"Ha?" Iyan lang ang tanging naisagot ko kay Tim. Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin saka tinanggal ang mga buhok ko na nakaharang sa mukha ko. Tinitigan niya ako ng matagal bago magsalita. "Misaki gusto kita" pag-amin niya. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya. "Alam kong mahirap paniwalaan, pero ito ang nararamdaman ko para sa iyo" dagdag niya pa. Tumingin naman ako sa kaniya bago magsalita. "Pero hindi tayo puwede" bigla ko na lang nasabi. Teka? Bakit ko ba nasabi iyon? "Kung iniisip mo na dahil sa magkalayo tayo ng agwat at pati na rin sa rules dito sa DU maging ang hindi ka papayagan ng parents mo ay willing akong maghintay" sabi pa niya. Hindi ko naman iniisip ang agwat namin. Hindi ko rin iniisip ang rules dito sa DU na bawal makipagrelasyon sa mga teachers, staf