“Sabi na babalik ka dito eh,” sabi ng barista sa kanya. Ngumiti si Annie ng alanganin. Hindi niya maitago ang hiyang nararamdaman. Hawak ng lalaki ang card ng kanyang boss at akmang kukunin na niya nang biglang iniwas nito ang card sa kanya.
“T-teka lang! Give it to me!” sabi niya. Umiling lang ang barista sa kanya.
“Mukhang stress ka ah. Have a seat, bigyan kita ng best seller coffee ko,” sabi nito sa kanya.
“Pero may trabaho pa ako,” katwiran niya.
“Akong bahala sa’yo. Hindi ka pagagalitan ni Jeff,” sagot nito sa kanya. Napili na lang niya umupo sa table na malapit lang din sa counter. Ilang sandali lang ay dumating si Kris dala ang isang cup ng Americano.
“Salamat. Magkano ‘to?” tanong niya.
“It’s on the house.”
“Hala, nakakahiya,” sabi niya.
“Don’t be. I own this café kaya okay lang sa akin.” Ibinigay na ni Kris ang card sa kanya. Mabilis niya itong inilagay sa purse niya. “Bago ka lang ‘di ba?”
“Oo. First day ko as personal assistant ng boss ko,” sagot niya. Sumimsim siya ng kape at laking gulat niya na sobrang sarap nito. Nasanay kasi siya na 3-in-1 coffee lang ang palaging tinitimpla niya. “Ang sarap nito!”
“Glad you like it. Pero seryoso, PA ka ni Jeff?” tanong nito.
“Dapat talaga clerk ako. First day ko kahapon as clerk tapos ewan ko kung ano ang nangyari. Bigla na lang ako pinatawag ni Sir Jeff at sinabing maging PA niya ako. Wala akong ideya sa pagiging PA. Hindi na rin naman ako makatanggi kasi kailangan ko ng trabaho. Ang tagal ko ng naghahanap ng trabaho kaya ayaw ko ng pakawalan ang ganitong oportunidad,” sagot niya.
“Hindi ba’t may secretary na siya? Bakit need niya pa ng PA?” tanong ni Kris sa kanya. Hindi naman niya alam ang isasagot itinaas-baba na lang niya ang kanyang mga balikat.
“Just a piece of advice, ‘wag kang masyadong magtiwala kay Jeff.”
“Ha? Bakit naman?” Nagtataka siya sa biglang pagbabago ng tono ng barista sa kanya.
“Alam mo kasi, pinsan ko iyang si Jeff but we’re not close. I just have an eerie feeling sa kanya noon pa man. Just don’t let your guards down. Okay?” sabi niya. Binigyan pa siya ng ilang take-out goodies bago siya umalis.
Pagdating niya sa office ay nakita niyang medyo galit si Jeff. Hindi niya tuloy alam kung lalapitan niya ito o hindi.
“Sir?” mahinang tawag niya.
“Hmm?” Iniabot niya ang card nito na naiwan niya kanina.
“Sorry po, naiwanan ko po sa café,” sabi niya. Ngumiti bigla si Jeff sa kanya.
“No problem.” Kinuha nito ang card sa kamay niya pero ramdam niya ang pagdampi ng ng daliri nito sa kanyang kamay. Tila ba may kuryenteng dumaloy mula doon patungo sa buong katawan niya. Mabilis niya tuloy binawi ang kanyang kamay.
“Did Kris tell you something about me?” tanong nito sa kanya. Umiling naman siya.
“W-wala naman po. Sinabi lang niya magpinsan kayo,” sagot niya.
“Kung ano man ang sasabihin niya, ‘wag mo paniwalaan.” Tumango na lang siya sa sinabi ng kanyang boss.
Katulad ng sinabi ni Jeff sa kanya kanina, maging sa mga board meetings ay kasama siya. Kapag nanghingi si Jeff ng tubig ay mabilis niya itong sinusunod. Kaya manghang-mangha siya dahil ngayon lang siya nakapasok sa isang board meeting. Halos lahat ng reports about sales ay doon tinatalakay. Kapag may mga new products ay doon din pinag-uusapan. Pero sinabihan na siya kanina na kung ano man ang mapag-uusapan ay hanggang doon lang, walang pwedeng lumabas na kahit anong information.
“You may take your lunch, Annie. May kameeting ako sa isang resto kaya hindi muna kita iisama, okay?” sabi ni Jeff sa kanya.
Dahil lunch ay nagtungo siya sa cafeteria para kumain. Malayo palang siya ay kumakaway na sa kanya si Nico. Kaya naman mabilis siyang umupo sa table nito.
“Ano kumusta ang first day as a PA ni super hot Sir Jeff?” tanong nito sa kanya. Napakamot siya ng ulo niya.
“Medyo palpak. Buti na lang hindi nagalit sa akin.”
“Mabait naman ‘yan si Sir. Sabi nga nila may five bomb rule ‘yan.” Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi niya kasi naintindihan ang ibig sabihin ni Nico.
“Five bomb rule? Ano ‘yun?”
“Five bomb rule means, may limang pagkakataon ka bago sumabog sa galit si Sir Jeff,” paliwanag nito sa kanya.
“Ha? May ganoon? Ibig sabihin, bawas na life line ko. Apat na lang,” sabi niya.
“Kaya dapat ingatan mo na ‘yan kasi kapag sumabog si Sir Jeff, boom! Terminated ka na!”
“’Wag mo ko takutin please!” Humagalpak sa tawa ang binabaeng si Nico.
***
“Fcking answer my kisses!” sigaw ni Jeff sa babae. Walang nagawa ang babae kung hindi ang sundin ang gusto ng lalaki. Kahit masakit ay pinilit niyang sagutin ang marahas na halik ni Jeff. Hindi na niya alam kung gaano katagal na siya sa basement ni Jeff. Kung alam lang niya, hindi sana siya nahulog sa patibong ni Jeff. Kung alam lang niya…
Ramdamn niya ang magaspang na palad ni Jeff sa kanyang dibdib. Pero imbes na masarapan siya ay sakit lang ang nararamdaman niya. Paano nga ba naman siya makakaramdam ng sarap kung halos puro pasa na ang kanyang katawan, nakakadena pa siya.
“Please, let me go,” bulong niya.
“No, I won’t. Hindi pa ako sawa sa’yo. Besides, may gusto akong ipakilala sa’yo,” sabi ng lalaki sa kanya. Umiling-iling siya. Natatakot siya para sa kapakanan ng panibagong biktima ng lalaki.
“Bakit mo ba ginagawa ito? Ilang babae pa ba ang papatayin mo para ma-satisfy ka? Ilang babae pa ba ang mahuhulog sa patibong mo?” tanong niya. Hinatak ni Jeff ang buhok niya.
“Every one of you is unique. I really love to watch every one of you to beg for my mercy. Tingnan mo ikaw, I love how you beg for your life.”