11: Princess of the night

2168 Words
Nagbihis na ako ng gown ko na color ash gray at parehas kay Miyuki na off shoulder. Lumabas na ako at nakita ko ang mga students na kumakain na kaya pumunta ako sa table namin at saka kumain na rin. "Grabe kayo mga sis ha ang gagaling niyo" panimulang bati ni Maggy sa aming tatlo kaya naman napangiti kami. "Ang ganda mo ngayon Misaki" bati naman sa akin ni Harold kaya napa 'ehem' naman ang lahat at saka nagtawanan. Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya nagpaalam muna ako at ganoon din si Maggy dahil may gagawin pa raw siya. Habang nasa comfort room ako ay nag-iisip ako kung paano ba ako aamin kay Harold hays bahala na nga. Pagkalabas ko ng cr naglakad ako pabalik sa table namin at sa hindi ko inaasahan ay may nabangga akong lalaki. Muntik na akong matumba pero nasalo niya naman agad ako. Napatingin ako sa kaniya at nagulat ako ng makita siya. "Mr. Timothy?" gulat kong tanong at saka umayos na ako ng tayo. "Are you alright?" nakangiti niyang tanong at saka inalalayan ako. Nahihiya man ay napatango na lang ako. "Ahm thank you po" sabi ko at saka tumalikod na pero pagharap ko sakto naman na tumugtog ang slow dance kaya nagsayawan ang mga mag-pa-partner sa tapat ko at hindi ko namalayan na mukha pala akong tanga. Dadaan ba ako o tutunganga? Panira ako ng momentum dahil kapansin pansin ako na nasa gitna. Habang nag-iisip biglang may nagsalita sa likod ko. "If you don't mind can I have a dance with you?" sabi ni Mr. Timothy na nasa likod ko pa pala siya. Humarap ako sa kaniya at saka tinitigan siya. Aarte pa ba ako? Siyempre hindi na kaya kinuha ko ang kamay niya na nakalahad sa akin at saka ipinatong ang kamay ko sa mga balikat niya at siya naman sa baywang ko. Nagsimulang patugtugin ang solemn na kanta. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil nahihiya talaga ako dahil sa nakasayaw ko si Mr. Timothy ngayong gabi at siya ang first dance ko. Nakatingin lang ako sa dibdib niya habang sumasabay sa tugtog. "Grabe? Nahihiya ka ba sa akin at hindi mo ako matitigan?" narinig kong tanong niya. Napaangat naman ako ng tingin at saka tinitigan siyang nakangiti. Para naman akong nanlambot dahil sa gwapong nilalang na kaharap ko ngayon. Mas guwapo siya kay sa kay Trevor dahil mukha pa lang niya gentleman na unlike kay Trevor na sa tingin mo pa lang siraulo na. Napailing na lang ako sa naisip ko bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon. "Okay ka lang ba?" tanong pa niya. "Ah hindi lang po ako komportable na makasayaw kayo Mr. Timothy." "Hahahaha, wag mo na akong tawaging Mr. para naman akong matanda eh" sabi niya na natawa pa kaya natawa na rin ako. "Ah oh sige Tim na lang itatawag ko sayo Mr" sabi ko at saka ngumiti. "May Mr. pa rin." "Sabi ko nga Tim" sabi ko pa at saka kami nagtawanang dalawa. Nagkuwentuhan lang kaming dalawa habang nagtatawanan. Pinupuri niya ako sa pagsayaw ko kanina pati sa pag kanta. Nang matapos ang kanta ay nag-thank you kami sa isa't isa at nagulat ako dahil nakatingin na sa amin ang mga students pati mga teacher at lalo na si Trevor na nakaupo lang. Shocks nakakahiya. Inihatid pa ako ni Tim sa table namin pero pagdating doon si Chris at Maggy lang ang nadatnan ko. "Ano yun sis? Ikaw ang first dance ni fafa Timothy ah" pang-aasar sa akin ni Maggy at saka sila nagtawanan ni Chris. "Sumayaw na nga lang kayong dalawa diyan, eh teka na saan pala sila Chinie at Harold?" pagtatanong ko. "Ewan hindi namin napansin sumayaw kasi kami kanina ni Maggy pero umalis din kami sa dance floor dahil nakakahiya naman sa inyo" pang-aasar pa ni Chris at nagtawanan nanaman sila. "Ay wait. Parang nakita ko si Harold kanina na pumunta sa garden pero si Chinie? Hindi ko knows kung saan nagsususuot ang babaeng yon" sabi ni Maggy. Nabuhayan naman ako sa sinabi niya knowing na nag-iisa lang panigurado ngayon si Harold. Nagpaalam na muna ako sa kanila na magpapahangin lang at saka dumiretso sa garden ng school. Habang papunta roon kinakabahan ako at the same nag-iisip kung anong sasabihin ko o paano ko ba sisimulan. Nang marating ko na ang garden laking tuwa ko dahil nakita ko si Harold na nakaupo at nag-iisa, at napansin