Trevor
Hindi ko makalimutan ang itsura ng babaeng iyon kanina tsk.
"Thanks son, Timothy is still busy so thank you for coming," sabi ni Dad, nagpatulong lang siya ng mga paperworks dahil gusto niya rin akong maka-bonding. Tinanguan ko na lang siya at saka nagligpit na.
"What about Ms. Takishima do you like her? you visit her room only," nakangiti pero mapang-asar na tanong niya.
"You really know where I am looking at," nakangising sagot ko at saka sumenyas na aalis na.
Napadaan pa ako sa Gym at nakita ko si Misaki na nakikipag usap sa isang lalaki. Hindi ko na sana siya papansinin nang makita ko na mag-isa lang siya uuwi. Ano niya ba yun boyfriend? At hindi man lamang siya hinatid? Ano bang paki ko? pero nainis pa rin ako sa naisip ko. Ang ayoko sa lahat ay pinapabayaang umuwi mag-isa ang mga babae.
Sinundan ko pa si Misaki papalabas at umaasang may sundo pero wala pa rin.
"Hindi niya ba alam na delikado?" Inis na sabi ko, pumunta muna ako sa parking lot at naghanda para magmaneho nang may lumapit sa akin.
"Uuwi kana Mr. Trev?" Bati sakin ng mga students kaya tinanguan ko lang sila mukhang mangungulit pa sila kaya naman nilayasan ko na sila.
Agad na hinanap ng mga mata ko si Misaki at medyo nakakalayo na siya pero bago pa ako humarurot ay may napansin na akong sasakyan na itim at paniguradong may sinusundan sila. Kaya naman pinaandar ko na ang sasakyan ko at mabilis na lumiko sa gilid para bigyan sila ng tyempo. Walang katao tao tapos madilim pa. Anong pumasok sa kokote nitong babaeng ito at naglalakad mag-isa pauwi. Hindi siguro to nakikinig kanina nang mag announce ako.
Mayamaya pa ay huminto ang sasakyan sa tapat niya. Sinasabi ko na nga ba eh. Mukhang may sinabi pa sa kaniya at kitang kita ko ang takot sa mga mata niya kaya tumakbo siya ng mabilis agad ko namang hinanda ang sarili ko. Nahawakan siya nung isa pero laking gulat ko ng malakas niyang baliin ang kamay nito at sipain ang ari nito at nang ma-corner siya ay tumakbo siya paloob ng kagubatan.
"Stupid!" sambit ko at saka pinaharurot ang motor at mabilis na pinagsasapak ang apat at nang matapos ay hinabol ko si Misaki dahil masiyado siyang mabilis tumakbo, medyo kailangan ko pang mag-ingat dahil pa-zigzag ang mga puno. Akala niya siguro isa ako sa mga humahabol sa kaniya kaya naman mas binilisan ko pa, at nagulat ako nang matisod siya at madulas sa hukay kaya mas pinabilis ko na makarating doon. Nakita ko na lamang ang walang malay na si Misaki.
Agad-agad akong bumaba saka binuhat siya at ini-angkas sa motor ko. Medyo may dugo ang kaniyang ulo pero kaunti lang. Sinuotan ko siya ng helmet saka iniyakap sa akin ang dalawa niyang kamay. Medyo nahirapan pa akong magpaandar dahil baka mahulog siya.
Mayamaya pa ay nakarating na rin kami sa hospital.
**NORTHWEST HOSPITAL**
Agad akong sinalubong ng mga nurse at inilagay nila si Misaki sa Stretcher at saka binutingting ang katawan nito at nilinis ang mga gasgas at sugat nito. Kinuha ko ang cellphone niya sa bag niya na nasa akin saka nagbasa ng ilang conversation doon.
Maraming text at tawag don na nagtatanong kung nasan na siya at si Miyuki yon hindi ko alam kung kaano ano niya ito pero mukhang kapatid niya. Dinial ko ang number nito at agad namang sinagot.
[MISAKI? ANONG ORAS NA HA? NASAAN KANA NAG-AALALA NA KAMI SAYO NI MANANG TUMAWAG SILA OKAASAN AT OTOUSAN HINAHANAP KA HINDI NAMIN ALAM ANG SASABIHIN DAHIL PANGALAWANG TAWAG NA NGAYON WALA KA PA NASAAN KABA HA? BAKIT HINDI MO SINASAGOT MGA TAWAG AT TEXT KO? PINAG-AALALA MO KAMING BABAE KA!]
"Misaki is in the hospital please come immediately."
[WHAT?? 'Ano ba yan Miyuki ano na nasaan na raw ang kapatid mo?' Manang nasa hospital daw ho si Misaki. 'Ha at sino yang kausap mo ngayon?' Wait lang ho.. so sino ka at anong nangyari? saang hospital iyan?]
"Grasya Hospital" maikling tugon ko.
[Diyan ka lang wag kang aalis papunta na kami diyan.]
*TOOT*TOOT*
Kapatid niya nga. Mayamaya pa ay sinabi na ng doctor na okay na raw siya kailangan lang ng pahinga. Pumasok ako sa kwarto niya saka tinignan ang kabuuan niya.
"Buti ka pa nailigtas ko" sabi ko na may halong pait sa aking tono.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae.
"MISAKI!!" Diretsong pasok ng babae habang nasigaw. Miyuki ata ang pangalan, saka tinignan si Misaki. Lumingon siya sa akin at nagulat nang makilala niya ako.
"Mr. Trevor?" Gulat na tanong niya at may pumasok ulit na matanda.
"Haruyjuskong bata ka ano nangyari sayo!" Humahagulhol na sabi ng matanda.
Hindi na ako nagsayang ng oras at ikwinento ang lahat ng nangyari.
"Dapat kasi hinintay ko na lang siya eh" nagsisisi na sabi ni Miyuki.
"Dapat lang, dapat lagi kayong magkasabay na dalawa Miyuki hay naku bakit ba ang tigas kasi ng ulo ng batang ire!"
"Manang, basketball player ho kasi si Misaki at hindi na kami magkakasabay pa umuwi dahil ako ay may mga ginagawa rin at si Uncle Philip ay may mga trabaho rin."
"Ahm mauna na ho ako" pagsingit ko sa kanilang dalawa na nabigla pa saka nagpasalamat at nagpaumanhin.
Paglabas ko ng hospital ay agad kong tinawagan si Dad saka kwinento ang nangyari.
[So what do you want to do son?]
"Triple the security."
*TOOT*TOOT*
Nagsindi pa muna ako ng sigarilyo saka humithit at nag-isip.
Misaki
Nasisilaw ako sa liwanag. Patay naba ako? Jusko naman. Wala pa akong prinsipe. Huhuhu.
"Misaki? You're awake" masiglang sabi ni Miyuki saka niyakap ako ng mahigpit.
"Argh where am I?" tanong ko habang inaaninag ang mukha niya na nakatambad sa akin. Binitiwan naman niya muna ako bago magsalita.
"Nasa hospital ka ayos ka lang ba? May gusto kabang kainin? Gawin?"
"Anong nangyari?"
"Hay nako Misaki tanghali na at di na tayo nakapasok."
"WHAAAAT?" Napabangon na tanong ko pero agad din akong napaaray dahil hindi pa rin okay ang katawan ko, ang bigat.
Inalala ko ang nangyari at ayon nga hays buti buhay pa ako.
"Ay wait paano ako nabuhay?"
Tinignan ako ni Miyuki saka napakunot noo.
"Ikaw ay galing sa pinagsamang sperm cell and egg cell ng ama at ina mo" seryosong tugon niya.
Hahampasin ko sana siya ng makaiwas ito.
"Tinatanong ka ng maayos eh pano ako nakaligtas?"
"Mali naman kasi ang paggamit mo ng salita."
"Tch so ano nga?"
"Gwapong nilalang hulog ng langit."
"Waaahhhh talaga is it true?"
"Yes at wag kang maharot magpagaling ka muna at wait sabi niya pupunta raw siya rito after lunch, pati mga friends mo. So lalabas muna ako tatawagan ko lang ang kaibigan ko since absent ako" sabi niya saka lumabas.
Sino kaya? Hindi kaya si Harold?
"Omagas! Hihihi Harold milabs" paimpit na tili ko pa.
Mayamaya pa ay may pumasok na nurse at tinignan ako.
"Mabuti naman at gising na ho kayo Ma'am may bisita po kayo sa labas" Sabi niya habang tinitignan ang kalagayan ko.
"Sino?"
"Gwapong nilalang Ma'am siya na lang daw ho ang magpapakain sa inyo at magpapainom ng gamot" nakangiting sabi niya
"Boyfriend niyo ho siguro" dagdag niya pa habang kinikilig.
Eh hehe sana nga charis.
"Sige Ma'am mauna na ako at marami pa akong pasyente, magpagaling ho kayo" sabi niya saka ngumiti, nginitian ko na lang din siya saka siya lumabas.
Pagkalabas niya ay agad akong nag-ayos ng mukha at humiga ng maayos at ginaya ang itsura ni Sleeping Beauty na hahalikan ng kaniyang prinsipe hehehe ano ba wag epal ha?
Ngumunguso nguso pa ako at nang marinig ko na ang pagbukas ng pinto ay nagkunwari na akong tulog at hinihintay na lumapit ito. Dahan-dahan siyang naglalakad papalapit sakin. At nang maramdaman ko na pinagmamasdan niya ako ay napangiti ako sa isip hehehe.
"Sabi ng nurse gising kana bubuklatin ko pa ba mata mo?" Sabi nito naimulat ko ang mga mata ko at gulat na tinitigan siya.
"Trevor?"
"Anong inginunguso nguso mo diyan para kang ewan" sabi niya pero seryoso lang siya.
"Alam mo panira ka ng fairytale love story nasaan na si Harold? Layas at baka dumating 'yon at makitang magkasama tayo papakainin at papainumin niya pa ako ng gamot alis" sigaw ko sa kaniya saka tumingin ako sa pinto na habang nag-aabang.
"Yung Harold na walang kwenta?" Kunot noo niyang tanong sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Anong walang kwenta ikaw ang walang kwenta napaka judgemental mo naman men."
"Tss eh hindi ka nga naihatid pauwi kaya ka nagkaganiyan wag ka ngang martir."
"Ako martir? Hoy Trevor bago pa mag-init ulo ko sa 'yo umalis kana sa harapan ko."
Magsasalita pa sana ako ng biglang may pumasok.
"Misaki bakit ka sumisigaw?" Si Miyuki.
"Bakit ba kasi pinapapasok mo itong hambog na 'to?" Sabi ko kay Miyuki sabay turo kay Trevor agad namang nanlaki ang mga mata niya.
"Misaki? Naririnig mo ba ang sarili mo? Anak siya ni Dean Davinson anak siya ng may ari ng DU."
"Wala akong pake okay? Hindi na nga gentle hambog pa psh" Inis na sigaw ko sa kaniya na ikinalaki pa ng mata niya.
Muling bumukas ang pinto at pumasok sila Chinie, Maggy, Chris at..
"Harold?" Sambit ko sa pangalan niya agad niya naman akong nginitian saka lumapit sa akin.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Nakangiting tanong niya.
"Good afternoon po Mr. Davinson." Bati nila Maggy kay Trevor psh nag-e-exist pa pala siya. Tumango lang siya rito saka seryosong tumitig sa akin at tumingin naman kay Miyuki bago magsalita.
"I have to go." Paalam niya psh hambog ang depulgas.
"Ahm Misaki?"
"Ah oo okay nako kailan nga pala ako lalabas Miyuki?" Tanong ko
"Gusto mo ngayon na" mapait na sabi niya saka lumabas.
"Ano nangyari don?" Si Chris.
"Maya maya siguro ay makakalabas ka na rin" sabi ni Harold na hinawakan pa ang kamay ko omagas omagas.
"May mga galos ang kamay mo" sabi niya pero hindi ako nagsalita masiyado dahil pinagmasdan ko lang ang mukha niya na tinititigan ang kamay ko.
"Ehem tara na mga bakla at tayo ay mukhang nanunuod ng pelikula" si Maggy kaya nagtawanan kami saka lumabas na sila, lumingon pa si Chinie sa amin saka ngumiti kaya nginitian ko lang din siya.
"Sorry" biglang sabi ni Harold.
"For what?"
"Kung hindi dahil sa akin hindi sana mangyayari ito."
"Ah wala kang kasalanan Harold aksidente lang ang nangyari"
Nakangiting sabi ko sevennnnnn kinikilig ako ano ba.