Matapos ay nagtungo naman kami sa damit pang lalaki para kay Maggy. Bawal kasi ang mag crossed dress kahit sa uniform.
Matapos ang pag-sho-shopping namin ay nagpunta naman kami sa Quantum at doon naglaro ng kung anu-ano.
"Hahahaha si Misaki wala man lamang nakuha maski isa hahahaha" pang-aasar ni Chinie sa akin.
Nakasimangot ako ngayon dahil naka 1,000 pesos na ako pero wala pa rin akong napanalunan samantalang si Chinie may bitbit na siyang malaking teddy bear tapos si Chris naman headphones and last si Maggy na may mga color pen mahilig kasi siya mag-lettering.
"Okay lang iyan marami pang araw na makakakuha ka rin" sabi naman ni Chris.
Pinagtawanan nila akong tatlo hanggang sa makauwi na kami sa sari sarili naming mga bahay.
Hays nakakapagod. Sunday na bukas at nag-aya si Harold magsimba kaya kailangan kong matulog ng umaga.
**KINABUKASAN**
Matapos ang simba namin ni Harold ay gumala kaming dalawa.
"Anong gusto mong kainin?" tanong pa niya kaya pinili kong kumain sa Japanese food basta kahit saan basta kasama siya huhuhubels hahahahaha.
Pagkatapos namin kumain ay nag videoke naman kami sa Quantum. Ang panget nga lang ng boses niya hahahaha joke!
"Ayoko ng kumanta ikaw naman" sabi niya na nahihiya. Kakatapos niya lang kantahin ang spolarium by eraserhead kaya turn ko naman.
Pumili ako ng kanta at kinanta ko ito sa harap niya.
Habang nag-pi-play ay nakatingin lang ako kay Harold na nakatingin din sa akin.
Naalala ko pa nung una ko siyang makita, para akong tanga no'n na amaze na amaze sa kaniya.
Sa kanta ko na lang ilalabas ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Nang matapos ang kanta ay pinalakpakan niya ako ng bongga at tumayo pa ito habang nagsasalita.
"Grabe ang ganda talaga ng boses mo, pinabilib mo ako hehe" ngiting ngiti niyang sambit.
"Salamat" sabi ko pero sa loob loob ko sana naramdaman niya na may gusto ako sa kaniya.
Nang makauwi ay agad akong humiga sa kama.
Buo na ang desisyon ko. Aamin na ako kay Harold sa acquaintance party namin.
After two weeks...
**ACQUAINTANCE PARTY**
Naka blue ball gown na off shoulder ngayon si Miyuki at naka curl ang straight niyang buhok. Samantalang ako naman ay nakapalda na maiksi na parang pang highschool pero color red ito samantalang ang pang itaas ko naman ay long sleeve na black pero pa-citru ang style bali para lang akong nakatube bahala kayo diyan, tapos naka-boots na bago magtuhod lang at may heels na kaunti. Naka-bun naman ang buhok ko sa tuktok ng ulo ko at saka nilagyan ako ng bangs sa harap fake lang then naka curl ang natitira kong buhok sa baba.
Hinatid kami ngayon ni kuya Philip sa school namin dahil doon ang venue at may mga kasama rin kaming taga-ayos ni Miyuki at taga dala ng mga gamit ko. Hayahay si Miyuki dahil wala naman siyang ginawa kundi ang um-attend lang.
Nang makarating kami sa venue ay marami rami na rin ang students kaya mayamaya lang ay paniguradong magsisimula na.
Dumiretso agad ako sa back stage kasama ang mga PA ko samantalang si Miyuki naman ay pumunta na sa mga kaibigan niya. Pagdating ko sa back stage ay ako na lang pala ang hinihintay, kaya nag-ready na kami. Nakasilip ako ngayon sa backstage dahil nagsisimula ng magsalita si Maggy.
"Good evening Ladies and Gentlemen my name is Mark Gio Ferrer and I am your emcee for this evening so enjooooy, but wait bago tayo magsimula nais ko lamang ipakilala sa inyo ang Dean so lets welcome Mr. Thomas Davinson" masiglang sabi ni Maggy.
Naghiyawan naman ang mga students at saka nagpalakpakan.
Pumasok naman si Mr. Davinson at saka humawak ng mic at nagsalita.
"Good evening students ang masasabi ko lang ay mag-aral kayong mabuti at itong gabi na ito para sa inyo ito, to reduce your stress, so sana mag-enjoy kayo, thank you" nakangiting sabi ni Dean kaya naghiyawan agad ang mga students.
Nagsalita agad si Maggy na nakapagpahiyaw sa mga students na nakapagpakabog naman sa dibdib ko.
"Pero siyempre hindi mag-uumpisa ang gabi na ito kapag wala ang dalawang nagguwagwapuhang anak ni Mr. Dean kaya ano pang hinihintay natin girls lets welcomeeee Mr. Trevor Davinson and Mr. Timothy Davinson" naghiyawan ang mga students at saka inaabangan ang pagdating ng dalawa sa katabi ng stage na nahaharangan ng makapal na kurtina. bali kahit nasa backstage kami ay hindi pa rin namin sila makikita. Palabas na sana sila ng may kumalabit sa akin.
"Huy, Misaki mag-ready na raw tayo dahil susunod na tayo" sabi ni Chris at napalingon ako sa kanila na naka-ready na at sinasabihan na ni Naomi.
Kasabay ng hiyawan ng students sa labas ay ang pag cheers din namin sa aming mga sarili.
"Go girls" kindat pa ni Naomi. Masaya sila at excited na samantalang kinakabahan naman ako ewan ko ba kung bakit.
"Misaki okay ka lang ba? Kanina ka pa balisa diyan?" nag-aalalang tanong ni Chinie pero nginitian ko lang siya na nagsasabing okay lang ako.
Whoooh grabe ngayon lang ako kinabahan ng ganito, at isa pa ngayon ako aamin kay Harold.
Wala na akong naintindihan pa sa sinabi ni Maggy kundi ang pag welcome niya sa amin.
Pumasok na kami sa stage at kinakabahan talaga ako shet. Hinawakan naman ni Chinie ang kamay ko at nag-aalalang tumitig sa akin nag okay sign lang ako saka huminga ng malalim kaya mo yan.
Nagsimula ng tumugtog ang kanta na sasayawin namin at ako ang nasa harap ngayon at nasa kanan ko naman si Chinie at lahat sila sa side niya ay nakablack samantalang sila Chris naman ay naka-red sa kaliwa ko.
Bago magsimula ang kanta ay napatingin ako kay Trevor na titig na titig sa akin ngayon. Ang gwapo niya ngayon. Grabe ngayon ko na lamang siya ulit nakita. Mas lalo siyang gumwapo dahil sa suot niya ngayon.
"Magsisimula na Misaki magfocus ka" rinig kong sabi ni Chris kaya bumalik ako sa realidad.
Sa mga oras na ito ay hindi na ako kinabahan pa dahil bumalik na ang dati kong ako kapag sumasayaw kaya naman taas noo akong tumitig sa mga audience maging kay Trevor na nasa harap ko ngayon.
Umupo naman silang lahat para bigyan ako ng chance na sumayaw mag-isa. Ramdam ko ang lahat ng pares ng mga matang nakatitig sa akin, maging si Trevor.
Nagpatuloy lang kami sa pag sayaw at pagkatapos namin sumayaw ay nagpalakpakan ang mga tao. Nakita ko naman si Trevor na nakatulala at hindi ko alam kung anong i-re-react ko sa kaniya. Nababaliw na siguro ito palagi nalang natutulala katulad nung nakaraan.
"Grabe umpisa pa lang ng party ang init na nag-enjoy ba kayo?" tanong ni Maggy sa mga students at nagsigawan naman sila at saka nagsigawan ng more.
"Nako ha! Doncha worry mga kabibels dahil marami pa kayong dapat abangan, so ano pang hinihintay natin? Let the party beginnnn" sabi ni Maggy. May mga nag-perform naman na at nag-prepare ako dahil sasayaw ulit ako solo nga lang.
Nakabihis ako ngayon ng sleeveless na gray na may glitters at medyo kita ang cleavege ko tapos croptop pa kaya kita naman ang pusod ko. Naka cycling ako habang nakashort na itim pero makapal sakto lang para hindi ako masilipan, habang nakapalda rin na gray pero parang pompoms ganon tapos may mga glitters din. Sinadya kasi ito ni Naomi dahil ito raw ang babagay sa sasayawin ko.
Tinawag na ako ni Maggy at nagsimula nang tumugtog ang kanta na sasayawin ko.
Habang sumasayaw ay nakikita ko ang bawat pares ng mga matang nakatingin sa akin pero hindi ko maiwasang hindi tumingin sa isang pares ng mata na nakatingin sa akin.
Si Trevor. Titig na titig siya sa akin at kitang kita sa mukha niya na namamangha siya kagaya ng iba. Sexy dance ang sinasayaw ko kaya naman halos marinig ko ang hiyawan ng mga lalaki.
Napangiti ako ng makita ko si Harold na nakangiti habang pinapanuod ako.
Nang matapos ay nag-bow ako sa kanila tapos pinalakpakan nila ako habang sumisigaw ng more.
"Whoo grabe hindi lang pala hot itong kaibigan ko hot din pag dating sa pagsayaw" sabi ni Maggy kaya nagtitilian ang lahat.
"Enough naman tayo sa mga maiinit na sayaw lets proceed to those people who has a beautiful voice lets welcome Christina Chen" pag-intro ni Maggy na pagpasok naman ni Chris.
Ang ganda niya. Bagay sa kaniya ang long gown na pink na pinili sa kaniya ni Maggy. Hindi seductive dahil balot na balot ang katawan niya pero hapit na hapit naman ang kaniyang katawan.
Namangha ang lahat ng tao sa kaniya dahil sa totoo lang napakaganda ng boses niya at isa pa babaeng babae ang boses niya. Bagay na bagay din sa kaniya ang kantang napili niya.
Nang matapos siyang kumanta ay nagpalakpakan ang lahat kasama ako. May mag-pe-perform pang isa kaya nagbihis na ako dahil last na perform ko na ito at pang last na rin ako.
"Grabe ang talented ng mga kaibigan ko hahaha. Kaibigan ko rin iyon so boys lumayo layo dahil lalaki rin siya" natatawang comment ni Maggy kaya natawa rin ang ilang students dahil sa pagiging joker niya.
Nakabihis ako ngayon ng cocktail dress na color peach at pa tube naman ito. Nang tawagin na ako ay kasabay nito ang pagtugtog ng kantang pinili ko.
Bago mag umpisa nakita ko pa sila Chinie, Chris at Harold na nakabihis na. Ang suot ni Chinie ay ang binili namin na lavander ball gown samantalang si Chris naman ay hindi na nagpalit dahil ayaw niya na raw mag gown samantalang si Harold naman ay napakagwapo niya sa suot niya. Tinitigan ko siya ng mabuti at ganoon din siya sa akin.
Nakatingin lang ako kay Harold ng diretso maging siya ay nakatingin lang din sa akin. Ngayong gabi handa na akong aminin sa kaniya ang totoong nararamdaman ko sa loob ng tatlong taon.