40: Espiya

2253 Words

Nag-aasikaso ako ngayon papunta sa school at ito na ang last practice namin. "Miyuki hindi ka ba sasama? Balita ko manunuod daw si Tim" pag-aaya ko sa kaniya habang kumakain kami ng almusal. "Ahm sige magbibihis lang ako" sabi niya at saka umakyat na ng kuwarto niya. Napangiti naman ako sa inasal ng kapatid ko dahil inlove na talaga siya at saka mas mabuti na rin ito para sa kaniya maibaling ni Tim ang atensiyon niya. Pagbaba niya halos matawa pa ako dahil naka-dress siya. "Hoy pupunta ka lang ng practice ko hindi makikipag-date!" Pang-aasar ko sa kaniya kaya napanguso siya at saka bumalik ulit sa kuwarto niya. Mayamaya lang ay bumaba muli ito at naka jogging pants at t-shirt. "Ang baduy!" Komento ko sa kaniya kaya inirapan niya ako at saka nagsalita. "Ano ba kasing susuotin ko?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD