16: Revelations

1518 Words
HINDI dinatnan ni Blue si Page nang umuwi siya. Siguro ay may pinuntahan lang 'to. Hindi na bale, hihintayin na lang niya 'to na makauwi. Palibhasa ay nagpunta pa nga siya sa clinic kaya napaaga rin ang uwi niya ngayong hapon. Inilagay na lang muna niya sa mesa sa sala ng bahay ang binili niyang long-stemmed rose para rito. Para pagdating nito ay kaagad 'yong makita. May note naman sa rose na nagsasaad na 'yon ay para rito. Napangiti naman siya nang makarating sa dining area, because obviously, kinain ng babaeng makulit ang inihanda niyang foods dito bago siya umalis kanina. Nag-iwan din kasi 'to ng sulat sa kaniya. Saying: Thanks, nabusog is me, Papi! Napangisi na lang siya nang malinaw niyang marinig ang boses nitong nagsalita sa kaniyang utak. Ang boses ni Page Sanrio ay tila musika na nag-iwan na ng marka sa kaniyang isipan kaya kabisado na niya. Kumbaga, sa isang magandang kanta na napakinggan, 'ika nga e, na-LSS na siya ro'n. Dinukot niya ang phone niya sa bulsa ng suot niyang pants. Ite-text na niya 'to para malaman niya kung nasa'n 'to, wala naman sigurong masama kung itatanong niya... Pero hindi pa man niya na-dial ang numero ni Page, may nag-pop nang email sa kaniya na hindi niya maaaring ignorahin. Mali, mas tamang sabihin na hindi niya kakayanin na ignorahin 'yon. Dahil si Red ang nag-email. Forwarded message nito 'yon from the private investigator na hinired nito para sa whereabouts and such ng gabing 'yon sa Ilocos Norte... "DAD, no! You can't do this to me! Sabihin niyong nagbibiro lang kayo. H—Hindi 'yan totoo." Sa nangiginig na labi ay sambit ni Page sa kaniyang ama. Nagsusumamo rin ang tinig niya at mga tingin na ibinigay rito. Yumuko ang daddy niya na tila nahihiya sa kaniya. "I—I'm sorry, Page," anito sa nahihirapan na tinig. Hindi niya kailan man na nakinita ang araw na 'to. Ang araw na masisilayan niyang tila talunan ang itsura ng matayog na daddy niya. Kilalang negosyante sa Ilocos Norte ang dad niyang si Santrino Yuzon. Although, hindi naman lingid sa lahat at sa kaniya na may kayabangan 'to dahil na rin ang lahat ng tagumpay na nakamit nito ay nakuha nito sa mabilis na paraan— ang paggamit nito sa anak ng isang Olivarez, na kilalang negosyante rin sa lugar nila. Ang lahat sa mga 'to ay isang negosyo. Naggamitan lang ang kaniyang mga magulang upang umunlad ang mga negosyo kaya lumaki siya sa pamilyang salat sa pagmamahalan. Idagdag pa na ni isang kapatid ay wala siya. At ngayon, sinasabi sa kaniya ng daddy niya na lugi na ang negosyo nila? Na kailangan niya rin na magpakasal sa gobernador nila dahil 'yon lang ang natatanging paraan upang hindi sila tuluyang lumubog. Hah! Isa 'yong malaking kalokohan at hindi niya 'yon mapapayagan! Hindi niya gugustuhin at walang sino man na nanaisin na matulad sa pamilyang binuo ng dad at mommy niya. Hindi pa ba nagsi-sink in sa mga 'to 'yon? "M—Mom... please tell me na joke lang 'to." Kahit ayaw niya at alam niyang mas walang pakialam sa nararamdaman niya ang kaniyang ina ay binalingan niya pa rin 'to. Pinanlisikan siya nito ng mga mata. "Napakatigas ng ulo mo talaga, Page!" bulyaw ni Persida sa nag-iisang anak, "Manang-mana ka talaga sa ama mo! Pareho kayong palpak!" Ang luha niya ay hindi na naampat. Lalo na nang talikuran siya ng mommy niya. Hindi miminsan na naitanong niya sa sarili kung tunay ba siyang anak nito dahil kung tratuhin siya nito ay parang hangin lang sa bahay na 'yon. Dahilan upang magmatigas siya at hindi halos umuuwi sa kanila. Masyadong abala ang mga 'to sa mga negosyo, pagkatapos ay sasabihin nila na nalugi 'yon? Isa 'yong malaking kalokohan! "Dad, please..." "Anak, patawad, ito lang ang paraan para maisalba natin ang mga negosyo natin. Saka, tama ang mommy mo, magiging mabuti ka sa mga kamay ni Hanz Marciano, mayaman ang pamilya niya. Hindi ka mahihirapan. Kasabay niyon ay maisasalba pa natin ang ari-arian natin na nakasanla na sa mga Marciano." She gritted her teeth. Ayaw man niyang sumbatan ang dad niya ay hindi niya napigilan ang sarili. "Ganyan naman kayo! Kaya ang mga tao sa paligid ay lihim kayong pinagtatawanan. Sunod-sunuran kayo kay mommy." Umiling si Santrino, may awang pinagmasdan ang anak. "Page, I'm sorry, hindi mo ako makukuha sa ganyan mo dahil kahit saan ko tignan ay tama naman ang mom—" "Para kayong robot na walang sariling isip at ginagaya niyo pa 'ko sa inyo!" Putol niya sa dapat sasabihin pa ng daddy niya. Nilayasan niya 'to pagkatapos. Kung hindi niya pa kasi 'yon gagawin ay baka higit pang pangbabastos ang magawa niya rito. Pinalaki man siya ng mga 'to na salat sa pagkalinga at pagmamahal na dapat ibigay ng mga magulang sa anak, hindi naman siya pinabayaan ng mga 'to. Ni hindi siya nahirapan hanggang sa tumuntong na siya sa edad niya ngayon na bente dos. In fact, prinsesa nga siya sa bahay na 'yon. Namuhay siya ng marangya, literal. Ultimo pag-aaral niya ay wala siyang pakialam. Wala rin naman kasing pakialam ang mga 'to ro'n. And why, ngayon niya napagtanto na kung sana ay hindi siya nagpapalit-palit ng kurso, sana ay may maganda na siyang trabaho ngayon. Sana ay matutulungan niya na ang mommy at daddy niya sa problemang pinansyal ng mga 'to. Pero hindi pa rin tama ang nais nila! Walang tama sa gustong mangyari ng mga 'to! Nang makarating siya sa k'waryo niya ay nagtaklukbong siya ng kumot at do'n ay umiyak. Si Hanz Marciano ay isa sa mga kalalakihan na maraming beses na niyang binigo ang pagsinta sa kaniya. Nakakarimarim isipin na hindi siya talaga gustong tigilan nito. Nakakasulasok isipin na magiging asawa niya 'to... "HINDI ako naniniwala na lugi na ang mga negosyo ni Dad, Yanie," aniya sa kaibigan nang katagpuin niya 'to sa bayan. Si Yanie ay isa sa mga kaibigan niya mula pa noong maliliit sila. Kalaro niya 'to sa Hacienda Yuzon. Beggar, 'yon ang tawag ni Persida rito dahil isa 'to sa mga anak ng tauhan nila. Ngayon na pareho na silang adult, ngayon na magkaharap sila sa pandalawahang taong mesa sa isa sa pamosong fastfood chain sa bayan, na-realize niya bigla, na ang tunay beggar sa kanilang dalawa ng kaibigan ay siya. Because looking at her right now, sa narating nito, malabo nang maging beggar pa 'to. Malayo na 'to sa dati. Samantalang siya ay heto, ang mga pinanggagastos niya sa sarili ay pera ng mga magulang niya. Pera na heto, may bayad pala. Siya pa ang kabayaran! "Uh—huh," tipid nitong tugon sa kaniya. "Malakas ang pakiramdam ko na higit pa 'to rito. Higit pa sa nalugi ang negosyo niya at bakit si Hanz Marciano ang makakasalba? Porque ba gobernador siya?" "Bingo!" Natameme siya sa binulalas ni Yanie, "Alam mo, matalino ka talaga, Page, kaya sa 'yo ako e." She sighed. "Hindi ito ang tamang oras sa biro." Pagak na natawa si Yanie. "Okay, sorry. Seseryoso na 'ko." Tumikhim 'to. "Page, ganito kasi 'yan..." Isang papel na naka-envelope na brown ang nilapag nito sa mesa at inusog nito 'yon papalapit sa kaniya... Nang buklatin niya 'yon ay kaagad na dumaloy ang mga luha sa mga mata niya. "H—Hindi ko nanay si m—mom?" Mariin siyang tinitigan ni Yanie. "May tama yata sa utak 'yong gobernador. Minsan ka niyang nakita na kasama ni Persida, tinamaan siya talaga sa 'yo. Kaya nauwi ka rito— nakasanla ka na kay Hanz Marciano." "S—Sino ang nanay ko?" tanong niya, binalewala niya ang mga sinaad nito. May awa nang mababanaag sa mga mata ni Yanie nang titigan siya. "Page, kilala mo 'ko, gagawin ko ang lahat para sa 'yo dahil hindi ka nangimi noon na ipagtanggol ako sa mga bitchesa na tulad mo." "Baliw," mahinang tugon niya sa kaibigan. Pinahid niya ang luha pagkuwan. Hindi rin kasi 'to ang tamang oras para ro'n. Kinatagpo niya si Yanie dahil magpapatulong siya rito na makatakas mamayang gabi. Napangisi si Yanie. "Ganyan nga, Page, tatagan mo ang loob mo. Gamitin mong pundasyon 'yan upang magtagumpay tayo mamaya." "Hindi ako nasasaktan sa katotohanan na hindi ko tunay na nanay si mom, somehow, alam ko 'yon, dama ko." "Wala ka na ring nanay talaga, Page. Namatay na siya, limang taon ang nakararaan, aksidente. Isa siya sa mga fling ng dad mo, iniwan ka niya sa daddy mo nang mailuwal ka niya. That time naman ay asawa na ng dad mo ang mommy mo, sakto rin na hindi na magkakaanak si Persida dahil nagbuntis sa labas ng matris kaya tinanggap ka niya." Sa nanlalabo na naman na mga mata ay iningusan niya ang kaibigan. "Ang dami mong alam. Parang dalawang taon ka pa lang naman na police investigator sa private agency na pinapasukan mo ah..." "Obsessed sa 'yo si Hanz Marciano. In fact, ang pagpasok niya sa politika ay dahil sa 'yo. Upang makuha ka niya sa hinaharap." "Y—Yanie—" "Makakatakas ka, believe me. Magiging okay ang dad mo, huwag mong alalahanin 'yon, ako na ang bahala ro'n."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD