Nagkuwentuhan kami about sa nangyari saka pinakain niya na ako at pinainom ng gamot. Habang nagtatawanan kami ay biglang may pumasok.
"Manang!!!" Masiglang bati ko sa kaniya.
"Aba eh buti naman at gising ka ng bata ka aba eh pwede ka na raw lumabas ngayon kaya aasikasuhin ko sana ang mga gamit mo. Dinalhan na rin kita ng mga damit. Oh nako Misaki sino naman ang isang gwapong nilalang na ire? Abay nobyo mo ba ito?"
"Manang nakakahiya" sabi ko, pero sa isip ko ay humaharot ako hahahaha.
"Ahm, Good evening po I'm Harold Lavril kaibigan po ni Misaki" pormal na pagpapakilala niya.
"Hay nako iho aba ay napakagwapo mong bata, siya nga pala alas singko na hindi kaba hanapin sa inyo? Abay umuwi ka na rin dahil delikado sa daan may service ka ba?"
"May kotse po ako."
"Ay ganon ba may service naman kami salamat sa pag bisita sa alaga ko ha."
"Sige ho sabay-sabay na lang po tayo pagbaba sa parking lot.
"Napaka-gentle mo namang bata."
Sila ni Manang nag-uusap habang inaasikaso ako at iniupo pa sa wheel chair pababa sa parking lot.
"Oh paano, dito na kami iho aba salamat sa kabutihang loob mo" nakangiting sabi ni Manang.
"Walang anuman ho mag-iingat ho kayo ikaw din Misaki magpagaling ka" sabi ni Harold habang inalalayan ako pasakay.
"Salamat Harold" paalam ko saka ngumiti.
Habang nasa biyahe kami ay tinanong ko si Manang.
"Nga po pala manang bakit hindi na ho bumalik si Miyuki?"
"Ah ayon ba? Alalang alala sayo iyon pero nabigla ako dahil pag-uwi niya kanina eh ako nalang daw ang sumundo sa iyo dahil sa dami raw ng gagawin niya."
"Ah manang um-absent po kasi siya baka natambakan po siya ng gawain" sagot ko.
Medyo nakaramdam ako ng kakaiba. Feeling ko nagalit siya sa inasta ko kanina.
"Ah siguro."
"Ahm manang sino ho pala nagdala sa akin sa hospital?"
"Abay bata ka hindi ka man lamang ba nagpasalamat? Yung gwapong nilalang na si Trevor ang nagligtas sa iyo, aba nakakahiya kang bata ka di ka man lamang nagpasalamat samantalang dinalaw ka raw kanina sabi ni Miyuki."
Nagulat ako sa sinabi ni Manang. ha? Si Trevor? Saka ko napagdugtong-dugtong kaya pala ganoon na lang si Miyuki ibig sabihin nagalit nga siya sa inasta ko.
"Oh ano Misaki? Hindi ka nagpasalamat na bata ka ano?" Dagdag pa ni Manang.
"Hindi niya naman ho kasi sinabi Manang."
"Ay sos maryosep kang bata ka kahit hindi naman sinabi dapat nagpasalamat ka man lamang dahil binisita ka niya."
"Ah eh manang sabay-sabay po kasi datingan nila ng mga friends ko kaya hindi rin ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko pati sa kaniya" pagpapalusot ko.
"Pero kay Harod nagawa mong magpasalamat?"
"Manang pumapanget nanaman sa iyo ang pangalan ni Harold eh. Harold Manang hindi ho Harod parang katunog lang ng Harot eh."
"Hay naku kang bata ka magpahinga kana at matulog hala sige nandito na tayo."
At doon ko lang namalayan na nasa mansion na kami. Agad-agad pa akong inalalayan nila Sely at Selia papasok sa kwarto ko. Hmmn wala man lamang Miyuki na sumalubong sa akin eh maaga pa naman tss. Panigurado nagkulong yon sa kwarto niya pero hindi ko na siya pinansin dahil mas na-guilty ako kay Trevor.
"Salamat" sabi ko kila Sely at Selia. Ahead ako sa kanila ng two years at parehas silang working student kaya minsan lang sila dito sa mansion.
Sa sobrang pagod at guilt ko ay nakatulog ako.
Trevor
Pagkagaling ko sa hospital ay pinaharurot ko ang motor ko papunta sa..
**HELLY BAR**
Dirediretso ako sa pagpasok hanggang sa marating ko ang room 04 pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay agad sumalubong sa akin ang tatlo.
"Oh Trevor tumutupad ka talaga sa usapan kumusta ang araw natin mukhang walang bakas ni kamatayan ah?" Biro ni Ulyssis na may dalawang babaeng pinagitnaan siya na nakatingin din sakin.
Hindi ko siya pinansin at saka naglabas ng kaha ng sigarilyo at sinindihan ang isa saka hinithit.
"Mainit ang ulo pre" dagdag ni Rui na umiinom kasama si Seth, hindi naman umimik si Seth at nagtanguan lang kami.
"Pre ito nga pala si Mitchi tatanggalin niya ang inis sa katawan mo ngayong gabi" pagpapakilala ni Ulyssis sa isang babae na.
"Haponesa? Ayaw labas!" Sigaw ko kaya agad-agad tumayo ang dalawang babae saka lumabas.
Narinig ko pang nagtawanan sila Rui at Ulyssis.
"Lovelife ang problema mo?" Nakangiting tanong ni Seth.
"Seth nahahawa ka na sa kaabnuyan ng dalawang to" sabi ko sabay turo sa dalawa na nagtaas pa ng kamay.
"Yan si Seth eh anong magagawa namin" sabi ni Rui.
"Tss" hindi ko sila pinansin at nagtuloy lang sa kahihithit.
"Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang nangyari ex-girlfriend ko" biglang sambit ko na ikinagulat nila kaya naman nagkatinginan pa sila at seryosong nakinig sa akin.
Nang maubos ko ang baga ay inabot ko ang beer saka ito tinungga.
"Trevor" tawag ni Seth.
Pero hindi ko siya nilingon, dahil iniubos ko ang laman nito saka pinunasan ang bibig bago magsalita.
"I saved someone yesterday night, but I didn't saved my ex-girlfriend 6 years ago" kuwento ko pa na habang inaalala ang nangyari kahapon at kanina.
"Napaka walang kwenta" bigla kong nasabi.
Napailing iling pa ako saka kumuha ng isa pang beer at tinungga.
"Trevor it happens about 6 years ago so what happen to the girl that you save?" Seryosong tanong ni Rui. Tinignan ko muna siya saka binitiwan ang bote at nagsalita.
"That girl doesn't know how to say thank you. She even said that I'm 'Hambog' Tss."
"Seriously? Baka naman hindi maganda ang pagkikita niyo sa umpisa?" Si Ulyssis naman, basta kapag sa babae daming alam nito.
"Tss you know me. I really hate Japanese girl" sabi ko.
Ang kaninang tahimik at seryoso ay biglang napuno ng tawa nilang tatlo.
"Thats why tinaboy mo ang haponesa kong babae kanina?" Si Ulyssis.
"Trevor, don't hate all the Japanese girl tignan mo may na-meet ka tuloy saka ano naman nagawa mo kung bakit naging ganoon ang trato sa iyo?" Si Seth.
Ikwinento ko ang unang pag-mi-meet namin hanggang sa kanina.
"Hanep ka Trevor ano chicks pala ah" Si Ulyssis.
"Tss basta babae tumatayo p*********i mo" asar ko.
"Sus kaya pala sa kwento mo mukha siyang cute pero tanga lang huwag kami Trevor" gatong naman ni Rui.
"Totoong maganda siya at cute, pero masama ugali niya."
"Hahahaha wala akong masabi" natatawang sabi ni Seth.
"Akala ko pa naman kakampi kita Seth Tss."
"She's wonderful, I wanna know her" nakangiting sambit ni Seth.
"Seth wag mo namang sulutin ang kay Trevor."
"Manahimik ka nga Rui gusto ko lang makilala ang napupusuan ng ating lover boy" pang-aasar ni Seth lintik tong mga to.
"Tumigil nga kayo!" suway ko sa kanila pero tuloy lang sila sa pang-aasar sa akin. Tumambay pa muna ako roon bago nagpasiyang umuwi.
Misaki
**KINABUKASAN**
"Ohayou gozaimasu" mahinang bati ko dahil nakikiramdam pa ako kay Miyuki and as usual kapag may tampo nag-iiwasan.
"Ahm Manang akyat ho muna ako sa taas may nakalimutan ho ako" sabi ni Miyuki na hindi man lamang ako tinanong, dahil agad-agad itong umakyat ng hagdan napakibit balikat ako bago umupo.
"Kumain kana papasok kana ba? Eh kaya mo na ba?" tanong naman ni Manang buti pa siya.
"Opo Manang hindi pwedeng um-absent at baka matambakan saka mahaba naman ho ang pahinga ko kaya okay lang" sabi ko.
Uminom naman muna ako ng milk at nagsimula ng kumain. Nang matapos ako ay dumiretso na ako sa sasakyan at nauuna pa rin si Miyuki.
Pagkasakay ko ay nasa labas lang siya ng bintana nakatingin. Habang bumiyabiyahe ay wala pa rin kaming kibuan kaya pagdating namin sa DU ay hindi na ako nakatiis.
"Miyuki, Onee Gomenasai." Sincere na sabi ko. Tinignan niya ako kaya nag-pout ako sa kaniya.
"Explain."
At kwinento ko sa kaniya ang tungkol sa amin ni Trevor akala mo naman merong 'sa amin' psh.
"Ahh sorry din Misaki hindi ko alam kaya nagalit din ako sa iyo, but wait bad pa rin yung ginawa mo sa kaniya kahapon dahil siya ang nagligtas sayo."
"Oo na kaya nga na-gi-guilty na ako eh."
"Mag-sorry and thank you ka."
"Paano eh wala naman kaming contact non at saka hindi kami close at imposibleng pumunta pa yon dito."
"Tss tiwala lang oh sige alis na ako, mata ne" Sabi niya saka tumalikod at naglakad palayo.
Bagsak ang dalawang balikat kong naglalakad papuntang park at sinalubong ang mga friends ko.
"MISAKIIII GOSH buhay ka pa akala namin patay ka ng bakla ka sa kilig" bungad ni Maggy nang makita niya ako.
"Ah hehe guess what? Ang sweet niya sa akin kahapon."
"Talaga?" Nakangiting sabi ni Chinie.
Tumango ako ng paulit ulit saka napatakip sila ng bibig alam kong masaya sila para sa akin.
"Nako ha kailangan mo pa pa lang maaksidente, nga pala nasa patakaran ng school natin ang bawal sabihin ang mga personal na events sa buhay maliban sa mga malalapit sa iyo pati na rin sa mga teacher at may ari ng school" sabi ni Chinie.
"Okay lang iyon atlis nga walang tsismis na pumuputok ngayon hahaha" sabi ko pa.
"Misaki."
"Harold."
"Ahm kung okay lang sana sa iyo eh ihahatid na kita sa room mo gusto lang kita makausap."
Omagas this can't be true hahahaha.
"Ahm enjoy mauna na kami" paalam ni Chinie na nanguna pa sa dalawa nag-ngitian lang kami bago sila umalis.
"Ano namang pag-uusapan natin Harold?"
"Ahm wala lang gusto lang kitang makabonding."
"Eh? Hehe baka mamaya kung ano isipin ng mga nasa paligid natin."
"Haha friends lang naman ang sinasabi nila eh so who cares."
Punyeta masakit ah! na friend zoned ako pwede bang pakibaon na lang ako sa lupa.
"Ah hehehe sabagay kayo kasi ni Chinie ang bagay."
"At talagang ibinabagay mo ako sayo ah?" biro niya kaya nabigla ako.
"Oy hindi ah" sabi ko saka hinampas siya ng mahina haha ano ba kayo chansing ang tawag doon hahahaha.
"So paano? Ito na ang room mo sasabay ako ng lunch sa inyo" nakangiti niyang sabi saka umalis na.
"Sasabay daw siya sa akin mag lunch hihi" kinikilig na sabi ko.
Pagharap ko ay nabigla ako.
"Trevor?"
"Tss. Ang sabi niya sasabay daw sa inyo hindi sa iyo. Psh aga-aga ang harot" sabi niya saka umalis
"Hoy anong sabi mo?" kami na lang dalawa sa hallway dahil nagkaklase na ang iba kaya walang makakapansin sa amin masiyado.
Nang lumiko siya ay saktong pagliko ko nang masalubong ko ang first prof namin.
"Where are you going Ms. Takishima?"
"Ah wala po Miss."
Sumulyap pa ako sa nilikuan niya at wala na siya hmmp may oras ka rin panira ka ng mood ah tsk tsk biglang may sumagi sa isip ko argh na-gi-guilty na naman ako.