Misaki Nagising ako na masakit ang katawan at grabe lang dahil para akong paralisado. Tumingin tingin pa ako sa paligid at nakita kong pumasok si Trevor na may dalang pagkain. Hindi pa niya ako nakikita kaya pumikit akong muli. "Ngayon ang oras nang gising mo kaya idilat mo na iyan!" Mapang-asar na tonong sabi niya kaya napadilat ako at napabangon. "Bakit alam mo?" "Dahil sa gamot na ginamit sa iyo ni Rui." "Ha? Sinong Rui at nasaan siya?" Pagtatanong ko habang pinapatunog ang buto ko. Lagot talaga sa akin iyon! "Pinaalis ko na." "Ha? Bakit? Hindi man lang ako nakaganti!" Nakanguso kong sabi. "Kaya nga pinaalis ko dahil baka mapuruhan mo" sabi niya habang inaayos ang mga pagkain na binili niya. Napatahimik naman ako saka inisip ang nangyari kanina, bago ako mawalan ng malay. "Ab