Hanggang ngayon ay pakiramdam ni Annie ay nakalutang siya sa ulap. Hindi niya akalain na magle-level up ang kanyang trabaho. Mula sa pagiging clerk ay naging personal assistant siya ng kanilang boss. Kaya ganoon na lang ang gulat ni Nico nang makitang nagliligpit na siya ng mga gamit lang. Hindi man lang siya nakatagal sa kanyang office table.
“Girl, anong pinakain mo kay sir?” tanong ni Nico sa kanya. Nakamot siya ng kanyang ulo.
“Anong ipapakain ko? Eh ngayon lang naman kami nagkakilala. Hindi ko alam kung ano ang naisip niya na gawin akong personal assistant. Wala naman akong alam sa ganoong trabaho,” sagot niya.
“Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat!” sabi ni Nico sa kanya. “O siya, babush na! Bumisita ka dito sa floor ah. Huwag mong masyadong solohin bukas si sir.”
“Sira!” sabi niya.
***
“Annie…” Halos hindi siya makahinga nang banggitin ni Jeff ang kanyang pangalan. Parang umaapoy ang katawan niya dahil sa paraan ng pagtawag nito sa kanya. “My sweet Annie…”
Naramdaman niya ang mainit at magaspang nitong palad sa kanyang hita. Napatingin siya sa ginagawa ng lalaki at napagtanto niyang wala siyang kahit na anong saplot. Kitang-kita ng lalaki ang buong kahubaran niya—wala na siyang itinago sa kanyang sarili.
“Sir Jeff?” tanong niya.
“Shh… don’t call me sir. Call me on my name. Call me Jeff,” sabi nito sa kanya. Tumango siya. Umibabaw sa kanya ang lalaki na siyang ikinalaki ng mga mata niya. “You’re beautiful.” Hinawi pa nito ang buhok na tumabing sa kanyang mukha. Unti-unting bumaba ang mukha ng lalaki at naglapat ang kanilang mga labi. Sa una ay dampi lang. Makailang beses na dumapi-dampi ang labi ni Jeff sa kanya pero habang tumatagal ay may nagiging madiin ito at nagiging mapaghanap. Napasinghap siya nang simulang kagatin ng marahan ng lalaki ang ibabang labi niya. Tila tinutuya nito ang kanyang labi at kalaunan ay dinidilaan na nito siya. Nagsimulang gumalaw ang labi ni Jeff at dahil sa wala siyang karanasan sa ganitong bagay ay hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam ang dapat niyang gawin. Mahigpit lamang ang yakap niya sa malapad at matigas na katawan ng kanyang boss.
“Annie, just follow my lips okay?” Tumango siya. Muling naghugpong ang kanilang mga halik at sa pagkakataong ito ay sinusundan niya ang ginagawa ni Jeff. Kung kinagat ni Jeff ang labi niya ay iyon din ang gagawin niya sa lalaki. Naramdaman niyang kumakatok ang dila nito sa pagitan ng mga ngipin niya. Hindi na siya nagdalawang isip pa at pinapasok niya ang lalaki. Nag-espadahan sila ng kanilang mga dila. Nilalasahan ang bawat isa. Mas lalo pa niyang pinag-igihan ang pagsagot sa mga mapaghanap na halik ni Jeff. Ayaw niyang madismaya ang lalaki. Ayaw niyang tumigil ang lalaki.
Humiwalay si Jeff sa kanya at ramdam niya ang mga kamay nito sa maliit niyang baywang.
“Kakaiba ka sa kanilang lahat,” sagot nito sa kanya.
“Papaanong kakaiba?” tanong niya.
“I cannot explain it but I am pretty sure you’re different from the women I played with.” Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Hinalikan siya sa pingi paakyat sa kanyang panga at napasigaw siya nang dilaan nito ang kanyang tainga. Ramdam niya ang init ng dila nito, maging ang hininga. Pagkatapos ay lumipat si Jeff sa kabilang tainga niya. Kakaibang sensasyon ang nararamdaman niya. Sapat na para marating niya ang rurok ng sarap.
“Hindi pa tayo nagsisimula, Annie,” bulong sa kanya. Sapat na ang bulong na iyon para tumaas ang kanyang mga balahibo dahil sa kiliti. Bumaba ang mga halik ni Jeff sa kanyang leeg.
“Ahh!” sigaw niya. Naramdaman niya ang pagkagat ni Jeff sa kanyang balat. Dinilaan at sinipsip pa ang balat na iyon. Pagkatapos ay dinilaan siya pababa sa pagitan ng kanyang dalawang malulusog na dibdib. Naramdamn niya ang mainit nitong palad sa isa niyang dibdib. Napaliyad siya dahil sa sarap na nararamdaman niya.
“Jeff!”
***
Mabilis na napadilat si Annie ng mga mata niya. Hingal na hingal siya at pawis na pawis. Napabangon siya at ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Daig pa niya ang tumakbo ng ilang kilometro.
“Damn it! Panaginip lang pala,” sabi niya. Napahilamos siya ng kanyang mukha. Ramdam niya ang halik at haplos ng kanyang boss kahit pa sa panaginip lang iyon.
“Omg!” sigaw niya nang maramdamang basa ang ibabang parte ng katawan niya. “Ano bang nangyayari sa akin?” tanong niya. Tumayo siya upang magpalit ng damit pero dahil balot pa rin siya ng init ng pagnanasa ay nagparaos muna siya ng kanyang sarili.
“Good morning, Sir,” bati niya kay Jeff. Ngayong araw ang simula ng pagiging assistant niya.
“Good morning, Annie. Mukhang puyat ka ah,” sabi ni Jeff sa kanya. Napahawak siya sa kanyang pisngi.
“Hindi naman po.”
“Anyway, lahat ng ipag-uutos ko ay susundin mo. Ramdom things lang naman. Maging sa board meeting ay dapat kasama kita. Naiintindihan mo?” Tumango siya.
“Yes sir,” sagot niya.
“Good.” Dumukot ng isang card si Jeff mula sa bulsa nito at iniabot sa kanya. “Buy me a macchiato coffee. Bumili ka na din ng gusto mo. Sa Linxton Café ah. I love their coffee,” sabi nito. Mabilis siyang sumunod at nagtungo sa café hindi kalayuan sa opisina.
Nag-order siya doon at isang ngumiti sa kanya ang isang lalaking barista.
“Hi, bago ka lang? I mean from Jeff’s company?” tanong nito sa kanya. Dahan-dahan siyang tumango. “Sorry if bigla-bigla akong nagtatanong. I’m Kris. Natanong ko lang kasi card ni Jeff ang gamit mo.” Pinagmasdan niya ang lalaki. Kulay green ang buhok nito na halatang kinulayan. Maputi at kulay gray ang mga mata. Halatang may lahing banyaga.
“Sige po,” sabi niya at mabilis na kinuha ang kape. Feeling niya kasi ang creepy ng lalaki.
Pagdating niya sa office ni Jeff ay ibinigay niya ang kape nito. Nang ibabalik na niya ang card nito ay hindi niya makita sa purse niya ang card.
“Teka lang, sir. Naiwan ko yata ang card mo,” sabi niya. Mabilis siyang tumalikod at bumalik sa café.
Ano ba ‘yan Annie, first day tapos palpak!