Miyuki Maaga akong nagising ngayon dahil showing ngayon ang paborito kong movie. Hindi na ako kumain pa at nagpaalam na kay Manang na nagdidilig sa garden na aalis ako. Pagkasakay ko sa bus nag soundtrip muna ako para less bagot habang bumabiyahe. Isang oras ang biyahe papunta sa mall na iyon at 9am pa lang ngayon. 12pm kasi ang start ng movie. Pero habang nasa biyahe kinakabahan ako dahil na-traffic pa. Mayamaya ako tumitingin sa orasan at ngayon ay 11:30 na jusko! Sumilip ako sa labas at may 5 minutes ako para lakarin ang mall kaya agad-agad akong bumaba at tumakbo sa arawan jusko napakainit. Pagkapasok ko sa mall napatingin ako sa orasan 11:40 na. naku hindi pa ako nakakabili ng ticket. Habang umaakyat gamit ang escalator ay nagpupunas ako ng pawis. Pagdating ko naman sa third fl