Miyuki "Miyuki nandiyan si Timothy sa living room hinihintay ka" sabi ni Manang na kumakatok pa sa pintuan ng kuwarto ko. Nagulat naman ako kaya napabangon ako bigla sa pagkakahiga at saka pinagbuksan si Manang. "Talaga po ba?" Pagtatanong ko sa kaniya. "Oo eh, pinapasok ko na ang sabi ko hintayin ka niya sa baba" sabi naman niya. "Sige po Manang mag-asikaso na po ako" sabi ko at naligo na saka nagbihis ng pantalon at T-shirt. Hindi ko inaasahan ang pagdating niya rito sa bahay at ako talaga ang pinunta niya rito pero bakit hindi niya man lang ako tinawagan? Bumaba na ako nadatnan ko siya roon na nakaupo pero malayo ang kaniyang iniisip. "Timothy?" Pagtawag ko sa pangalan niya kaya napatingin siya sa akin bigla. "Miyuki" sambit niya sa pangalan ko at saka pilit na ngumiti. "Kanin