4

1052 Words
“May nakatira na pala sa tabi ko?” tanong ni Annie habang sumisimsim ng kape. Maaga siyang nagising upang makapaghanda para sa trabaho. Ito kasi ang unangaraw niya sa trabaho. Matapos ang ilang taong paghahanap ay may kumpanyang tumanggap na din sa kanya. “So, walang multo? Walang multo doon?” tanong niya ulit. Naalala niya kasi ang mga ungol at halinhing na narinig niya noong nakaraang linggo. Akala niya tuloy ay pinamumugaran na ng mga multo ang katabing bahay niya. Bago mag-ala sais ng umaga ay nakalabas na siya ng kanyang bahay. Kailangan niyang maaga umalis para hindi siya ma-traffic. May kalayuan kasi ang kumpanya mula sa bahay niya. “Aba! Saan ang punta mo, Annie?” Napatigil siya sa paglalakad nang makita si Aling Marites—ang dakilang tsismosa ng kanilang lugar. Nakasuot ito ng duster at may mga hair curlers ang ulo nito. May ipit na sigarilyo sa bibig nito at may hawak na mahabang walis tingting. Tipikal na marites sa isang barangay. Napangiti tuloy siya ng pilit. “G-good morning, Aling Marites,” sabi niya. “Bihis na bihis ka ah. Saan ka na naman mag-aapply?” tanong nito. Humithit pa ito ng sigarilyo at binugahan siya ng usok. Dahil sa nalanghap niya ay napaubo siya at mabilis na itinaboy ang usok gamit ang kamay niya. “Aling Marites naman eh! Mangangamoy yosi ako niyan eh,” reklamo niya. Binitawan ng babae ang sigarilyo nito attinapakan para mamatay ang sindi. “Hindi po ako mag-aapply. Tapos na ako sa stage na iyon. May trabaho na po ako,” sabi niya. “Eh ‘di maganda! Hindi ka na tambay! Hindi ka na palamunin ng tihain mo!” “Oo nga po pala, may tao na po pala sa katabing bahay ko. Kailan pa po kaya siya lumipat diyan? Wala po akong alam eh.” “Ang alam ko noong isang buwan lang. Wala ka ng mga panahong iyon. Hindi ba’t nandoon ka kina Mely ng isang linggo? Nagulat na lang din naman ako. Bihira lang may tao diyan.” Marites ka nga. Lahat ng mga bagay ay alam. “Sige po. Magwalis lang po kayo. Baka ma-late pa ako,” sagot niya. Nilagpasan na niy aangbabae hanggang sa makalabas siya nggate ng kanilang subdivision. Hindi naman ganoon kaekslusibo ang subdivision nila. Sakto lang para sa mga kagaya niyang middle class. Pagdating niya sa opisina ay sinalubong siya ng isang PR manager at inihatid sa kanyang station. Pinakilala siya nito sa mga magiging ka-trabaho niya. “Hey girl. Angganda mo ah,” sabi ng isang binabae. Napangiti siya. Itinago niya ang gulat dahil sa nakita niya. Sa kabila ng pagiging tall, dark, and handsome na hitsura nito ay isa palang sirena ang nagtatago. “Hoy, alam ko ang tinging iyan,” sabi pa nito at pumitik pa ang hinliliit na daliri. “Gardo?” sabi niya. Humalakhak naman ang binabae sa kanya. “I like you. By the way I’m Nico. Kapag gabi siyempre Nica!” “Annie,” pakilala niya. “Kapag pala may kailangan ka or itatanong, don’t hesitate to ask me ah. Bida-bida ako kaya keri ko ‘yan!” sabi nito sa kanya. “Salamat.” “Dito lang ako sa tabi mo. Magakatabing table lang tayo.” Tinuruan siya ni Nico ng mga dapat niyang gawin bilang isang clerk. Maayos siyang ginuide ng kasamahan kaya walang naging problema. Alas dose nang yayain siya ni Nico na mag-lunch break. Nagtungo sila sa cafeteria ng kanilang opisina at mabuti na lang ay mura ang mga bilihin doon. Madaldal at jolly si Nico. Mabilis na naging panatag ang loob niya sa binabae. At isa pa, certified marites din ito. First day palang niya sa trabaho pero mukhang nalaman na niya ang tsismis sa bawat sulok ng opisina nila. Thanks to Nico. Biglang nanahimik ang buong paligid. Napansin niyang maging si Nico ay napatigil sa pagsasalita at mukhang may tinitingnan. Nilingon niya kung ano ang tinatanaw ni Nico at nakita niya ang isang lalaki na pumasok sa loob ng cafeteria. Naksuot ito ng royal blue na business suit at ang buhok nito ay maayos na nakasuklay ng pa-side. Dumeretso ito sa counter at mukhang namimili ng kakainin. “Nico, sino ‘yon?” tanong niya. Mabilis na tumingin sa kanya si Nico. “Girl, siya si Sir Jeff Gonzales! Ang CEO!” sagot sa kanya. Muli siyang napatingin sa lalaki at nagulat siya nang lumingon ito ay nagtama ang kanilang mga mata. Mabilis siyang umiwas ng tingin at napayuko. Okay. What was that? Napahawak siya sa kanyang dibdib. Tila ba tumakbo siya ng malayo dahil sa lakas ng pagkabog nito. Muli siyang lumingon at halos mahulog siya sa kinauupuan niya nang makitang nakatingin pa rin sa kanya ang lalaki. “Nico, saan ba siya nakatingin?” tanong niya. “Siyempre sa akin,” sagot ni Nico. Napatingin siya kay Nico at para itong nananaginip na nakatingin sa kanilang CEO. “Always ba siyang nandito? Dito siya kumakain?” tanong niya. “Bihira lang si Sir Jeff na pumunta dito sa office. Madalas daw ay nag-a-out of town daw siya. Pero kapag nandito naman siya ay palaging dito siya kumakain. Sabi nga ay favorite niya ang luto ni Manang Cely—‘yung kusinera,” sagot sa kanya. Napatango siya. Hindi na muli niyang nilingon ang lalaki at pinagpatuloy ang pagkain. Pero habang kumakain ay dama niya ang pagtitig ng kanilang CEO sa kanya. Shocks! Bakit nakatingin ang CEo namin sa akin? May mali ba sa akin? Baka may nagawa akong mali na hindi ko alam! “Okay ka lang, Annie?” tanong ni Nico. Mabilis siyang tumango. “Oo naman,” sagot niya. Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na din sila sa kanilang trabaho. *** “New girl, huh?” sabi ni Jeff habang pinagmamasdan ang empleyadang ngayon lang niya nakita. Mukhang may natanggap na sa bakanteng posisyon nila ngayon. “May bago na naman akong paglalaruan.” Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang secretary. “Pakitawag ang bagong empleyada. I want to interview her,” sabi niya. “Yes,sir,” sagot ng kanyang secretary mula sa kabilang linya. He wants to get know everything about her. Ngayon lang may pumukaw ng kanyang pansin. Alam niyang mag-eenjoy siya ng husto sa babaeng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD