4: Mag-ingat

2586 Words
**DAVINSON UNIVERSITY** Nagpaalam na muna kami ni Miyuki sa isa't isa at saka dumiretso sa kaniya-kaniyang pupuntahan. Kaagad naman akong dumiretso sa park at saka sinalubong sina Maggy at Chris pati na rin si Chinie. "Ohayou Gozaimasu Minna-san!" masiglang pagbati ko sa kanila at saka binigyan sila ng isang matamis na matamis na ngiti. "Shuta ka, sis! Half din kami pero hindi kami nag-switch ng ibang lenggwahe, bakla ka!" sagot naman ni Maggy. "You, shataappp Maggy! Panira ka nang umaga ko, eh, 'yan si Chris ang shutain mo, bwahahaha!" pang-aasar ko sa kanila. "Bakit pati ako nadamay? Oo nga pala Misaki, kakausapin daw tayo ni coach dahil magsisimula na raw ang practice natin sa basketball. Sa second week of October daw gaganapin ang Contest between two school" sabi ni Chris na nagpatigil sa amin. "Ako naman sa cheering squad," sabat ni Chinie. "Ako rin sa Volleyball, hays! Good luck sa atin mga bakla. Balita ko ay hindi raw tayo i-pu-pull out, bali magiging whole day ang pasok natin. Aral sa umaga practice sa hapon," paliwanag naman ni Maggy sa amin. "Idagdag mo pa ang weekends," sabi ni Chinie na bumuntonghininga. "Okay lang 'yan, guys cheer up! Dapat maging masaya nga tayo dahil pinili natin 'to." Pagpapalakas loob ko sa kanila dahil alam kong paguran na naman ito, dahil hindi na katulad dati na pa easy-easy lang. Ngayon kasi isang taon na lang ga-graduate na kami. "Sus, kaya ka lang naman masaya dahil makakasama mo si Harold dahil basketball player din ang prinsipe. Hay, naku! Bakla ka talaga," pang-aasar ni Maggy kaya nagtawanan kami. "Hindi rin ano, mahal ko lang kasi ang ginagawa ko at mahal ko rin si Harold, bwahahaha!" sabi ko na tumawa pero hindi sila natawa at paglingon ko ay muntik na akong lamunin sa kinauupuan ko. "H-Harold?" gulat kong sambit sa pangalan niya. "Ahm, Hi Misaki, ahm puwede ko bang i-excuse si Chinie? Hinahanap kasi siya sa faculty," nakangiting tanong niya habang na kay Chinie lang ang atensiyon. "Oh, sure! Ahm, guys, I guess we will see each other at lunch?" nakangiting paalam ni Chinie at saka tumingin sa akin pero nginitian ko rin siya. Pag-alis nila ni Harold, at saka ko inilabas ang lungkot sa mga mukha ko at humarap kila Maggy at Chris. "Kanina pa ba siya doon?" "Hindi, kararating lang niya kaya nga hindi kami umimik sa biro mo kasi baka marinig niya," sabi ni Chris. "'Wag kang mawawalan ng pag-asa, bakla! May iba pa diyan," pagbibigay pag-asa ni Maggy. "Pero siya ang gusto ko for almost three years simula nang tumuntong tayo sa college, bakla ka!" nakasimangot na sagot ko. "Hays! Mamaya na lang tayo magsipag-usap. May pasok pa tayo sige, mauna na kami sa 'yo Misaki," paalam sa akin ni Chris at saka agad-agad na umalis kasama si Maggy. Naupo pa ako ng ilang sandali sa park dahil sabi ng unang proffesor namin kahapon ay a-absent daw siya ngayon, kaya nagmuni-muni muna ako tutal wala pa naman akong gagawin. Trevor **DAVINSON UNIVERSITY** Nag-park muna ako ng motor sa parking lot at saka nagpunta papasok doon. Halos wala nang masiyadong students dahil mangilan-ngilan lang ang nandito at panigurado ay may mga klase na sila. Naglalakad ako papunta sa Dean's Office nang mapadaan ako sa park dahil ito muna ang madadaanan bago ang office. May nakita akong isang istudyante na nag-iisa at mukhang pamilyar ito sa akin. Nilapitan ko siya at hindi manlang siya nagulat sa presensya ko. 'Misaki Takishima' Pagbasa ko sa ID niya. BSA Student. "Ang nguso mo, didikit na sa lupa," seryosong sabi ko sa kaniya. Nagulat naman siya sa biglaang kong pagsalita, kaya tumingin siya sa akin na mas lalo niya pa na ikinagulat. Tsk! Ito nga 'yong babae na parang t@nga sa balon. "Epal! Nagmumuni-muni ako rito, eh," sabi niya at saka nagpatuloy sa ginagawa niya. "Wala ka bang pasok? Oras ng klase pakalat-kalat ka," sabi ko sa kaniya. "Pakalat-kalat ba ako? Nakita mo naman na nakaupo lang ako, eh," makatuwiran niyang sagot. "Pumasok ka na," seryoso ko na utos sa kaniya at nakita ko pa siya na ngumuso sa akin. "Quit pouting, o hahatakin ko 'yan?" banta ko pa sa kaniya. "Ang epal-epal mo talaga, ano? Hinihintay ko ang prince charming ko at hindi ikaw, tabi!" pagsigaw niya sa akin nang tumayo siya at pagkatapos ay nilagpasan ako. Nagulat ako nang bahagya sa ginawa niya. Sumisinghot ba 'yon? Ganito ba ang ugali ng mga estudyante rito sa DU? Pinanuod ko pa siyang maglakad papalayo sa akin bago ako magpasyang pumunta sa office. "Mamaya ka sa akin." Misaki Jusko, naman! Simpleng pakiusap ko lang na gusto kong makakilala ng bagong prince charming, eh, bakit 'yon namang kordapyo na 'yon ang dumating, bwisit! Naglakad ako na salubong ang mga kilay ko papasok sa room at saka pabagsak na umupo sa puwesto ko. Dumating na ang second prof at saka nag-discuss. Nasa kalagitnaan kami nang discussion nang biglang may kumatok mula sa pinto. Sinilip pa muna ito ni Miss, at may pinapasok na dalawang lalaki. Nang tingnan ko kung sino ay sina Dean at ang... "Lalaking kordapyo?" Naitanong ko sa sarili ko at sa sobrang tahimik ay narinig nilang lahat 'yon at tumingin sa akin. Para naman akong hinihigop pababa dahil sa kahihiyan, jusko namang bunganga 'to walang preno. "Yes, Ms. Takishima? Do you have a problem there?" tanong ni Dean sa akin. Kilala niya ako dahil MVP player ako ng basketball girls. "Wala po, Dean," nahihiya ko na sabi at saka napatingin pa sa lalaking kordapyo kanina at doon sa balon noong nakaraan na nakatingin din sa akin. "May I introduce my Son, Trevor Davinson he is a lawyer and---" hindi na natuloy pa ni Dean ang kaniyang sasabihin nang magtilian ang mga kaklase kong babae. "Ang gwapo niyaaa!" "Lawyer daw siya hihi maipaglalaban niya ako!" "Oh, my gosh!" "Class, please quiet! Respect Mr. Dean and his son," sabi ng Prof namin. Nakanganga pa ako sa hangin dahil ngayon lang nagpakilala si Dean ng isa pa niyang anak. Ang kilala lang kasi namin ay si Sir Timothy Davinson pero minsan lang siya rito. Hindi rin ako makapaniwala na binastos ko ang lalaking ito kanina at noong nakaraan. Teka? Eh, ano ang paki ko? Siya naman ang nauna. "He's already 28 years old," pagpapatuloy ni Dean at bumalatay naman sa mga mukha ng mga babae ang panghihinayang. "Panigurado may asawa na 'yan, huhu!" "Okay lang, nandiyan pa naman si fafa Timothy hehe!" "Minsan lang naman dumating!" "Class, I said quiet!" Tumigil ang lahat habang si Trevor ay nakatingin pa rin sa akin na para bang sinusuri ako at saka nagsimulang magsalita. "I just wanted to visit this school, because I want to warn everyone to take care of themselves. A lot of news is spreading about the kidnapping, that's it," sabi niya at saka lumabas na kasama ni Dean. Ay depulgas! Nakanganga pa rin ako hanggang ngayon dahil hindi maalis ang tingin niya sa akin hanggang sa paglabas niya ng classroom. "Did you hear that? Bago lumandi iligtas muna ang sarili, naintindihan ba class?" sabi ni Miss at saka lumabas na ng room. "Yessssss, Miss," pahabol na sabi ng mga kaklase ko sa kaniya. "Grabe ang sweet niya naman, huhu!" "Panigurado lahat ng rooms ay pinagsabihan niya pero grabe naman, bakit hindi na lang in-announce sa audio? Bakit paisa-isa pa?" "Oo nga, ano? Sa dami ng rooms dito, eh, at saka sa kabilang departments pa." "May napansin ba kayo kay Mr. Trevor?" "Ha, ano?" Napatigil ako sa ginagawa ko at kunwaring inaayos ang mga gamit ko habang nakikitsismis sa kanila. "Titig na titig siya kay Misaki." "Oo, pansin ko rin 'yon." "Hindi kaya...type niya si Misaki?" "Sabagay maganda naman kasi siya pero magkalayo ang agwat nila, hindi ba?" "Oo nga." Hindi na ako nakinig pa sa usapan nila. Jusko! bakit ba kapag nagbubulungan kailangan maririnig pa ng pinag-uusapan, tss! Nagpunta na ako sa canteen at saka lumapit sa mga friends ko. "Nabalitaan niyo na ba ang pagdating ng anak pang isa ni Dean?" biglang singit ko sa usapan nilang tatlo. "Ah, oo," sabi ni Chinie. "Ito talagang baklang 'to, palagi na lang may baong chismis," sabi ni Maggy at saka sila nagtawanang tatlo. "Hays! Nakakainis kasi pumunta pa sa room." "Whatttt?" sabay-sabay nilang sigaw sa akin kaya medyo pinagtinginan pa kami. "Ano ba? Kapag sa atin, sa atin lang 'wag nang isigaw, kaloka!" sabi ko at saka nag-crossed arms. "Eh, bakit naman sa amin hindi pumunta? Shuta ka bakla," sagot naman ni Maggy. "Whatttt?" This time, ay ako naman ang sumigaw at pinagtinginan ulit kami. "Oh, ano? Akala ko ba sa atin lang bakla, eh, bakit nasigaw pa?" sabi ni Maggy. "I just can't believe it, jeez." Ewan ko ba pero naisip ko na dahil sa akin kaya siya nagpunta roon, paano niya naman nalaman. Pero ayaw po pa rin na mag-assume. Ikinuwento ko naman sa kanila ang lahat, simula nang una kaming nagkita ni Trevor. "Naku, Misaki, ha? Baka siya na ang prince charming mo," biglang pang-aasar sa akin ni Chinie. "Heh! Manahimik ka nga, si Harold lang ang prinsipe ko," sabi ko sa kaniya at ngumiti lang siya. "Bakla ka, ibigay mo na si Harold kay Chinie. Huwag nang umeksena sa love story ng iba," sabat ni Maggy at saka kami nagtawanan. "At saka, mukha siyang may asawa na, kaya who cares?" sagot ko. "Ows, eh, bali-balita nga, eh, guwapo raw at hindi halatang may asawa," biglang sabat naman ni Chris na kanina pa nakikitawa. "Eh, 'di may asawa pa rin siya," sagot ko. "Bakit ba bitter ka, teh? Eh, ano naman kung nakatali na," pang-aasar pa ni Maggy at saka sila nagtawanang tatlo. "Alam mo Maggy, napakaalaskadora mo na bakla ka!" singhal ko sa kaniya kaya nagtawanan kami at saka tinapos ang aming pagkain. "Sumasakit ang puson ko, Misaki, mauuna na ako. Mukhang dadalawin na ako ng sumpa," namumutlang sabi ni Chris habang nakahawak sa puson niya at bag. "Inuman mo na kaagad ng gamot para mawala kahit papaano ang sakit," suhestiyon ni Chinie. "Eh, 'di ako na ang walang matres," biro ni Maggy at saka kami nagtawanan ulit bago umalis si Chris. Pumunta na kaming tatlo sa mga coach namin pero bago pa 'yun, eh, nag-text muna ako kay Miyuki. To Miyuki: Hindi ako makakasabay ngayon. Mag-taxi na lang ako pauwi, ingat! *Sent* *Ting* From Miyuki: Saan ang punta mo? Sino ang kasama mo? Ano'ng oras ka uuwi? Pagkabasa ko sa reply niya ay natawa pa ako. Anak yata ito ni Manang, eh. To Miyuki: Kakausapin lang si Coach kasama ko friends ko. *Sent* *Ting* From Miyuki: Hihintayin na lang kita. To Miyuki: Mauna ka na. *Sent* *Ting* From Miyuki: Ang kulit mo bahala ka. Krosukete Kudasai Imouto! Hindi ko na siya nireplayan pa at kinausap na ang coach namin. (Krosukete Kudasai means "Take care" and Imouto means "younger sister".) Pinaliwanag ko na may sakit si Chris at gaya nga ng hula namin ay may pasok sa umaga at practice sa hapon. Tuwing sabado lang may practice para pahinga na namin ang linggo. Nauna na sila Maggy at Chinie umuwi dahil mas nauna sila sa akin na matapos. Ako na lang ang naiwan habang nagliligpit ng ginamit ko na notebook at ballpen sa mga announcement ni coach. "Takishima, wala ka bang sundo?" tanong ni coach Iya, at babae ang coach namin since mga babae kami. "Wala po, mag-ta-taxi na lang po ako." "Ah, sige may gagawin pa kasi ako sa office, eh, mag-iingat ka, ha?" "Opo, Coach," sagot ko at pagkatapos ay iniwan niya na ako. Lalakad na sana ako paalis nang may biglang tumawag sa pangalan ko. "Misaki!" Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Harold na papalapit sa akin. "Oh?" nakangiting sagot ko. "Ikaw lang ba na mag-isa? Nasaan sila Chinie?" Pinuntahan ako para lang hanapin siya? Dinudurog mo talaga ang puso ko, Harold. "Ah, nauna na sila sa akin." "Gano'n ba? Mahihintay mo ba ako para ihatid na kita? May ipapa-check pa kasi akong paperworks, eh, ngayon ang deadline," nakangiti niya na sabi kaya napangiti na rin ako. Tumingin muna ako sa cellphone ko at saktong 6:00 pm na. Tiningnan ko muli si Harold at saka nagdesisyon. "Next time na lang siguro, hahanapin na kasi ako sa bahay, eh," sabi ko sa kaniya. Huhu! Uunahin ko muna ang kaligtasan ko bago ang kalandian. "Ah, gano'n ba? Sige, mag-iingat ka, ha?" sabi niya at saka tinapik ako sa balikat, pinagmasdan ko pa siyang lumakad palayo mula sa akin at saka nagpasyang lumakad pauwi. Itong school namin ay kailangan pa na maglakad ng mga five minutes palabas sa labasan dahil doon ang abangan ng mga taxi. Wala nang masiyadong tao dahil alas tres ang uwian ng mga students at 'yong iba naman na ganito ang uwian ay may mga service. May mga naglalakad din naman minsan pero ngayon ay wala. Napatingin ako sa paligid dahil puro puno ang nakapalibot dito. Wushuu! Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng hangin na dumarampi sa balat ko. Naalala ko tuloy ang mga pangaral ni Manang. Jusko naman, puro ka kasi kalokohan, Mesake! Kaya hayan nag-sa-suffer ka ngayon. Hays! Bakit ba kasi hindi pa ako sumabay kay Miyuki? Dapat pinaghintay ko na lang 'yon, eh. Madilim na at wala nang masiyadong tao. Ang mga sasakyan na dumaraan ay paisa isa lang. Habang naglalakad ako ay nagpre-pray ako. "Malapit na, Misaki, kaunting tiis pa," pagpapalakas loob ko sa sarili ko. Mayamaya pa ay may sasakyan na itim na huminto sa tabi ko. "Hi, Miss Beautiful!" sabi ng isang lalaki sa unahan. Nang tingnan ko ay apat sila sa loob at nakakatakot ang mga ngiti nila sa akin. Nang makita ko na pababa na sila ay kaagad akong kumaripas ng takbo. Natatakot ako na kuhain nila ako at katayin. Tumakbo ako ng mabilis gaya ng pagtakbo ko sa whole court. Sobrang lakas din nang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba habang tumatakbo. Mayamaya pa ay may humawak sa akin na lalaki. "Huli ka!" Tumatawa siya nang mahawakan niya ako sa balikat. Kaagad kong binali ang kamay niya at saka sinipa siya sa ari niya at tumakbo ulit sa kung saan. Nang makita ko na ma-ko-corner nila ako ay no choice ako kung hindi ang tumakbo sa maraming puno. Bahala na kung saan ako mapunta dahil ang mahalaga ay makatakas ako sa kanila. Halos madapa na ako kakatakbo habang palingon-lingon sa likuran ko. Na-imagine ko tuloy si Snow White na tumatakbo sa kagubatan at halos madapa na siya katulad ko. Ano ba naman, Misaki? Magtigil ka nga! Nanganganib na ang buhay mo, eh, puro pa fairytale ang nasa utak mo. Kailangan ko na sigurong magpa-check up dahil nilamon na ako ng imahinasyon ko. Ilang minuto rin akong nagtatatakbo hanggang sa magpahinga ako nang sandali. "Ligtas na ba ako?" tanong ko sa sarili ko pero ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Mayamaya lang... *BROOOOOOOM* Nasilayan ko ang ilaw sa 'di kalayuan kaya nagpasya akong tumakbo ulit. Jusko! Ang hirap ng isang 'to dahil naka-motor siya at ang hirap pang tumakbo dahil pa zigzag ang mga puno pero parang sa kaniya ay wala lang. Nagtatatakbo ako habang lumilingon at sa katangahang taglay ko ay mukhang ito na ang katapusan ko. Natisod ako dahilan para madulas ako sa may bandang hukay kaya nalaglag ako rito at saka nauntog sa maliit na bato. Unti-unting lumalabo ang mga mata ko. Ang tanging nakita ko na lamang ay ang paghinto ng isang motor sa itaas ko, at may bumaba na isang lalaki. Ito na siguro ang katapusan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD