Chanchararanchanchan
Lunch time na hehe sabay daw kami ni Harold este sasabay pala sa amin peste!
Naglalakad ako nang makasalubong ko si Harold. Napangiti naman ako at agad ding nawala dahil sa sinabi niya.
"Misaki maaga akong nag-lunch kanina, dahil may ipinapagawa sa akin alam mo namang ako ang SSG President diba?" nahihiyang ngiti niya oh, I forgot presidente nga pala ang prinsipe ko.
"Ah ganoon ba okay lang take your time."
"Sige Misaki mauna na ako."
Bagsak ang mga balikat ko na nagpunta sa canteen.
"Hula ko may baon ka nanamang kwento?" bungad ni Maggy sa akin.
At yun nga nagkuwento ako sa kanila about kay Trevor at Harold. Open kasi ako sa kanila.
"Shuta ka bakla ka ang haba ng hair mo ah sing haba ng nguso mo ngayon" pang-aasar ni Maggy.
"Maggy noo will you please shattaaaaap, kay Harold lang ako kakalamlapag duhh" sagot ko naman kay Maggy kaya nagtawanan kami.
"Anong Maggy noo? Porkit malapad noo ko ikaw bakla ha para namang kakalampagin ka ni prinsipe Harold" pang-aasar pa ni Maggy sa akin kaya mas lumakas ang tawanan nilang tatlo.
"Hindi sa inaasar kita Misaki pero sa tingin ko bagay kayo ni Mr. Trevor" nakangiting sabi ni Chinie.
"Ano namang nakain mo at nasabi mo yan? Ano? Para iyong iyo na talaga si Harold? Tse don't me Chinie" sagot ko kaya nagtawanan pa kami at nagkwentuhan.
Pagkatapos ay nagpasya na kaming lumabas ng canteen.
"Speaking of the prince" sabi ni Chris sabay nguso sa isang direksiyon dahil nakita namin si.
"Trevor?"
"Hoy bakla ka baka may makarinig sayo hindi mo siya tinatawag na Mister." Si Maggy
"Si Sir Trevor pa talaga ang una mong napansin ah!" sabi ni Chris kaya inirapan ko siya.
"Eh bakit naman? Eh hindi naman ako Misis niyan" biro ko kaya napa 'woah' sila.
"Teka kausap niya si Harold mukhang may pinapagawa siya" sabi naman ni Chinie.
Napatigil naman kami sa paglalakad dahil pinanuod namin sila sa hallway na nag-uusap dahil hindi naman namin sila maririnig.
Pero ayon sa nakikita ko...
"Kawawa naman si Harold ang daming pinapagawa ni Mr. Trevor" nainis ako sa sinabing yun ni Chinie
Kaya nagmartsa ako papalapit sa kanila.
"Oy Misaki hintayin mo kami" habol naman sa akin nila Chris kaya naman sumabay sila sa paglalakad sa akin.
"Shuta ka bakla ano gagawin mo?" kinakabahang tanong ni Maggy
Pero hindi ko sila pinansin ng papalapit na kami sa kanila ay nakita na nila ako, pero hindi ko ipinakitang naiinis ako.
"Oh hi Misaki" bati ni Harold kaya naman nginitian ko muna siya bago tumingin kay Trevor na nakatingin din sa akin.
"Mukhang 'busy' ka nga" sabi ko nang may diin sa salitang 'busy' habang nakanguso sa mga bitbit niya.
"Ah eh oo inutusan kasi ako ni Mr. Trevor" at mas lalo akong nainis pero hindi ko iyon pinakita.
"Tutulungan na lang kita kung ganoon" nakangiti kong sabi na akmang hahawakan ang bibit niya, pero nagsalita na si Trevor.
"Who are you?" Tanong ni Trevor kay...
"Chinie Lee po" naguguluhang sagot naman ni Chinie sa kaniya.
"I want you to help Harold to do this stuff since magkalapit lang naman kayo ng building..and you, come with me may iba akong ipapagawa sayo" sabi ni Trevor na tumingin sa akin at saka sumenyas sa akin na sumama sa kaniya.
Napangaga naman ako sa ere dahil sa inasta niyang iyon.
Nag-alinlangan pa si Chinie pero sumunod din naman agad.
"Mauna na kami Misaki, Mr. Trevor" sabi ni Chinie at nagpaalam sila ni Harold ng maayos.
Naglakad na sila papalayo at mukhang masaya pa silang nagtatawanan.
Magkasama nanaman sila.
Habang ako ay lihim na nasasaktan.
"You two go back to your classes now" may awtoridad na utos ni Trevor kila Chris na agad namang sumunod. Nagpaalam muna sila sa amin lalo na sa akin bago umalis.
"Bakit ba napakapakielamero mo?" walang gana kong sabi habang nakakapit sa dalawang strap ng bag ko at nakatingin sa kaniya ng walang emosyon.
"What are you trying to say? Ms. Takishima?"
"Stop acting like you don't know what I'm trying to say" arte ko pa sa mismong harap niya.
Nakita ko pang kumunot ang noo niya bago siya magsalita.
"I really don't know what you are trying to say Ms. Takishima."
"You're hurting me Trevor Davinson"
"How did I hurt you?"
"You're doing this para paghiwalayin kami ni Harold isa kang taong walang puso."
"Ano bang sinasabi mo?"
"Tama na Trevor masiyado ka ng mapanakit."
"Hindi ka ba titigil sa ka-dra-drama mo diyan? SSG President ang Harold na iyon at isa pa anak ako ng Dean at apo ng may-ari ng school na ito at igalang mo ako!"
"Hambog ka talaga eh noh eh ano naman kung ikaw ang may-ari."
"Anak ng Dean at apo ng may ari."
"May-ari ka pa rin" inis na sigaw ko sa kaniya at nagulat ako sa sinabi ko saka palihim na napatingin sa pants niya omagas ano ba Misaki tumingin ulit ako sa mga mata niya at bakas na talaga ang inis sa kaniya.
"Sumama ka sa akin sa faculty" malamig na sabi niya kaya naman nagtayuan ang mga balahibo ko jusko ka Misaki ano nanaman ba itong pinasok mo.
Napayuko na lang ako habang tahimik lang kaming naglakad papuntang faculty.
**FACULTY**
Nagulat pa ang mga teachers na naroon nang tignan nila kami.
"Mr. Davinson, Ms. Takishima?" gulat na sabi ni Ms. Mendoza.
Tss, mukha ba kaming may affair? Or mukha ba akong kabit niya? Hays.
"Nabalitaan niyo naman siguro ang nangyaring aksidente sa istudyanteng ito sinamahan ko siya rito para asikasuhin ng maaga ang mga na-missed niya" pagpapaliwanag naman ni Trevor na parang wala lang.
"Ah ganoon po ba Mr. Davinson, ahm iha mabuti naman at okay kana nag-discuss lang naman kami kahapon magbasa ka na lang sa bahay niyo para makahabol ka sa iba pang lesson natin na darating" sagot naman ni Miss Mendoza na sinangayunan naman ng iba pang prof namin kahapon.
Pagkatapos ay nagpaalam na kami at lumabas. Pagkalabas na pagkalabas namin ay nagmamadaling umalis si Trevor kaya naman hinabol ko siya.
"Wait" sabi ko saka hinawakan siya sa braso, at hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon. Parang naging slow motion ang paligid ko sa dahan-dahan nitong paglingon.
Nakatingala ako sa kaniya dahil mas matangkad siya sa akin. Nakatitig lang ako sa mukha at mga mata niya habang paulit ulit na sinasabi ng isip ko na ang gwapo niya pala.
"What?" Naputol ang pag-i-imagine ko nang magsalita siya.
"Ah eh ano kasi.." pagbibitin ko saka binitiwan siya.
"Gomenasai."
"What?"
"Arigatou Gozaimasu."
"What?"
"Ano ba hindi ka ba makaintindi?" tanong ko na nagpadpadyak pa ng paa.
"Hindi."
"What?"
"Ano?"
"Psh. Sorry and thank you."
"Labas sa ilong" sabi niya saka umirap at tatalikod na sana nang hawakan ko ulit siya pero agad ko ring binitiwan nang humarap siya sa akin habang may inis sa kaniyang mukha.
"Hoy sincere ako ah."
"Yan ba ang sincere naninigaw."
"Edi sorry! sorry sa nasabi ko at salamat sa pagligtas sa akin mwa" ngumuso pa ako kunwari na ikinanuot naman ng noo niya.
"Ah hehe ganoon talaga ako kapag sincere" dagdag ko pa.
"Wag mong gagawin sa harap yan ni Harold."
"Ha at bakit naman? Cute ko nga raw sabi sa akin ng Mommy ko."
"Mukha kang pato."
"Ano?"
"Ilibre mo na lang ako ng lunch hindi pa kasi ako kumakain."
"Ano?"
"Absent ang third prof niyo kaya wala kang maidadahilan."
"Ano?"
"Psh tanga ka ba o talagang stupid ka?"
"Ano?"
"Inulit pa?"
"Tanga and stupid? Iisa lang yon ah?"
"Dahil yung dalawang yon ay best description sa nag-iisang katulad mo."
"Nag-iisa talaga ako hambog na mayabang..bagay din sayong description iyon since nag-iisa ka."
"Nag-iisa talaga ako pato."
"Anong pato?"
"Laging mahaba ang nguso mo pato."
"Ano ba batas."
"Mauna ako sa iyo sa parking lot."
Pagkasabi niya nun ay saka siya umalis at iniwan ako.
Ano na naman kayang pasabog ng lalaking iyon. Sinundan ko siya sa parking lot at may mangilan ngilan na students kaya hindi ako nagpapahalata mahirap na kasi baka sabihin na lumalandi kaming dalawa.
Nang makarating sa parking lot ay agad ko siyang nakita na nakasandal sa motor.
"Diyan tayo sasakay?"
"Ang ingay mo" sagot naman niya at saka iniabot sa akin ang helmet.
"Isuot mo iyan para maiwasan mo ang katangahan."
"Ano?"
"You shut up! Baka may makakita at makarinig pa sa atin" masungit na sambit niya at alam kong naiinis na talaga siya sa akin.
Wala na akong nagawa kundi ang umangkas at kumapit sa balikat niya.
In-start na niya ang kaniyang motor at saka mabilis na pinaharurot ito. Sa sobrang bigla ko ay napayakap ako sa kaniya nang mahigpit, dahilan para masubsob ang mukha ko sa likuran niya.
"AHHHHHH TREVORRR!" sigaw ko dahil sa sobrang bilis niyang magmaneho.
"SHUT UP!" sigaw niya rin sa akin.
Mayamaya pa ay nakarating na rin kami sa hindi kalayuang restaurant mula sa school.
"Nandito na tayo pwede ka ng bumaba mahal na prinsesa" sarkastikong sabi niya.
Sumimangot pa ako bago bumaba at saka pumamewang at hinarap siya na inaayos ang motor niya.
"Ikaw yata ang papatay sa akin eh!"
"Manahimik ka nga nanggigigil na ako sa bunganga mo" inis na sabi niya.
Tumalikod ako saka umastang hahakbang na palayo ng hapitin niya ako sa baywang at tinitigan ako sa mga mata.
Agad namang tumigil ang mundo ko dahil sa ginawa niya.
"May utang ka pa sa akin baka nakakalimutan mo."
"Ano ba Trevor! Baka may makakita sa atin" kabadong sambit ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko, at saka naglilingon lingon sa paligid.
"Hindi ka nila makikilala kasi naka helmet ka pa stupid!" sagot niya naman saka binitiwan ako at nakapamulsang pumasok sa loob ng restaurant.
Napanganga ako sa sinabi niya saka padabog na tinanggal ang helmet at ibinalibag pasabit sa motor niya. Bwisit napaka unethical talaga ng lalaking ito.
Pagkapasok ko sa restaurant ay nakita ko na siyang nakaupo at umu-order na. Grabe talaga itong lalaking ito napaka hmmmp maghunos dili ka nga Misaki at baka maging mangkukulam ka imbis na prinsesa.
Umupo ako saka nagcrossed arm habang tinititigan siya.
Pagkatapos niyang um-order ay tinignan niya ako ng seryoso kaya nakipagtitigan din ako sa kaniya ng seryoso.
"Hindi mo ba ipapaliwanag ang kaso mo?" pagbasag niya.
"Kaso agad? Hindi lang nakapag sorry at thank you kaso na agad? Napaka unethical mo naman" inis na sagot ko sa kaniya pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
"Nagka-amnesia ka ba at nakalimutan mo ng naaksidente ka?" Seryosong sabi niya saka sumandal sa upuan.
Nabigla ako roon. Oo nga naman. Hay ang tanga tanga mong stupid Misaki huhuhu.
"Ah yun ba ano kasi--"
"Excuse me po Ma'am and Sir here is your order" pagsingit ng Waiter at saka inilapag ang mga putahe na kaniyang in-order at saka umalis. Parang walang narinig si Trevor kaya napahiya nanaman ako. Bwisit!
"Itadakimasu" sambit ko bago kumain. Medyo weird ng atmosphere dahil kasabay ko siyang kumakain kaya palinga linga ako dahil baka may makakita sa amin. Mahirap na huhu.
"Wala silang pakielam kung magkasama tayo" basa niya sa iniisip ko. Tinignan ko muna siya ng masama bago magsalita.
"Tss bakit ba kasi lunch pa ang naisip mo kung pwede naman sa office mo na lang tayo mag-usap"
"At talagang gusto mo pa pumunta sa office ko kung pwede naman dito."
"Ano ba Trevor!"
"Wala ka talagang galang."
"Kasi naman pahirap ka eh."
"Ikaw lang naman mahirap kausap diyan."
"Tss oo na oo na" pagsuko ko saka inilahad sa kaniya ang buong pangyayari.
Naikwento niya rin sa akin na nakatakas ang mga suspek kaya hindi pa nila ma-trace kung sino ang mga ito.
"Ang galing mo namang lawyer pinatakas mo ang mga kriminal."
"Tss. Dahil mas mahalaga ang kaligtasan mo kumpara sa paghuli ko sa mga iyon."
Natigilan ako sa sinabi niya saka nagbaba ng tingin.
"Salamat pala saka sorry."
"Paulit ulit nakakarindi."
"Ang yabang mo talaga atlis nga sinasabi."
"Sinasabi kung kailan huli na."
"Bakit hindi mo ba ako mapapatawad?"
"Tss tara na nga baka hanapin ka na sa school ngayon na pala start ng practice niyo."
"Bakit ba lahat na lang alam mo sa akin?"
"Tss. Hindi ako interesado sayo."
"Talaga ba?"
"Oo kaya manahimik ka."
**DAVINSON UNIVERSITY**
Pagkarating doon ay pinauna na niya ako para hindi kami makita na magkasama.
Nagsimula na ang klase ko at pagkatapos ay nag-practice na rin kasama si Chris.