"MISS TAKISHIMA" sigaw sa akin ni Miss. Mendoza kaya napa-angat ako ng tingin at saka tumingin sa paligid jusko nasa room pala ako nakakahiya.
"Yes miss?" Nahihiya kong tanong sa kaniya.
"Anong yes miss ka diyan? Anong natutuhan mo ngayon sa klase ko ha? Hindi ba wala? Kasi nga tulog ka" Inis na sabi niya.
"Tayo!" Sigaw niya sa akin kaya napatayo ako.
"Anong natutuhan mo sa klase ko sagot!" Sabi niya.
"Ang natutuhan ko po ay....huwag pong matulog sa oras ng klase" Sagot ko at saka napayuko nang marinig kong nagtawanan ang mga kaklase ko kaya mas lalong nag-usok ang mukha ni Miss Mendoza.
"Come with me NOW!" Sabi pa niya saka lumabas ng room.
Kinuha ko naman ang mga gamit ko saka lumabas ng room at sumunod kay Miss Mendoza na ang bilis maglakad.
Pagkarating namin sa faculty ay naupo siya sa table niya at pinaupo ako sa harap niya.
"Anong problema mo Miss Takishima? Ipinahiya mo ako" Tanong ni Miss Mendoza.
Bigla namang sumingit si Miss Agane.
"Hay naku iyang batang iyan nung nakaraan nakatulala lang kaya nabato ko ng white board marker."
"Hay naku sa akin naman ipinahiya niya ako eh paano tinanong ko siya kung anong natutuhan niya at aba ang sagot eh natutuhan niya raw na huwag matulog sa klase" Inis na kuwento ni Miss Mendoza. Napayuko naman ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
"Hay mga kabataan talaga ngayon mga wala ng modo. Sayang ang talino mo Miss Takishima kung puro ka yabang" sabi ni Miss Agane.
"Anong mayroon dito?" nagulat kami nang biglang pumasok si Tim.
Nagtayuan naman silang lahat at nag-bow kay Tim except sa akin kaya tinignan ako nila Miss Agane at Miss Mendoza ng masama.
Tumayo na lamang ako saka yumuko.
"Sit down" utos niya sa aming lahat kaya napaupo naman kami.
"Narinig ko lahat nang sinabi niyo kay Miss Takishima at masasabi ko na nakaka-dissapoint kayo. Mga Guro pa man din kayo pero hindi niyo iniintindi kung may pinagdaraanan ba ang mga estudyante niyo o wala. Walang masama na pagsabihan ang bata pero kung sasaktan niyo ng pisikal or by words, pwes hindi iyon tama" seryosong sabi ni Tim.
Kahit seryoso siya ang gentle par rin ng mukha niya unlike kay Trevor na mukhang angry bird, bigla naman akong natawa sa naisip ko.
"Miss Takishima tawag ka ni Mr. Timothy" magalang na sabi ni Miss Agane.
Napaangat naman ako ng tingin at tinitigan siya.
"Come with me" sabi pa niya kaya napatayo na ako at nag-bow sa mga Guro pero bago kami makalabas at may ini-abot siyang mga folders sa mga Teacher.
"Ahm Tim salamat" sabi ko sa kaniya.
Humarap siya sa akin at saka ngumiti.
"Wala iyon."
"Teka nga saan tayo pupunta?"
"Wala lang, hindi ba lunch niyo na? Yayain sana kita sa labas kung okay lang" sabi pa niya
Napa-oo naman ako sa alok niya dahil alangang tumanggi pa ako hindi ba? Eh bukod sa pinagtanggol niya na ako ay libre pa niya BWAHAHAHAHA tuesday ngayon at nakaraos ako dahil 403 na lang pera ko mwehehehe! so may ilang araw pa akong kailangang pagdusahan.
Sinabi niyang sa labas na lang daw kami ng gate magkita dahil may kukunin lang daw siya.
Makalipas ang ilang minuto, sumakay na kami sa kotse niya saka pinaandar at pumunta ng restaurant. Siya na ang um-order at nagbayad at ngayon nagkukuwentuhan kami habang kumakain.
"27 years old na ako saka ako kasi ang nag-aasikaso ng iba pang business namin dahil alam mo naman na mas gusto ni Dad mag-stay sa DU dahil do'n din siya lumaki" paliwanag pa niya.
"Anong ikinamatay ng Mom mo?" tanong ko sa kaniya.
"Cancer" sabi niya kaya na pa 'ah ' na lang ako.
"Ikaw ba ay pure Hapon?" tanong pa niya.
"Ah hindi yung Papa ko kasi purong Hapon tapos yung Mama ko naman purong Filipina pero ang kasama ko ngayon ay ang step Mother ko siya na kasi ang nakasama ko simula ng ilabas ako sa mundo. Sabi kasi nila nawawala raw ang Nanay ko" paliwanag ko na kaya napa 'ah' naman siya.
"Wala ka bang kapatid?" Tanong pa niya.
"Uhm meron, pero dalawang buwan lang ang tanda niya sa akin dahil nang ipinanganak siya ng Nanay niya eh ipinanganak na rin ako ng Nanay ko, ang gulo hindi ba?" Kuwento ko sa kaniya. Natawa naman siya saka biglang may kuwinento.
"Oo nga pala alam ko na yung sinabi mong Japanese word sa akin kahapon. Sabi mo sa akin ayaw mo akong kausap" nagtatampo niyang sabi kaya napahawak ako sa bibig ko.
"Paano mo nalaman?"
"Ah may kaibigan kasi si Trevor na Japanese kaya nagpatulong kami sa kaniya" sabi niya.
Para namang gumuho ang mundo ko sa narinig, whatttttt?
"Eh ano pa?" tanong ko pa.
Natawa naman siya bago magsalita.
"Naku ikaw ha. Pikon na pikon si Trevor kahapon paano sinabihan mo siya na huwag siyang tanga tapos sinabihan mo pa ng idiot at asshole" tawa-tawa niyang kuwento.
"At isa pa hahaha nauto mo siyang bilhan ka ng napkin hahaha kung alam mo lang ang itsura niya naku sobrang pula ng mukha niya. Nakakatawa kasi siya nagpaalam siya sa amin ni dad na bibili raw tapos ang seryoso niya then akala niya inaasar namin siya sa iyo na may gusto siya hahaha dapat nga siya ang mag-aabot sayo eh kung hindi lang dumating ang mga kaibigan niya kaya ipinaabot niya sa isa niyang kaibigan" Natatawa niyang sabi.
Nanlambot naman ako sa kinauupuan ko, knowing na alam nila ang kabaliwan ko huhuhu! Tapos may balak pang gumanti sa akin si Trevor.
Naalala ko naman ang panaginip ko kanina, hays hindi ko alam kung sweet dreams ba or nightmare hahaha!
Nagpaalam muna ako kay Tim na magbabanyo lang dahil para akong matatae sa nalaman ko.
Lalabas na sana ako ng cr nang makita ko si Trevor na nakaupo sa tabi ni Tim, WHAT? Paano niya kami nasundan?
Naku hindi ako puwedeng magpakita dahil sigurado akong gagantihan ako ng kumag na ito.
Nag-isip ako ng paraan kung paano makakatakas nang hindi nila nakikita.
May dumaan na bata at nabitiwan niya ang maliit na bola kaya gumulong ito sa kabilang table. Gumapang naman ang bata para kuhain ito, and that gave me an idea.
Naglabas ako ng piso sa wallet ko at pinagulong ko ito hanggang sa makaabot ito ng pintuan.
Gumapang naman ako na kunwari may hinahanap nang makarating ako sa pintuan ay dinampot ko ito saka nag-angat ng tingin.
Nakita kong nakanganga ang guard at ang ilang staff na nakatingin sa kin maging ang ibang customer. Napalingon ako sa gawi nila Trevor pero abala pa rin sila sa pag-uusap kaya dali-dali akong tumayo at ngumiti sa mga nakakita sa akin at tumakbo papalabas ng restaurant.
Hay jusko! parang sasabog ang puso ko ro'n.
Napahawak naman ako sa ulo ko ng maisip ko na wala pala akong sasakyan kaya no choice ako kung hindi ang mag taxi dahil baka ma-late ako sa last subject ko at isa pa ayokong maglakad dahil mainit.
Pumara ako ng taxi saka sumakay.
Pagkarating sa DU siningil ako ng 50 pesos kaya binayaran ko siya. Huhuhuhu! 353 na lang ang pera ko. Maghahanap na lang ako pera sa bahay mamaya.
Pagkapasok ko sa front gate ay sinita ako ng masungit na Guard. Naku shift na niya pala kaya hindi na ako makakapasok pa.
"Saan ka galing miss?"
"Inutusan lang po."
"Inutusan? Saan?"
Wala akong maisip na dahilan pero tinawag siya ng Janitor at may sinasabi, pero wala pa rin akong lusot pumasok dahil hahabulin ako kaya tumakbo ako paikot sa gilid ng school kung saan walang Guard.
Whoohh! grabe hinihingal ako at tagaktak na ang pawis ko.
Paano ako makakapasok niyan. Napaangat naman ako sa pader at medyo mataas ang isang 'to pero may katabing puno na hindi naman kalakihan.
Lumingon ako sa paligid pero walang tao kaya umakyat ako ng maingat sa puno dahil nakapalda ako.
Pagkaakyat ko sa taas ng pader nakita ko naman na garden ang nasa loob kaya naman umakyat ako sa isa pang puno saka dahan dahang bumaba sa garden.
Whoo success tuwang tuwa kong sabi sa sarili ko saka nagdiretso na sa room.
Pero late na pala ako.
"Miss Takishima you're late" sabi ni Sir Jordan.
Mukhang naka three points ako ngayong araw ah huhuhu!
Sasagot pa sana ako pero nagsalita ulit siya.
"Ano bang iniutos sayo ni Sir Timothy at pawis na pawis ka?" tanong ni Sir Jordan.
"Ahm nevermind pumasok kana." pagputol niya sa sasabihin ko.
Whooh! Success again. Confident naman akong umupo sa upuan ko habang nakikinig kay Sir.
"Okay class ilabas niyo ang inyong mga ledger at may ipapagawa ako sa inyo" sabi ni Sir Jordan.
Kukuha na sana ako sa bag ko na nasa likod ng upuan ko nang mapansin ko na wala ito. Napahawak naman ako sa noo ko at saka inisip kung bakit. Jusko! nasa restaurant naiwan ko.
"Hey? Misaki okay ka lang ba? Nasaan ang gamit mo?" tanong ni Jena.
"Naiwan ko hehe may extra ka ba?" tanong ko.
"Ahm oo mayroon kaso scratch ko lang iyon eh o heto" abot niya sa akin kaya tinanggap ko na ito at nag-thank you.
Pero napaisip ulit ako.
"Ahm Jena may isa pa akong hihilingin."
"Ano un?"
"Ballpen."
"Naku wala na eh ask mo si Asha kung mayroon."
Kinalabit ko naman si Asha na nasa harap ko.
"Ano?"
"Pahiram ng ballpen."
"Oh" abot niya sa akin.
Success again whooh!
Matapos ang last subject ay dumiretso ako kay Coach Iya saka nagpaalam na hindi ako makakapag-practice dahil may dalaw ako at nalaman ko rin na hindi rin mag-pa-practice si Chinie dahil umuwi na ito. Luminga linga pa ako sa paligid at wala rin si Harold. Tss mga haliparot.
"Oy Misaki saan ka ba nagpupupunta? Hindi ka sumipot sa tagpuan nating umaga pati sa lunch" tanong ni Chris na nakabihis pang practice magsasalita na sana ako ng matanaw ko si Trevor na papalapit rito at dala ang bag ko. Agad-agad akong nagtago sa likod ng gym saka tumingin sa kanila.
"Hey, anong pangalan mo?" tanong niya kay Chris.
"Christina Chen po Sir."
"Hindi ba kaibigan mo si Misaki?"
"Opo."
"Nasaan siya?"
"Nagtago po siya bago kayo makalapit dito" sabi ni Chris.
Ano? Isa kang taksil Chris dali-dali naman akong tumakbo papalayo at sa hindi inaasahang pangyayari ay natisod ako nang may masipa akong bola. Nasa field ako kung saan nag-pa-practice sila Maggy ng volleyball.
"Huy girl okay ka lang ba at saan ka ba nagsususuot?" tanong ni Maggy pero nakita ko nanaman si Trevor na lumilinga sa paligid kaya tumakbo ako kaagad at nagtago sa puno.
Ang sakit ng mga tuhod ko ah.
"Ikaw si Maggy diba?"
"Yes po sir Trevor."
"Napadaan ba rito si Misaki?"
"Opo kakatakbo niya lang palayo nadapa pa nga eh" sabi pa ni Maggy.
Jusko wala na akong tunay na kaibigan lahat taksil, kaya no choice ako kung hindi tumakbo ulit palayo, at nakarating ako sa garden. Jusko! pagod na ako.
"Pagod ka na ba? Takas pa" sabi ni Trevor na nakatayo at nakasandig sa isang puno habang nakahawak sa nakasabit na isang strap ng backpack ko sa balikat niya at nakasuksok naman ang isa niyang kamay sa bulsa.m niya.
Nagulat naman ako kaya tatakbo sana ulit ako pero hinarangan niya ang daan ko at nakangisi na tumitig sa akin.
"Titili ako kapag hindi ka umalis" pagbabanta ko sa kaniya pero ngumiti lang siya.
"Edi tumili ka" sabi pa niya kaya titili na sana ako nang takpan niya ang bibig ko at saka dinala sa masikip na puwesto sa garden at isinandal ako sa pader. Na-corner niya ako sa pader gamit ang dalawa niyang kamay saka tinitigan ako sa mga mata pero nag-iwas ako ng tingin.
"Bakit mo ako pinagtataguan ha?" nakangisi niyang tanong.
Tinitigan ko siya sa mga mata saka sumagot.
"Bakit nga ba?" tanong ko sa kaniya bigla naman siyang napakunot saka tinitigan ako ng masama.
"Ang dami mong kasalanan sa aking babae ka una jinapan mo ako na idiot asshole and so on" seryosong sabi niya.
"Tapos pinabili mo pa ako nang ano uhm yung.." hindi niya matuloy na sabihin kaya dinugtong ko na.
"Napkin?" saka napahawak sa tiyan ko at tumawa ng tumawa.
"HAHAHAHAHAHAHHAHA" tawa ko pa habang hinahampas siya grabe namumula na ang mukha niya sa sobrang pikon.
"TAKISHIMA!" gigil na sambit niya sa apelyido ko.
Pero hindi ako nag-paawat dahil tumawa pa rin ako. Napatigil naman siya at napatitig sa mga tuhod ko.
"Anong katangahan nanaman ang ginawa mo?" tanong niya saka lumuhod at ini-angat ang tuhod ko dahilan para umangat din ang maikling palda ko.
Sa gulat ko ay natuhod ko ang panga niya kaya nagulat siya.
"Ano ba? Inaano ka ba diyan?" reklamo niya habang hinihimas himas ang panga niya kasabay nang pagbitiw sa tuhod ko.
"Nakita mo white underwear ko ano? Manyak!" sabi ko saka tumalikod pero humarap din kaagad at kinuha ng puwersahan ang bag ko sa kaniya.
Naiwan naman siyang nakanganga doon habang nakaluhod. Peste siya! Silipan ba naman ako hays!