"Ahm Misaki puwede bang maging magkaibigan tayo?"
Nabigla ako sa sinabi ni Harold dahil diretsa niya itong sinabi sa akin.
Kaibigan lang? Hindi ba pwedeng jowa na? Choss.
"Eh bakit? Hindi pa ba tayo magkaibigan sa lagay natin na ito?"
"Hahaha I mean more than friends."
This time ay napahinto ako sa paglalakad at napatitig sa kaniya.
"Harold what do you mean?"
Huminto rin siya sa paglalakad at tumitig sa akin at saka ngumiti ng pagkatamis tamis.
Oh Harold ang prinsipe ng buhay ko, sabi ko sa isip ko habang hinihintay siyang sumagot at napatigil rin ako sa imahinasyon ko dahil gumuho bigla ang mundo ko at dinurog ng pinong pino ang puso ko sa sinabi niya.
"I mean like brother and sister."
Nawala bigla ang mga ngiti sa aking mga labi dahil sa aking narinig.
"Be my younger sister Misaki" sabi niya na hinawakan pa ang aking mga kamay.
"Ha?" heto lang ang tanging naisagot ko sa kaniya.
Binitiwan niya ang aking mga kamay at saka napakamot at napapahiyang tumingin sa akin.
"Sabi na eh hindi ka papayag mukhang hindi ka nga talaga interesado sa akin hehe."
Interesado ako Harold Interesado akong maging girlfriend mo at papayag ako agad-agad pero bakit? Bakit bilang kapatid lang? Huhuhu.
"Ah eh bakit ako ahm bakit hindi na lang si Chinie?"
Kasi gusto ko maging girlfriend mo.
"Iba ka kasi kay Chinie ikaw ang gusto ko ang gusto kong maging kapatid."
Eh! Ganda na sana eh nilagyan pa ng kapatid tss.
"Saka gusto kita palaging kasama."
"Ha?"
"Ano ayaw mo ba o gusto? Hmmn okay lang atlis I tried."
"Ah eh oo naman kasi ano na na nabigla lang ako kasi alam mo na hindi ako sanay na may kasamang lalaki palagi except kay Maggy na bakla" pagpapaliwanag ko sa kaniya kaya napatango tango naman siya.
"Hmmn so lets go?"
"Saan naman tayo pupunta?"
"Practice natin basketball ngayon diba? Sabay na tayo."
"Ah oo nga pala tara."
Nagsimula na kaming maglakad ng magkasabay. Grabe ganito pala ang feeling kapag kasabay ko si Crush huhuhu.
Napadaan pa ako sa park kung saan ko nakita si Trevor na inaasar ako hmp.
Nasaan na kayo iyon. Matapos nang kaso ko ay hindi na sya nagpakita pa.
Bakit gusto mo ba siyang makita Misaki?
Hindi ah ano siya mabuti na rin iyon.
So ayon tamang septok septok lang I mean Self talk lang ako, nababaliw na yata ako.
Natapos ang practice ng matiwasay at maaga pa kaya naman naisipan ko na mag-shower muna.
Pagkalabas ko ng shower room ay tumambad sa akin ang mga kaibigan kong nag-aayos na para mag-shower at si Chris na paalis na dahil sabay kaming natapos.
"Aba ka fresh uy! iyan ba talaga epekto ni fafa Harold" sabi ni Maggy na nagpupunas pa ng pawis. Na-ikwento ko na kasi sa kanila about sa amin ni Harold hahahaha yeah sa amin hehehe.
"Hahahaha inlove na yata ako sa kaniya" bigla kong nasabi na ikinatigil nila, kaya tinignan ko sila.
"Really? Ahm I mean wow just good luck" sagot naman ni Chinie na mag-sha-shower na. Tumango naman ako sa kaniya bago pa siya pumasok sa cubicle.
Nag-asaran pa muna kami at saka nagtawanan bago maghiwa hiwalay ng landas.
"Makapag-shower na nga tara Chinie sabay na tayo hahaha" sabi ni Maggy kay Chinie na nagsisimula ng mag-shower.
"Hahaha sira" sagot naman ni Chinie habang nasa loob ng cubicle.
"Manahimik ka nga Maggy ikaw na nga lang nakiki-shower sa shower room ng girls eh mang boboso ka pa" sabat naman ni Chris.
"Alangang ikaw isabay ko teh" pangbabara naman sa kaniya ni Maggy.
"Hahahaha manahimik na nga kayo sige bahala na kayo ikaw Misaki ingat ka" tumatawang sabi ni Chinie habang nasa loob ng cubicle.
"Hahahaha sige guys una na ako kitameets na lang bukas mwa" nakangiti ko rin na sabi sa kanila bago lumabas ng shower room at pumunta na sa parking lot.
"Misaki."
Napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin at saka ko nilingon ito.
"Oh Harold?"
"Ayain sana kitang mag-dinner bago umuwi since 5pm pa lang naman."
"Ah eh may service kasi ako eh for sure naghihintay na si kuya Philip."
"Ahm pinaalam na kita at tinawagan niya si Manang Sol at Miyuki pumayag naman sila basta ihahatid lang daw kita pauwi."
"Ha seryoso ka ba?"
"Hahaha mukha ba akong nag-jo-joke? Ikaw talaga haha" sabi niya at saka ginulo ang buhok ko.
Hoy Harold tumigil ka nga sa the moves mo, ma-i-inlove ako lalo sa iyo ano ba! Mahirap kaya mag-move on lalo pa na hanggang kaibigan or kapatid mo lang ako huhuhuhu.
Pumayag na lang ako sa gusto niya kay sa naman umayaw pa ako eh ako na nga inaaya ni crush tapos choosy pa hahahahaha. Nagkukwentuhan kami habang naglalakad papunta sa kotse niya.
At nang makarating kami sa parking lot, dumiretso naman kami sa kotse niya. Iginiya niya ako sa front seat ng kotse niya. Grabe first time kong sumakay sa kotse niya hahahahaha I'm so lucky.
Nagkukwentuhan kami habang nagmamaneho siya papunta sa restaurant na kakaninan namin.
"Nandito na tayo" sabi niya pa at saka bumaba at inalalayan ako pababa ng kotse niya.
Dito rin kami kumain ni Trevor nung nakaraan sa seafood restaurant.
Um-order na kami at saka kumain habang nagkukwentuhan.
"So tell me kailan pa kayo naging magkaibigan ni Chinie?"
"Uhm since first year high school pa tapos sila Maggy at Chris naman ay nung grade 11."
"Ahh. Bali pinaka-bestfriend mo si Chinie?"
"Yes. Siya ang pinakaclose ko sobrang bait niya at wala akong masabi lagi niyang pinapakinggan lahat ng hinaing ko sa buhay"
"Ah talaga?"
"Teka akala ko ba close kayo ni Chinie?"
"Sa totoo lang hindi gaano unlike sa atin na sobrang close" nakangiti niyang sabi.
Nagkuwentuhan pa kami at puro si Chinie lang ang laman ng usapan namin feeling ko tuloy pina-plastic namin siya.
Pagkatapos namin mag-dinner ay hinatid na niya ako sa bahay at umuwi na siya.
Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Nakatitig ako ngayon sa kisame habang binabalikan ang masasayang alaala namin ni Harold kanina hay jusko baka mapuyat nanaman ako, see you on my dreams na lang crush hihihi.
**KINABUKASAN**
Kasama ko si Chris at Chinie ngayon dahil may practice raw kami ng sayaw habang si Maggy naman ay nag-o-organize ng event.
"1,2,3,4,5,6,7,8 o pak ang galing mo talaga Misaki sumayaw" papuri ni Naomi ang choreographer namin.
Napangiti ako sa kanila at saka nag-ayos na.
"Okay sasabihan ko na lang kayo kapag may practice na ulit" dagdag pa niya.
Tumango naman kaming lahat at saka nagbihis na.
"Ah grabe nakakapagod" sabi ni Chinie habang nagpupunas siya ng pawis.
"Tara chill tayo" sabi naman ni Chris.
"Ha? Saan naman tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya.
"Sa mall lang maaga pa naman eh" sabi pa niya.
"Tamang tama bumili na rin tayo ng gown na isusuot natin sa party" sabi ni Chinie kaya napa oo kami ni Chris.
Sinundo namin si Maggy at kakatapos lang din niya mag organize kaya inaya namin siya gumala at sumama naman siya sa amin mag-mall.
"Mas bagay sa iyo 'to teh" sabi ni Maggy kay Chris na halos lunurin na ng lupa dahil hiyang hiya siyang magsuot ng magagarbong gown. Sanay siya ng simple lang ang suot.
"Sobrang seductive naman niyan Maggy ayoko niyan ipili mo pa ako ng iba" pangungulit pa ni Chris kanina pa sila sukat ng sukat dahil sa hindi sila magkasundo sa kung ano ang susuotin ni Chris.
"Eh paano kasi bakla ka ang dami mong arte gigil ako sayo eh no heto try mo 'to naku kapag ito hindi mo pa nagustuhan mag tuxedo ka na lang" inis na talagang sabi ni Maggy kaya natawa kami ni Chinie dahil ang kulit ng dalawang ito.
Wala namang nagawa pa si Chris kaya sinukat niya ang inabot sa kaniya ni Maggy.
Nandito kami ngayon sa Monica boutique isa sa mga sikat at mamahaling gowns. Pumipili lang kami ng isusuot namin para sa pagkanta namin ni Chris. Pumili naman si Chinie ng kaniya at ganoon din ako. Sabi kasi sa akin ni Miyuki nagpa-deliver na siya ng isusuot namin sa party kaya no problem.