16: Hindi pagsipot

1987 Words
Lumipas ang ilang araw at sabado na ngayon. Kakatapos lang ng practice namin nang basketball at nagsimula na kaming mag-ayos. Nabalitaan ko na umalis na sila Harold at Chinie. Napaisip naman ako ano kaya ang magiging reaksiyon ni Chinie? Grabe dahil sa pagtataksil niya sa akin kaya ko ito nagagawa sa kaniya. "Alam mo Chris napapansin ko diyan kay Misaki parang nababaliw na." "Oo nga Maggy, ngumingiti na lang bigla." Narinig kong pag-uusap ng dalawa kaya sinamaan ko naman sila ng tingin. Nandito kami ngayon sa shower room. "Sabihin mo nga baliw ka na ba kay sir Trevor?" tanong nilang dalawa. "Ano? Ngumingiti lang baliw na kaagad sa kaniya hindi ba puwedeng masaya lang." "Masaya kay sir Trevor?" "Hindi nga sabi hindi ako masaya sa Trevor na gurang na iyan" pagmamatigas ko sa kanila. Napanganga naman sila sa nasabi ko. "Grabe ka kapag may nakarinig sa iyo diyan na hindi mo siya tinatawag na Sir or Mr naku!" banta sa akin ni Chris. "Tss bakit ko igagalang iyon eh sinilipan nga ako" bulong ko. Nagulat naman sila sa sinabi ko at huli na para bawiin ko pa ito. "ANO? Aba siraulo pala siya eh tara Maggy sugurin natin" inis na sabi ni Chris at ganoon din si Maggy kaya kaagad ko naman silang pinigilan. "SANDALI!" pigil ko naman sa kanila kaya natahimik sila. Huminga muna ako ng malalim at kuwinento ko sa kanila ang nangyari. Mula nung party hanggang nung nakaraan na nakita niya akong ngumiti, pero hindi ko kuwinento yung mga plano ko kay Chinie. Ang inis sa mukha nila ay napalitan ng mapang-asar na ngiti at mapanuksong tingin habang sabay silang tumatawa. "HAHAHAHA GRABE LT AKO RO'N" walang humpay pa rin na tawa nila. Tss hanggang sa matapos akong mag-shower ay hindi pa rin sila tapos pag-usapan ako mga siraulo talaga. Hinayaan ko na lang silang mamatay sa shower room at umalis na. Grabe nakakapagod ang araw na ito. Nag-unat unat pa ako ng katawan bago pumunta sa parking lot. "Uy Misaki" tawag sa akin ni Tim kaya tinitigan ko siya. Parehas sila ng kuya niyang parang kabute pero magkaiba naman sila pagdating sa ugali. "Oh bakit?" tanong ko sa kaniya. "Free ka ba bukas? Yayain sana kita manuod ng sine" sabi niya sa akin. Napaisip naman ako sa sinabi niya. "Ahm oo naman at saka bakit ako ang inaaya mo? Wala ka nanamang choice ano?" tanong ko sa kaniya at natawa naman siya sa sinabi ko at saka naglabas ng cellphone. "Kukuhain ko ang number mo" sabi pa niya saka ini-abot sa akin ang cellphone niya. No choice charot hahaha, ibinigay ko sa kaniya ang number ko. "I-te-text kita bukas ha!" sabi pa niya sa akin habang nakangiti. "Ah sige lang" sagot ko sa kaniya grabe nakakapagod mag-practice hays! "May service ka ba?" tanong pa niya. Humikab muna ako bago sumagot. "Mayroon" Maikling tugon ko. Parang mababali yata ang mga buto ko ah? "Ah sige ihatid sana kita eh ingat ka ah" sabi pa niya. Napatango na lang ako at saka naglakad na palayo. Pagkarating ko sa bahay ay kaagad akong sumalampak sa kama ko. Tanghali pa lang pero parang gabi na para sa akin. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang may tumawag sa cellphone ko. Inis ko naman itong kinuha at saka sinagot. "Ano?" inis kong tanong. "Ay sorry! naistorbo ba kita? Sige magpahinga ka muna" sabi sa kabilang linya bago ito ibaba. Tinignan ko ang caller ID at unknown tapos binuksan ko ang mga unread message at napagalamanan kong si Tim ito. Omaygash! Napaka-praning ko talaga. I-te-text ko sana si Tim kaso naisip ko baka mangulit pa siya kaya natulog na lang ako. Pagkagising ko ay gabi na kaya bumaba na ako para magdinner. "Tumawag sila okaasan at otousan kanina hindi na kita inistorbo dahil alam kong pagod ka" sabi ni Miyuki kaya napatango na lang ako sa kaniya. Grabe bigay todo yata ako sa practice namin nitong mga nakaraang araw ah kaya parang sumasakit ang buong katawan ko. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at saka umakyat ulit. Nakatulog ulit ako. Timothy Maaga akong nagising mga alas otso para mag-asikaso. Nag-text ako kay Misaki na alas onse kami magkita dahil 12 ang start ng movie. To: Misaki Good morning, see u at 11am :) Pagka-send ko ng message ko sa kaniya ay tinitigan ko pa ito. 1 minute 2 minutes 5 minutes Naghintay ako ng mahigit sampung minuto pero hindi pa siya nag-re-reply. Ano na kayang ginagawa niya? Tinawagan ko siya pero hindi niya naman sinasagot. Napakibit balikat na lang ako at saka nag-asikaso na. Pagbaba ko sa baba nakita ko si Dad at Trevor na nag aalmusal na. Hindi ko na kinukuya pa si Trevor dahil sabi niya ayaw niya dahil isang taon lang naman ang agwat, kaya tinatawag ko na lang siya sa pangalan niya. "Pusturang pustura ang bunso ko ah may girlfriend ka na ba?" biro ni Dad sa akin pero nginitian ko lang siya. Tahimik lang si Trevor na tinignan ako. Ano pa nga bang bago rito simula nang mawala si Mikasa ganiyan na siya. "Alis na po ako Dad, Bro" paalam ko sa kanila. "Hindi ka na mag aalmusal?" tanong pa ni Dad "Hindi na po sa labas na lang ako kakain" sabi ko at saka nagmadaling umalis. Nag-text ulit ako kay Misaki na magkita kami sa main entrance ng mall pero hindi pa rin siya nag-re-reply. Baka nagaasikaso or walang load. Nakarating ako sa mall nang saktong 10 am, bibili pa kasi ako ng ticket para pipila na lang kami mamaya at saka magpapa-reserve sa japanese restaurant at bumili na rin ng mga token para sa Quantumn mamaya. Obvious naman sa akin na crush ko si Misaki. Ginagawa ko ito para lumalim pa ang relasyon namin sa isa't isa. 10:50 am na pero wala pa rin si Misaki. Baka lagi lang siyang late pagdating sa mga ganito? Hmmn, Nakailang tawag na ako sa kaniya pero hindi niya sinasagot maski reply. Sinubukan ko ulit tumawag sa kaniya pero patay na ang cellphone niya. Ano kaya nangyari ro'n? Nag-aalala na ako! Pumipila na ang mga tao sa loob ng cinema kaya mas lalo akong nag-alala saan kaya nagpunta iyon or baka hindi siya sisipot? Maglalakad na sana ako pero may nabangga akong isang babae. Akala ko si Misaki pero kahawig lang pala. "Timothy?" tanong niya sa akin. "Miyuki?" tanong ko rin sa kaniya ****** Misaki "Mesake? Okay ka lang bang bata ka? Aba ala una na ng hapon at tulog ka pa rin?" paggising sa akin ni Manang. Napadilat naman kaagad ako. Ha? Ala una na? "May masakit ba sa iyo? Aba nalipasan ka na ng brekpas at saka tanghalian" alalang sabi niya sa akin. Tatawa sana ako sa brekpas niya kaso baka paluin ako kaya huwag na lang. Bumangon na lang ako at saka nag-asikaso na at nagpaluto sa kaniya ng pagkain. Nag-unat unat ako ng katawan at masasabi kong nakatulong sa akin ang pagpapahinga ko sa buong magdamag. Bumaba na ako at sinalubong naman ako ni Manang sa baba habang may mga pagkaing nakahanda. "Oh kumain kana" sabi pa niya at saka inalalayan akong umupo. Tahimik lang akong kumain habang pinagmamasdan ako ni Manang. "Manang ano ba alam kong maganda ako kaya enough!" sabi ko sa kaniya. "Naku kang bata ka magsabi ka nga wala ka bang nararamdaman?" "Nararamdaman po na ano?" "Sakit sa katawan or what" sabi pa niya kaya hindi ko mapigilang hindi mapa 'whoah' aba umi-english. "Okay na po ako dahil na ipahinga ko na ang sarili ko" sabi ko pa sa kaniya. Nang matapos akong kumain umakyat agad ako sa kuwarto ko at saka pumunta sa piggy bank ko. Puro barya ang laman puro tigsasampu. Bibitbitin ko ba ito? Kinalkal ko naman ang back pack na gamit ko sa school at saka nakakuha ng 20 pesos at nasa 30 pesos na barya. Sumunod naman ay nagkalkal ako sa mga drawer ko at nakita ko ang mga naka envelope ko na pera. Para sa libro. Para sa gala, at para sa mga gusto kong bilhin hmmmn, Hindi kasi kami sinanay sa pera kaya okay na rin ito para matuto kami. Ano kayang gagalawin ko rito? Yung para sa gala na nga lang. habang nagbibilang ng pera ay biglang pumasok si Manang. "Oh mesake ano at bakit nagkakalkal ka ng pera diyan?" sabi niya at saka umupo sa tabi ko at tinulungan akong magbilang ng barya. "Eh Manang sila Maggy at Chris po kasi inubos ang allowance ko eh. 300 na lang natira at may isang linggo pa ako ar saka ang daming project" reklamo ko pa kay Manang. "Hay nakakatuwa talaga kayo ni Meyuke ni hindi ko man lang kayo nakitaan ng pagkasakim sa pera kahit mayaman" manghang sabi ni Manang. "Hay naku manang tigilan mo ako sa drama mo mwehehehe!" pagbasag ko sa kaniya at hindi nga ako nagkamali dahil binatukan niya ako. "Lagi mo ako binu-bully ah" sabi niya sa akin. "Hay naku Manang, ay wait wala po ba kayong 500 or 1,000?" tanong ko sa kaniya. "Wantawsan mayroon aanhin mo naman?" "Papabuo lang po Manang" sabi ko at naglabas naman siya ng pitaka niya at saka iniabot sa akin ang nalukot na wantawsan daw. Tinanggap ko ito saka ibinigay sa kaniya lahat ng nakuha kong barya sa piggy bank. "Naku sobra pa ito sa wantawsan" sabi pa ni manang. "Okay lang iyan Manang hilutin mo na lang ho ako nakaka-miss kasi mga kamay mo eh ginagamit mo na sa pambatok sa amin" pang-aasar ko pa sa kaniya kaya natawa naman siya. "Magmeryenda muna tayo gumawa ako ng sandwits" sabi pa ni Manang. "Sandwich Manang." "Edi sandwits." "Sandwich nga eh." "Hay bahala ka diyan" pikon na sabi niya at saka lumabas na ng kuwarto. Tumatawa tawa pa akong nag-ayos bago bumaba. Pagkatapos namin kumain ng meryenda ay pumunta kami sa sala. "Pababain mo muna ang kinain mo" sabi niya sa akin habang nakaupo kami sa sofa. Nanunuod kami ngayon ng isang korean drama. "Ay nakakakilig naman ito si ano, ano ba pangalan niya Jo? Ah ang hirap" sabi ni Manang habang tutok na tutok. "Jumjon" sabi ko. "Ah oo nga" sabi pa niya. Natapos naman ang k-drama kaya pinatay na namin ito. "Oh Manang may utang ka sa akin" sabi ko at saka dumapa. "Bakit? Akala mo sa akin nakalimot? Ay hende ba hende!" sabi pa niya at saka sinimulan akong masahihin. "Oh ang sarap Manang para akong nasa heaven" sabi ko pa habang minamasahe niya ako. Kapag masakit talaga katawan ko sa kaniya lagi ako nagpapamasahe kaysa sa labas. "Ay ganoon ba eh puro ka lamig sa katawan" sabi pa niya. Habang minamasahe niya ako ay napaisip ako. "Manang? Hindi ko po yata nakikita si Miyuki?" tanong ko sa kaniya. "Ay oo iyong batang iyon umalis ng maaga ewan ko kung saan nagpunta nakalimutan ko na" sagot naman ni Manang. Napatingin naman ako sa orasan 6pm na ah. "Oh Meyuke nandiyan ka na pala" sabi ni Manang at napatingin naman ako kay Miyuki na kararating lang saka naupo sa single sofa na parang pagod na pagod. "Saan ka galing?" tanong ko sa kaniya. "Ah sa mall nagsine, ngayon kasi yung showing ng season 3 na paborito kong movie" sabi niya. Napatango naman ako saka napaisip. Gosh! May lakad pala kami ni Tim ngayon omaygad in-indian ko siya. "Oh bakit Misaki?" tanong ni Miyuki pero hindi ko siya pinansin at saka tumayo na at dirediretsong pumunta sa kuwarto ko. Pagka-open ko sa cellphone ko ay low battery ito kaya nag-charge muna ako ng 5 minutes at pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang 54 missed calls from Tim tapos 75 unread messages galing sa kaniya. Binuksan ko naman ito at mas lalo akong nagulat dahil naghintay siya sa akin. Napahiga na lamang ako jusko nakakahiya! Panigurado galit na sa akin ito. Tinawagan ko ang number niya pero un-attended hays! Sa pag-iisip isip ko ay nakatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD