa event na 'yon, hindi nais ni Persida na mawawalay sa paningin nito ang mga 'yon dahil sa mga tinatamong death threats. Hindi kasi kagandahan ang ugali nito. "Hija, you're here, finally!" Nalingunan niya ang daddy niya. Mukhang inabangan siya nito sa entrance ng hotel dahil nag-iisa 'to at hindi kasama ang asawa. "Dad! Happy birthday!" Isang yakap na mahigpit ang kaagad niyang sinalubong dito. 'Yon na rin kasi ang magiging huling yakap niya sa ama pagkatapos ng gabing 'to. Mahal na mahal niya ang daddy niya at gano'n din 'to sa kaniya kaya alam niyang mauunawaan nito ang gagawin niya mamaya. Siniguro naman ni Yanie sa kaniya sa gagawin niyang pagtakas ay hindi mapapa'no ang daddy niya. Nang gabing 'yon din ay nahulaan na niya ang kaakibat ng salita nitong 'yon dahil natanawan na rin niya ang nag-iisang kapatid ng dad niya. Napapabilib na talaga siya ni Yanie. Matagal nang hindi nagkakausap ang dad niya at Tita Des niya dahil may kaunting alitan ang mga 'to dahil sa pag-uugali ng dad niya na oo ng oo sa asawa pero heto, napapunta 'to ng kaibigan niya ro'n ngayong gabi. Nakakatuwa naman. Pero ang tuwa niya sa nalaman ay hindi rin nagtagal dahil nang magpaalam ang Tita Des niya sa kanila ng dad niya sandali ay natanawan na niyang papalapit ang mommy niya sa gawi nila. Kasama nito ang governor. "Mabuti naman at dumating ka na, Page," bati sa kaniya ng mommy niya. Bilang paggalang at pagbati ay hinalikan niya 'to sa pisngi. "Hi, mom." "Look who's here with me," anito, iminuwestra ang kasama, "none other than, the governor of Ilocos Norte, Hanz. Gov, ang anak namin ni Santrino, kilala mo naman na siya, si Page," pakilala nito sa kaniya sa gobernador. Bilin ni Yanie sa kaniya na maging magiliw sa gobernador. Na dapat ay hindi 'to makakahalata na tatakasan niya 'to ngayong gabi. Huwag daw niyang kalimutan na politiko 'to at may bodyguards. Kaya nang magpakilala na sa kaniya ang gobernador ay nginitian niya 'to ng ubod tamis. "Ikaw pala ang iniyayabang nitong si mommy sa 'kin na g'wapong governor daw," pakiki-ride niya, dama niya ang tagumpay sa ngiti ng mommy niya nang sulyapan niya 'to. The governor chuckled. "Small things," anito pa, animo kabait. No doubt, parati 'tong nananalo kada magbobotohan. Nakitawa siya. Tawang kung puwede lang ay dumura siya pagkatapos. Halata kasing hindi normal si gov. Ang pagkakatingin nito sa kaniya ay para na siyang hinuhubaran. Ginantihan din naman niya 'yon, wala siyang balak na bigyan 'to ng false signal na kaya niyang pasakop dito kahit pa ba binilin ng kaibigan niya na maging magiliw rito. Well, kaya niya sanang takasan ang governor bago ang gabing 'to ng pagkakakilala nila ng personal na naaayon sa plano ng mommy niya. Kaya lang ay sabi nga ni Yanie, magdusa siya dahil hindi niya kayang i-skip ang birthday ng daddy niya. Sino namang anak ang kakayanin? Lalo at matatagalan pa ang huli nila ulit na pagkikita ng dad niya? Nakakalungkot nga lang na isipin na nang dahil sa ganitong hindi makatarungan na sitwasyon na kundi dahil na rin dito ay magkakahiwalay sila. "Can I lend you a drink?" untag sa kaniya ng gobernador, inalok siya nito ng isang kopita na may lamang alak na kinuha nito mula sa waiter na dumaan. Nakangiting tinanggap niya naman 'yon. Kailangan niyang kuwentuhan 'to sandali, sabay magpapaalam niya na magbabanyo, saka siya sisibat na sa event. Pero ang plano niyang 'yon ay masisira pa yata nang ilang minuto lang ang lumipas ay unti-unti niyang naramdaman ang pag-ikot ng paligid niya at para siyang sinisilaban na ewan. Isa lang ang sigurado niya, dahil 'yon sa inumin na binigay sa kaniya ng gobernador! Shit! Supposedly, ang party na 'yon ay para sa dad niya, hindi niya naisip na mahahaluan ng kung ano ang inumin niya dahil sa isipin na 'yon. Masyado siyang nakampante! "Saan ka pupunta?" awat ng gobernador sa akmang pag-alis niya. "Ahm, will you please excuse me for a while? I need to pee," napipilitan niyang tugon dito. Ayaw siya nitong bitiwan. At aaminin niyang dinunggol na siya ng kaba dahil dama niyang kahit siya mismo ay ayaw na 'tong bitiwan! Para pa ngang gusto niyang sibasibin ng halik ang gobernador?! Shit! Party pill! Sigurado siyang 'yon ang inihalo nito sa inumin kanina! "Page, anak, are you okay?" Thanks to her dad, nang mapuna siguro nito na tila balisa siya ay nilapitan siya nito kaagad. "Y—Yes Dad, I guess. Uhm, I just need to pee." "Kailangan niyang mag-restroom, Hanz," anang dad niya sa gobernador. "Okay. Pero sana ay aware ang anak mo na hindi na siya sa inyo uuwi mula ngayong gabi," saad no Hanz. Ang kapal ng mukha! Sa tulong ng daddy niya ay nakatakas siya sa pagkakahawak ni Hanz. Kaagad niyang tinungo ang restroom. Tinawagan niya rin kaagad si Yanie nang makarating siya ro'n upang sabihin dito ang mga nangyari. "Putsa! E, kaya mo pa ba?" bulalas ni Yanie matapos niyang magkuwento. "Kaya ko. Kakayanin ko." Habang sinasabi niya na 'yon ay sinisira na niya ang slit ng suot niyang bodycon. Kailangan niya 'yong sirain upang makasampa siya sa kakarampot na bintana ng banyong 'yon. Nakita niya na ang bintanang 'yon kanina kaya sa mismong tapat niyon siya nag-park ng kotse niya. Tatalon na lang siya, nasa labas na ang kotse niya, aayaw pa ba siya? Gusto niya ba na mabigyan ng satisfaction ang governor na heto, ginamit na siya ng kung anong gamot! No way! "Go!" pag-cheer sa kaniya ni Yanie, "Alam kong kaya mo 'yan dahil maarte ka, ayaw mo sa gobernador na manyak." "Haha! Sira!" She panting hard pero pilit niya pa rin na pinapakalma ang sarili. "O—Okay ka lang ba? Ba't parang hinihingal ka?" naulinigan niyang tanong ng kaibigan niya sa suot niyang earphone. Pinahiram nito 'yon sa kaniya para mas mabilis silang magkausap kung kinakailangan. Sa taglay na will na makatakas, nagawa niya ang plano. Nakatalon siya sa pader ng banyo nang walanh nakakapuna sa kaniya. "O—Okay lang ako," tugon niya sa kaibigan nang maisandal niya na ang sarili sa loob ng kotse niya. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili dahil hindi na niya kinakaya ang init na nadarama. "On the way na 'ko sa 'yo." "Okay, okay, nakahanda naman na ang tutulugan mo. Naayos ko na. Mag-ingat ka, mataas ang baha. Hindi naman kalayuan ang inn na 'to mula sa hotel na 'yan, makikita mo rin agad," bilin sa kaniya nito. Kaunting ulan talaga ay bahain na ang lugar nila, kaya rin ang mga sasakyan ng dad niya ay puwede sa baha halos, wala siyang magiging problema sa ganitong sitwasyon— ang dulas lang talaga ng kalsada at ang kasalukuyang pag-iinit ng katawan niya. She's in heat at nakakaloka 'yon sa pakiramdam! Hayup na governor!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD