8: Flashback

1315 Words
Trevor "Tell me son, do you like Ms. Takishima?" tanong na naman ni Dad. Napatigil ako sa pag-aayos ng mga papeles sa table niya saka siya tinignan. "I'm just doing my job dad" simpleng tugon ko. "I heard a lot about her. She is nice and talented. I like her" pagkukwento pa niya. Tss anong nice roon? Eh ang sama nga ng ugali. Saka talented? Eh tatanga tanga nga. Hindi na lamang ako umimik pa dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan. "Hindi ka pa ba nakaka-move on kay Mikasa?" Napatigil ulit ako sa ginagawa at napahigpit ng hawak sa lamesa. "Dad, please I don't want to talk about her." "Son, please just forget her, mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo." "Dad, hindi madali ang iniisip mo." "Madali lang Trevor. Almost six years ka ng ganiyan dahil sa kaniya." "Cause I want her back, dad" inis na sabi ko saka tumalikod at akmang lalabas na ng pinto nang magsalita pa siya. "Hindi mo na maibabalik pa ang taong lumisan na" and that kills me. Lumabas ako saka pumunta sa parking lot at nagsindi ng sigarilyo saka hinithit ito. FLASHBACK "Trevor bakit gusto mong maging lawyer?" malambing na tanong ni Mikasa sa akin habang sinusuklay ang aking buhok at ako naman ay nakahiga sa mga hita niya. "Dahil gusto kong magbigay ng hustisya sa bawat taong nabibiktima." "Ahm hindi ba dahil sa pagkawala ng Mommy mo?" Natawa ako sa tanong niyang iyon. "My Mother was died, because of her sickness not because of bad people." "Edi dapat nag doctor ka." "Hindi rin. Hindi ko passion ang pag-do-doctor. My Mom wants me to be a good lawyer and also a good husband" nakangiti kong aniya sa kaniya. "Anong good husband ka diyan ang bata bata pa natin oy" gulat niyang sambit kaya natawa ako sa kaniya dahil hinampas hampas niya pa ako. "Kinikilig ka lang eh oh kinikilig na yan" pagkiliti ko sa kaniya at saka kami nagharutang dalawa. "Ano ba Trevor wag kasi nakikiliti ako hahahaha ano ba isa hahaha!" END OF FLASHBACK 'I always have my memories with you, but I don't have you anymore.' Nang maubos ang upos ng sigarilyo ay tinapon ko ito sa malapit na basurahan. Paglingon ko ay nabigla ako kay Misaki na nakatayo sa harapan ko. Base sa itsura niya ngayon ay nakasuot pa siya ng jersey at mukhang katatapos lang nilang mag-practice . "Kanina ka pa diyan?" "Hindi mo nga ako narinig." "Narinig o nakita?" "Tss parehas hetong hambog na ito talaga tsk." Tumalikod na lang ako sa kaniya at saka inayos ang sarili ko sa pagsakay sa motor at hindi na umimik pa sa kaniya. "Hindi mo man lamang ba ako tatanungin kung anong sinabi ko?" inis na sambit niya. Napakunot naman ako ng noo. Kailangan pa ba? Tinignan ko lang siya at saka muling nag-focus sa ginagawa. Bago ko paandarin ang motor ko ay nagsalita muna ako. "Hindi ako interesado." *BROOOOOOOM* Nilagpasan ko siya at hindi na siya nilingon pa. Wala ako sa mood para sa isang 'yon. Misaki Natapos na ang practice namin nang matiwasay at maayos. Habang nag-aayos ng gamit ko ay biglang pumasok sila Maggy, Chris at Chinie. "Hindi ka na mag-sha-shower Misaki?" tanong ni Chinie. "Sa bahay na lang may gagawin pa raw kasi si kuya Philip eh" pagpapaliwanag ko. "Kumusta practice mga bakla?" tanong ni Maggy na nag-re-retouch. "Naku kung napanuod niyo lang si Misaki maglaro hanep may inspirasyon" nakangiting sagot ni Chris kay Maggy. "Si Harold ba?" asar naman ni Chinie. "Hahahahaha siguro oo siguro hindi" napatigil ako sa sinabi ni Chris at nagkunot noo. "Anong siguro oo siguro hindi?" "Kasi Misaki umalis ka rito badtrip ka kay Mr. Trevor." "Oh alam na mga bakla kayo." "Manahimik nga kayo riyan si Harold lang nagmamay-ari ng puso ko." "Kaya pala so ano nga pala nangyari sa inyo ni papa Trevor sis? Shuta ka di ka na nagkukwento ha!" "Manahimik ka nga Maggy noo nanggigigil ako sayo." "Ay pak ang sungit namana kay Mr. Trevor." "Tse! Nagmamadali