Misaki "May ka-meeting akong kliyente ngayon kung gusto mo sumama ka muna sa akin" sabi ni Trevor sa akin nang matapos ko ang first day of exam namin. "Puwede naman pero baka makasagabal lang ako ha?" Pagtatanong ko pa sa kaniya. "Hindi naman, sa restaurant kami mag-mi-meeting saka kaibigan ko ang kliyente." Pagkasabi niya n'on ay isinuot niya sa akin ang helmet at sumakay na siya sa motor. Wala naman na akong nagawa pa kaya sumakay na rin ako at tuluyan na kaming umalis sa DU. Mabuti na lamang at walang masiyadong tao kaya hindi kami kaagad napansin. Nang makarating kami sa isang restaurant ay kinausap niya kaagad ang waiter na nagpa-reserve sila ng kliyente niya. Naupo naman na kami sa table na pina-reserve at doon ay naghintay. "Mag-re-review muna ako habang hinihintay natin siy