kong may hawak siyang isang red rose. Kumabog lalo ng mabilis ang dibdib ko. Lalapit na sana ako sa kaniya nang biglang may babaeng dumating kaya nagtago ako sa mga halamanan at tinitigan sila. Napahawak ako sa aking bibig nang malaman ko kung sino ito. "Chinie?" Kinakabahan man ay nilakasan ko ang aking loob na panuorin sila. Nagngitian silang dalawa at saka iniabot ni Harold ang isang red rose kay Chinie na agad din namang tinanggap na may matatamis na ngiti sa kaniyang mga labi. "Bakit mo ba ako pinapunta rito?" tanong ni Chinie. Umayos naman ng tayo si Harold at saka naghanda. "Ahm Chinie, simula pa lang nung una tayong magkita naramdaman ko na na gusto kita" pag-amin ni Harold sa kaniya. Parang tinarak naman ang puso ko ng isang beses. Oo isang beses lang muna, dahil sa narinig ko. Pinagmasdan ko si Chinie na nakatulala at halatang nagulat. Kaibigan kita Chinie at alam ko na hindi mo ako tatablahin. "May gusto rin ako sa iyo Harold" pag-amin niya rin kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi umiyak. Napaatras pa ako at may nasagi pa akong halaman kaya gumalaw ito. Natigilan sila sa pagtataksil sa akin ng makitang gumalaw ito. "May tao ba diyan?" Tanong pa ni Harold. Hindi nila ako makita dahil bukod sa matataas ang mga halaman dito ay may mga puno rin kaya bago pa sila makalapit, umalis na ako papalayo sa kanila at nakita ko na lamang ang sarili ko na nasa labas na ng school. Dahan-dahan akong naglakad at saka umupo sa gilid ng kalsada. Hinawakan ko ang pisngi ko na basa na dahil sa luha. Ang sakit pala maloko. Hindi porkit hindi naging kami ni Harold hindi na pangloloko ang ginawa nila sa akin. Niloko ako ni Chinie pinaasa naman ni Harold. Huhuhuhu. Umiiyak ako na parang bata habang nakasalampak sa gilid ng kalsada. Malakas ang loob ko dahil wala naman masiyadong tao rito at saka madilim. Hindi ko na inisip na may kikidnap sa akin gaya nung nakaraan dahil kapag malungkot ka nagiging matapang kang pumunta sa mga delikadong lugar. Habang nag-da-drama ako ay may nasinghot akong usok. "*cough*cough* ugh..pwe." Hindi lang basta usok kundi usok ng sigarilyo? Napatingin ako sa kaliwa ko kung saan nanggagaling ang usok at nakita ko ang isang nilalang na nakatayo habang pinagmamasdan ako. "Trevor?" Aninag ko sa kaniya. "Para kang tanga" sabi niya at saka humithit sa sigarilyo. Ano raw? Tanga? Ako? Oo sa pag-ibig huhuhuhu. Pero sinabihan niya pa rin ako ng tanga. "Hoy, panira ka ng pag-da-drama ko at bakit kaba nandito sinusundan mo ako ano?" sigaw ko sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya at saka humithit at bago magsalita ibinuga niya muna sa akin ang usok. Napaubo naman ako at saka iwinasiwas ang mga kamay ko sa ere habang tinataboy ang usok. "Ano ba Trevor *cough*cough* papatayin mo ba ako? Isa kang sunog baga man kaya wag mo akong gawing second hand *cough*cough* ang unethical mo talaga hindi ka ba naturuan ng proper etiquette?" inis na sigaw ko sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko at saka tinitigan ako bago magsalita. "Bakit ikaw ba? Naturuan ka rin ba ng proper etiquette? hindi mo nga ako iginagalang. Tapos tignan mo nga ang sarili mo. Naka-gown ka tapos nakasalampak ka rito sa kalsada saka tignan mo ang itsura mo mukha kang mangkukulam" mahabang litanya niya habang titig na titig sa akin. Hinampas ko siya sa braso bago magsalita. "Hoy napaka judgemental mo ha!saka bakit ka rin sumalampak kita mong ang formal ng suot mo." "Eh hindi ba sabi mo wala akong etiquette edi tototohanin ko na" sabi niya at saka pinatay ang baga ng sigarilyo niya. Natawa naman ako sa sinabi niya saka pinaghahampas siya habang tumatawa. "HAHAHAHAHA GRABE KA TREVOR HAHAHAHAHAHA GRABE ISA KANG MALAKING MALIGNO" walang humpay kong tawa sa kaniya. "Ano ba tumigil ka nga kanina lang para kang aso na umiiyak ngayon naman para kang witch kung makatawa" pang-aasar na sabi niya sa akin at saka tumayo na at pinagpag ang kaniyang puwetan. "Hoy aso na nga witch pa?" "Manahimik ka na nga baka hanapin na ako sa loob bahala ka diyan" sabi niya saka dumukot sa bulsa at may iniabot sa akin na panyo bago umalis. Hahaha! Ibang klase itong lalaking ito. Naglakad na ako papasok at bago pumasok sa venue pumunta muna ako ng cr at halos mapasigaw ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin. Kalat kalat ang make up ko at para akong sinapak. Mabuti na lang at maayos pa rin ang buhok ko mukha ko na lang ang hindi. Naalala ko yung nangyari kanina. Napahawak ako sa bibig ko. O shocks! Hala! Nakakahiya! Ganito ang itsura ko habang kasama si Trevor omagaaaaaas! Dali dali kong binasa ang panyo na binigay niya saka pinunasan ang mukha ko. Paglabas ko ng cr dumiretso agad ako sa mga PA ko saka nagpaayos ng konti. Nang makaupo ako sa table namin nakita kong bumalik na rin sila Chinie at Harold. "Oh Misaki saan ka galing?" tanong ni Harold sa akin. Tinitigan ko muna siya bago sumagot. "Ah diyan lang" mapaklang sabi ko at saka umiwas ng tingin mahirap na baka maluha pa ako. Nagtatawanan naman sila Chris at Maggy at halatang nagkakapikunan. "Ang tigas nga ng katawan mong sumayaw mukha kang butete" sabi ni Chris. "Ikaw nga mukha kang tingting na tumatalon habang suot mo ang gown na yan eh" banat naman ni Maggy kaya nagtawanan sila at saka naghampasan. Mga siraulo. Si Chinie, Harold at ako ay tahimik lang na nakamasid kila Maggy at Chris pero sila nakangiti samantalang ako halos sumayad na ang nguso ko. Masaya pa ang dalawang taksil tsk. Kaagad namang nagpunta si Maggy sa stage at nag-announce na. "Okay sisirain ko muna ang momentum niyo stop muna sa sayawan" announced ni Maggy nang patayin ang sounds napa 'ehh' naman ang mga tao dahil naputol ang kanilang kasiyahan. "Huwag kayong mag-alala marami pa kayong oras mamaya dahil ngayon ito na ang ating pinakahihintay ang King of the night and Queen of the night" malakas na sabi ni Maggy kaya nagtilian naman ang lahat. May iniabot na kay Maggy na result base sa mga pinili ng mga matataas ang katungkulan dito sa University. Kaagad niya itong binuksan at nakita ko sa mukha niya na nagulat siya at tumingin sa akin pero hindi niya ipinahalata. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan sa tingin niyang iyon. "The King of the night is Mr. Harold Lavril" announced niya at nagpalakpakan naman ang mga tao na may kasamang hiyawan. "And the Queen of the night is..." tumingin pa muna sa akin saglit si Maggy bago magsalita. "Chinie Lee" announced niya. Nagpalakpakan naman ang lahat ng tao pero except ako. Bakit sa dinami rami ng tao na um-attend dito bakit sila pa? Talaga bang sinasaktan ako ng tadhana? Masaya silang nakatayo ngayon sa entablado habang tinatanggap ang kanilang parangal. Sinuotan sila ng crown at kapa habang may bouquet of flowers din na binigay kay Chinie. Matapos iyon ay pinaupo sila sa mismong upuan ng King and Queen sa kabilang stage na napapalibutan ng magagandang palamuti. Hindi na ako tumingin sa kanila at tumingin na lang kay Maggy na nagsasalita ngayon at ang tangi ko lang naintindihan ay. "May pa-surprise ang ating school at ngayon lang nangyari ito sa mga nagdaang party at ito ay ang mamimili ang dalawang anak ni Dean na sina Mr. Trevor Davinson at Mr. Timothy Davinson nang isang pinakamagandang babae ngayong gabi so ano pa hinihintay niyo girls? Umuwi na kayo at huwag ng umasa dahil panigurado ako ito" masayang sabi ni Maggy Nagtilian naman ang mga babae samantalang ang ibang lalaki naman ay tumawa sa biro ni Maggy. Tumayo sila Trevor at Tim saka may iniabot na tig isang papel kay Maggy kung saan naka sulat ang pangalan ng dalawang babae na napili nila. Bumaba naman sila Trevor sa stage at saka tumayo sa baba habang hinihintay na sabihin ni Maggy ang pangalan ng dalawang babae. Nagkaroon ng katahimikan ang lahat habang hinihintay ang sasabihin ni Maggy. Dahan-dahan pa itong binuksan ng sabay ni Maggy at nagulat sa nabasa niya. Tumingin muna siya sa lahat pati sa akin at kay Chris. "Hindi ako makapaniwala" sabi ni Maggy. May ibang nagsabi na sabihin na kung sino ang mga iyan pero agad napatahimik sa sinabi ni Maggy. "Hindi siya sila dahil siya ay iisa" dagdag pa ni Maggy. Tumingin ako kila Trevor at Tim na nagtinginan. Ibig sabihin iisa sila ng napili? "Let us call the princess of the night" masayang sabi ni Maggy ngayon unlike kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD