Kanina pa iniisip ni Annie kung bakit hindi naputol ang pagtingin sa kanya ng kanilang CEO. Iniisip niya tuloy na baka may nagawa siyang mali at na-bad shot agad siya sa kanilang boss.
“Ms. Annie?” Napalingon siya sa nagsalita. Nakita niya ang kanyang HR manager na nakangiti sa kaniya.
“Yes, ma’am?”
“Pinapatawag ka ni Sir Jeff. He wants to talk to you,” sabi nito sa kanya. Para naman siyang nanigas sa kanyang kinauupuan. Para bang may nagawa siyang mali. Napalingon siya sa kanyang mga kasama at nakitang mga gulat din sila.
“B-bakit daw po?’ tanong niya. Hindi niya maiwasang kabahan dahil dito. Iniisip niya kung ano ba ang nagawa niyang mali.
“He wants to speak with you.”
Wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa kanilang HR manager. Sumakay sila ng elevator at nakita niyang pinindot ng HR manager ang 23rd button. Napalunok lalo tuloy siya. Alam niyang iyon na ang pinakahuling floor ng building na ito. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya ang isang malaking pasilyo. Sa isang gilid nito ay may babaeng babaeng nakaupo sa isang office table. Mukhang ito ang secretary ng kanilang boss. Kumatok ang HR manager sa malaking wooden door at pagbukas ng pinto ay nakita niya si Jeff—ang kanilang CEO na nakaupo sa couch at mukhang hinihintay siya.
“Come in, Ms. Annie,” sabi nito sa kanya. Kakaibang sensasyon ang nadama niya nang banggitin nito ang kanyang pangalan. Napakasimple lang ng pangalan niya pero nang banggitin ito ng boss niya ay tila ang sarap sa tainga. Maliliit na hakbang lang ang nagawa niya at nilingon niya ang HR manager na isinara ang pinto.
Don’t leave me ma’am…
“Have a sit, Ms. Annie.” Napahinga siya ng malalim dahil sa pagtawag nito sa kanya. Dahan-dahan siyang umupo sa couch na katabi nito. Kinuha nito ang folder na nakapatong sa center table at binasa.
“You applied for a clerical position? Fortunately, you passed,” sabi nito sa kanya.
“This is my first day, sir,” sagot niya.
“How was your day so far?” tanong nito sa kanya. Napatitig siya sa itim na mga mata nito. Para bang kit anito maging ang kaluluwa niya. pakiramdam niya ay hinahatak siya ng mga mata nito papunta sa ibang dimension. Bumaba ang kanyang mga mata sa mapupulang labi nito. Wala sa sarili siyang napakagat ng labi niya.
“Ms. Annie?” Napakurap siya nangmuling tawagin siya ni Jeff.
“Sir?” Tumayo ang lalaki at naupo sa tabi niya. Ramdam niya ang rigodon ng puso niya dahil sa paglapit ng lalaki. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nalapitan ng ganito kalapit ng isang lalaki. Nanuot sa kanyang ilong ang pabango ng lalaki. Ang bango nito, hindi masakit ang ilong ang amoy nito. “Did I distract you, Ms. Annie?” tanong sa kanya. Unti-unti siyang umiling.
“I’m sorry sir. M-malapit lang po kasi kayo sa akin,” sagot niya. Ngumiti si Jeff sa kanya.
“Am I too close? I’m sorry if I make you uncomfortable,” sabi ito sa kanya.
“H-hindi lang po ako sanay,” sabi niya.
“I see. Let me guess, no boyfriend since birth?” Hindi niya tuloy alam kung tatanog siya o iiling. Nakadama siya ng hiya. “Don’t be embarrass. May point talagang ganyan. Anyway, kaya kita pinatawag ay para tanungin ka. I will make an offer for you.”
“Offer?”
“Drop the clerical position,” sabi nito. Nanlaki ang mga mata niya.
Oh sh*t! Tatanggalin na ba ako agad? What did I do? May mali ba akong na-file?
Hindi siya mapakali dahil sa sinabi nito. Wala pa man siyang isang araw sa trabaho ay mukhang masisisante na siya.
“Relax. I will not fire you,” sabi nito sa kanya.
“Po?”
“I will offer you to become my personal assistant.”
“Personal assistant? What do you mean, sir?” tanong niya.
“You will work only for me. Ikaw ang may hawak ng mga gamit at schedule ko. You will be there for me for almost 24/7.” Nagulat siya sa sinabi nito.
“Po? 24/7? Wala po akong idea how to be a personal assistant,” sagot niya.
“Don’t worry, hindi naman ganoon kahirap ang magiging trabaho mo. I will triple your salary as a clerk. Deal?”
Hindi niya alam pero napa-oo siya sa kagustuhan nito.
“My office will also be your office,” sabi nito sa kanya. Tumango siya dahil dito.
Mas madali naman maging PA niya hindi ba?
Wala siyang kaalam-alam na nasa isang hukay na ang kanyang isang paa.
***
Hindi mapigilan ni Jeff na mapangiti nang tanggapin ni Annie ang kanyang alok na maging PA niya. The woman picks his interest. Hindi niya matanggal ang mga mata niya sa balingkitang katawan nito. Pinipigilan lang niya ang sarili niya na sunggaban ng halik ang babae. He really wants to run his hands in her body pero nagpigil siya. Ayaw niyang biglain si Annie. Nang lapitan niya ito ay halos mabaliw siya nang maayos ang matamis nitong pabango. Kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang malaman hindi pa ito nagkakanobyo kahit kailan. Nahalata niya kasi ito nang lumapit siya ng husto.
Most of the women na nilapitan niya ng husto ay mabilis na bumibigay ay nahuhulog sa kanyang patibong. He felt excited kay Annie.
“I just want to play cat and mouse,” sabi niya. Napatingin siya sa babaeng nakahiga sa malamig na semento. Puro pasa at sugat ang katawan nito at nakakadena ang isang paa sa poste. Walang saplot ang babae at hinang-hina na din.
“M-may bagong biktima ka na naman…” halos pabulong na sabi nito.
“If I have a new prey, it only means na malapit na kitang itapon,” sabi niya. Naupo siya sa tapat nito. Hinawi niya ang buhok nito at nakita niya ang malaking pasa sa pisngi nito.
“Please, don’t kill me. I will shut my mouth. Hindi ako magsusumbong. I will live my life like a dead man. Huwag mo lang ako patayin,” sabi nito sa kanya. Ang boses nito ay garalgal na at halatang hirap na hirap na.
“I have trust issues, dear. I don’t trust you.”
“Please, let me go.”
“I will let you go if you are dead.”