kasi ako so paano kitameets nalang bukas labyu all bye!" pagpapaalam ko sa kanila at nagmadaling maglakad dahil naghihintay na si Kuya Philip sa akin. Wala ng masiyadong estudyante kaya okay lang na maglakad lakad ako kahit naka jersey maganda pa rin naman ako hahahahaha ang hambog. Pagkarating ko sa parking lot ay wala pa ang service ko pero nakita ko si Trevor na nakasandal sa motor niya at naninigarilyo? Aba sunog baga pala itong lalaking ito. Nilapitan ko ito at naaninag ko ang napakalungkot niyang mukha. Halos magmukha na akong magnifying glass na malapit ang pagkakatingin sa kaniya pero hindi niya ako napapansin. "Okay ka lang ba Trevor? Nag-aalala ako sa malungkot mong mukha" sinsero kong sabi dahil kahit gaano siya ka sama eh mabuti pa rin ako hahahaha choss. Tumalikod siya at nagtapon ng sigarilyo sa basurahan. At nang humarap siya sa akin ay nabigla siya at don na niya ako hindi pinansin. Mayamaya pa ay dumating na rin si kuya Philip saka inihatid na ako sa bahay. Pagdating sa bahay ay nag-shower at nag-dinner na ako saka pabagsak na humiga sa kama ko. Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit tanging malungkot na mukha lang ni Trevor ang nakita ko. "Tss. Nalulungkot din pala ang lalaking iyon." Ginawa ko na lang ang mga assignments ko at saka nagbasa basa ng mga libro about sa course ko hanggang sa makatulog ako. **DAVINSON UNIVERSITY** Mahigit dalawang linggo na ang lumipas at patuloy lang ako sa pag-aaral at pag-pra-practice ng basketball. Kasalukuyan kaming nasa canteen ngayon at nag-la-lunch. "Hahaha naalala niyo ba si Maggy nung nahulog siya sa kanal hahahaha" pang-aasar ni Chris kay Maggy na nakatingin naman sa kaniya habang kami ni Chinie ay tumatawa lang. "Alangang mahulog ako sa iyo shuta ka" sagot naman ni Maggy kay Chris. "Hahaha alam niyo bagay talaga kayo" pagsingit ko sa kanila kaya sabay silang napatingin sa akin at sinamaan ako ng tingin. "Kami Misaki tigil tigilan mo sa pag-aadik mo sa mga fairytale love story ah" ani ni Maggy. Nagkwentuhan at nagtawanan pa kami hanggang sa dumating si Harold. "Oh Harold?" "Hi Misaki. Hello everyone can I join with you guys?" "Sure why not." "Thanks Misaki." "So anong mayroon at nandito ka?" nakangiting tanong ni Chinie. "May darating na acquaintance party this coming month and pinapaalalahanan ko lang kayo na maghanda dahil doble-doble ang trabahong gagawin niyo like ikaw Misaki and you Chris na parehas nag-pra-practice sa basketball, dancing and singing. Si Chinie sa Cheerdance at dancing, then Maggy is playing volleyball and will host and organize the event. At may three weeks pa kayo to prepare." Nanahimik kaming lahat at napaisip sa mga sinabi niya. Ngayon lang kasi nagkasabay-sabay ang mga gawain at saka isa pa graduating na rin kami at hindi kami pwedeng mag pull out. "Ah guys if you don't mind I have to go. I'm just reminding you all, because I want all of you to know it first" nakangiti niyang sabi pero wala paring ni isa ang umiimik sa amin dahil lahat kami ay tulala at nag-iisip. "Guys parang hindi ko na yata nakikita si Mr. Trevor?" basag ni Maggy. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya maging si Harold na nakatayo lang. "Bakit mo naman nasingit yon?" pagtatanong ko. "Oo nga ano?" Pagsang-ayon naman ni Chinie. "Mr. Trevor is a lawyer malay niyo busy sa work niya" pagsingit ni Harold kaya napatingin naman kami sa kaniya. "Ahm Misaki pwede ba kitang makausap?" tanong ni Harold. "Ha?" "Sumama ka raw kay fafa Harold bakla sige na gora ka na ipinamimigay ka na namin" mapang-asar na sabi ni Maggy at itinaboy naman na nila ako. "Ingatan mo prinsesa namin pre" sabi naman ni Chris. "Ano ba tumigil nga kayo" sabi ko pero nagtawanan lang sila. "Ingat kayo" sambi ni Chinie. Nagpaalam na muna kami sa isa't isa bago lumabas ng canteen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD