12: Sanitary pad

2577 Words
"Ms. Misaki Takishima" malakas na tawag niya sa akin at binigyan ako ng isang mapanuksong tingin. Ha? Ako? "Huy, Misaki tawag ka" sabi pa ni Chris habang ngiting ngiti. Naghiyawan ang lahat at hindi makapaniwala sa narinig ang iba ay nanghinayang at ang iba naman ay nainggit. Napatayo ako at saka dahan-dahang naglakad papalapit kila Tim na nakangiti habang si Trevor naman ay naka-fierce lang. Sarap sapakin ang mukha pero ako ang pinili. Pagkarating ko sa harap ng dalawa sabay nilang inilahad ang kanilang dalawang kamay kaya parehas ko itong tinanggap. Inalalayan naman nila ako paakyat at umupo kami sa sofa na mahaba yung saktong apat lang pero tatlo lang kami at higit sa lahat katabi namin sila Chinie at Harold na ngayon ay gulat din. Ako nga nagulat sa panloloko niyo eh. Charot! "Ngayon ay isasayaw ng King ang kaniyang Queen gano'n din ang dalawang prinsipe pero sa ngayon iisa lang ang puwedeng isayaw ng ating mahal na prinsesa" sabi ni Maggy habang nakangiti sa akin. "I will give you to my brother since naisayaw naman na kita kanina" nakangiting sabi ni Tim. What? Hindi ba puwedeng ikaw na lang ulit? Nagulat naman ako nang magsalita si Trevor sa harap ko. "Hoy babae ka nangangalay na ako" pang-aasar ni Trevor sa akin. Tinitigan ko siya ng masama pero hindi kami nakikita dahil natatakpan niya ako. Natawa lang sa amin si Tim dahil sa narinig. Shocks! nakakahiya ang lalaking ito. Tinanggap ko ang kamay niya at saka hinawakan siya ng mahigpit. Napakunot naman siya ng noo pero hindi na ako pinansin dahil bumaba na kami sa baba at nagsimula na kaming sumayaw. "Bakit ba kasi ako ang pinili mo kung susungitan mo lang ako?" plastic na ngiti ko sa kaniya. "Eh no choice eh ikaw lang naman kilala ko rito" inis niya ring sagot habang nakangiti rin ng plastic. "Nagagandahan ka lang sa akin." "Kaya nga no choice." Ngumuso ako sa kaniya at saka pahampas na inilagay ang aking dalawang kamay sa mga balikat niya pero hindi naman masiyadong malakas kasi maraming nanunuod. Bahagya ko pa siyang kinukurot kurot kaya napapa-aray siya pero nakangiti pa rin. Tinitigan niya ako ng masama at saka hinawakan ako sa baywang at hinatak papalapit sa kaniya. Magkalapit na ang mga mukha namin sa isa't isa. Nakarinig pa ako ng hiyawan ng mga taong nanunuod sa amin. "Huwag mo akong subukan" bulong pa niya sa akin habang titig na titig kami sa isa't isa. Sa gulat ko ay inapakan ko ang paa niya pero hindi naman halata dahil naka ball gown ako. Napangiti naman siya habang itinatago niya ang sakit na naramdaman niya. Niyakap niya ako nang mahigpit at saka inilapit ang mukha ko sa mukha niya na halos kaunting galaw na lang ay mahahalikan niya na ako. "Ang sakit n'on ah" nakangiti niyang sabi saka pinaikot ako. Mabuti na lang at marunong ako sumayaw dahil nakabuwelo ako dahil kung hindi baka na out of balance na ako. Pagkabalik ko sa kaniya agad naman akong kumapit nang mahigpit sa kaniya habang nakangiti at gano'n din siya sa akin. Magkatitigan kami ngayon at nararamdaman ko na may kuryente na lumalabas sa mga titigan namin. Magsasapakan na sana kami nang matapos na ang kanta at saka nag-announce si Maggy. Grabe hindi ko man lamang alam kung anong kanta yung tinugtog dahil sa gantihan namin ni Trevor. Pagkabalik namin sa upuan ay hindi na kami nag-imikan at nanuod lang kami sa mga sumasayaw na students. Matapos ang party ay nag-uwian na kami. Nanlalata akong pumasok sa school at damang dama ko ang mga titig sa akin ng mga college students. Grabe hindi makamove on nung friday pa ang party eh. "Grabe ang swerte niya." "Biruin mo dalawang anak ni dean." "Hays ang ganda naman kasi ni Misaki eh." Narinig kong sabi ng ilan kaya okay flip hair. "Malandi siya inakit niya yata yung dalawang anak ni dean eh." "Oo nga kita mo ba yun? Nakikipagtitigan pa siya kung ako yun mahihiya na ako." Napakunot naman ako ng noo at saka tinitigan ang dalawang babaeng nag-uusap. Napatahimik naman sila at saka nagmadaling umalis, pero bago pa sila makalayo ay nagsalita muna ako. "Narinig ko yung mga sinabi niyo mga impakta kayo" sigaw ko sa kanila. "Hays, akala nila magpapatalo ako" bulong ko sa sarili ko at saka mahigpit na hinawakan ang dalawang strap ng aking backpack at nagmartsa paalis pero nakita kong may nakaharang sa dinaraanan ko kaya nag-angat ako ng tingin. "Tim?" gulat kong tanong sa kaniya habang siya maman ay nakangiti sa akin bago magsalita. "Grabe ang war freak mo pala ha" sabi niya. "Eh bakit ba kasi ako ang pinili mo nung party?" pagtatanong ko sa kaniya. Napakamot naman siya sa ulo niya. "Obvious ba? Eh ikaw lang nakilala ko nung gabing yun kahit na nilalapitan ako ng iba" sabi niya sa akin. Ay hambog! parehas talaga sila ni Trevor. Mga walang hiya ako ang choice kapag no choice tss. Tinarayan ko siya at saka nilagpasan. Nagulat naman siya sa inasta ko kaya sinundan niya ako. "Hey, whats wrong? Are you mad?" tanong niya habang naglalakad ng paatras at ako naman ay paabante. Huminto ako saka tinignan siya ng masama. "Watashi ni hanashikakenaide!" (Don't talk to me!) iritable kong sagot sa kaniya. Nagulat naman siya sa sinabi ko at halatang hindi niya naintindihan kaya nilagpasan ko na siya. Hahabol pa sana siya nang may mga students na lumapit sa kaniya at nag-pa-picture. Whooh! Pagkarating ko sa park kumpleto na ang mga kaibigan ko at nagtatawanan pa sila. Nang makita nila ako kumaway agad sila pero nginusuan ko lang sila. "Ay init ng ulo teh may dalaw?" pagpuna agad ni Maggy. Sinamaan ko siya ng tingin bago nagsalita. "Yamete!" inis ko ring sabi sa kaniya. (stop it) "Naghahapon, mainit nga ang ulo" gatong pa ni Chris pero hindi ko sila pinansin at nagtinginan lang sila. Grabe ang init yata ng ulo ko ngayon? Hays naiinis ako kay Harold, Chinie at kay Trevor phew! Nadamay pa sila Maggy at Chris pati na rin si Tim, nakakahiya. Pero bilang pambawi ngumiti ako sa kanila. "Doncha worry okay lang ako, ililibre ko na lang kayo mamaya ng lunch" nakangiti kong sambit sa kanila. Nag-ngitian naman sila maliban lang kay Chinie na kanina pa pilit ang ngiti. Guilty ba siya? Tsk! Habang nasa klase nakatulala lang ako at iniisip ang mga nangyari. Nabato pa ako ng white board marker ni Miss Agane. "Ms.Takishima? Are you with us?" inis na tanong nito kaya napatingin naman ako sa paligid at lahat sila ay nakatingin sa akin. Napayuko na lang ako at saka nakinig kay Miss Agane hays batuhin ko siya ballpen diyan eh. Bakit ba ang init ng ulo ko kaasar. Lunch time na. Pagkarating ko sa canteen nakita ko na sila Maggy at Chris na ang daming in-order na pagkain at talagang sinulit ng dalawang ito ang panglilibre ko ah. Umupo kaagad ako at saka tinignan ang mga pagkain sa table. "Ihahanda ko na yung pagbitay ko sa inyong dalawa kaya kumain kayo ng marami ha?" sarkastikong sabi ko sa kanila kaya tumawa lang sila tapos ako naman ay pumunta na sa counter at binayaran ang order nila. "4,597 po" sabi ng cashier. Nanlaki naman ang mga mata ko at saka tinignan sila Maggy at Chris na kunwari walang narinig. Talaga itong dalawang ito! Naglabas ako ng pera sa wallet ko at saktong 5,000 ang pera ko. Binayad ko na ito at saka kinuha ang sukli kong 403 jusko allowance ko ng dalawang linggo yun kasama na ang mga project at kung ano-ano pang binabayaran. Bukod kasi sa mahal ang tuition dito mahal din ang pagkain. Bumalik ako sa table na nag-iisip jusko lunes pa lang ngayon at kakabigay lang sa akin ng allowance huhuhu. Kahit naman mayaman kami hindi kami sinasanay sa maraming pera, at isa pa ang mahal ng matrikula sa school na ito pero advance naman lahat ng learnings kaya okay lang. masasabi kong nasa 2,000 lang ang students na nag-aaral at lahat ay may mga may pera. Pagkaupo ko sa upuan magsasalita pa sana ako nang biglang may dalawang waiter na lumapit sa amin at saka iniabot ang pina-take out nila Maggy at Chris na chips, chocolate, candies and so on. Nanlaki ang mga mata ko sa dalawang ito grabe ang susugapa hmmp. Magsasalita na sana ulit ako kaso may sumingit. "Hey anong meron?" tanong ni Harold at kasama pa niya si Chinie. "Libre ni Misaki yung lunch" nakangiting sagot niya kay Harold. Kapal! hindi kayo kasali ro'n. "Gano'n ba? Can I join?" tanong pa ni Harold. Ngumiti lang ako at hindi na sila pinansin pa dahil umupo na rin naman na sila. Sa tabi ko si Harold at sa tabi niya naman si Chinie na katabi naman si Chris at si Maggy. Nagsimula ang kainan habang nagtatawanan sila maliban sa akin na isinusumpa sila Harold at Chinie na sana sumakit ang tiyan nila. Pagkatapos kumain nagulat naman ako dahil biglang sumakit ang tiyan ni Harold at Chinie. My gosh! May powers ako. "Uhm guys naparami yata ako ng kain inom lang ako gamot" sabi ni Harold na halatang nagpipigil. Ow shet itae mo na iyan. Pero nanahimik pa rin ako baka kasi tumubo yung sungay ko hahahahaha. "Ako rin feeling ko may dalaw na ako" sabi naman ni Chinie. Nagtinginan pa sila at saka nagkasundong sabay na pumunta ng clinic sows alam ko na ang ganiyang galawan kunwari pa kayo eh alam ko na hmmp. "Huy Misaki? Kanina kapa nakangisi diyan anong meron?" tanong ni Chris. Nagulat naman ako sa kaniya at napatingin sa kanilang dalawa na halatang iniisip na baliw na ako. "Hindi ako baliw" sabi ko na lang at saka tumayo na at umalis, pero bago pa ako makaalis narinig ko pa silang nagsalita. "Ang weird ngayon ni Misaki." "Oo nga." Pupunta na sana ako sa susunod kong klase pero nasalubong ko sila Jena at Asha mga ka blockmate ko. "Misaki, absent daw si Sir Jordan may sakit daw asawa" sabi ni Jena kaya napatango na lang ako sa kanila at saka umalis. Pumunta na lang ako sa garden at doon nagpalipas ng oras. Dito ko nakitang nagtaksil sila Harold at Chinie hmm. Inapakapakan ko ang mga damo na inapakan nila at saka pinagsisipa ang upuan na inupuan nila Harold at Chinie. Mabuti na lamang at walang tao rito dahil kung hindi iisipin nila na isa akong-- "Baliw." Nagulat ako sa nagsalita kaya napalingon ako sa likod ko. "Trevor? Ikaw nanaman sinusundan mo ako ano?" tanong ko sa kaniya kaya kumunot ang noo niya. "Bakit mo sinisipa iyang mga yan?" "Pakielam mo?" "May paki ako kasi anak ako ng may-ari at sinisira mo ang pagmamay-ari ko." pananakot pa niya kaya tumitig ako sa kaniya habang nakasimangot. "Bakayarou" sabi ko sa kaniya at katulad ng kapatid niya hindi niya rin ako naintindihan. Hahahaha sarap niyang pag-trip-an. May naisip ako hahaha bilang ganti dahil sa mga masasama niyang sinabi sa akin. "Baka na shitsumon ga arunda" nakangiti kong sabi sa kaniya kaya napakunot siya ng noo niya. "Baka iuna" ngiting ngiti ko pang sabi sa kaniya. Hahahaha nag-e-enjoy ako sa sinasabi ko sa kaniya. Tawa-tawa pa akong nilagpasan siya habang kunot ang mga noo niya pero napatigil ako nang biglang sumakit ang puson ko. "Arggh" paimpit na sigaw ko at saka napa-upo sa damuhan. Nagulat naman ako ng lumapit siya habang may pag-aalala sa kaniyang mukha. "Anong masakit sa iyo?" tanong pa niya pero hindi ako makasagot kaya nagulat ako ng buhatin niya ako at dinala sa clinic. Mabuti na lamang at wala ng masiyadong students dahil nagsisimula na ang kanikanilang mga klase at malapit lang sa garden ang clinic. Pagkapasok namin do'n sa clinic ay kaagad akong inasikaso ng Nurse at inihiga naman ako ni Trevor sa kama. Tinignan ang kalagayan ko ng Nurse at tinanong ng kung ano-ano at halatang walang maintindihan si Trevor dahil nakakunot lang ang noo niya. "May dalaw ka na miss at hindi mo alam kung kailan ka eksaktong dadatnan dahil irregular ka" pagpapaliwanag sa akin ng Nurse. "Miss may sanitary pad po ba kayo?" tanong ko pero napakamot naman siya ng ulo. "Naku, may student din kasing dinatnan kanina kaya naubos na at bukas pa ang deliver ng supplies dito sa clinic" paliwanag ng Nurse at halatang nahihiya siya kay Trevor. Nagpaalam naman ang nurse kaya naiwan kami ni Trevor. "Ano daw ba ang sakit mo?" napatitig naman ako kay Trevor. Sa isip-isip ko ay natawa ako hahaha seryoso? Wala siyang alam na nireregla kaming mga babae? Grabe hahaha nagpipigil ako ng tawa ko dahil baka mabatukan niya ako. "Huy, tinatanong kita at saka ano yung sanitary pad na kailangan mo? Saan makakabili?" tanong pa niya at bakas sa mukha niyang seryoso siya. Shet! I can't take this anymore HAHAHAHAHAHA magpigil ka Misaki. "Sa Convenience" pigil na tawa kong sagot sa kaniya at halos malamon ko na ang mga labi ko kakapigil ng tawa. "Sige bibili ako" napatingin naman ako sa kaniya at halatang seryoso nga siya shet natatawa na talaga ako pero biglang sumagi sa isip ko na wala na pala akong pera huhu. "Ahm Trevor wala na kasi akong pera pautang muna" mabait na sabi ko sa kaniya. Umayos naman siya ng tayo at saka nagsalita. "Ahm sige basta magpagaling ka" sabi niya pa bago lumabas ng clinic. Naiwan naman akong nakatulala at saka biglang tumawa ng tumawa. "HAHAHAHA! Shet I can't believe this HAHAHAHA" nababaliw kong sabi habang nakahawak sa tiyan at hinahampas ang mga unan. Napatigil naman ako nang biglang bumukas ang kurtina sa katabi ko bali kurtina lang ang pagitan at nakalimutan ko na may iba pa pa lang tao rito. "Misaki?" "Chinie?" Gulat na tanong namin sa isa't isa. "Bakit ka nandito? Saka bakit ka tumatawa? May sakit kaba?" tanong niya. Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya. "Ah dinatnan kasi ako ng red days" paliwanag ko pa. "Ah gano'n ba akala ko kasi kung sino. Nagising kasi ako sa ingay mo" sabi niya pa. Napaangat naman ako ng kilay hmm. "Ahm Chinie?" "Hmm?" "Wala ka bang sasabihin sa akin?" tanong ko sa kaniya. Napa-isip naman siya sa sinabi ko. Kapag sinabi mo sa akin ang totoo tatanggapin ko pero kapag nagsinungaling ka sa akin tatablahin kita. "Anong sasabihin?" "Yung sasabihin mo?" "Eh ano ngang sasabihin ko?" "Eh kung ano ang dapat mong sabihin." Bakas sa mukha ni Chinie na naiinis na siya. "Misaki ano ba iyon? May problema ka ba sa akin?" tanong pa niya. Oo mayroon! Bakit mo inagaw si Harold. "Ahm kasi yung hiniram mo sa aking libro nung nakaraan natapos mo na ba? Iniisip ko kasi na magkukuwento ka share mo naman" pagpapalusot ko sa kaniya. Nagtataka man siya sa akin pero nagsalita pa rin. "Ayos naman." Maya-maya lang ay biglang pumasok ang Nurse at saka may buhat na isang plastic galing sa Mercury Drug store. Halata sa mukha nito ang pagtataka at hindi makapaniwala. "Miss Takishima para raw po sa inyo ito" sabi ng Nurse at saka iniwan ang plastic sa tabi ko. Binuksan ko ito at laking gulat ko na ang daming sanitary pad na iba't ibang brand. May modess, charmee, those days and so on. Shet binili ba niya lahat ng klase? "Ano iyan?" usisa ni Chinie. "Ah wala" sabi ko na lang. Napaisip tuloy ako kung ano ang hitsura ngayon ni Trevor dahil panigurado kaya hindi siya mismo ang nag-abot sa akin ay dahil sa nag-uusok na ang ilong at tainga niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD