Pagkarating ko sa parking lot, nakasalubong ko si Miyuki na salubong ang mga kilay.
"Oh bakit salubong ang kilay mo?" sabay na sabi namin.
"Wala" sabay rin naming sabi kaya nagtinginan kami.
Sumakay na kami sa van at tahimik lamang na nakaupo habang nakatingin sa labas.
Hindi nanaman ako patutulugin ni Trevor mamaya.
"Ahh ano ba!" sabay naming sigaw ni Miyuki kaya nagkatinginan kami kasabay nang malakas na pagpreno ni kuya Philip.
"Aray ko yung mga siko ko" daing ni Miyuki.
"Ah yung mga tuhod ko" daing ko naman.
Kaya nagtinginan nanaman kami.
"Naku! okay lang ba kayo? Sorry ah nagulat kasi ako eh" pagpapasensya ni kuya Philip napatango na lang kami at nagtitigan.
"Anong nangyari diyan sa mga sugat mo?" sabay naming tanong.
"Nadapa" sabay ulit naming sabi saka nagtawanan.
Natawa rin si kuya Philip sa amin.
"Hays magkapatid talaga kayo" biro niya pa.
Nang makarating kami sa mansion halos mahimatay si Manang dahil sa mga sugat namin at kasalukuyan na niya kaming ginagamot ngayon kasama sila Sely at Selia.
"Bakit ba ang kekerles niyo" kunot noong sabi ni Manang sa amin habang nililinis ang mga gasgas namin sa tuhod at siko.
"Arayyyy" daing namin parehas ni Miyuki nang diinan nila Sely at Selia ang pagdampi.
"Sorry po" sabi nila.
Nang matapos kaming gamutin at kumain nagsi-akyat na kami sa kuwarto nang walang imik.
Kalbaryo talaga sa gabi kapag nakikita ko si Trevor hmmp.
**KINABUKASAN**
Paika ika akong pumasok ngayon dahil sa mga tuhod ko.
"Hoy te, ano? iyan ang napala kakatakas sa Prince charming mo? ano ka si cinderella at bag ang naiwan mo?" pang-aasar ni Maggy sa akin pagkarating na pagkarating ko pa lang.
"Haha naku kung alam niyo lang kung anong itsura ni sir Trevor kahapon habang hinahanap si Misaki halatang napipikon na" pang-aasar pa ni Chris.
"Hoy kayong dalawa napaka supportive niyong kaibigan ilaglag niyo ba naman ako mga peste kayo!" sabi ko sa kanila pero nagtawanan lang sila.
"Ano ba kasing meron sa inyo ni Sir?" seryosong tanong ni Chinie.
Wow nag-e-exist pa pala siya. Eh sa inyo ni Harold anong mayroon sa inyo?
"Walang sa amin. At saka baka may asawa na iyon mahirap na! AYOKO PA NAMAN SA LAHAT AY ANG MANG-AAGAW" mariin kong sabi sa dulo at saka tumingin kunwari sa itaas.
Napatahimik naman sila sa sinabi ko. Iniisip ko pabrin si Chinie hanggang ngayon. Nagsinungaling siya sa akin at kung talagang tunay ako sa kaniya sasabihin niya sa akin ang totoo.
"Ahm mauna na pala ako" paalam ni Chinie sa amin saka umalis.
"Oh anong mayroon?" biglang dating naman ni Harold.
Napa 'ehem' naman ang dalawa at nagpaalam na rin sa akin na may nanunuksong tingin.
"Wala naman" sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya.
Baka kapag tumingin ako sa kaniya rumupok ako bigla.
"Ahm Misaki may favor sana ako sa iyo kung okay lang?" Tanong pa ni Harold sa akin.
Sus kaya pala nakipag kaibigan ka sa akin para mapalapit kay Chinie tss torpe rin ang isang to bahala siya diyan.
"Anong favorite flavor ni Chinie pagdating sa ice cream?" tanong ni Harold.
Napaisip naman ako sa sinabi niya saka napangiti.
"Strawberry ice cream" Sabi ko saka tumingin sa kaniya at bakas sa mukha niyang natuwa siya at nagkaroon ng pag-asa.
"Ganoon ba salamat Misaki ah" sabi pa niya.
"May gusto ka kay Chinie ano?" tanong ko pa sa kaniya.
"Paano mo nalaman?" gulat na tanong niya.
Siyempre nakita ko kayo mga taksil.
"Obvious eh" tumawa kong sabi kaya natawa rin siya at napakamot sa ulo.
"Oo eh pero kaming dalawa lang ang nakakaalam pati rin pala ikaw" sagot niya.
"Eh bakit hindi ikaw mismo ang magtanong sa kaniya?" tanong ko pa baka kasi mamaya nananadya sila eh.
"Sabi niya kasi hindi raw siya easy to get at patunayan ko raw sa kaniya na kaya ko siyang ligawan. Kaya naisip kita dahil alam ko naman na magkaibigan kayo" paliwanag pa niya sa akin.
Napanganga naman ako sa sinabi niya. Aba hindi lang siya taksil na kaibigan kundi makapal din ang mukha. Tss!
Napatango na lang ako at saka umalis. Feeling ko kasi maiiyak na ako sa mga nalaman ko. Hindi pala sapat yung narinig ko lang na nagkaaminan na sila. Nalaman ko rin na nagliligawan sila mga hinayupak. Pinunasan ko naman ang luhang pumatak sa kaliwang pisngi ko at saka napaisip.
Natawa naman ako nang may biglang pumasok sa isip ko.
Hahahaha shet! Omagad I can't believe this BWAHAHAHAHAHHAHA!
"Okay ka lang ba talaga?" Biglang singit ng isang lalaki sa gilid ko.
Si Trevor. Bakas sa mukha niya ang pagtataka sa akin.
"Bakit ka ba nangingielam?" Bigla kong sigaw sa kaniya.
"Baliw ka na" sabi pa niya at saka naglakad na palayo.
Bakit ba nandito lagi iyon? Akala ko ba lawyer iyon?
Napasimangot na lang ako saka tinapos ang araw na ito.
******
Chinie
Pilit kong nilulunok ang pagkain sa lalamunan ko habang iniisip ko pa rin ang sasabihin ko kay Misaki pati na rin sa mga kaibigan namin.
Matagal ko nang gusto si Harold bago pa man sila magkakilala ni Misaki. Kapitbahay namin siya at palagi niya akong pinapansin sa tuwing magkikita kami. Hindi ko ito na-ikuwento sa kanila dahil hindi naman ako open masiyado unlike ni Misaki.
Naalala ko pa noong lumipat si Harold dito sa Davinson University, manghang mangha sa kaniya si Misaki dahil sa pagiging mabait nito at higit sa lahat ay guwapo.
Maraming nagkakagusto sa kaniya pero dahil nga sa ako lang ang kilala niya roon ay napalapit siya sa amin, lalo na kay Misaki.
Hindi ko alam ang gagawin ko o ang sasabihin ko hanggang ngayon dahil sa tuwing nakikita ko si Misaki ay parang isang walang kuwenta akong kaibigan sa harap niya.
"Anak, okay ka lang ba?" pagbasag ni Mama sa iniisip habang nasa dining room kami, kumakain.
"Ah ayos lang po ako Ma, marami lang po akong iniisip dahil sa tambak kami ng gawain sa school" pagpapalusot ko pa at saka inubos ang isang basong tubig at tumayo na.
"Anak, kahit hindi ka magsabi ay nararamdaman ko na may pinagdaraanan ka" sabi niya at saka lumapit sa akin at hinawakan ako sa pisngi.
"Tell me, lalaki ba ang problema mo?" nakangiti niyang tanong sa akin.
"Ma, hindi ka po ba magagalit sa akin?" sabi ko at saka hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko.
"Bakit naman?" tanong naman niya.
"Si Misaki po kasi Ma, masasaktan ko" sabi ko naman sa kaniya at doon binitiwan niya ako at tinignan na may pagtatanong sa kaniyang mga mata.
"Ha? Ano bang ginawa sa iyo ni Misaki? Nag-away ba kayo?" sunud-sunod na tanong niya.
"Ma kasi, iisa kami ng taong mahal" sabi ko kaya naman napahinga siya ng malalim habang ako naman ay napayuko.
"Si Harold? Sino ba ang mahal niya sa inyong dalawa?"
"Ako po Ma, umamin po siya sa akin."
"Kung ganoon kailangan niyong sabihin kay Misaki na may nararamdaman na kayo sa isa't isa"
"Pero paano po Ma? Masasaktan namin siya at isa pa matagal niya ng gusto si Harold" malungkot na sagot ko sa kaniya.
"Anak, may masasaktan talaga sa pag-ibig lalo na kung hindi siya ang pinili pero kung lolokohin ka lang ni Harold at sasabihin niyang si Misaki ang mahal niya abay tumigil ka na. Huwag mo na akong gayahin pa na nagpakatanga sa Tatay mo pati sa kaibigan ko" mahabang sabi niya.
"Opo Ma, pero sa ngayon kailangan ko po munang pag-isipan ang lahat at siguruhin na ako nga talaga ang mahal ni Harold para hindi na maging kumplikado pa ang sitwasyon naming tatlo dahil parehas silang mahalaga sa akin" sabi ko at saka niyakap siya na niyakap din ako.
I'm sorry, Misaki.
******
Misaki
**KINABUKASAN**
Pumunta ako sa tagpuan naming magkakaibigan at nakita sila Maggy at Chris na nagtatawanan.
"Yow wassup!" bati ni Chris.
Umupo naman ako sa tabi nila saka nakipagkwentuhan.
Natigil lang ang usapan namin nang dumating si Chinie na nakasimangot.
"Hindi yata maganda ang araw mo? Namamana mo na kay Misaki ang pagiging ngusongera" pagpuna ni Maggy. Heto talaga ang daming napapansin.
Umupo siya sa tabi ko at napansin ko ang hawak niya.
"Strawberry ice cream? Para sa amin ba yan?" tanong ni Chris at napansin niya rin pala, kukuhain sana nila ni Maggy pero pinigilan ko sila.
"Wait? Saan naman galing iyan? Eh diba ube flavor ang gusto mo?" tanong ko sa kaniya.
Tumingin naman siya sa akin at nagaalinlangang sumagot.
"Ah sa special someone lang" bigla niyang sagot kaya napanganga naman sila Maggy at Chris.
"Shuta ka sis? May special someone ka na? Tell me sino siya? Wafu ba?" tanong naman ni Maggy.
"Hindi ka na nagsasabi sa amin ngayon ah akin na nga iyan" agaw ulit ni Chris sa ice cream na nasa gallon.
Pinigilan ko ulit siya saka sinamaan ng tingin.
"Don't tell me sosolohin mo lang Misaki? Wala ka pa ring kupas basta kapag may nagbigay kay Chinie ikaw kaagad" pang-aasar ni Chris at nagtawanan naman sila.
"Sige na kainin niyo na" sabi ni Chinie.
Tumingin naman ako sa kaniya at halata sa kaniyang hindi niya ito nagustuhan.
"Wait Chinie, hindi ba sabi mo special someone? Ibig sabihin kailangan mong kainin iyan dahil special kamo sa iyo ang nagbigay" sabi ko pa sa kaniya.
Napatingin naman siya sa akin.
"Pero hindi ko iyan gusto ang gara ng lasa parang gamot" nakanguso niyang sabi.
"May point si Misaki saka masarap iyan try mong tikman basta pahingi kami" singit pa ni Chris pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Manahimik ka nga Chris isusumbong kita kay Coach Aya dahil kumakain ka ng mga matatamis at malalamig" pagbabanta ko sa kaniya.
Remember? Kumakanta kami at kailangan naming alagaan ang aming mga boses.
"Oo nga tama si Misaki kaya kami lang ni Chinie ang kakain" sabat naman ni Maggy.
Sinamaan ko rin siya ng tingin.
"Manahimik ka Maggy dahil sa inyo ni Chris naghihirap ako ngayon. 353 na lang ang pera ko at nagbabaon na lang ako ng luto ni Manang" sabi ko pa sa kaniya kaya napanguso na lang sila sa akin.
Sinimulan ng kainin ni Chinie ang ice cream kahit labag sa loob niya habang kami namang tatlo ay nagkukuwentuhan.
Grabe mission accomplished.
Bwahahahahahaha! Ang sama ng ugali ko.
******
Practice namin ngayon sa basketball at kailangan kong bumawi dahil tatlong araw akong hindi nag-practice dahil sa dalaw na iyan.
"Naks nasa mood ngayon si Misaki good job Misaki sa inyo rin girls" papuri ni coach Iya saka kami nag-ayos ng mga gamit at pati na rin ng sarili.
Papunta na sana kami ni Chris sa shower room nang harangin kami ni Harold.
"Ahm may I talk to you Misaki?" seryosong tanong niya sa akin.
Kinabahan naman ako sa kaniya kaya pinauna na namin si Chris bago kami mag-usap.
"Bakit Harold?" tanong ko sa kaniya.
Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin.
"Salamat Misaki" sabi niya at saka bumitaw.
Nakangiti siyang nakatingin sa akin ngayon.
"Eh? Bakit?" tanong ko pa.
"Nagustuhan ni Chinie yung binigay ko sa kaniyang ice cream" nakangiti niya pang sambit.
Napanganga naman ako. My gosh! Nagsinungaling sa akin si Chinie pati ba naman kay Harold?
Hay naku! Pero natawa pa rin ako sa reaksiyon niya kanina sa ice cream hahaha.
"Ahm Misaki yayayain ko sana siya ng date sa saturday ano sa tingin mo ang hilig niyang puntahan?" tanong niya pa sa akin.
Napaisip naman ako sa sinabi niya at saka may pumasok sa aking ideya.
"Ah yayain mo siya sa enchanted kingdom mahilig siya sa mga rides" tuwang tuwa kong suhestiyon sa kaniya.
Nagliwanag naman ang mukha niya at saka nagpaalam na dahil mag-pre-prepare pa raw siya.
Pagkaalis niya ay luminga muna ako sa paligid at baka kasi makita ko si Trevor na nakamasid at success wala.
Kaya naman tumawa na lang ako ng tumawa habang papunta sa shower room. Gosh para akong witch sa fairytale love story nilang dalawa bwahahahaha!
Ngiting-ngiti akong naglalakad nang may tumawag sa akin.
"Misaki."
Paglingon ko ay nakita ko si Tim na nakangiti sa akin.
"Naks basketball player ka pa rin hanggang ngayon?" pansin niya sa akin. Naka-jersey pa kasi ako.
"Ah oo bakit?"
"Wala lang parang dati lang hindi tayo nagpapansinan tapos ngayon magkaibigan na tayo" nakangiti niya pang sambit.
Kaibigan kaagad? Assuming choss!
"Hahahaha oo nga eh sige mag shower muna ako."
"Ahm wait ikaw ha tinakasan mo ako sa restaurant porkit nandoon si Trevor" pang-aasar niya pa sa akin pero nginitian ko lang siya at saka nagpaalam na maliligo na.
Pagkarating ko sa shower room ay nakita ko naman sila Maggy at Chris na nakasilip.
"Aba mukhang malapit ka sa dalawang Davinson ah" pagpuna nanaman ni Maggy.
"Alam mo punangera ka talaga" pagpuna ko rin sa kaniya.
Tinawanan naman kami ni Chris at kami ay nag-shower na.