“Annie…”
“S-sir?” Nagtataka siya bakit nandito sa ibabaw niya ang kanyang boss na si Jeff. Naguguluhan siya kung papaano siya napunta sa ganitong sitwasyon. Hindi niya maalala kung bakit nasa ibabaw niya ang lalaki. Pareho silang walang saplot at halos magdikit na ang kanilang mga labi.
“Hindi ba’t sabi ko Jeff lang ang itawag mo sa akin?” sabi nito sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay niya. Wala siyang maalala kung kailan sinabi ng lalaki iyon sa kanya. Dahan-dahan niyang inilapat ang dalawa niyang palad sa matigas at matipuno nitong dibdib. Gusto niyang itulak paalis sa ibabaw niya ang lalaki pero tila nawalan siya ng lakas. Hindi niya maitulak si Jeff. Nanatili lang ang mga palad niya sa dibdib nito. “Damn that lips of yours. It’s tempting me,” sabi ni Jeff sa kanya. Hindi na siya nakapalag nang magdikit ang kanilang mga labi. Pinantayan niya ang mga mapaghanap na halik ni Jeff. Naramdaman niya ang pagiging malikot ng mga kamay nito. Napaliyad siya nang maramdaman ang kamay nito sa kaliwang dibdib niya.
“Oh God!”
“Yes! Call your God, and pray for your mercy!” sabi nito.
***
Mabilis siyang napadilat ng mga mata niya. Hingal na hingal siya at pawis na pawis. Bumangon siya at napahilamos ng kanyang mukha. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib na para bang tumakbo siya nag pagkalayo-layo.
“Kainis! Ano bang nangyayari sa akin?” tanong niya. Napapansin niya na palagi na lang niyang napapanaginipan ang kanyang boss. Hindi lang basta panaginip kung hindi isang panaginip kung saan nagkakaroon sila ng sekswal na koneksyon. Hindi niya maintindihan ang sarili. “Nagsimula lang ‘to nang makilala ko si Sir Jeff,” sabi niya. Napabuntong hininga siya. Dama niya ang pagkabasa ng ibabang parter ng katawan niya at nandoon ang pakiramdam na tila nabitin siya. Gusto niyang magpalabas ng init ng katawan kaya mabilis niyang hinubad ang kanyang mga damit at pinaligaya ang kanyang sarili.
***
“Are you okay, Annie?” tanong ni Jeff sa kanya. Napakurap siya at napatango.
“Yes, sir,” sagot niya.
“You look like a mess. May sakit ka ba? You have bags under your eyes,” pun anito sa kanya.
Papaanong ‘di ako mapupuyat? Eh ginugulo mo ako hanggang sa panaginip ko.
“Naku sir, napuyat lang po dahil sa pelikula na pinanuod ko,” katiwaran niya.
“I hope you can still focus on your job. Alam ko marami akong meetings ngayon,” sabi ni Jeff. Hindi niya maiwasang mahiya dahil sa sinabi ng boss. Naisip niya na marahil ay baka puro palpak ang magawa niya. Naalala niya ang sinabi ni Nico sa kanya—na may five bomb rule ang kanilang boss. Five times na palpak means termination.
Hindi pwedeng matanggal ako. Hindi ko pa natutulungan si Auntie Mely.
Katulad ng sinabi ni Jeff kanina ay marami silang meeting na pinuntahan. Hindi rin niya akalain na miyembro si Jeff ng maraming organizations. Mapa-business man o charity. Hindi niya maiwasang mapahang asa kanyang boss dahil sa edad nitong 32 ay marami na itong narating. Hindi niya tuloy maiwasang maikumpara ang sarili. Sa kanyang edad, wala pa siyang nararating.
“You’re hungry?” tanong ni Jeff sa kanya. Umiling siya kahit ang totoo ay pagod siya at gutom na. Nasa backseat sila pareho at pabalik na sila ng opisina. Pasado alas kuwatro na din ng hapon. Buong maghapon ay nasa labas sila ng opisina.
“Hindi naman po,” pagsisinungaling niya.
“Robert, let’s go to the Katarina,” utos nito sa driver. Napakunot ang noo niya dahil akala niya ay babalik na sila ng opisina at makakauwi na siya. Drain na drain na kasi ang kanyang energy. Gusto na niyang matulog at magpahinga.
Nagulat siya nang pumasok sila sa isang fine dining restaurant. Ang alam niya ay wala ng appointment si Jeff.
“Sir, may kameeting po ba kayo? Wala po kasi akong nakita sa sched mo po,” sabi niya. Umiling si Jeff sa kanya. Nagulat siya nang ipinaghila siya ng upuan ni Jeff. Hindi niya alam kung uupo ba siya o hindi.
“Let’s have a date, okay? Maupo ka na.” Alanganin siyang umupo at naupo sa tapat niya si Jeff. Lumapit ang isang waiter at ibinigay sa kanilang dalawa ang menu. Hindi siya sa pagkain tumingin kung hind isa presyo ng mga ito.
Oh my gulay! Ano bang mga pagkain ‘to? Bakit walang tig-50 dito? Wala bang budget meal? Mas mahal pa sa minimum sahod ko ito eh.
“Ano ang gusto mo, Annie? I know that look, don’t worry. It’s on me,” sabi nito sa kanya. Ngumitib siya ng alanganin.
“Sir, kayo na lang po bahala. Hindi po ako pamilyar sa mga pagkain dito,” sabi niya. May bahid ng hiya ang boses niya. Ngumiti si Jeff sa kanya.
“It’s okay. Umm… waiter!” tawag nito. Lumapit ang waiter sa kanila. Maraming inorder si Jeff sa kanila. Hindi niya matandaan ang mga ito dahil ibang lingawahe. Ang naintidihan lang niya ay a bottle of red wine na sinabi nito.
“So, kumusta sa family mo?” tanong ni Jeff habang naghihintay sila ng order nila.
“Wala na po ako family. Ulilang lubos na po ako. Pero meron po akong tita. Siya po nag-alaga sa akin mula nang mamatay parents ko,” sagot niya.
“I never had a chance to talk to you about this kind of thing. Ako naman nag-iisang anak. My parents are both in abroads. Traveling around the world. Ginawa nila iyon mula nang ako na ang humawak ng company. Anyway, do you have boyfriend?” Mabilis siyang umiling.
“Naku wala po. Wala po akong boyfriend. Wala pong nagkakagusto sa akin,” sagot niya.
“I don’t think so. Hindi palang nila nakikita ang kagandahang taglay mo.” Ngumiti ang lalaki sa kanya at bumilis ang t***k ng puso niya.